Ang KRAS kong ONAK.

Posted: January 11, 2009 in miarmiar-isms, usapang lovelife
Tags:

* Isa pa itong post sa personal blog ko na kahit kelan ay hindi ko pwedeng ibigay ang link dito. Magkamatayan na!

Maraming beses na naming napag usapan to ng mga prens ko… kung anong gagawin namin kapag nakita namin si Papa Piolo. Ang pinaka wild na suggestion nung kaibigan ko ay maghubad ng panty habang tumatakbo at hinahabol si Piolo. At oo, babae sya. BISEXUAL nga lang..kaya minsan minsan lang sya tablan ng kahihyan.

Nagising ako kagabi at napasimangot. Late na naman akong nagising.. pero ok lang yan. FLEXI-TIME naman kasi ako. Isa yan sa mga perks kapag boss ka. Kaya lang naman ako nagmamadaling pumasok ay sa kadahilanan na ayokong mauna pa sa ken yung BOSS ko sa office… baka kasi maisip nya na hindi ako nagtatrabaho ng 8 oras sa isang araw.

Nagmamadali akong pumasok ng building.. Nag-iisip kung masyado bang makapal ang blush on ko sa pisngi. Eh ano naman ngayon kung makapal? Darating ba si Papa P??, naiinis kong tanong sa sarili. Ah, basta. Pag may nagtanong kung baket sobrang kapal ng blush on ko.. sasabihin ko na lang na hanggang next year na yan kaya makapal.Hindi ko nga nakasalubong si Papa P.. tama ako. Pero narinig kong may tumunog sa leeg ko nang bigla akong mapayuko para hindi mapansin ng papalapit kong onaks na kras. Yung client ng building namin na kamukha ni Wentworth Miller. Naglakad ako na kunwari ay may hinahanap sa bag.. parang TANGA lang.

IMBISIBOL AKO.. IMBISIBOL AKO…paulit ulit kong sinasabi. Konti na lang.. lalampasan na nya ako.. hindi nya ako mapapansin.. nang biglang….

“KELLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLIEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!!!,”

Gusto ko nang mabaon sa lupa. Hindi ako lumingon.. pero lumingon ang lahat ng tao. Huminto ang oras. Dahan dahan kong inangat ang ulo ko para batiin ang taga bundok kong kaibigan. Hindi ko alam kung anong hiwaga meron ang moment na yun dahil sa hindi naman palasigaw ang kaibigan kong ito (limang buwan lang kaming hindi nagkita). At mas lalong hindi nya alam na may kras ako kay WM.

“Hey you..” hindi ako ang nagsabi nyan. Yung kaibigan ko pa rin na taga bundok. At hindi para sa ken ang bati na yan.. kundi kay.. kundi kay… WM! Magkakilala sila. At makapal ang blush on ko. Potah naman….

“Heeeeeeey,” kunwari pa raw tong si WM na hindi nya namukhaan yung kaibigan kong agaw pansin. At sympre.. nangyari ang hindi dapat mangyari. Pinakilala nya kami. Tumingin ako sa kanya ng saglit lang.. pagktapos ay kunwari may hinahanap sa bag habang nagkukwnetuhan sila sa gitna ng hagdanan. Hindi ito ang pinapangarap kong paraan para makilala si WM. Baket ba ako nag-blush on, potah??? Mamatay na ang nakaimbento ng REVLON, sabi ko sa sarili habang nag uusap sila.

Nag-ring ang cellphone ko.

“Guys, I gotta run. Nice meeting you.” sabi ko kay WM.. pero nakatingin ako sa kuko ko sa paa.

Saglit syang napangiti sa ken. Halos tumirik na ang mata ko para lang makanakaw ng tingin sa kanya kahit na nakayuko.

“Nice hair,” sabi nya, “though I really like your hair long.” eto ang moment kung saan parang hindi ko magawang maglakad palayo sa kanila dahil parang nanigas lahat ng mga daliri ko sa paa. POTAH.. kinilig ako ng 45 seconds!!

Biglang nag echo sa utak ko ang boses nung adik kong kaibigan.. “KRAAAAAAAAAAAAS KA NUUUUUUUUUN..”

Tumingin ako ng saglit sa kanya.. Tapos ay ngumiti. Tumalikod at umalis…

At saka ko lang naalala…

Sa sobrang pagmamadali ko kanina….

TANGINA, nakalimutan kong mag toothbrush.

Comments
  1. kelliemacaraeg says:

    sekretoooooooooo ;P

  2. frank says:

    ay sinu yan WM?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s