So ya never meant to hurt nobody
Well I think your full of it
‘Cause if ya realy really didn’t wanna hurt nobody
You wouldn’t slept with my best friend
And I bring insult to my injury
You weren’t a bit discrete
And while the world stood witness
To my embarrassment
You put a knife inside of me

How could you fall in love with him
How could you give your heart to him
Thought we’d grow old
As lovers
Together til’ the end
How could you fall
fall in love with him

Now I know we’ve had our, up and downs
And that I do admit
But sometimes lovers go astray
But you’ve made it permanent
Oh I can’t be there understanding
My heart’s just not that big ( no it ain’t, no it ain’t)
And I can take the pain
Of infidelity
But I can’t take you with him

Thought we’d grow old
As lovers
Together til’ the end
How could you fall
Fall in love with him

-With Him, BabyFace

Huwaw!

May blog pala ako.  Ito ang realization na bumulaga sa akin isang araw habang nakasakay ako sa MGE Taxi.  Siguro kung ang BLOG ay nahahawakan at nailalagay kung saan saan.. sa malamang.. hindi ko na alam kung saan ko to nilagay. Ganun din siguro ang mangyayari kung nakakalas ang iba’t-ibang parte ng katawan ko. Siguro sa araw araw na ginawa ng Diyos.. ganito to ang batuhan namin ng diyalogo sa aming bahay.

K: Mum, have you seen my ear?

N: Oh.. nakita ko lang yung kanan dyan sa tuktok ng tukador ah. San mo huling nilapag?

K: Eerr.. I think I’m missing one strand of pubic hair.

Utol ko: Ay ate.. nahiram ko.  Sorry.

K: Magpaalam ka naman! Last time yung uterus ko sumunod yung fallopian tube! Baket ba gamit ka ng gamit ng mga reproductive organs ko???!!

Blah..Blah.. Blah…

Mabuti na lang hindi ganito ang eksena at make up lang ang pinag aawayan namen ng utol ko. Matalino talaga ang Diyos.

Ok bye.. marami pa kong gagawin. Umeepal lang.

Sadako – EMOtera.

Isang araw sa loob ng aking silid ay nag-materialize si SADAKO.

S: Tuuuubiiiig…tuuuubiiiig… (gumagapang sa aking paanan, Sadako-style)

K [Inabot ang bote ng Absolute drinking water (Viva sana ang bibilhin ko pero mas naisip ko mas kontrobersyal ang ABSOLUTE)] Wui! Madumi dyan, gurl. Tayo ka dyan!

S: (Nakasalampak pa rin sa sahig habang inaabot ang bote ng mineral water at dali-dali itong nilagok ng walang ano-ano) Aaaah… shet. It’s been a while.

K: (Nagkamot ng ulo) Yosi, gusto mo?

S: Lights ako, mare. (Dahan-dahang tinuro ang kaha ng Marlboro Menthol) Menthol ka? No thanks. Magkaka sore-throat ako.

K: Eh hindi ka naman nagsasalita, sore throat ka dyan!

S: (Nalungkot) Sabagay. Hindi nga pala ako nagsasalita sa mga flicks ko. Sige, pa-menthol na nga.

K: (abot ng yosi at lighter sa kausap) Oh. Ayaw mo talaga tumayo dyan?

S: 9Dedma, abot ng yosi) Hiraaaaaaam… sa Diyoooos ang ating buhaaaay.. (Sindi ng lighter) …sinoooo ang paaag — SHET! (umusok at nangamoy buhok ang kwarto ko) Tangenang buhok ‘to! Lagi na lang!

K: (Nagbubugaw ng usok) Lalabas ka naman pala sa balon mo, hindi ka man lang nagpasabi.

S: (Dedma ulet) Let’s have some fuun.. this beat is sick.. I wanna take a ride on your disco sticcck. I wannna kissss you but–

K: (Nabigla) Wow! Idol mo rin si Lady Gaga?

S:  Aye, hardcore sya man!

K: OO asteg fashion statement nya.

S: (tumawa ng mahinhin) Hihi. Parehas kami ng suot na tangga, gurl.

K: Weh?! Wild!

S: Gusto mo makita? (unti-unting tinataas ang putikan na saya na may lumot lumot pa)

K: Huwag! (sigaw ko)

S: Ok (binaba nya) I’m your biggest faaaan.. I’ll follow you unti you love me… pappa.. pappa..

K & S: (in chorus) papparazziiiii! Yeah!

S: Wuhoooo! Ang luwang luwang sa labas ng balon! (tinaas ang dalawang kamay sa sobrang galak)

K: Wow, kasing haba ng buhok mo sa underarms yung buhok mo sa ulo)

S: (hithit ng yosi) Duh.  Ano sa tingin mo kung baket ang lago-lago ng buhok ko on-screen? Akala mo buhok sa ulo lan yun lahat? You’re so easy. Pantay-pantay yan lahat. Buhok sa kili kili , sa ilong, bigote at kilay. Ikaw na makulong sa balon. (sarcastic)

K:  Sorry naman. Sobrang boring nga siguro dun sa loob.

S: Aye. Pero steady lang may weed naman sa loob eh. Smoke lang ng shit, man.  I stopped using my phone since hindi naman naabot ng signal, Globe kasi yung line eh. SMART ka ba, dude?

K: Wow, my cellphone ka?  Lupet ah. (namamangha)

S: Ginagagago mo ba ko? (nagpagpag ng upos ng sigarilyo)

K: Hindi tsong.. nagulat talaga ako.  Saan ka nakakuha ng cellphone?

S: Duh, hindi ako pulubi. May magulang ako. Binubuksan nila yung balon occasionally. Kagaya ngayon, magpapasko na! I love Christmas! Fan ako ni Santa Claus!

K: Lupet ah.

S: True dat, foo.

K: On a serious note, alam mo hindi ko talaga maisip kung baket THE RING ang title ng pelikula mo. Wala naman akong nakitang singsing dun kahit isa.

S: (nag-isip saglit) Ako rin eh. Pero mas catchy na rin yung title na yun kesa naman THE WELL o kaya THE HAIR. Whatchatink?

K: Pero alam mo ah, with your emergence- astig nauso na yung mga ASIAN horror stories adaptation sa Hollywood. Bilib ako sa ‘yo. Isa ka nang historical icon.

S: Naman! (nagyayabang na tono) the hair, the move and all that. Hear-hear! Alam mo ba.. I just want to educate the people.. alam mo bang ang istorya ko ay inspired sa isang children hit song? In a very twisted way, that is. Hindi totoong nag-originate ako sa Japan.

K: Weh?! Totoo? (nagdududang boses)

S: Aba eh kung mahilig pala akong magbiro sana nag-comedy na lang ako! Pesteng buhay to.. ano patatapusin mo ba ko?

K: Sorry.. sorry. Sige go.

S: (nag ayos ng sarili) Eto yan.. makinig ka. Jacccck (nasamid) and Jiiilll (nakakatakot na boses, pabagal) went up the hill to fetch a pail of water… Jack fell down and broke his head and died the minute afteeeer..

K: (kinilabutan) Huy! Wag mo naman akong takutin.

S: Tonta! Hindi pa ako tapos..

K: (naiiyak) Sige go lang.

S: Aheeem.. San na nga ako?

K: Died the minute after. (pabulong)

S: Ok game. (inayos ulet ang sarili) Then up got Jill and weeeent to hill,  and drowned herself in laughter.  Huwag na natin isama yung la-la-la-la-la kasi masyadong masaya.  So Jack and Jill went up the hill, patay na si Jack nito (bulong nya) to fetch a pail of water, but Jack died there up the hill so Jill went home to Mother (pagtatapos nya)… tapos ayun nagalet sya sa akin tapos kinulong nya ko sa balon on the hill. Shet, gurl. Nae-emo ako.

K: (marahang tinapik sa balikat si Sadako) Sorry, gurl. I didn’t know. Di bale, sikat ka naman eh. At least db? Mas sikat ka naman ke Lady Gaga. Pa-picture naman. Remembrance lang, please.

S: Ok. Pero ayoko nang naka-peace sign ah. It’sss such a cliche.

K: Promise hindi.

S: Ayt. Bilisan mo gurl, I gotta bounce na rin.

K: Ok. Sige.. 1.. 2… 3

from freakynews.com

Eat your heart out, Lady Gaga! (image googled from freakynews.)

The Tale of The Three Brothers – (The Legend of Corruption)

There was once an old town, I don’t know where but probably in the Visayan region where tales of big tree like creatures exist.

Along with it,  there were speculations that the main existence of these creatures are connected with a powerful anting-anting that holds great wonders.  The town folks have tried different approaches and strategies to get hold of this anting anting but no one can get passed by this big tree guarded by a ginormous KAPRE.

And so here’s how  the three brothers get into the picture.  The first attempt to get the anting anting was made by the first brother but was not able to make his way back home. Few years had passed and still there was not a single sign of the first brother. In a desperate attempt to possess the said powerful anting-anting, the second brother journeyed to the woods but like what happened to the first one,  he was not able to come back home. The third brother waited in what seemed like an eternity until finally he decided to follow his two forgotten brothers, with the same longing to get hold of the powerful anting anting.

After three days of a quest full of perils, the third brother stood upfront a big oak tree and in it sat the mythical creature with its bloodshot raging eyes.

” I came here to defeat you,” the third brother said with all the courage left in his heart.  The monster mounted from the tree to take a closer look to his challenger. It was then that the third brother realized that the anting-anting was just dangling beneath the monster’s chest.  After what seemed like hours, they battled in the woods until finally the thrid brother succeeded in killing the monster.  In his hands, he got hold of the powerful anting-anting, his head drowning in the momentum of his victory. In an attempt to prove his glory, he planned to cut the head of the monstrous beast to take it with him.  As he cut the head of his opponent, a strange thing happened.  He shouted in agony as his body slowly transformed into the creature he just killed.

In a quick moment, he became the monster. The anting anting etched in his chest.. he crawled into his resting place.. waiting for the next challenger that will end his misery.

asd;kfhdlkjsagfasdlkgfasdlmbc.zXKbv;gsadigf[yorw[khfa’lkdsfh;asdkjbvzC><XMBvZXCKLF;eyt[weyirfaSJFC;ADLJGFALSKJDBVZCmxbVzcmbV;SAKDJGFAS;EYIT[EWQOUAS;LJF;LADHFKADS;KHFADL;KHF;ADSLHFKASD

-Kellie, naglilinis ng keyboard.

Sorry! :D

Nakakaloka.

U: Kellie.. Kellie.. pwede bang.. i-tag kita sa Facebok?

K: Huh? Sige lang.. may bayad ba yun?

U: Eh kaso gusto kita i-tag na IN A RELATIONSHIP eh.

K: Sige tag kita as feelingero. Ina ka.

U: Baket wala ba tayong relasyon? Friends naman tayo db?

K: Baket.. tanga ka ba? Mongoloid? O ingrone sa paa?

U: Grabe, ang sakit mo magsalita. Wala na.. masaya lang naman ako pag nakikita kita eh. Sana kahit sa Facebook lang magkatotoo ang aking mga pangarap.

K: Stalker! Pulubi! Feelingero! Magnanakaw!

U: Hoy, anong stalker, feelingero, magnanakaw! Tito mo ‘to gago. Baket ba walang sumasagot ng telepono sa bahay? Sabihin mo nga sa lola mo tatawag ako.

K: Hehe.  Next time papakilala po kayo pag nag-tetext kayo. Akala ko kasi kung sino na eh.

U: Next time.. wag kang mag rereply pag hindi mo kakilala nagte text sa yo. Hindi ka man lang nag HU U? Maluwang na talaga turnilyo mo sa utak.

K: Whatever. Tumawag ka na raw sabi ni lola.

U: Ok. Don’t text back!

Isang malupet na SIKRETO.

Lumaki ako sa kumbento.

JOKE!

Kung sino man ang naniniwala sa sinulat ko sa taas.. hindi ko kayo tunay na kaibigan. Hindi naman pang- telenovela ang buhay ko. At higit sa lahat hindi ako pulubi. At wala akong balak sundan ng pangalawang libro ang buhay ng pamilya Von Trap. (nasaan ka ng mga panahong pinilit ka ng Lola mo na panuorin ang THE SOUND OF MUSIC kahit na gusto mong maglaro ng jolens sa ilalim ng bahay nyo??)

Kanina habang nagla lunch sa cafeteria, isang bagong kaibigan ang nagtanong.. “Anong ginagawa mo tuwing weekends? Sa tingin ko kasi nanuood ka ng concert, nagba blog sa harapan ng Starbucks o di kaya ay nasa lugar na hip and cool.. where are all the cool people are.”

Patuloy lang ako sa pag ngasab ng wheat bread.. ng mga wheat bread at halaman na ipinabaon ng aking butihing inay. Ngumiti ako at napailing.

Salamat at mukha akong cool and all.

“Malabo ang sinasabi mo,” pagsisimula ko. “Hindi ako gumagala pag weekends. Sa bahay lang ako. Nagbe bake ng kung ano ano o kaya ay gumagawa ng mga bagay bagay out of junk.”

Sa pakiwari ko.. gusto nyang mahimatay. Nang magkasapul ang aming mga mata, parang gusto nyang sampalin ko sya nang napakalakas.  Ngunit, “Totoo??” yun lang ang kanyang nasabi.

‘Totoo.. I’m a scrapbook person.” sabi ko nang pabulong dahil baka magtatakbo palabas ng cafeteria ang mga katabi namin sa lamesa at magsisigaw ng “ABOMMMMIIIIINATIOOOOOOOOOOON!”

Grabe.

O, hindi ka rin naligaw ng blogsite.  Entry ko talaga ang binabasa mo. Matapos ng mga ibang kalokohan at kadramahan na naisulat ko sa aking “MY LITTLE SPACE IN THE WORLD” na kilala sa iba bilang blog spaces, ay malamang iisipin mo rin na hindi ako ang tipo na CRAFTY person. Pero nabanggit ko naman na ARTSY ako. Ang taong artsy kailangan marunong mag-scrap book lalo na kung tamad kang mag-drawing. Kung sasabihin ko pa ang ibang pinagkaka-abalahan ko sa tuwing dinadalaw ako nang pagkabagot ay malamang kitilin mo na ang buhay ko. Hindi ko na babanggitin ang aking epiko ng aking mga BAKING DISASTERS at baka ako mismo ang tumapos ng sarili kong buhay. Kahapon lang habang gumagawa ng aking paboritong vanilla cupcakes ay umusok ang pipitsuging mixer at napilitan akong haluin ang pinaghalo-halong ingredients ng 116 times hanggang sa tubuan ako ng kulani sa kili kili. Pumasok tuloy akong nakataas ang dalawang kamay habang nakasakay sa motor. Leche.

Sa aming bahay ay may maliit akong studio (ipo-post ko sana ang pictures pero hindi ako makakuha ng maayos na anggulo dahil sa peste kong braso. Nanginginig sa tuwing susubukan kong kumuha ng magandang anggulo. Kaya next time na lang. Kapag magaling na sa pasma. Para lang talaga akong nag thread mill nang nakadapa.)

Anyways, ang studio ko sa nasabing bahay ay maliit lang ngunit dito nagaganap ang lahat ng creative thinking. Minsan naisip ko, kailangan kong pumunta sa spot na ito ng aming bahay para makapag-isip ng maayos. Sa ibang lugar? Hindi ako inaabot ng signal. Weird. Dito at sa kubeta. Dito ako dinadalaw ng aking malikot na imahinasyon.

Pero nakakainis lang.. dahil ang nasabing istudyo ay malapit sa kusina. Kaya madalas kaysa minsan, ang paper cutter ko ay ginagamit pang-hiwa ng sitaw, kalabasa at repolyo. Nag-eenjoy ang nanay ko dito. Pare-parehas lang daw kasi ng sukat. Sa  mga mas malupit na araw.. ginagamit ito sa baking ng aking magaling na utol. Nakakaiyak.

Pero ganunpaman, kahit suntok sa buwan.. sa lahat ng mga bagay kasama ang aking personalidad.. AKO AY ISANG CRAFTY PERSON. ART ANGEL. SCRAP JUNKIE.. or whatever you call it.

at ako ay proud.. dahil…

Apo ako ng lolo ko. :)

Conversations with GOD.

DISCLAIMER: Some people might find this post blasphemous, please bear in mind that this post was created during the lowest point of my life and that this is simply my own opinion on how I converse with GOD on a very personal level.

——

Isang araw na malamig ay nananginip ako.

Sa aking panaginip kausap ko si God. Nakaupo kami sa isang malaking bato malapit sa pampang.

Sa aking panaginip.. naka two-piece ako.. at walang bilbil.

K: Look at this stuff.. isn’t it neat?? .Wouldn’t you think my collections complete.. wouldn’t you think I’m a girl.. a girl who has everything…

G:I’ve got gadgets and gizmos aplenty.. I’ve got blah.. blah.. blah.. galore.. blah.. blah thingamabop? I’ve got plenty.. but who cares? No big deal I want moooooooooreeeeeee…..

K: Yes, galeng!

G: Naman. Gusto mo lagyan kita ng buntot?

K: Green? Wag green God.. pwede gold?

G: Oba, gusto lagyan na rin kita ng hasang sa ilalim ng lalamunan mo? Hinihiritan mo ko eh. Diyos ako, remember?

K: Joke lang. Ito naman, sensitive.

G: Ako ang nag-imbento ng joke. Don’t humor me. I invented humor.

K: And sarcasm.

G: That too, homie.

K: Baket ako nandito ulet? (tanong kay God habang sinisipat ang flat tummy)

G: (tumingin sa aking tiyan) Oh, wag kang umasa na paggising mo eh flat pa rin yan. Panaginip ‘to anak. I also invented discipline, hardwork and torture.

K: (nalungkot) And Vicky Belo.  Di bale pag nagkapera ako ng marami magpapa tummy tuck ako.

G: Ipa-retoke mo na rin yang ilong mo. Tapos lip augmentation ka rin tapos pati yung cheekbones mo isama mo na rin. At microdermabrasion ka na rin. Magpa inject ka rin ng gluthathione kasi mas effective yun and while you’re at it magpa- mesotherapy ka na rin.

K: Wow. Ilan na po ba ang namatay sa pagpapa retoke ng ilong at parang marami-rami na rin ang na-intreview nyo?

G: (nalungkot) Ang totoo.. mas hahaba ang buhay mo kapag nagpa-retoke ka ng bagay bagay sa katawan mo. Secret lang naten to ah.. pero totoo yan.

K: Weh.. ang susunod na punchline po ba ay joke?

G: Anak, katulad nga ng sinasabi mo kadalasan.. matuto kang rumespeto ng moments. Pwede?

K: (tumango) Sorry. Ok. Go.

G: Thanks. (nagpagpag ng puting pantalon) Anyways, yun nga.. ang totoo hahaba talaga ang buhay mo dahil ( dumukwang sa kin para bumulong) pinapabalik sila ni San Pedro sa mundong ibabaw dahil hindi sila nakikilala pag-akyat sa taas.

K: (sumimangot) Nabasa ko na yan sa text.

G: Alam mo bang pag namatay ka ay hindi ka makakapasok sa kaharian ko?

K: (nagulat) Bakit po? Dahil po ba to sa mga ninakaw kong candies sa tindahan namen nung bata pa ako? Pinagsisihan ko naman po yun ng buong puso eh. Patawarin nyo na po ako.

G: Ano to? Batibot? Talagang wholesome ka na ngayon? Pwede ba Kellie, huwag mo akong linlangin. Diyos ako, remember?

K: Eh baket hindi po ako makakapasok sa kaharian nyo?

G: Simple lang. Dahil sa may hagdanan papasok ay nakabilad ang manok ni San Pedro. Gets?

K: God, pinapatawa nyo po ba ako ngayon dahil malungkot ako?

G: (tumahimik) Oo. Dahil mahal kita.

K:(na-touch) Nakaaaaanaaaaaaaaang… sweet. (sabay tingin kay God nang nakapikit) Pwede po bang mag-request? Pwede po bang i-dim nyo yung liwanag na lumalabas sa katawan nyo kasi nasisilaw ako?

G: Sabihin mo lang kung gusto mong hindi na makakita sa buhay mong ito at sa susunod mo pang buhay.

K: Joke!

G: Unfair ba kung sasabihin ko sa yo na ang bawat tao ay may sariling scriptwriters? Na bago ka ipinanganak sa mundong ito ay nakasulat na ang iskrip ng buhay mo?

K: Pwede po bang malaman kung sino yung sumulat nung sa akin?

G: (buntong hininga) Anak, seryoso ako. Kapag hindi ka sumagot ng maayos, isasarado ko ang lahat  ng butas sa katawan mo.

K: (umupo ng maayos) Ok. Game. Serious na ko. Kung sasabihin kong unfair, mababago pa ba ang script ng buhay ng lahat ng tao?

G: Yes or No lang ang sagot. Wag mong ilihis.

K: Yes, it’s unfair.

G: Kung naniniwala ka na ako ay all knowing at almighty bakit ipapabago mo sa akin ang script ng buhay ng ibang tao?

K: Kailangan ko bang makuntento sa sagot na dahil alam nyo ang lahat at kung ano ang makakabuti sa aming lahat kaya dapat ay tanggapin ko na ang lahat nang nangayayari ngayon ay nakatakda na?

G: See, I invented that.

K: Then what’s the point of inventing pride and ego kung nakakapagpasama lang sya sa lahat ng tao?

G: (looks directy in my eyes and smiled) because my child, I also invented ACCEPTANCE and FAITH. That’s the point.

K: You also invented DEATH. What’s the point of inventing ACCEPTANCE and FAITH if in the end, mamatay lang kaming lahat?

G: (pats my head) Kellie, my girl. In this world, people refer to it as DEATH, but in my world no such thing exists. In my eyes, I call it eternal peace. A time where you lay down my arms and rest peacefully away from all the sorrows of your mundane existence. It’s as simple as that.

K: Exactly. What’s the point of misery then? Baket kailangan maghirap ang lahat ng tao kung pwede naman na masaya at walang hirap the whole time?

G: What’s the point of eternal peace and sorrow free world if you have not known misery and hardships and pain? It’s like saying that you love a person when you have not known love at all.

K: Love is a very painful process.

G: (laughs) That’s why it is a poweful word, child. Love and pain, they are suppose to co-exist with each other. If you take them apart from each other, you will take away the sense of another. I did not invent love at all, I can’t really make you understand.

K: Hindi ako naniniwala. Hindi ako naniniwala na hindi mo inimbento ang love.

G: (smiles) It’s hard to invent oneself. I cannot invent myself. Maybe I am invented by someone supremely higher than me who knows Love in a deeper sense of the word.

K: Are you saying it’s possible that there’s someone up there more powerful than you?

G: There’s someone up here more powerful than you, isn’t there? You don’t have to understand everything, Kels. I am LOVE, you are created in the likeness of me. You can’t explain LOVE because you are LOVE.

K: (nagkamot ng ulo) If that is the case, who created the Japs, Germans and the Arabs?

G: (binatukan ako) Bawiin mo sinabi mo! Racist ka! I invented second chances because of LOVE! Kelan ba talaga kita makakausap ng maayos? Pati ibang lahi dinadamay mo!

K: (hinimas ang bumbunan) Sorry naman! Nag-iisnap kayo agad eh.

G: Ang lakas mo maka- high blood. Gumising ka na nga dyan! At male late ka na sa trabaho mo! 1..2..3…

At namulat akong may buntot na kulay green…..

Magic.

Date: 10 years ago

Location: Someone else’s garden, Baguio City.

Time:  Isang gabing umaambon, mahangin at malamig.

Characters: Ako at isang LONG LOST SOMEONE.

K: Bukas ba kelangan nasa airport ako pag hinatid ka? (tanong sabay tungga ng alak)

J: Ikaw kung gusto mo. Ok lang.

K: Weh. Kung ayaw ko ok lang din yun? (tawang parang baboy)

J: (nasamid kunwari) Ano ba talagang gusto mo? Ikaw nga. Palagi naman nasusunod gusto mo so kahit sabihin ka na sumama ka duuuuuuuun paluwas ng Manila para ihatid ako kung ayaw mo, ikaw pa rin masusunod. Di ba? (tingin sa kin, malungkot ang mata)

K: Sus! Sympre gusto ko kaya lang pilay ako eh. Sorry.

J: Oo nga tapos ang lakas lakas mo uminom. Akin na nga yan (sabay hablot ng bote saka nilapag malayo sa kin) Lasinggera!

K: (hinablot ang nanahimik na saklay sabay hinampas sa katabi) Ibalik mo!

J: Aray! (kinuha na ang saklay ko at nilapag sa tabi nya) You’re so stubborn. Baket ba naglalasing ka? Gabing gabi na ang likot likot mo. Sobrang kalikutan mo nadulas ka tuloy sa kweba. Tatanga tanga ka kasi.

K: (kinotongan ang katabi) Akin na nga yan! Uuwi na ko. (sabay tayo pero hinila ng katabi paupo)

J: Ihahatid kita, engot. Eh ang tanga tanga mo pa naman, babagal bagal ka pa maglakad kung nagmamaneho ako at nakita kita sa gilid ng kalsada, bubundulin kita.O! Eto na! Last na yan! (sabay abot ng bote ng beer)

K: Salamat, kuya! Eh teka nga pala.. nagpaalam ka na ba sa Fans Club mo? (lagok ulet ng alak kahit parang masama na ang pakiramdam ng sikmura)

J: Anong fans club pinagsasabi mo dyan? (tanong nya sabay yuko para hipuin ang bandage ng paa ko) Masakit pa rin? (tanong nya ulet nakatingin sa akin) Tanga  mo kasi! (pagkatapos ay biglang binitiwan ang paa ko at bigla akong kinabahan na baka humampas sa inuupan naming sementong hagdanan, nang hindi naman ako nasaktan ay bigla ko syang kinotongan)

K: Kapag hindi ako nakalakad ng isang taon, mumultuhin kita!

J: Huh? (narinig nya pero sa malamang gusto nyang ipaulit sa kin dahil walang logic sa sinabi ko)

K: Fans club mo? (iniba ko ang usapan) Gusto mong malaman? Sino pa? Eh di yung nanay ko, yung lola ko, yung tita ko, yung katulong ng kapitbahay nyo, si Kitty, yung isang buong liga ng team na babae sa volleyball na kaibigan lahat ng kuya ko.. (isip pa) yung mga tindera sa palengke ng Baguio, yung kapitbahay namin sa Maynila.. (isip pa ulet) at saka.. (ako? gusto kong sabihin pero nahiya na ako)

J: At saka? (tanong nya nakatingin sa kin, naghihintay ng susunod kong sasabihin)

K: (napalunok) Wala na akong maisip. Hehe.

J: (buntong hininga) Ang dami naman nun. Niloloko mo ko no? Gagu ka.

K: Ulul. Gusto mo lang sabihin ko na gwapo ka at matangkad at matalino at magaling mag basketball at kung ano ano pa. Fishing for compliments ka. (lagok ng bote ulet)

J:  At mayaman. At nag-aaral sa Brent. Nakalimutan mo. (nakangisi tapos biglang sumimangot)

K: At kulot! (tumawa ng malakas pero bigla nyang pinulupot ang kanyang braso sa balikat ko para takpan ang aking bibig)

J: Ang ingay mo! Kapag nagising ang lola ko papagalitan na naman ako nun sasabihin kung sino sino ang ini-entertain kong babae sa dis-oras ng gabi. Baket ba andito ka pa? Wala ka bang mga magulang? Tara na nga, ihahatid na kita sa inyo. (sabay kuha ng saklay ko at inalalayan ako patayo) Last na inum mo na to ah. Wag ka nang iinum ng beer sa harap ng ibang lalake maliban sa mga pinsan mo.

Naglalakad sa gilid ng kalsada sa kalagitnaan ng malamig at paambon-ambon na gabi. Mabagal na lakad dahil pilay ako.

J: Bakit ka ba pumunta ng ganitong oras ng gabi? Imbes na matutulog na ko, ihahatid pa kita. (naiinis na boses habang naglalakad sa kaliwang gilid ko) May sasabihin ka ba sa ken?

K: Pagpunta mo ba ng US, babalik ka pa dito? (tanong ko, kinakabahan)

J: (napatingin sya sa ken at saglit na napangiti) Ano naman kinalaman nun sa tanong ko?

K: (napangiti) Alam mo ang problema kasi pag kausap kita, kapag may tatanungin ako, sumasagot ka palagi ng patanong. (buntong hininga) Abnoy ka ba?

J: Ano?! (naiinis na pasigaw) Baket ako abnoy? Ikaw abnoy ka. Weird mo. Ano?! May sasabihin ka ba? (napabuntong hininga sabay alalay sa akin) Imbes na mahahatid mo ko bukas sa airport, hindi tuloy natuloy kasi ang tanga tanga mo.  Scoot over (hinila nya ako sa gilid nya para mag-share sa oversized nyang jacket)

K: I just want to see you before you go, that’s all. I don’t really have anything to say. (sabi ko habang nanginginig sa lamig)

J: Yun lang? Nothing special? Like I will wait for you or something? (nakakunot noo nyang tanong)

K: (tinulak ko sya palayo) Gago ka ba? Baket ko naman sasabihin yun? Anong feeling mo may crush ako sa ‘yo? Yuck. Kadiri to the bones! (ito pa ang pinaka cool na expression nun, sorry)

J: (tumawa sabay hila sa kin pabalik sa jacket nya)

K: Dahan dahan naman. Baka maapakan mo paa ko! (sigaw ko)

J: (napapikit sya sa lakas ng aking boses) Happy New Year din sa yo! You’re so loud.  Hinaan mo nga boses mo baka mamaya may mabulabog tayong engkanto dyan sa mga puno, mamaga pati paa ko. Idadamay mo pa ako.

K: Stop putting ridiculous thoughts in my head. (bulong ko)

J: I have something to ask you but promise me that if you didn’t like it, just pretend that you didn’t hear it in the first place. Ano? Game? Promise mo muna.

K: (gusto kong makita ang mukha nya kaya huminto ako sa paglalakad) Is this one of your trick questions again? Yung mga tipong if I get stuck in an island —

J: No, nothing like that. (sa sobrang lamig nakikita ko na ang hininga nya)

K: O sige bilisan mo bago tayo mag-yelong dalawa.

J: Kapag ba.. errr.. wag na nga lang. Mahilig ka mag-assume eh baka isipin mo ikaw pa yun.

K: (napatawa) Crush mo ko no?! (tawa ulet) sabi ko na nga ba eh. Ok lang yun.

J: (napabuntong hininga) OO. Matagal na. Pero kasi kaibigan ko kuya mo eh tapos 4 years pa age gap natin saka sobrang immature mo pa eh. (sabay patong ng palad sa ulo ko)

K: (seryosong mukha) Eh hindi naman sobrang layo nung 4 years db? Meron nga May- December love affair eh.

J: (tumawa ng malakas) Joke lang, anu ka ba?! Hahahahaha.. ikaw pala may crush sa ken eh! (tawa pa ulet) Gotcha! You should have seen your face! Priceless!(tawa pa ulet)

K: (uminit ang mga pisngi at nanghina ang mga binti sabay suntok sa dibdib ng kausap) Go to hell! (pagkatapos ay tumalikod ako para hindi nya makita na malapit na akong umiyak)

J: Kak! (childhood name ko yan) Wait! (hinila nya ako pabalik sa kanya) I’m sorry for being such a jerk. I really want to ask you something.

K: Umuwi ka na nga! You pig headed son of a— (hindi ko na natuloy dahil bigla nya akong hinalikan. Parang bigla akong nabuhusan ng mainit na tubig pagkatapos ay naitulak ko sya palayo)

Magsasalita pa sana kami pero may dumaan na kotse at nag-park sa harapan namin. Biglang bumaba ang kuya ko at sinabing hinahanap na ako ng nanay ko. Hindi na kami nakapag-usap dahil pinasakay na ako ng pinsan ko sa kotse, pagkatapos ay nag-usap pa sila ng sandali. Pagkatapos ay umalis na kami.

Hindi ko na sya nakita ulit. Hindi ko na natanong kung ano talagang meron sa ‘min at hindi ko na rin nalaman kung ano talagang nararamdaman nya para kin.

Matapos ang halos sampung taon habang naglilinis ng kwarto, nakita ko ulet ang organizer na hindi ko alam na nasa kanya pala. Isinoli ito ng katulong nila kinabukasan matapos ang gabing yun bago sya pumunta ng Amerika.

Sa isa sa mga pahina.. ito ang nakasulat:

desktop

In my heart, I will always remember that walk because on that very same night, I had my first kiss given by my first crush. He is a distant memory of my past, yet when I look back at it I can’t help but to smile.

Haayyy.. puppy love. Sarap balikan.

10 Things.

I don’t know why it always have to be the number 10.

But then since there’s nothing left to do hanging out alone in the house.. dying of some undetected internal infection under my fiance’s watch, I might as well indulge myself to the 10,000 senseless thoughts battling inside my head.

P.S. To my friends.. I have lost contact with for the last 10,000 years.. DON’T WORRY. I’m perfectly fine. I will go back tomorrow by doctor’s appointment for 10,000 more tests that’s going to take god knows how long. It’s nothing really serious, the doctor’s office has this brilliant idea of maxing out my insurance card for a series of radiology and diagnostic evaluations for no reason at all. I have a weird feeling.. this will all end up in some fucked up gastroenteritis diagnosis. A very expensive one.

Ok. So here goes.. while I was watching TABLE FOR THREE this morning, I realized how it can be pretty messy to be the “THIRD PARTY PERSON”, ok for those of  you who watched the movie, I know the thought is weird because the flick is not about being the third person in a relationship. Well, not in the literal sense of the phrase, at least.  But I guess when something inside you is mysteriously infected.. your brain is somewhat contaminated in a way. So here I am, sitting in front my flatscreen babbling.. bored… wanting to make sense. Ergh.

I’m firing away.

10 Known FACTS why it SUCKS to be the KULASISI.

1. You never get the proper introduction. When you are together out in the public, you always get introduced as the FRIEND, THE OLD ACQUAINTANCE, THE LUNCH BUDDY or any kind of pal that sounds wholesome, THE DRY CLEANER, THE NANNY, THE CREEPY NEIGHBOR, THE SON’S PRINCIPAL.. etc.. etc..

2. YOU ARE THE SECRET. I know it sounds exciting and all but then you realize in the literal sense that you are the secret because you are being hidden to avoid a shatter in a commitment. OUCH. So this means, you date in a secret secluded place probably in a dark alley or someplace like a mafia hideout or whatever. You pass around morse cod-ish messages.. and all that jazz. You get the idea. Be creative. You’ve seen that RICHARD GERE – DIANNE LANE movie by now, I’m sure. Your thoughts?

3. YOU ARE THE APPOINTMENT AFTER THE IMPORTANT HOLIDAYS. Yeah.. always business hours. WITH A CURFEW.

4. Always by appointment, of course. You are not to call that someone and expect that the person will be right in front of your doorstep in a minute after hanging up. A booty call can pass a few times but not always.

5. YOU ARE EXPECTED TO BE UNDERSTANDING AT ALL TIMES. No exceptions.

6. YOU ARE THE SOUNDBOARD. You are suppose to be sensitive, to comfort, cuddle and pamper the person at all times in spite of the facts that you are breakable and that you have your own needs as well.

7. You wear the secret gifts and the secret perfumes. Plus the secret black lingerie. Your uniform. You can’t complain.

8. You cry in the corner feeling exhausted of everything mentioned above. At all times, after your scheduled appointments.

9. You are forbidden to vent your own misery to your family or bestfriend.

10. You are invisible.You cannot materialize. You don’t have any feelings. You don’t exist as someone who has the right to own the person.

… and yet after all the obvious truths.. you go on with the set-up because you are the drama queen and the world is your stage.. and you love the person in a weird twisted kind of way.. or probably..

you’re fucked up just like my neighbor.