Ang buhay ay parang Tsinobela lang.

Posted: January 20, 2009 in daot, miarmiar-isms, usapang lovelife

“Para saan pa ang parak kung natatanggap ang SORRY??”

Ito ang unang palitan ng dialogue ni Dao Ming Shu at Cancai sa patok na patok na series na METEOR GARDEN tuwing alas kwatro ng hapon,Lunes hanggang Biyernes sa KAPAMILYA channel. Sila ang unang nagpakilala ng Chinovela o Koreanovela sa Pilipinas. Ewan ko lang pero sa Channel 2 ako unang nakapanood ng mga Intsik na nagda drama. Aminin mo, hindi mo rin sila na picture na nag e emote dahil sa Quaipo lang naten sila nakikita na nagbebenta ng mga mumurahing payong, TV, DVD, pinggan, tasa, universal remote control, pekeng Gucci bag, damit na sa kanila lang kasya, at kung ano ano pang mga paninda na mabenta sa MASA. Ang buong akala natin lahat ay ipinanganak silang business minded but no, nagulat ang lahat ng ipakita nilang they are so much more. Marunong silang malungkot sa ngalan ng True love at hindi dahil wala silang benta. Ano bang akala naten? KUNG FU, Karate at mga lumilipad na martial artists lang ang mga pelikulang kaya nilang gawin?

Nagkamali tayong lahat. Singkit man at mallit.. sila ay naiinlab din. Hindi ka ba kinilig sa love story ni Dao Ming Shu at Cancai? na ang pangalan kapag sinalin sa tagalog ay Munting Kuneho at Damong Ligaw? Kahit na screen adaptation ng manga series, Hana Yori Dango na nagmula sa bansang Hapon ang Meteor Garden, napabilib pa rin ako sa Chinese version nito. Saan ka nakakita ng lalakeng kung maglambing ay nanghihila ng braso sa kalsada? Ang sweet talaga. O kaya ay yung bigla biglang pagyakap ng lalake na ganun ganun na lang kung isubsob ka sa kanilang mga dibdib. Partida yan ah, slow motion pa ito pero kung iisipin mo ay medyo masaket sa mukha.

kiss

Ang Kiss na ito ay super romantik kaya wag kang gagalaw ng mga 2 minutes.

At eto ang unang requirement para makagawa ng isang serye na magpapakilig sa lahat ng tao : PIGGYBACK. Hindi importante kung sino ang papasan basta kailangan may ganitong eksena para panuorin ng lahat. Sa palabas na Coffee Prince,Lover’s in Paris, My Girl at Why Why Love ay madalas nating makita ang mga bida na naglalakad habang pasan ang kanilang love interest sa likod. Sa mga eksenang ito, importante na ang nakapasan sa likod ay lasing dahil broken hearted, napilayan ng paa dahil engot, at hinimatay dahil sa matinding pagod. Kahit anong dahilan man.. kailangan isingit ang piggyback scenes. Ewan ko kung baket pero ito ang paraan ng mga kapatid nating Intsik at Koreano para tayo ay mapakilig. Nagtagumpay naman sila. Epektib ang ganitong approach kahit na masakit sa likod at nagdudulot ng slip disc.

piggyback

Sa ngalan ng fame, money at entertainment… tabla tabla na ang LUSLOS!

Sympre pa.. mas nakakaiyak kung ang paghihiwalay ng dalawang pusong nagmamahalan ay nagaganap sa gitna ng napakalakas na ulan. Hindi ko na matandaan pero ang alam ko ay naghiwalay si Dao Ming Shu at Cancai sa gitna ng matinding ulan na parang Signal # 2. Akalain mong artificial rain lang pala yun.. na habang sila ay nagpapalitan ng mga makapagbag damdaming pusong diyalogo ay may isang komunyidad ng mga taong singkit na kamukha ni Jackie Chan ang naghahawak ng isang napakalaking water host! Tunay nga namang napaka creative ng mga singkit nating kapatid dahil kahit na sa kanila applicable ang Pilipinong salawikain na “Hanggat maikli ang kumot ay matutong mamaluktot,” ay hindi nila nagawang magtipid ng tubig sa ngalan ng entertainment.

At nababanggit na rin natin ang pagtitipid..sa aking palagay ay gumagastos talaga ng isang drum na ispreynet ang mga producers ng koreanovelas at chinovelas. Siguro dahil sa ginagaya nila ang mga characters ng MANGA (Komiks ang ibig sabihin nyan sa salitang HAPON) na bumibida sa kanilang Manga Adaptations ng kung ano mang istoryang komiks na sikat sa karamihan, ay talagang naglalaan sila ng malaking pera sa hairclips, ispreynet, hairbrush at hair dye. Isipin mo na lang kung ilang toneladang ispreynet ang ginamit sa buhok ng bidang lalake sa DEVIL BESIDE YOU at ilang turban sa buhok ang puhunan sa ulo ni Dao Ming Shu. Wag mo nang isipin at hindi na kailangang gamitan pa ng aritmetik, ang kailangan lang natin isa isip ay mas maganda kapag asteg ang hair effects.. bukod may STILL effect ang kanilang mga buhok ay talaga namang IN na IN sila sa mga teenagers na palaging nanggagaya kung ano ang uso. Isipin mo na lang dahil sa mga get up ng mga abnoy na yan ay nagkakaroon ng buhay ang mundo.

WHy Why Love

Mike He: Akala mo ba babae lang ang gumagamit ng heyrclips??

Rainie Yang: At ngayong alam ko na.. BREAK NA TAYO!? Don’t ever talk to me again!

Ang entry na ito ay hindi pa tapos dahil marami pa akong gustong talakayin tungkol sa pagtanggap ng mga ganitong palabas sa ating kultura. Ngunit subali’t datapwa’t malapit na ang Valentine’s day kaya naman naisip ko na dapat ay tungkol sa usapang lovelife ang aking isulat para naman napapanahon ang blog na ito. Wala akong ibang maisip kundi mga Koreanovelas at Chinovelas na lumikha ng isang malaking komosyon sa usapang lovelife ng mga Pilipino. Marami sa atin ang kinilig, napa-iyak, napa-isip at gumaya ng mga dialogues na sa ating palagay ay angkop sa bawat sitwasyon na ating hinaharap.. Salamat sa mga ganitong palabas.. nang dahil sa kanila ay naisip nating hindi hassle ang magpa-pasan sa likod ng ating mga leading man at higit sa lahat hindi na rin tayong mahihiya magtanong ng mga katagang…

“Maari mo ba akong gawing SPARE TIRE?”

Naks. Hip na si ATE!

Comments
  1. xiou says:

    hi……

  2. AC says:

    at napansin ko din.. tama ka sa piggyback scenes na yan. kaya nga ba ni-adapt na ng mga pinoy at ginaya na ni marian at dingdong. josko!

    i like the spare tire quote ha..🙂

  3. AC says:

    yung ex ko ganun magmahal kay dao ming shu. yung muk ap ko pati sa braso meron — pasa. hahaha!😛

    ano ba yan tinatamad ako magwork. kinalkal ko na lahat halos ng entries mo. hahaha!😀

  4. noelle says:

    ahahahahaaha kellie! aymisyu!

    xoxo,
    noey

  5. ang gwapo mo mike he . . . anu email mo??add ka namin . . .hahahaha . . . iluvu sagad hangang buto . . . MwuaHh . . . ti amo . . .

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s