Archive for January, 2009

Hindi ko talaga to ginagawa ngunit dahil kaarawan mo ngayong darating na Biyernes ay pagbibigyan kita. Isang gabi sa gitna ng maingay at mausok na tambayan sa ismowking area ng ating opisina ay nabanggit mo na to at hindi ko pinansin.. akala ko kasi nagbibiro ka lang pero nagulat ako nang malaman na pati ang boss natin ay pinapagawa mo ng ganito. Masyado kang unfair.. eh ano naman kung dalawampu’t syam na taon ka nang nabubuhay sa mundo? Eh mahaba naman ang buhay ng mga APITONG tulad mo!.. pero dahil mahal kita at I care for you.. sige uumpisahan ko na.

DALAWAMPU’T SIYAM NA BAGAY NA KAILANGAN MONG MALAMAN KAY JUDE CELSO CABRERA

celsoHalika at tikman ang langit – ERASERHEADS

Bilang isang tao, puno, anino, pusit, kamagong, charcoal, black ink at kung ano ano pang bagay na madilim

1. Hindi pikon. Si Celso ay hindi pikon (naks! natakot talaga ako sa mga pinagsusulat ko sa itaas). Ok lang sa kanya kahit anong itawag mo sa kanya basta hindi ka rin mapipikon sa mga susunod nyang ihihirit pabalik. Sa loob ng mahabang panahon na inilagi namin sa APAC ay maraming beses ko na syang nilaglag, inalipusta, niyurakan, pinagtawanan mula ulo hanggang paa ngunit kahit isang beses ay hindi sya napikon. Kaya mahal ko sya at mahal sya ng lahat ng mga kaibigan namin.. dahil sya ay isang halaman…buhay ngunit walang pakiramdam.

2. Sensitibo. Sinabi ko sa taas na hindi sya pikon ngunit wag mo syang hihiritan ng mga bagay na personal dahil baka matulad ka kay Pokita Bumblebee na hindi nya pinansin ng isang linggo ng minsang hiritan nya si Celso nang.. “eh ikaw nga hanggang ngayon rep ka pa rin..” Kinailangan pa ni Pokita na gumawa ng pamaypay ng Meteor Garden kung saan ang sikat na sikat na F4 ay nakahilera at nagso-sorry. Sensitibo rin si Celso sa nararamdaman ng ibang tao, halimbawa: Hindi ka nya aasarin kung alam nyang wala ka sa mood o kaya ay hindi ka nya hihiritan kung alam nyang totoo na madumi ang iyong paa o kaya ay talagang isa kang babaeng may bigote sa totoong buhay.

3. May sense of urgency. Isasaisantabi nya ang pagba browse ng Friendster para mag-edit ng lost hours.

4. Camwhore. Patagilid kaliwa man o sa kanan, pailalim, paibabaw, patalikod o paharap… talagang uma-anggulo sya.  Minsan ay naka-pout pa.

celso-poutAng pout. (sabi ko sa inyo di ako nagsisinungaling eh!)

5. Talentado. Hindi nahihiya sa harap ng maraming tao kahit tawagin mo pa sa entablado kung videoke, karaoke at acoustic performance ang pag-uusapan. Alam nya rin ang buong chereography ng MILKSHAKE at CHOOPETA. Tsong, please lang pede sawayin mo na lang to pag hindi tayo magkasama? Nakakahiya kasi sa mall. At alam nyo bang isa rin syang STAGE PLAYER? Isang beses nag leave sya dahil kasali sya sa isang dula-dulaan ng isang teatro sa UP.. taena akala ko naman supporting actor ka.. PUNO lang pala ang papel mo. Ina ka.

rockstar1Rak en Rol!

6. Masungit. May mga oras talagang nireregla yan kaya huwag kang magpapatawa at baka sabunutan ka nya. Ilang beses na nya tong ginawa sa akin.

7. Malupit ang sense of humor. Funny at may substance. Hindi ko alam minsan kung saan nya hinuhugot ang kanyang malulupit na hirit at mga out of this world jokes.  Tatambling at papalakpak ka ng paulit ulit pero hindi pa sapat yun.. kailangan mo pang pumito bandang huli.

8. Malakas ang pick-up. Minsan para kaming may sariling mundo dahil kahit anong babaw o lalim ng mga sinasabi ko ay nage-get nya. Ganyan talaga pag puno ka.. ikaw ba naman ang mabuhay ng isang siglo…ewan ko na lang.

9. May pakisama. Sa mga oras na pinapapasok kayo ng boss nyo para tapusin ang isang deadline, hindi mawawala si Celso. Pag sinabi mong kailangan sya, nandun sya.. kahit late basta andun sya.. kahit madilim at hindi mo sya makita.. mararamdaman mo.. andun sya.

10. Hindi madamot. Kapag wala kang pera sabihin mo lang papautangin ka nya pag meron syang pera pero madalas kaysa minsan wala syang pera kaya sorry na lang.. pulubi! Taong grasa!

Bilang isang KAIBIGAN

11. Mapagkakatiwalaan. Kahit pa pahirapan mo sya gaya ng pagpapahirap ng mga Hapon kay San Lorenzo Ruiz.. o kaya ay suhulan mo sya na ililibre mo sya ng isang banig na gluthatione.. hindi ka nya ibebenta. Itatago nya ang sikreto mo hanggang hukay.. daig pa nito ang pari. .. ganyan sya kalupit magtago ng sikreto. HARDCORE.

12. A shoulder to cry on. Alam kong kanta yan pero kung kailangan mo ng taong makakausap ng seryoso sa problemang lovelife o sa pang araw araw na pakikisalamuha sa buhay.. maasahan mong meron syang makabaluhang payo sa mga bagay bagay.

13. Sumbungero. Natatandaan mo bang hayop ka? ng minsan mo akong isumbong kay Alfy isang araw ng hindi ka mapagbigyan sa balak mong pag log out ng mga reps mo sa pinaplano mong Team Meeting? Isang beses nagsumbong sya kay Alfy nang maisip nyang may favoritism at conflict of interest ang nagaganap sa pagitan ng workforce at Ops. Alam ko namang naka date ko sya ng ilang beses pero wala syang kinalaman hayop ka!

14. Berde. Hindi halata pero napaka-green ng utak nyan.  Hindi ko alam kung paano tumatakbo ang mga isip namin minsan pero may mga oras na sadyang napakabastos naming dalawa.

.. (YOSI BREAK.. taena mahaba haba pa ah…)

15.  Magaling lumusot. Natatandaan mo ba ng isang beses tayong ikulong ni Bam at Alfy sa conference room para lutasin ang isang problemang walang kakwenta-kwenta? Humirit ka ng.. “Eh ako naman tumatawa lang talaga ako sa mga hirit ni Kellie pero hindi ko talaga pinipintasan si ….(pangalan ng isang TL).” Nagsalita ka na parang hindi mo ko katabi..niligtas mo ang sarili mo at hindi ka nagdalawang isip na ilaglag ako, hindot. Itinaya mo ang ating pagkakaibigan para mahugasan ang pangalan mo.. TOL, ang sweet mo talaga!

16. Gentleman. Ilang beses mo na akong nadama at ilang beses ko nang naidikit ang aking mala-aratiles na bukol sa iyong dibdib ngunit kahit kailan ay hindi ko naramdaman na bastos ka. Sa halip ay lumalayo ka sa akin na parang nadapuan ng ipis at saka hihiyaw sa malayo ng ..”YAAAAAAAAAAAAAK, KELLIE!!! Yung D_D_ mo naramdaman ko!”

17. Mababaw. Kahit anong hirit na tanga ay bebenta sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero ganun sya.

18. Flexible. Kahit anong mood mo o kahit gaano ka kabastos kaya nyang sabayan.

19. Nasasaktan kapag inapi ka ng IBA. Likas ba sa mga mangyan ang ipaglaban ng patayan ang mga kaibigan nila? Mukha lang mangyan si Celso pero hindi sya mangyan pero sigurado pag may narinig syang pang aalipusta ng ibang tao sa yo.. nasasaktan sya at sasabihin nya sa yo para VOILA… sabong!

20. May sense of  FUN. Natatandaan mo ba ng imbitahin kita sa team building ko sa Puerto Galera? Hindi ka sumama sa halip ay pinaunlakan mo ang imbitasyon ng Team Jed na mag-swimming sa PANSOL.  Naiintindihan ko si Jed kung bakit naisip nya na doon mag team building dahil 70% ng mga tao nya ay may edad na.. pero kung alam ko lang na ANCIENT TRIP pala ang mga trip mong samahan.. eh di sana ay niyaya kita sa GROTTO o kaya sa Hinulugang Taktak para maghukay ng mga relics. Inang yan.

BILANG SI CELSO

.. (YOSI BREAK ULET… yeeeeeeees.. syam na lang)

21. Magaling mag-ingles.  Sumasablay lang sya sa PROCEDURE pero kung pakikinggan mong mabuti at babasahin mo ang mga correspondence na ipinapadala nya sa araw araw ay alam mong talagang UP gradweyt sya.

21. Responsable. Sa mga nakalipas na araw madalas syang naka LEAVE pero alam nya ang mga bagay na kailangan nyang tapusin bago sya mawala ng tatlong araw (eto ang mga sandaling bumabalik ang sumpa ng mga KAMAGONG at nagiging puno sya) at alam nya rin ang mga bagay na kailangan nyang gawin pagbalik nya.

21. May malalim na prinsipyo sa buhay. Naisip ko lang.

22. May paninindigan. Hindi ko alam kung bakit pero nararamdaman ko.. (taena tinatamad na ko.. pito na lang tapos na to!)

23.  23 beses syang magsuklay kada segundo kaya mataas ang hairline nya.

24. FASHIONISTA. Naks naman! Makakalimutan ko ba to? Sympre hindi! Kahit nagsimula tayo sa RRJ, UNEMODE at NO FEAR mapapansin mong kaya nyang dalhin. Ngayon ay PEOPLE ARE PEOPLE at GIRBAUD na pero parang RRJ pa rin.

25. Artsy. Alam nyo bang mahilig sa teatro at mga substantial readings itong si Celso? Isang beses akong nagtanong sa chatroom ng Indemnity kung alam ni Mitch ang THE LITTLE PRINCE at walang kagatol gatol nyang sinagot na ang writer nito ay si Antoin Saint de Exepury.. akalain mo yun? Pero hindi nya alam kung sino ang sumulat ng TWILIGHT SAGA pero si Mitch.. alam nya!

26. Deep. Bukod sa pinapaalala nya sa atin kung ano ang nakikita sa kaibuturan ng pinakamalalim na balon ay makakakitaan mo rin sya ng likas na galing at talino sa mga usaping hindi kayang abutin ng isipan ng mga taong salat sa Iodine.

27. (Phew.. taena dalawa na lang..) Hitad. Lalaki sya ngunit hitad sa kalalim laliman ng kanyang puso. Nakikiliti sya sa mga bagay na aking ibinabahagi sa kalagitnaan ng aking malikot na imahinasyon.

28. Reserved. Marunong lumugar at magdala ng sarili. Hindi sya aarte na parang close na kayo kung hindi pa kayo masyadong magkakilala. Kumbaga eh titimbangin nya muna kung kaya mong sakyan ang mga jokes nya bago ka nya ilaglag ng walang ka- abog abog.

29. Friendly. Sympre naman.. kaya nyang sabayan ang mga taong weird at nangungulangot sa isang tabi sa ngalan ng pagkakaibigan.  Kakausapin ka nya na parang interesado sya sa mga nangyayari sa buhay mo pero iniisip nya kung baket napakalaki mong babae at kung pumapapakpak ka ba ng STAR MARGARINE nung bata ka at napakalaki ng paa mo.. o kaya ay lumagok ka ng isang cabinet ng CHERIFER syrup at isa kang dumadagundong na 200 pounds ngayon..

.. Ito si Celso. Ganun sya noon at ganito pa rin sya ngayon.  Ang mga katangiang nabanggit ay isa lamang sa mga milyong milyong dahilan kung bakit mahal ko sya bilang kaibigan at kung bakit nirerespeto sya ng nakararami (mang-aasar ka ba ng lamang lupa? Matakot ka at baka mamaga ang iyong paa at pototoy)

Mahal ko si Celso.. marahil hindi mo yan naririnig sa normal na araw pero dahil kaibigan kita at mahalaga ka sa akin.. nais kong malaman mo na bilib ako sa yo dahil sa mga sandaling hindi ko kayang maging masaya sa mabibigat na dagok ng buhay ay pinapasaya mo ako ng lubos.

Maligayang Kaarawan, kaibigan ko!

Matutulog na ko, potah ka!

Advertisements

“Para saan pa ang parak kung natatanggap ang SORRY??”

Ito ang unang palitan ng dialogue ni Dao Ming Shu at Cancai sa patok na patok na series na METEOR GARDEN tuwing alas kwatro ng hapon,Lunes hanggang Biyernes sa KAPAMILYA channel. Sila ang unang nagpakilala ng Chinovela o Koreanovela sa Pilipinas. Ewan ko lang pero sa Channel 2 ako unang nakapanood ng mga Intsik na nagda drama. Aminin mo, hindi mo rin sila na picture na nag e emote dahil sa Quaipo lang naten sila nakikita na nagbebenta ng mga mumurahing payong, TV, DVD, pinggan, tasa, universal remote control, pekeng Gucci bag, damit na sa kanila lang kasya, at kung ano ano pang mga paninda na mabenta sa MASA. Ang buong akala natin lahat ay ipinanganak silang business minded but no, nagulat ang lahat ng ipakita nilang they are so much more. Marunong silang malungkot sa ngalan ng True love at hindi dahil wala silang benta. Ano bang akala naten? KUNG FU, Karate at mga lumilipad na martial artists lang ang mga pelikulang kaya nilang gawin?

Nagkamali tayong lahat. Singkit man at mallit.. sila ay naiinlab din. Hindi ka ba kinilig sa love story ni Dao Ming Shu at Cancai? na ang pangalan kapag sinalin sa tagalog ay Munting Kuneho at Damong Ligaw? Kahit na screen adaptation ng manga series, Hana Yori Dango na nagmula sa bansang Hapon ang Meteor Garden, napabilib pa rin ako sa Chinese version nito. Saan ka nakakita ng lalakeng kung maglambing ay nanghihila ng braso sa kalsada? Ang sweet talaga. O kaya ay yung bigla biglang pagyakap ng lalake na ganun ganun na lang kung isubsob ka sa kanilang mga dibdib. Partida yan ah, slow motion pa ito pero kung iisipin mo ay medyo masaket sa mukha.

kiss

Ang Kiss na ito ay super romantik kaya wag kang gagalaw ng mga 2 minutes.

At eto ang unang requirement para makagawa ng isang serye na magpapakilig sa lahat ng tao : PIGGYBACK. Hindi importante kung sino ang papasan basta kailangan may ganitong eksena para panuorin ng lahat. Sa palabas na Coffee Prince,Lover’s in Paris, My Girl at Why Why Love ay madalas nating makita ang mga bida na naglalakad habang pasan ang kanilang love interest sa likod. Sa mga eksenang ito, importante na ang nakapasan sa likod ay lasing dahil broken hearted, napilayan ng paa dahil engot, at hinimatay dahil sa matinding pagod. Kahit anong dahilan man.. kailangan isingit ang piggyback scenes. Ewan ko kung baket pero ito ang paraan ng mga kapatid nating Intsik at Koreano para tayo ay mapakilig. Nagtagumpay naman sila. Epektib ang ganitong approach kahit na masakit sa likod at nagdudulot ng slip disc.

piggyback

Sa ngalan ng fame, money at entertainment… tabla tabla na ang LUSLOS!

Sympre pa.. mas nakakaiyak kung ang paghihiwalay ng dalawang pusong nagmamahalan ay nagaganap sa gitna ng napakalakas na ulan. Hindi ko na matandaan pero ang alam ko ay naghiwalay si Dao Ming Shu at Cancai sa gitna ng matinding ulan na parang Signal # 2. Akalain mong artificial rain lang pala yun.. na habang sila ay nagpapalitan ng mga makapagbag damdaming pusong diyalogo ay may isang komunyidad ng mga taong singkit na kamukha ni Jackie Chan ang naghahawak ng isang napakalaking water host! Tunay nga namang napaka creative ng mga singkit nating kapatid dahil kahit na sa kanila applicable ang Pilipinong salawikain na “Hanggat maikli ang kumot ay matutong mamaluktot,” ay hindi nila nagawang magtipid ng tubig sa ngalan ng entertainment.

At nababanggit na rin natin ang pagtitipid..sa aking palagay ay gumagastos talaga ng isang drum na ispreynet ang mga producers ng koreanovelas at chinovelas. Siguro dahil sa ginagaya nila ang mga characters ng MANGA (Komiks ang ibig sabihin nyan sa salitang HAPON) na bumibida sa kanilang Manga Adaptations ng kung ano mang istoryang komiks na sikat sa karamihan, ay talagang naglalaan sila ng malaking pera sa hairclips, ispreynet, hairbrush at hair dye. Isipin mo na lang kung ilang toneladang ispreynet ang ginamit sa buhok ng bidang lalake sa DEVIL BESIDE YOU at ilang turban sa buhok ang puhunan sa ulo ni Dao Ming Shu. Wag mo nang isipin at hindi na kailangang gamitan pa ng aritmetik, ang kailangan lang natin isa isip ay mas maganda kapag asteg ang hair effects.. bukod may STILL effect ang kanilang mga buhok ay talaga namang IN na IN sila sa mga teenagers na palaging nanggagaya kung ano ang uso. Isipin mo na lang dahil sa mga get up ng mga abnoy na yan ay nagkakaroon ng buhay ang mundo.

WHy Why Love

Mike He: Akala mo ba babae lang ang gumagamit ng heyrclips??

Rainie Yang: At ngayong alam ko na.. BREAK NA TAYO!? Don’t ever talk to me again!

Ang entry na ito ay hindi pa tapos dahil marami pa akong gustong talakayin tungkol sa pagtanggap ng mga ganitong palabas sa ating kultura. Ngunit subali’t datapwa’t malapit na ang Valentine’s day kaya naman naisip ko na dapat ay tungkol sa usapang lovelife ang aking isulat para naman napapanahon ang blog na ito. Wala akong ibang maisip kundi mga Koreanovelas at Chinovelas na lumikha ng isang malaking komosyon sa usapang lovelife ng mga Pilipino. Marami sa atin ang kinilig, napa-iyak, napa-isip at gumaya ng mga dialogues na sa ating palagay ay angkop sa bawat sitwasyon na ating hinaharap.. Salamat sa mga ganitong palabas.. nang dahil sa kanila ay naisip nating hindi hassle ang magpa-pasan sa likod ng ating mga leading man at higit sa lahat hindi na rin tayong mahihiya magtanong ng mga katagang…

“Maari mo ba akong gawing SPARE TIRE?”

Naks. Hip na si ATE!

Marahil ay nagtatanong ka kung ano ang BLOCK SOCKS matapos mong mabasa ang aking tala na CONVERSATIONS WITH GOD. Hayaan mong ipaliwanag ko sa pamamagitan ng paggamit ng isang halimbawa.

Christmas 2006.

Boss: Isulat nyo ang inyong Christmas wishlist sa isang kapirasong papel.

Matapos ang pagpapalitan ng mga maliliit na post it, ito ang nakasulat sa papel ng aking kaibigan.

BLOCK SOCKS.

At sympre.. hindi na namin kailangang mag-isip pa.. alam na namin kung sino si BLOCK SOCKS.

Magmula ngayon.. tatawagin natin ang officemate kong ito na.. BLOCK SOCKS.

Scenario #2 : BLOCK SOCKS strikes again.

Isang araw sa unang buwan ng taong 2007… Ganito ang mababasa mo sa ATTENDANCE REPORT.

Name of the REP : ———-

– Absent

Reason:  MUG on her way to work.

* Translation: Nakipagdigma sa malaking tasa ng kape, isang gabi bago pumasok ng opisina.

Scenario #3 : Si BLOCK SOCKS ay nagagalet.

Sa isang email na hindi kailanman nabasa at nasilayan ng aking mga mata ngunit usap usapan sa aming opisina ay ganito ang nakasaad.

Email galing kay Boss. : Please advise as to why (name of the rep) was on aux for 15 mins every start shift.

BS: I apologized. I am not aware of (name of the rep) ‘s BAD HOBBIT.

Result: Ang rep na ito ay tinawag na FRODO sa mahabang panahon.

Scenario # 4 : Si BLOCK SOCKS ay nagpapaliwanag.

Sa isang chatroom ganito ang iyong mababasa.

OM: ARE THERE ANY REPS WHO ARE INTERESTED TO APPLY FOR THE ADJUSTER POST?

BS: I have a reps who is interested for adjustment

BS: or to be adjusted

Result:  Sa sobrang tuwa ko ay hindi ko napansin na imbes sa boss ko i-forward ang email ay dumiretso ito sa HR Manager. Hanggang ngayon ay nanalangin kaming lahat na sana ay hindi ako matanggal sa trabaho..

Ngunit gayunpaman ay tuloy pa rin ang mga adbyenturs ni BLOCK SOCKS.

Pinasasaya nya kami sa tuwing ang buhay opisina ay punong puno ng STRESS.

*Ang entry na to ay matagal nang natutulog sa aking personal blog pero natawa ako ng mabasa ko ulit.  Sinulat ko ito dalawang taon na ang nakakalipas ng mga sandaling nasa HIATUS ang aking relasyon kay Drama King. Huwag nyo nang tanungin kung sino ang tinutukoy ko sa entry na to.  Pinaskil ko ito sa FRIENDSTER blog ngunit naisipan kong burahin matapos ang ilang linggo sa kadahilanan na ang daming mga kakilala ang nang usisa kung sino ang aking tinutukoy. Ang tagal na nito..

Kel: Bakit ako nandito? Eto na ba ang langit?
God: Duh. OO.
Kel: Oh my gosh, I’m dead?
God: Pwede bang wag mo akong ini english? Hindi porket sa APAC ka nagtatrabaho eh pede mo na akong english-englishin dyan. Hindi english campaign dito. Kausapin mo ko sa tagalog..
Kel: Bakit po?
God: Wala trip ko lang.(sarcastic)
Kel: Patay na po ba ako?
God: Bakit lahat ba ng pumupunta sa langit patay na?
Kel: Hindi ba? O di nananaginip lang ako?
God: Parang ganun.Saka hindi ka pa pedeng mamatay marami ka pang dapat gawin.
Kel: Nye. Ang corny naman. Akala ko patay na ko. HIndi naman pala.. may ginawa ba akong kasalanan?
God: Nye. (sarcastic ulit) Nagtanong ka pa. Araw araw may ginagawa kang kasalanan. But lately these past days, madalas kang gumawa ng kasalanan sa parking lot. Kung saan saang parking lots.
Kel: Akala ko ba bawal mag english?
God: Taglish yun, tanga. Alam mo minsan maski ako naguguluhan ako sa ‘yo. Ang labo mo, man. Binigyan kita ng karapatang umiyak.. sinusubok kita minsan pero kahit kailan hindi ka nanalangin ng umiiyak. Sabi ko na nga ba eh, mahirap talagang gumawa ng tao pag wala ka sa hulog. Ginawa kita habang nakikipag inuman kay San Pedro, natuka ka pa nga nung manok. Kaya ayun… yun ang dahilan kung bakit hinahabol ka ng mga manok at kaya ganun ganun na lang ang takot mo sa mga hayup na may mga tuka. Sorry, my bad.
Kel: Sus! Ikaw naman pala ang may kasalanan. Ngayon alam ko na.. hindi totoo ang sinasabi ni — na nung pastlife ko ay isa akong mabuting bulate kaya naging tao ako ngayon.
God: Bakit hindi mo sinulat ang pangalan nya? Mga linya na naman ulit.
Kel: Duh. Secret. Parang di mo naman alam.
God: Alam ko, gaga! Alam ko rin na sobrang apektado ka dahil pinaghintay mo siya ng halos 30 minutos sa harap ng bahay nyo.
Kel: Ay sus! Pinaalala mo pa. Ayoko ngang pag usapan, gets?
God: Eh kaya nga kita dinala dito para pag usapan natin yun, gets? Bakit mo siya pinaghintay?
Kel: Duh.. hindi ko siya pinaghintay. Hinintay ko ang text nya kung malapit na siya sa bahay.. wala akong na receive. Kasalanan ko ba?
God: OO.. kasi pa hard to get ka. Hilakbot! Sinabi nya sa yo na darating siya bago mag 6pm. Bakit hindi ka lumabas?
Kel: Sabi nya traffic sa may Sucat. Kaya nag assume ako na traffic rin sa may quirino. Ok na naman kami eh. Nag sorry na ako. At saka promise I’ll make it up to him naman.
God: Wala ng next time. Hindi ka ba nakikinig sa kanya? Nung kumakain kayo ng sisig sa may blue wave.. sabi nya ayusin nyo na ang mga buhay nyo by next year. Ibig sabihin nun.. tutulungan na kita dito.. dahil minsan ang bobo mong magbasa between the lines.. ibig sabihin nun ay ayaw nya na.
Kel: Eh bakit ka nakikinig sa usapan namin? Kung nakinig kang mabuti sinabi ko rin na magigng mabuti kaming magkaibigan.. that its for the better. Na gusto ko nang ganun so that we can still see each other during get together parties.. nang hindi nagkakailangan.
God: Iniiwan ka na naman ng mga tao pero hindi ka nasasaktan. Minsan naisip ko kung tao ka o manok. Magka feelings ka naman.
Kel: Nyahhahahhaha. God, masaya ako because we’re ending it that way. I mean.. somehow ending it. At saka napag usapan namin alam mo yun? Usually people don’t talk about that stuff..they just leave. But we decided to keep each other as friends.. kahit anong mangyari. Walang ankward moments. Masaya kami pareho.
God: Sigurado ka? Eh bakit hinila mo si Carlo papuntang Malate para pag usapan nyo yun.
Kel: Eh wala lang. Trip ko lang. Walang mapag usapan eh.
God: Pwede bang wag mong itago ang emosyon mo sa kin? HIndi mo ko magulang pero kilala kita.
Kel: Stop reading me, please! Malungkot ako, fine. But I’ll get through this.
God: Hay naku, gurl. Minsan gusto na kitang pasagasaan sa tren para matapos na ang kakaiba mong pag iisip sa mga bagay bagay. Ibabalik kita ulit sa mundo bilang libro.. gusto mo ba yun?
Kel: Anong klaseng libro naman ako? Sana wag yung parang kay Bob Ong.. kasi walang natutunan ang mga tao dun. Nyahahhahahha. Eh teka nga God, alam mo ba minsan.. naiisip ko kapag may gusto kang parusahan na lalaki eh pinapakilala mo sa kin. Bakit ba ganun? Alam mo minsan nasasaktan na ako. Hindi rin kita maintindihan eh.
God: Wag kang mag drama dyan. Pinapakilala ko sila sa yo kasi alam kong marami silang matututunan.
Kel: Sexually ba ito? Nyahahhaha.
God: Wag kang bastos, Diyos ang kausap mo.
Kel: Sorry naman. Eh ano naman ang matututunan nila sa kin? Puro ka kornihan lang ang napapala nila sa kin.
God: Natututo silang maging matatag sa buhay.
Kel: Wow. Flattered naman ako. Talaga?
God: Nyahahhahahah. Joke lang, tange. Natututo silang mag isip ng konti.. binibigyan mo sila ng direksyon sa buhay. Isang bagay na kailangan nila para sa mahabang paglalakbay.
Kel: Hay naku.. sabi ko na nga ba. Gagawin mo akong mini book travel map kapag binalik mo ako sa mundo.
God: Tingnan mo tong, tangang to. May buhay ba ang libro? Nag droga ka ba bago matulog? O malupit lang talaga ang impluwensya sa yo ng WANSAPANATAYM?
Kel: Eh kasi naman GOD.. nagpapatawa ka. Kaya sinasabayan lang kita.
God: Mas malupit ang sense of humor ko sa yo. You can’t humor me. o ano nang christmas wish mo?
Kel: (nag isip saglit..) God gusto ko sanang..
God: Ah, hinde hinde. Wag yan. Magiging magulo ang buhay mo kapag nagkakatotoo yan. Ibang wish. Wag yan.
Kel: Eh ang labo mo naman pala eh. Tatanungin mo ako pero hindi mo naman ibibigay yung gusto ko.
God: Hindi kasi pwede yan. Pinagbigyan na kita. Sabi mo kahit sandali lang. Binigay ko na.. now its time to move on. Hindi na talaga pwede.
Kel: O sige world peace na lang.
God: Wag kang bayani. Mayrabaho yan.. pahihirapan mo pa ko.
Kel: O sige.. (isip ulit) hmmmmm… sana after six years.. maging artista ako.
God: katulad ni Pokwang, Tsokoleyt o kaya Ai ai?
Kel: Wala na bang ibang choice?
God: Wala na. Mahirap gumawa ng himala these past days. Inaabuso ka ng mga tao.
Kel: Nyahahhahah.. o sige. Block socks na lang.
God: HAHHAHAHAHHAH! Wag mo ngang pagtawanan ang officemate mo sa APAC. MAy purpose kung bakit tumatalsik ang laway nya. Kung bakit siya ganun. Hindi ka kagandahan pero kung makapintas ka.. dinaig mo pa ko.
Kel: O sige na nga. Gusto kong makapunta sa States.
God: Alam ko ang iniisip mo. Move on. Hindi na talaga pede.. wag kang makulit.
Kel: Hay naku.. wag na nga. Saka na lang ako hihingi. Kapag may naisip na kong magandang wish. Utang nyo na lang muna sa kin. Magiisip ako hanggang new year.
God: Siraulo! Its now or never.
Kel: Eh ang hirap. Right now.. isa lang ang nasa isip ko.
God: Hindi nga pede si Brad Pitt, leche! Ang kulit mo.
Kel: Si Benicio Del Toro?
God: Huwag kang ilusyunada.
Kel: Eh bakit yung isang pilipina naka fling nya si Van Damme?
God: Mayaman siya saka may koneksyon. Isa ka lang pobreng taga pandacan. Ano ka ba?
Kel: O sige.. eto na lang. After how many years.. alam kong hindi pa pede ngayon. Pero sana magkita kami ulit.. and sana at that point of time.. ready na kami pareho.
God: Hmmm…. ita try ko pero wag kang mag expect. Ang kulit mo talaga! Yun ba talaga ang gusto mo?
Kel: Right now? Yup. Yun ang gusto ko.
God: Hindi ba pedeng sa next life na lang?
Kel: God naman! Wag ka nang tumawad. Etong lifetime na to ang gusto ko. Baka next life kasi busy na ko.
God: Gusto mong maging tindera sa palengke o kaya druglord next life?
Kel: Ewan ko sa yo, God. Ang gulo nyo. Pero please naman..
God: O sya sya.. sabi ko na nga ba eh. Matulog ka na ulit. Nandito na naman si Elvis.
Kel: Elvis Presley?
God: OO. Sino pa ba?
Kel: Cool. Idol ko yun.. pedeng makausap.
God: Ah hinde hinde. Baka hingan mo ng droga. Bumalik ka na sa lupa.
Kel: Fine.
God: Fine. 1..2..3..see you around.

– Written June 5, 2007.

Malamang ay nabasa nyo na o narinig man kung saan na piyesta ng Pandacan sa Linggo.

Pandacan? Saan yun?

Limang bagay na likhang isip lamang tungkol sa Pandacan:

1. Hindi ewoks ang nakatira sa Pandacan. Hindi kami nagmula sa mga characters ng Star Wars  at lalong hindi mo kailangang baligtarin ang iyong damit para matunton mo ang aming lugar. Wala kang makikitang dwindi na pakalat kalat sa kalye o isang pulutong ng mga unano na nagtatanod sa mga bawat sulok ng aming barangay. Kung sino naman ang nagpa-uso ng mga jokes na yan ay mamatay na.

2. Para malaman mo kung nasa Pandacan ka na ay bumaba ka ng Nagtahan Bridge at makikita mo ang Caritas Manila. Wala kaming arko na nagsasabing “Welcome to Pandacan, the HOME OF THE EWOKS” o kaya ay “WELCOME TO PANDACAN, THE HOME OF GLORIA MACAPAGAL-ARROYO.” Igalang nyo ang ating presidente.. .kahit na mas malaki ang nunal nya sa kanya at mas matangkad lang sya ng konti sa mga ewoks ay presidente pa rin naten sya. Hindi sya taga Pandacan at lalong hindi sya ewok.

3.  Ang mga bahay namin ay yari sa kahoy at semento at hindi sa PUNSO. Taena, mamatay na talaga ang nagsabi nito. Hindi kami nakatira sa ilalim ng lupa o sa loob ng malaking puno.

4. Hindi rin sa Pandacan nakatira si Thumbelina, Tom Thumb, Tiny Tony at lalong wala kaming kinukupkop na isang pamayanan ng mga HOBBITS. Sikat nga ang Lord of The Rings ni Tolkien pero wala kahit isang Hobbit ang naninirahan sa Pandacan.  Kaya pwede ba wag na kayong mag isip pa na sa Pandacan napadpad ang malaking barko na sinasakyan ni Frodo at kanyang tiyuhin sa huling parte ng pelikulang LORD OF THE RINGS: RETURN OF THE KING. Hindi namen alam kung san sila lumayag at kung san sila nagparami. Basta hindi sa Pandacan! Inang yan.

5.  Ang salitang PANDACAN ay nagsimula ng madiskubre ng mga kastila na ang bayan namin ay napapalibutan ng mga PANDAN. Ang tawag ng mga katutubo sa aming lugar ay PANDANAN na kinalaunan ay tinawag ng mga kastila na PANDACAN. Ito ay ang totoong dahilan kung baket Pandacan ang tawag sa aming lugar at hindi ito naisip ng mga kastila ng bigla nilang makasalubong si LEKLEK na nag aani ng mga pandan. Si Leklek ay hindi taga- Pandacan. Wala kaming kinalaman sa kanya.

Square Root…HANG.

Posted: January 12, 2009 in daot, miarmiar-isms

exam
Ok lang yan…  kahit hindi mo nasagot ang mathematical equation punong puno ka naman ng HUMOR.

Kanpai! 😉

Ang bagong balat.

Posted: January 12, 2009 in miarmiar-isms

Nagandahan ka ba sa bagong asteg na asteg kong BLOG HEADER? Ang kaibigan kong si Margaritah ang gumawa nyan.

Alam mo bang sa Call Center sya nagta-trabaho at mahilig syang mag mini-skirt? Kulay violet madalas.

Marami rin syang make-up sa kanyang kikay kit. Dun ako madalas sa kanyang station at nagme meyk up sa twing ako ay inaantok. (OO nagme meyk up ako dahil hindi ako tibo. Sino ba nagsabi na tibo ako? Maaring malaki ang paa ko at palaging naka-chucks at palaging naka kulay itim ang get up pero hindi ako tibo. Pwedeng hindi ako nagmi miniskirt o nagbe bestida pero hindi ako tibo. Madalas mga bisexual at tibo ang kasama ko pero hindi ako tibo.. at lalong hindi bisexual si Margaritah. Tatamaan tayong lahat ng kidlat pag nagkatotoo yan. Walang tibo na  nagsusuot ng yellow dress na may malaking gold hoop sa gitna.. si Margaritah lang yun.  Umiilaw- ilaw pa yan ng kulay red na parang kay Ultraman pag nagugutom na ang kaibigan kong si Margaritah.)

Salamat sa bagong blog header. Cheers!