Ang unang tala.

Posted: January 10, 2009 in miarmiar-isms
Tags:

Ito raw ang una kong post.

Tagalog ang gagamitin ko. Huwag mo nang itanong kung baket pa.. hindi ko ulet sasabihin.

Ang totoo.. perstaym kong mag-blog dito. Maiba naman. At kanina pa ko pindot ng pindot sa kung saan saan ngunit subalit datapwat..hindi ko talaga alam ang mga ginagawa ko. Sinubukan kong gamitin ang wikang Filipino sa settings ng blog ko.. pero lalo akong naguluhan.

Inaalay ko ang blog na ito sa aking mga kaibigang walang humpay ang pagtawa sa mga walang kwenta kong jokes. Sa mga taong nangungulit na magsulat ako ng mga bagay na nakakatawa.. sa mga kaibigan kong nerds na naniniwalang yayaman ako sa pagsulat..sa mga taong nagbabasa ng aking blog pero tamad mag-comment.. sa utol kong mahilig tumaya sa OTB.. sa nanay kong naniniwalang hindi ako kagandahan.. sa tita kong acupuncturist.. sa lolo kong pintor.. sa lola kong mang babarang.. sa pinsan kong mangtatawas… sa aso kong parang sea lion.. sa boypren kong pasmado.. sa mga chatmates kong panget ngunit malupit ang sense of humor.. sa officemate kong cross- breed ng poong NAZARENO… sa mga boss kong babaero… sa mga EX kong chubby.. sa mga kaibigan kong NARS pero nagta trabaho sa CALL CENTER.. sa mga muslim na nagtitinda ng dibidis sa Quaipo, maraming salamat sa inspirasyon… sa mga kapwa kong bloggers na hindi ko pa nakikila.. sa mga nagvu-view ng aking FRIENDSTER account.. sa mga suitors kong mahina ang paningin.. sa mga taong mahilig sa kape.. sa mga chain smokers ng Marlboro Menthol, cheers!.. sa mga elitistang jologs… sa mga elitistang hindi jologs.. sa mga fanatics ng KIKO MACHINE ni Manix Abrera, PUGAD BABOY ni Pol Medina at mga mambabasa ni Bob Ong.. sa mga taong malalapad ang noo.. sa mga taong walang mapaglagyan ng isa pang tighiyawat sa mukha.. sa mga taong sumusuporta sa EXTRADERM, RDL, GLUTATHIONE, MYRA-E at pumapapak ng Kojic Soap at Mena.. ang blog na ito ay para rin sa inyo…

Sa mga bading na may malalaking tyan.. sa mga lalakeng may manbubs.. sa mga taong isang metro na lang ay bakla na.. sa mga solid na tibo.. sa mga silahis…

Pagod na ko.. leche. Tama na.

Ang blog na ito ay para sa inyong lahat. Susubukin na hindi mag name drop. Susubukin din na magseryoso.. susubukin magpaka-deep.

Ito na ang hinhintay nyong lahat…

Nagbabalik na si Miarmara.

Comments
  1. Miarmara says:

    Ehehehe… isa ka rin pala sa kanilang mga kojic fanatics!

  2. frank says:

    langya ka kells fan ako ng kojic soap! hahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s