Sa mga EMO.

Posted: January 11, 2009 in daot, emo

emoEmo ka ba?

Kung OO ay pumalakpak ng sampung beses sabay laslas ng pulso. Yey! Dugooooooo…. dugooooooo.. inspirasyon ang dugo. Ina ka.

Kung hindi naman ay GUDYAB! Malalaman mo na rin kung ano ang ibig sabihin ng EMO sa wakas.

Ang EMO ay isang klasipikasyon ng musika na nagmula sa HARDCORE punk at nang kinalaunan ay nag-evolve sa pop punk. ( Wag ka nang epal, hindi ko alam ang tagalog ng HARDCORE PUNK at POP PUNK.) Dekada 80’s unang pinakilala sa Wahington D.C. bilang EMOCORE na ang ibig sabihin ay EMOTIONAL HARDCORE. Alam ko naman hindi ka na interesado sa mga susunod ko pang sasabihin dahil hindi ka pa malamang nakakarinig ng mga kantang emo kung kaya’t padadaliin ko ang lahat para maintindihan mo.  Sa ngayon, ang pagiging emo ay na-aasociate sa mga teenager na kung pumorma ay parang nagkakalkal ng basura sa PAYATAS.  Yung mga nagsusuot palagi ng Chucks, sabay may suot na salamin na parang kay Jessica Zafra, tapos super mega tight jeans na parang SPANDEX na sa sobrang sikip at sympre ayos ng buhok na walang pinagkaiba kung nakatalikod ka man o nakaharap.. yan ang EMO. Pormang EMO.

Ang pagiging EMO ay nauugnay din sa matinding pagkalungkot, pagiging emosyonal (duh, EMO!) at sensitibo sa lahat ng mga bagay na nakaka-depress, sa matinding galit sa mundo at sa kapitbahay mong mas mayaman sa yo, sa pagiging mahiyain at sa katotohanang wala kang kaibigan, sa feeling na hindi ka mahal ng magulang mo at wala kang magulang.. (shet.. emo pala ang mga naulilang lubos), at sa mga pagkakataong gusto mong kitilin ang sarili mong buhay dahil wala kang silbi sa mundo. Yan ang Emo.

Hindi ako EMO pero sa aking palagay ay napapaligiran ako ng mga taong emo.. mga palabas na EMO at mga babasahin na EMO kagaya ng TWILIGHT SAGA na kung saan ang writer ay may pagka emo at pinagbibidahan ng mga bampirang suicidal.

May napanood din akong documentary sa Channel 2 tungkol sa mga trip ng kabataang emo.  Akalain mong may mga urges pa pala yan na magsulat sa dingding ng mga lyrics na pumupukaw sa kanilang damdamin. Wow, man! the trip! the trip maaaaaaan. Ang lakas. At dahil sympre ay naniniwala akong masayang gawain ang pagsusulat sa dingding ay na-enganyo akong gayahin ang aking napanuod. Nagsulat din ako ng mga hardcore na lyrics sa dingding ng kwarto ko na sinuportahan naman ng utol kong mahilig tumaya sa OTB.  Sympre pa tuwang tuwa kami sa outcome ng ginawa namen at piniktyuran namen eto.. eh ang siste.. nang pumasok ang nanay ko sa aking silid ay binato kaming dalawa ng isang napakalaking industrial sabay sigaw ng.. “EH BAKET HINDI NYO PA LAGYAN NG BAWAL ANG UMIHI DITO PARA KUMPLETO NA???!!!”

Matapos ang pakikipagsapalaran sa malaking industrial fan na initsa ng nanay kong EMO… at sa pag-iisip kung paano ko mabubura ang mga walang kwentang lyrics na sinulat ko sa aking dingding ay minabuti kong pinturahan na lang ang buong kwarto ko.

Kaya ayan… hindi mo na masasabing EMO ako dahil… PINK na ang kulay ng dingding ng aking bedroom. Isa na ako ngayong fanatic ni MALIBU BARBIE.

Taenang yan.

Comments
  1. IKAY says:

    “EH BAKET HINDI NYO PA LAGYAN NG BAWAL ANG UMIHI DITO PARA KUMPLETO NA???!!!”

    Bwhahaha….at natawa talaga ako d2…^_^

  2. frank says:

    “EH BAKET HINDI NYO PA LAGYAN NG BAWAL ANG UMIHI DITO PARA KUMPLETO NA???!!!” hahaha honga namn!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s