Archive for February, 2009

Confessions 101.

Posted: February 27, 2009 in Life, WDS (writing down shit)

Pinigilan ko ang aking sarili na huwag magsalita. Akala ko ay makakayanan ng aking nagpupumiglas na damdamin. Sa isang banda, ninais kong manahimik dahil sa buong oras na hindi ako nagbibigay ng opinyon, naniwala akong lilipas lang ang lahat at tuloy ang buhay. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi ko na kayang manahimik pa… sabihin nyo na ang nais nyong sabihin.. husgahan nyo na ang aking pagkatao mula ulo hanggang paa dahil sa pagkakataong ito ay hindi ko na itatago pa…

FAN AKO NI JOHN LLOYD CRUZ AT SARAH GERONIMO! (Ma, Pa – I’m sorry. Hindi ko po sinasadya basta paggising ko isang araw, yan na ang nararamdaman ko eh.)

Napanaginipan ko rin si John Lloyd nung isang gabi. Ayokong umasa… pero nararamdaman ko.. SOULMATE kami. Pinagtawanan ko ang pinsan ng aking boypren ng isang beses akong makatanggap ng regalo at may isang note na nagsasabing, MERRY CHRISTMAS from Van and John Lloyd ngunit ngayong naiisip ko sya ay nakakaramdam ako ng konting inggit.. kaya sa susunod na mag reregalo ako ay ganito naman ang sa akin HAPPY BIRTHDAY from Mr. and Mrs. John Lloyd Cruz, HAPPY HALLOWEEN from Kellie, John Lloyd and John Lloyd Jr. , BEST WISHES from Kellie, John Lloyd, John Llyod Jr and John Lloyd’s parents, CONDOLENCES from Mr. and Mrs. John Lloyd Cruz and the KAPAMILYA CHANNEL… etc.. etc…

Magmula sa araw na ito at sa mga susunod pa.. ang buhay ko ay para kay John Lloyd lang ngunit sa mga panahong napapaligiran ako ng dalawang DAVID GARCIA Jr., hindi ko matiyak kung hanggang saan susubukin ng panahon ang pagmamahal ko kay John Lloyd.

Natatakot din ako kahit hindi pa nangyayari dahil baka sa gitna ng aking pagkahumaling kay John Lloyd ay baka biglang magparamdam si Piolo Pascual.

Kung ano man ang mangyari sa mga susunod na araw.. gusto kong isipin nyo na sa mga pagkakataong hindi ako naging matatag, humihingi ako ng pang-unawa sa inyong lahat sapagkat ako ay…

TAO LAMANG….

Nadadarang. Natutukso. Nababaliw.

Usapang Slumdog

Posted: February 24, 2009 in daot

Kinabukasan, pagdating galing ng office matapos naming mapanuod ang ACADEMY AWARDS…

Mina:  Ate, maganda ba yang Slumdog Millionaire?

K: (Posing pa deep) Oo naman.. iba sya eh. Kung uniqueness lang ang pag uusapan, magaling ang konsepto ng pelikula.

Mina: Weh? Eh si Brad Pitt tumatanda ng paurong.. hindi ba yun unique? Adik ka pala eh.

K: Unique. Pero sympre realistic ba yun?

Mina: (napaisip)  Sabagay.. ano nga yung realistic?

K: Makatotohanan, napapanahon.. engs..

M: Eh.. meron pa bang WHO WANTS TO BE A MILLIONAIRE ngayon?

K: Wala. (galit) Pero marami pa ring bumbay, ina ka.

M: Ayoko kasi nung Slumdog Millionaire eh.. nape pressure ako.

K: Huh? (Nagtataka)

M: Kamukha kasi nung nagtitinda ng pandesal sa kanto yung bidang lalaki sa Slumdog Millionaire eh. Pag nakikita ko sya parang naririnig ko yung boses ni mama na nang uutos bumili ng pandesal.

K: Honga no!

M: Hindi ko nga alam pangalan nya eh.. pero dahil ang bagal nya minsan mag abot ng pandesal.. sabi ko.. “Hoy, Jamal bilisan mo!”

K: Hahaha.. Jamal Salim. Eh ikaw pala si Latika eh.. Yiheeeeee.. Latiiiiiiiika.

M: (Nainis) Laki laki kaya ng tenga non! Parang may bahay sa loob..

K: Sama mo. Ang ganda mo, neng.

M: Seryoso… huh.. ate, pinakita nga yung behind the red carpet scenes, huh? Oh ano? (excited) pinakita nag gu-groom  sila tapos yung lalaking bida sa Slumdog naglilinis ng tenga..oh.. huh? pero hindi cotton buds yung ginagamit.. hulaan mooooooo….

K: Ah ewan.. ano?

M: TOOTHBRUSH.

K: Lul. Kraaaaaaaaaaaaaaaas mo yun eh.

M: Whatever.

K: Cute naman yung si Slumdog guy ah.

M: Oo naman.. kung fanatic ka ni Dumbo.

–ABANGAN — (litrato ni Panadero Boy alongside Jamal Salim of Slumdog Millionaire. Umaga kasi ngayon eh, mamayang gabi pa sya lalabas para magtinda. Sa katunayan, inutusan ko na yung pinsan kong kuhanan sya ng picture kanina habang bumibili ng yosi, pero.. pero natutulog ata si Panadero Boy kaya bukas na lang!)

P.S. 02/27/09 – Pasensya na sa mga nag-abang sa picture ni Panadero Boy, I have a strong got feeling na baka nabasa nya ang post na ito at mailap sya these past days.. hindi ko sya nakikita. Baka… baka.. may .. ear infection.

Buhay TL sa araw araw.

Posted: February 21, 2009 in buhay call center

8:00 – Gigising na. Magbe breakfast kaharap ang TV, kakain habang nanunuod ng May Bukas Pa.

8:30 – Maliligo habang naririnig ang mga ligaw hits ni Armando kay Betty.. at ang pagpapa cute ni Betty kay Sir Aldo.

9:00 – Magbibihis sa gitna  ng mga maiinit na batuhan ng dialogoues ni Ingrid at Marlene sa pagku krus ng landas ng dalawang DAVID GARCIA JR sa TAYONG DALAWA.

9:15 – Nagbibihis pa rin ngunit nilipat na ng utol ko ang channel kay Proserfina Valdez sa ANG BABAENG HINUGOT SA AKING TADYANG ni Carlo J. Caparas kung saan nagbibida si Marianne Rivera at Dingdong Dantes bilang si Homer. (Gumagawa rin pala ng Drama tong si Carlo akala ko puro massacre lang ang pelikula nya??!)

9:45 – Nagsisintas ng sapatos habang pinakikinggan ang mga bagong showbiz chika sa SHOWBIZ NEWS NGAYON.

10:00 – Papasok sakay ng dilaw  na motorsiklo.

10:30 – 10:45 – Nasa office na. Dadaan ng washroom bago pumasok sa OPS.

10:46 – Babatiin si Jed bago umupo sa station.

Kellie:  “Wui.. pwreeeeeeeee…”

Jed: “Yeaaaaaah…maaaaaaaaaaaan.”

10:47 – Bubuksan ang PC. Lilinga- linga sa paligid para i check kung sino sa mga reps ko ang absent. Titingnan ang CMS > Group Login/Log out > Date para malaman kung sino ang late. Sino ang pumaparaan.. sino ang may system issues.

10:47 – 11:00 – Magbubura ng emails.. 176 mails galing sa system administrator dahil nag exceed na daw ang mail storage. WTH!?? Magse send ng team attendance.

11:00 – Nag aayos ng TEAM STAT ng may biglang lalapit…

Pablo: TL, supcall…

Kellie: Aba eh.. good morning din sa yo.

Pablo: Eh wala akong magawa..naghahanap ng supervisor eh. Ganun talaga..

Kellie: Oh baket anong problema??

Pablo: (kamot sa ulo) Eh.. kasi sinasabi ko sa kanya na hindi nga pwede magbigay ng information kasi.. eh ang kulet boss eh.. eh kasi..boss, nagpaliwanag naman ako eh kaya lang—

Kellie: (deep breath) Transfer.

11:45 – Break.  Lalapit kay Kaloy

K: Psst.. break.

Kaloy:  Teka lang me call pa ko eh.

Kapag hindi uubra.. lalapit kay Margaritah.

K: Psst.. break

M: Ang cuuuuuuuuuuuute mo naman ngayon…

Rep: TL, busy ka? Me supcall ako eh.

Tingin sa paligid. May call si Celso. May call si Jed.

ANAKNGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG…..

11:47 – Supcall.

12:15 – Totoong break. Takbo palabas ng OPS… baka me supcall.

12:16 – Hinihingal pababa. Nag ring ang cellphone.

Boss: San ka?

K: Errr… break.

Boss: Late ka na me concall tayo.

12:18 – Pawis na pawis na umupo sa station. Dial sa bridge.

Bridge: After the tone.. please state your name follow by the pound sign.

Toooooooooot —-

K: (hingal) Kellie.. (hingal) APAC (hingal) Cubao.

Bridge: Joining Conference.. (hingal) Kellie.. (hingal) APAC (hingal) Cubao.

Greg: So Team – where are we in the multiple call tracker?

K: Errrr.. we’re good.

Block Socks: Errrr… ah..jhus..hav..ah… kweshunssss…?$@$???!!!@$$$$

Greg: (silence) What’s that again.

Block Socks: AHHHHH..Syur. !@%???!!!$$$

1:00 – Totoong break. Daan sa station ni Celso.

K: Magbe break ako. (Sabay takbo palabas ng OPS… walang lingon lingon hanggang makarating sa smoking area.)

1:05 – Nanginginig magsindi ng yosi. Hithit buga.. buga hithit.

1:05 -1:15 Yosi break. Baket may mga reps na nagpapa picture sa motorsiklo ng YELLOW CAB? At talagang sinuot pa ang helmet sabay pose. Anong meron?! Bakit sila ganun??!

1:17 – Balik sa station. Ilan ba ang avail? Tingin sa CMS. 18 Calls waiting.

1:18 – Send ng message sa chatroom. 7564 to supskill please.

1:18 – 2:00 – Take ng call. (Thank you for calling…ano nga??!)

2:00 – May avail pero di pede mag coaching. Libot sa floor. RONDA TIME. Hmmm… sino naman ang siraulong nag akyat ng MACARONI SALAD sa floor at amoy pawis everywhere????!!! Sa banda roon ay amoy REGULAR YUM. Si Raki ang salarin madalas pero this time magaling magtago ang nagdala ng macaroni salad… send ng email.. chu-chu time.

2:10 – LUNCH. TAKBOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO.. blockbuster na naman ang pila sa RMG.

2:45 – 3:15 – Sagot sagot ng mga tanong ng mga reps. Madalas sa tabi lang ni Aira dahil bawat calls nya ay calls namin ni Joseph Manalo.

3:30 – Upo sa station matapos mag toothbrush. Pull up ang witness para mag enter ng scores.

3:32 – Tagal mag load.. suklay muna ng buhok.

3:35 – May bagong update. Mag pi print pagkatapos ay gugupitin ng 12 times.

3:37 – Nag gugupit ng may biglang lalapit…

K: Supcall?

Pablo: Eh kasi boss…

K: Transfer!

3:37 – 4:00 – Balik sa pag-gugupit.

4:10 – Magdi distribute ng mga nagupit.

4:15 – May inuutos.. Please check if your reps can access said weblink.

4:16 – Buntong hininga…

4:17 – Tatayo at lilibot sa floor. Iisa-isahin ang stations ng mga reps.

K: Tol, na check mo ba kung me access?

C: Hindi pa eh. Ano ba yun?!

K: Basahin mo email mo, nogs.

4:30 – Send ng email. Link is working.

4:31 – Email ulet. PMR deadline no later than Thursday EOB.

4:32 – Buntong hininga sabay mura.

4:33 – Balik sa pagpasok ng scores sa Witness

4:34 – Lalapit ang isang rep sa station sabay abot ng pilas na papel… “TL, callback daw bago mag 5.”

4:35 – Maglalabas ng cutter sa pedestal.

4:36 – Magdadasal.

4:37 – Maglalaslas.

4:38 – Mamamatay.

Anak ka ni Pokita Bumblebee naman o!!! Ikaw na ang maging Team Leader!

Idle mind PART 1

Posted: February 17, 2009 in Creative Writing 101

*This is an excerpt from a short story I made when I was eighteen. I stopped by my old blog and I find it really funny to come across this. I was just killing myself because I totally forgot the ending…oh well, I will probably think of something. I revised some of the cheesy lines  but anyways, just a glimpse of my soft spot, it totally felt weird.

And oh yeah, I think this is my first post in English.

—–

“I’d like to take your picture if you don’t mind.” I heard him say without even looking at him. My mother once told me it’s rude to do that but I guess I was born this way, and what the hell??! This psycho guy is asking for my picture, I’m giving him a short moment to think how creepy that is.
“No,” I said, my eyes still searching songs in my IPOD,”Go away. Its  not polite to ask pictures from strangers.” Oh. How in the hell did I get a Mariah Carey song?
He chuckled. It sounded very sweet in a hollywood kind of way. I looked up and lowered my sunglasses. I automatically positioned it back like being electrocuted in a weird way, this guy is hot. He’s reeking of unwanted emotional attachment. It’s like falling in love with a very expensive strappy stilletos that you can’t buy because you’ll end up eating crackers and walking 50 kilometres everyday to work until you get your next paycheck.
“I’ll pay you.” he said.
“I’ll pay you to leave me alone, mister.” I snapped. Ok, so not because he’s moviestar quality doesn’t mean he can get away with a very tacky attitude.
“Geez, you know I can take pictures of you without telling you. You know that right? But instead, I came running here and ask your permission because I really think its not very decent to take pictures of people without telling them first.” the way he delivered his lines makes me feel stupid and I don’t like it when people do that no matter how hot they are.
“Go shoo. I’m not interested. I have two children, I killed my last husband.” I said sarcastically.
“Oh, wow. I’m not hitting on you. You’re not my type.” he responded, still chuckling.
“Good for me, then. Not a big fan of stalkers, really.” Don’t be sarcastic with me, I invented sarcasm, pretty boy with great abs.
“Where you staying?,” he asked sitting beside me. I panicked. I don’t see him ready to let go of the conversation.
“None of your business. Listen, is this your idea of small talk, I’m sorry but you are starting to creep me out.” I said while putting my stuff in my beach bag. I searched for security but this is a private beach, security is a bit far from where I am right now, alone with this hot DEXTER character. Well, if he try to touch any of my body parts, I can shout for help I guess. I can see people not far from us picking up sea shells.
He laughed. “I know what you’re thinking. I will not strangle you or something, tho I really feel like doing it.”
I automatically stood up pulling the sheet beneath him. He stood up facing me. “Not in this lifetime, maybe?” he smiled and walked away.
I searched for my cellphone and dialled Rachel’s number.
“Hello?,”
“I thought this is an exhibitionist free place??What the hell, Rachel?!” the creepiness is starting to sink in.
“Huh? I don’t understand.” she said.
“I met a really creepy guy just now. I thought this place is very private?”
“It is. Where the hell are you anyway?”
“Well,” I paused for a moment, “I think I’m on the other side of the hotel.”
“Get away from there. Its fucken private property. You’re trespassing. Don’t try swimming in there, water is shark infested.”

Emo ngayong Balentayms.

Posted: February 13, 2009 in Life, usapang lovelife

Nakiiisa ako sa pag celebrate ng Valentine’s day. Kagaya ng Christmas, Chinese New Year, Thanksgiving,  Good Friday at Pasko ng Muling pagkabuhay ni Jesus Christ ay naniniwala akong may kabuluhan ang pagdiriwang ng Araw ng mga Puso. Para saan pa ang LOVAPALOOZA?

Sabi ko nga hindi ako nagce celebrate ng Valentines day pero para maiba naman ay susubukan kong pahalagahan ang araw kung saan ang lahat ay extra sweet at ang mundo ay umaapaw ng pink balloons, red roses at stuff toys ni Winnie the Pooh.

Dahil dito ay isang araw akong makikinig ng musika ni Mariah Carey at pupunuin ko ang aking IPOD ng mga awiting Kundiman ng mga artista ng Sampaguita Pictures.  Manonood ako ng mga pelikulang kung saan ang dalawang taong naghahalikan ay umaanggulo ng mga ulo bago mag-abot ang kanilang mga labi.

At higit sa lahat… hindi na muna ako magagalit sa mundo. Nakakapagod din kasi.  Salamat, Valentine’s day!

Ang una kong napanood na pelikula ay THE HEARTBREAK KID ni Ben Stiller. Natawa ako sa mga crazy antics pero nagalet ako sa tema ng pelikula bandang huli.. partikular ng kinakausap ni Ben Stiller yung asawa nya para makipaghiwalay.

“I’m sure you’re great.. its not you, it’s me. You are a great person, you don’t deserve me..”

Nagalit ako.

Bakit ganito ang break up lines ng mga lalaki palagi? Ginagawa nilang tanga ang mga kausap nila. If I’m fuckin’ great, what’s your fucken problem, asshole? Yeah, you’re right I deserve someone much better than you. Naisip ko baket kailangan sa tuwing makikipaghiwalay ang iba, bakit kailangang palabasin na sila ang problema? Sa bandang huli kahit ano pang sabihin mo makikipaghiwalay ka pa rin naman. Hindi mo iiwanan ang isang tao dahil isa syang GREAT PERSON, tanga. May ibang dahilan.. sabihin mo kung bakit, wag kang mambola, don’t feed her ego.. just grow some balls and fucken spit it out, moron!

Kung may hypertension lang ako, namatay na ako bago matapos ang pelikula. Sympre nagagalit ako dahil kung hindi ko napanood ang pelikulang ito ay hindi mag si sink in sa akin na nagmukha akong tanga dati.

Isang araw sa buhay ko, nabola rin naman ako. Naniwala sa mga bagay na naririnig, nahulog ng konti pagkatapos ay bigla na lang natapos ang lahat at parang walang nangyari. Sympre ang una mong gagawin ay makipag-kaibigan ulit kahit naiinis ka. Isang bagay na hindi mo maisisi kahit kanino dahil ikaw ang may gusto kahit patuloy kang nasasaktan.

Ngayon ko lang naisip.. ang tanga tanga ng ginawa ko. Nakakawala ng respeto sa sarili. Pero sa isang banda, naisip ko kailangan mo rin naman magkamali minsan para matuto ng kung sa ganun pag nangyari ulet, eh alam mo na ang gagawin mo, pero taragis hindi ko talagang magawa ang kumalma. Hindi ako nagagalit dahil inayawan ako ng lalaki minsan, normal lang yun. Nagagalit ako dahil sa tema kung paano kami nagtapos ay parang nauto lang ako. So in short, nababanas ako sa sarili ko.

Hindi ko na matandaan ang hitsura nya pero natatandaan ko kung paano kami simulang nag-usap. Crush kita dati pa, naniwala ako sympre. Masaya naman nung simula, date pag weekends.. usap pag weekdays. The usual thing. Maraming beses naisip ko, hindi ako ready dahil kakahiwalay ko lang sa ex ko, pero nandyan sya… sa loob ng 8 taon na inilagi mo isang relasyon pagkatapos ay biglang natapos, may isang taong darating na biglang bigla ay magpaparamdam sa yo ng mga bagay na akala mo ay pang teenager lang.. anong gagawin mo?

Lumipas ang ilang araw, unti unti mong nakikita na andami nyang hang-ups. Sa mundo. Sa buhay. Sa kahit sino, may problema sya. Pero sympre hindi naman ako superficial kaya natanggap ko ang lahat ng yan. At some point naisip ko parehas na parehas kami. Natuwa ako, dinala ko lahat ng mabibigat para sa kanya kahit meron ding mga bagay na mahirap dalhin para sa akin. Pinasaya ko sya dahil sa mga oras na masaya sya, magaan ang pakiramdam ko. Kahit kailan hindi ko sya sinakal, isang bagay na mahirap gawin pero nagawa ko dahil ayokong mawala sya sa akin.

Isang gabi, nag usap kami at natapos ang lahat. Bumalik sya sa dati nyang GF, ang siste ako ang iniwan. Kung nasaling ang pride mo, anong una mong gagawin? Dahil hindi ka sanay na nasasaktan, at dahil hindi ka kahit isang beses sinaktan ng taong nagmahal sa yo ng 8 taon, ang una mong gagawin ay magkunwari na ok lang ang lahat, sympre. At worst, gusto nya maging magkaibigan kami. Sana ngayon sa tuwing mag isa sya ay naiisip nya kung gaano kahirap ang ipinapagawa nya.

Hindi ko alam kung minahal ko sya, pero ang alam ko nung nawala sya ay minahal ko sya. Isang bagay na hindi ko naiitindihan pero nararamdaman ko. Nakakatawa, umaapaw ng kabaduyan pero totoo.  At some point, kailangan mong mabuhay sa mga bagay na korni at baduy para maramdaman mong totoo ang lahat ng bagay. Kung naging kami siguro masaya sya ngayon pero hindi ko na binabalikan ang mga bagay ng nakaraan, hindi dahil masama o mabuti ito para sa akin kundi dahil hindi nagkatotoo ang minsan at lahat ng nangyari ay mananatiling mga pagkakataon na lumipas na. Ayokong mabuhay sa mga bagay na kahit pagbalik-baliktarin mo ng pauulit ulit ay nananatiling CHANCES lang. Nasaktan ako…hindi na mawawala yan. Pero naniniwala akong lahat ng bagay ay lumilipas, hindi dahil hinihilom ng panahon kundi dahil binibigyan mo ang sarili mo na maging masaya at naniniwala kang ang lahat ng nawala ay may kapalit. Sa ganoong paraan ay natatakpan ng masasayang bagay ang mga bagay na tumutusok sa buo mong pagkatao.

Huwag mong isipin na hindi kita pinahalagahan. Lumayo ako dahil ganun ang gusto mo, hindi tayo magiging magkaibigan hanggang hindi natatapos ang mga bagay na hinahanapan mo ng kasagutan sa pamamagitan ko. Hindi ko alam kung kelan pero kapag ok ka na…nandito lang ako. Bilang kaibigan.

Hindi ko alam kung anong hiwaga meron sa tuwing maglilinis ako ng kwarto.. pero ang alam ko.. isa ka sa mga dahilan kung bakit natatawa ako sa tuwing ang lahat ay masaya sa Valentine’s day.

Sa mga kaibigan kong epal, huwag nyo kong tutuksuhin!!!!

Happy Puso! :)

Posted: February 10, 2009 in Life, usapang lovelife

Valentine’s na!

Happy puso para sa mga taong hindi single, maligayang bati para sa mga taong IN A RELATIONSHIP/MARRIED status sa Facebook, My Space, Multiply at sa mga taong may status ng IT’s COMPLICATED sa Friendster.  Alam ko namang pinaghahandaan nyo ang araw na ito para makapag regalo ng chocolates, stuff toy ni Winnie the Pooh, Spongebob Squarepants, My Melody, Tweety Bird, Tazmanian devil, Mickey Mouse, Minnie Mouse, Donald Duck, Daisy Duck, Teddy ni Mr. Bean at kung ano ano pang mga bagay na sweet sa inyong mga minamahal. Usually ganyan talaga ang nireregalo ng mga taong nagmamahalan sa isa’t-isa sa tuwing Valentine’s. At sympre makakalimutan ba naman ng mga boys at tibo ang isang punpon ng red roses?? Maaga pa lang ay pumapakyaw na yan ng isang katutak na bulaklak sa Dangwa at kung saan saang punerarya. Again, Happy V!

Hindi kami nagce celebrate ng Valentine’s day ni A. Tama na sa akin yung HAPPY VALENTINE’s! Pakiramdam ko kasi sa tuwing magpapa ka sweet ako sa Valentine’s day ay kerida ako ng pulis. Ewan ko  kung baket pero yun ang pakiramdam ko. Hindi rin kami lumalabas dahil pakiramdam ko naman ay isa ako sa mga libo libong karpentero, boy, katulong, kusinero, panadero, tindera ng cellphone sa Divisoria, caregiver at kung sino sino pang nabibilang sa populasyon ng anak pawis na ibinuwis ang buhay para lang makapag day off at makipag date sa Valentine’s day. Tabi tabi po… ito naman ay opinyon ko lang. Marami pa rin akong kakilala ang nag ce celebrate ng Valentine’s pumupunta sila kung saan saan.. pero hindi ba?? Hindi mo ba nararamdaman? Na ang Valentine’s ay sadyang OVERRATED.

Para naman sa mga kaibigan kong single at nag iisa ngayong araw ng mga puso… chill lang mga friends. Wag nang malumbay. Masaya ang single at free.. malungkot ka lang kung isa kang tao ngunit nakakulong sa katawan ng isang MANSTER, taong puno, kampanerang kuba o kaya ay sa katawan ni Betty La Fea. Malungkot ka sa katotohanang baka matagal kang mag celebrate ng Valentine’s ng mag isa. Ngunit sa isang banda ay naniniwala akong makakakita rin kayo ng taong magmamahal ng tapat at totoo.. para lang yung istorya ni Beauty and The Beast. Joke lang. 😉

Anyway para sa mga taong malungkot at broken hearted ngayong Valentine’s day, maraming paraan para hindi kayo malungkot.

1. Maglinis ng mga kuko sa paa. Nakakapagod ito at masakit sa likod siguradong pag malinis na ang mga kuko mo sa paa ay aantukin ka na at makakatulog, wala ng oras para mag senti.

2. Manood ng mga palabas na puro barilan, gilitan ng leeg, saksakan ng bonggang bongga basta mga pelikulang bayolente kung saan ang tema ng pag-ibig ay sadyang kathang isip lamang. Subukan mo ang SAVING PRIVATE RYAN, BLACK HAWK DOWN, BRAVEHEART, SAW 1, SAW 2, SAW 3, SAW 4 at SAW 5 (kung meron na.)

3. Magtiklop ng panty. Magsamsam ng medyas at mga sinampay pagkatapos ay mag-plantsa.

4. Amuyin ang damit.. pag mabaho na ay labhan. Amuyin mo rin ang damit ng nanay mo, tita, tito, mga kapatid, lolo, lola at pati na rin sa kapitbahay.. kapag mabaho na at marumi, labhan, ikula at i-downy sympre.

5. Sulsihin ang gilid ng mga punda, kubre-kama at kumot bago matulog sa paraang ito ay hindi ka na mag iisip ng kung ano ano bago matulog.

6. Kapag nagawa mo na ang lahat ng nasabi ko ay mag cross stitch ng isang life size photo ng kung sinong artistang iniidolo mo. Sigurado malilibang ka sa mga kabibilang ng mga maliliit na parisukat bago mo maisip yung ex mong siraulo na pinagpalit ka sa babaeng may apat na siko.

7. Kalasin mo ang iyong cellphone at saka mo ulit ito i-asembol.

8. Bilangin ang mga natitirang cotton buds.

9. Tumayo sa harapan ng salamin at pagkatapos ay bilangin ang buhok.

10. Maghanap ng barya sa kalye kapag marami ka nang napulot na bente singko ay bumili ng Coke 8oz.

Marami pa akong naiisip pero dahil inaantok na ko ay matutulog na muna ako.

Syanga pala, ang entry na ito ay para sa kaibigan kong si Margaritah.  “Mare, ang buhay ay sadyang ganyan.. may mga taong ipinanganak para saktan ka ng paulit ulit ngunit naniniwala akong walang taong tanga na papayag na paulit ulit silang masaktan sa ngalan ng pag-ibig. Ang pag-ibig ay hindi kailangang palaging masaya ngunit hindi rin dapat laging malungkot dahil ang buhay na puno ng pait at kalungkutan ay realidad ng isang taong salat sa pagmamahal. In short… pray before you sleep! Gaga.”

Makatulog na nga..

Hindi ako kalapati nung past life ko. Mabuti naman.

Ito ang una kong naisip nang balakin akong ihatid ni Cedric at Kaloy sa bahay namin ngayong umaga. Gusto raw kasi nilang magpalipas ng oras dahil 11am pa ang appointment ni Cedric sa kanyang dentista. Sinipat ko ang oras.. mag aalas-diyes pa lang. Sigurado pag hinatid nila ako sa bahay namin ay makakarating kami ng alas diyes pasado ng Lunes ng umaga. Sabado pa lang… at naisip kong marami namang taxi driver ang nakakaalam kung saan ang Bagong Tulay.

“Ihatid na lang naten si Kellie!,” ang naibulalas ni Kaloy habang nasa loob kami ng pick up ni Cedric. Sa aking palagay, hindi ko naitago ang biglang pagtibok ng dibdib ko ng umayon si Cedric.

“Hmp! Wag na! Ayokong mag-asikaso ng bisita!,” unang palusot.

“Hindi kami bababa.. hatid lang talaga…” sigunda ni Cedric.

Taragis, paano ko ba sisimulan? Marge, alam mo ba kung bakit hindi tayo nagsasabay sa cab? Napansin mo ba na sa tuwing itatanong mo kung saan ako dadaan ay palagi kong sinasabi.. “Iba ang ruta ng daan ko,” “Malayo ako sa inyo,” “Maabala ka lang..”, “Ay, may pupuntahan pa ko..”

Natanong mo rin ba kung bakit ganun na lang ang kapit ko sa yo ng isang beses na yayaain mo akong bumaba ng Legarda at duon sumakay ng jeep? Hindi ba’t habang nag uusap tayo ay halos mabali na ang leeg ko kakalingon sa pakanan at pakaliwa. Kabadong kabado ako nun.. ngunit sinugal ko ang aking buhay sa ngalan ng pagkakaibigan. At napansin mo bang kahit kelan ay hindi na naulit yun? Dahil iniwasan kita ng isang linggo para hindi makasabay sa LRT. Isang ruta lang ang alam kong pauwi ng bahay, wag na kayong umepal.

Hindi kami bagong lipat. Sa katunayan, 28 na taon na akong nakatira sa Pandacan. Walang pasikot-sikot na daan patungo sa min, wala ka ring bangkang sasakyan para matunton ang bahay namin.. at hindi ka rin sasakay ng tatlong tricycle at sampung pedicab. Aaminin ko na, bano talaga ako sa direksyon.

Two years ago ko lang rin natandaan kung ano ang pinagkaiba ng kanan sa aking kaliwa. Sinisisi ko pa rin ang nanay ko hanggang ngayon kung baket, dahil piunurga nya ako nung araw na ituro ito ng aking guro nung PREP pa lang ako. Absent ako nun. Wag kayong judgemental. May isang taong nagturo sa kin na ang aking kaliwa ay kung saan matatagpuan ang aking puso. Naguluhan ako ng konti kasi alam ko nasa gitna talaga ng dibdib ang puso ng isang tao pero dahil cute sya ay inisip ko na lang na nasa kanang bahagi ng aking katawan ang aking APDO.  At sa bandang kaliwa ay ang aking balun-balunan na malapit sa aking fallopian tube na nasa itaas ng aking cervix at nasa kanang bahagi ang aking jijurnum. Tigilan na natin ito at nalilito ako ulet.

Anyway, dahil hiyang hiya ako sa aking sarili na umabot ako ng 160 pounds minsan ngunit hindi naarok ng aking utak ang daan pauwi ng aking tahanan, ay naisip kong tandaan ang daan pauwi sa amin. This time hindi na ako malilito. Hindi ako pumikit habang nasa loob ng taxi, hindi rin ako nagkamot ng tyan… nag concentrate ako. Aba, madali lang pala! Mula gilid ng Gateway ay mag-u uturn lang pakaliwa dire diretso sa may tawiran ng MRT. Tinanong ko yung taxi driver.. sabi nya nasa may Aurora daw kami corner Edsa. Anaknamputa! Saan sa corner ng Edsa?? Nasa gitna kami ng daan.. wala akong nakikitang corner!

“Ito ba talaga ang pinakamadaling daan pauwi ng Pandacan?” tanong ko sa manong driver.

“Ay, dipindi po yan kung saan kayo manggagaling, kung sa may SM cubao tayo galing kakanan tayo papuntang P.Tuason tapos dire-diretso lang hanggang mabaybay natin yung Aurora papuntang Sta. Mesa tapos kaliwa palandas ng bagong tulay tapos kanan ulit sa may kanto, U-turn tapos dire diretso lang.. pag malapit na yung intersection kanan tayo tapos Bagong Tulay na.” pagmamayabang ni manong.

“Ahh.. dali lang pala..” ganito pala ang pakiramdam kapag nagso solb ka ng algebra ng walang papel. Mabuti na lang alam ni manong ang pauwi ng Pandacan. Eh kung walang taxi.. paano na ang mga pangarap ko?

Pag uwi ko ng bahay ay nakaabang ang magaling kong utol sa gate namin.

“Oh akala ko ba ihahatid ka nung mga boys mo?” tanong nya, “tinawagan pa nila ako para itanong paano makapunta rito, eh isang beses lang naman akong nakapunta sa office nyo. Hindi naman ako GPS.’

“Hay nako, tinawagan nila ang maraming tao para lang itanong kung san tong lugar naten pero hindi nila nakontak kaya ayun mag-isa na lang akong umuwi.” malungkot kong sagot.

“Ano ka ba? You’re not thinking!.. tanga ka kasi., ” sabi ng utol kong ampon, ” eh kung hindi mo tinakpan ng concealer yang mapa ng Pandacan sa mukha mo eh di nakarating kayo ng maayos dito.  Minsan kasi wag mong ikinakahiya yang balat sa mukha mo.” sabi nya sabay talikod.

Kung hindi lang kami magkadugo nito ay isinuplong ko na sa mga pulis ang hobby nyang pagtaya sa OTB at ang tambayan nyang video-karerahan. I swear.

Naisip ko habang nagbibihis kanina, nag iisa lang kaya ako sa mundo? Meron pa kayang mas tanga sa ken pagdating sa direksyon? Kinuwento ko kay Ralph ang binalak nilang paghatid sa akin.. at sinagot nya ako ng…

‘Tol, natatandaan mo ba 5 years ago ng ihatid kita sa bahay nyo? Nasa Pandacan na tayo pero nakarating tayo ng Otis at UN avenue kakahanap ng bahay nyo..”

Taragis, UN AVENUE? OTIS???

Saan yun???!!!!