Ang daan patungong PANDACAN.

Posted: February 7, 2009 in daot, WDS (writing down shit)

Hindi ako kalapati nung past life ko. Mabuti naman.

Ito ang una kong naisip nang balakin akong ihatid ni Cedric at Kaloy sa bahay namin ngayong umaga. Gusto raw kasi nilang magpalipas ng oras dahil 11am pa ang appointment ni Cedric sa kanyang dentista. Sinipat ko ang oras.. mag aalas-diyes pa lang. Sigurado pag hinatid nila ako sa bahay namin ay makakarating kami ng alas diyes pasado ng Lunes ng umaga. Sabado pa lang… at naisip kong marami namang taxi driver ang nakakaalam kung saan ang Bagong Tulay.

“Ihatid na lang naten si Kellie!,” ang naibulalas ni Kaloy habang nasa loob kami ng pick up ni Cedric. Sa aking palagay, hindi ko naitago ang biglang pagtibok ng dibdib ko ng umayon si Cedric.

“Hmp! Wag na! Ayokong mag-asikaso ng bisita!,” unang palusot.

“Hindi kami bababa.. hatid lang talaga…” sigunda ni Cedric.

Taragis, paano ko ba sisimulan? Marge, alam mo ba kung bakit hindi tayo nagsasabay sa cab? Napansin mo ba na sa tuwing itatanong mo kung saan ako dadaan ay palagi kong sinasabi.. “Iba ang ruta ng daan ko,” “Malayo ako sa inyo,” “Maabala ka lang..”, “Ay, may pupuntahan pa ko..”

Natanong mo rin ba kung bakit ganun na lang ang kapit ko sa yo ng isang beses na yayaain mo akong bumaba ng Legarda at duon sumakay ng jeep? Hindi ba’t habang nag uusap tayo ay halos mabali na ang leeg ko kakalingon sa pakanan at pakaliwa. Kabadong kabado ako nun.. ngunit sinugal ko ang aking buhay sa ngalan ng pagkakaibigan. At napansin mo bang kahit kelan ay hindi na naulit yun? Dahil iniwasan kita ng isang linggo para hindi makasabay sa LRT. Isang ruta lang ang alam kong pauwi ng bahay, wag na kayong umepal.

Hindi kami bagong lipat. Sa katunayan, 28 na taon na akong nakatira sa Pandacan. Walang pasikot-sikot na daan patungo sa min, wala ka ring bangkang sasakyan para matunton ang bahay namin.. at hindi ka rin sasakay ng tatlong tricycle at sampung pedicab. Aaminin ko na, bano talaga ako sa direksyon.

Two years ago ko lang rin natandaan kung ano ang pinagkaiba ng kanan sa aking kaliwa. Sinisisi ko pa rin ang nanay ko hanggang ngayon kung baket, dahil piunurga nya ako nung araw na ituro ito ng aking guro nung PREP pa lang ako. Absent ako nun. Wag kayong judgemental. May isang taong nagturo sa kin na ang aking kaliwa ay kung saan matatagpuan ang aking puso. Naguluhan ako ng konti kasi alam ko nasa gitna talaga ng dibdib ang puso ng isang tao pero dahil cute sya ay inisip ko na lang na nasa kanang bahagi ng aking katawan ang aking APDO.  At sa bandang kaliwa ay ang aking balun-balunan na malapit sa aking fallopian tube na nasa itaas ng aking cervix at nasa kanang bahagi ang aking jijurnum. Tigilan na natin ito at nalilito ako ulet.

Anyway, dahil hiyang hiya ako sa aking sarili na umabot ako ng 160 pounds minsan ngunit hindi naarok ng aking utak ang daan pauwi ng aking tahanan, ay naisip kong tandaan ang daan pauwi sa amin. This time hindi na ako malilito. Hindi ako pumikit habang nasa loob ng taxi, hindi rin ako nagkamot ng tyan… nag concentrate ako. Aba, madali lang pala! Mula gilid ng Gateway ay mag-u uturn lang pakaliwa dire diretso sa may tawiran ng MRT. Tinanong ko yung taxi driver.. sabi nya nasa may Aurora daw kami corner Edsa. Anaknamputa! Saan sa corner ng Edsa?? Nasa gitna kami ng daan.. wala akong nakikitang corner!

“Ito ba talaga ang pinakamadaling daan pauwi ng Pandacan?” tanong ko sa manong driver.

“Ay, dipindi po yan kung saan kayo manggagaling, kung sa may SM cubao tayo galing kakanan tayo papuntang P.Tuason tapos dire-diretso lang hanggang mabaybay natin yung Aurora papuntang Sta. Mesa tapos kaliwa palandas ng bagong tulay tapos kanan ulit sa may kanto, U-turn tapos dire diretso lang.. pag malapit na yung intersection kanan tayo tapos Bagong Tulay na.” pagmamayabang ni manong.

“Ahh.. dali lang pala..” ganito pala ang pakiramdam kapag nagso solb ka ng algebra ng walang papel. Mabuti na lang alam ni manong ang pauwi ng Pandacan. Eh kung walang taxi.. paano na ang mga pangarap ko?

Pag uwi ko ng bahay ay nakaabang ang magaling kong utol sa gate namin.

“Oh akala ko ba ihahatid ka nung mga boys mo?” tanong nya, “tinawagan pa nila ako para itanong paano makapunta rito, eh isang beses lang naman akong nakapunta sa office nyo. Hindi naman ako GPS.’

“Hay nako, tinawagan nila ang maraming tao para lang itanong kung san tong lugar naten pero hindi nila nakontak kaya ayun mag-isa na lang akong umuwi.” malungkot kong sagot.

“Ano ka ba? You’re not thinking!.. tanga ka kasi., ” sabi ng utol kong ampon, ” eh kung hindi mo tinakpan ng concealer yang mapa ng Pandacan sa mukha mo eh di nakarating kayo ng maayos dito.  Minsan kasi wag mong ikinakahiya yang balat sa mukha mo.” sabi nya sabay talikod.

Kung hindi lang kami magkadugo nito ay isinuplong ko na sa mga pulis ang hobby nyang pagtaya sa OTB at ang tambayan nyang video-karerahan. I swear.

Naisip ko habang nagbibihis kanina, nag iisa lang kaya ako sa mundo? Meron pa kayang mas tanga sa ken pagdating sa direksyon? Kinuwento ko kay Ralph ang binalak nilang paghatid sa akin.. at sinagot nya ako ng…

‘Tol, natatandaan mo ba 5 years ago ng ihatid kita sa bahay nyo? Nasa Pandacan na tayo pero nakarating tayo ng Otis at UN avenue kakahanap ng bahay nyo..”

Taragis, UN AVENUE? OTIS???

Saan yun???!!!!

Comments
  1. soulful says:

    di ka nag-iisa. ako rin walang sense of direction kaya ever since, yung school ko pati office ko, almost walking distance lang. di mo ko pwedeng iwan sa gitna ng daan at baka dun na lang ako sa daan matutulog dahil di ko alam ang pauwi. swear! kaya super relate ako sayo. hehe.

  2. SCENARIO: Nasa taxi, pauwi ng Kapitolyo. daan namin pioneer.

    ME: Kuya, kaliwa po tayo jan sa sunod na kanto.
    (tumingin lang si manong sa akin sa mirror)

    ME: Manong, kaliwa po (nakakunot na ang noo at handa ng magtaray).

    MANONG: Ano ba, wala naman tayong kakaliwaan, baka naman kanan?
    (napaisip ako. nagtranslate ever ng kanan/kaliwa to right/left)

    ME: Manong, RIGHT po tayo sa corner.
    (sabay yoko at kunwari nagkalkal ng bag)

    LESSON: Di na ako magkukunwari na matalino ako sa kaliwa at kanan na yan. alam ko na na left and right ang dapat kong gamitin ever!

  3. youvebeencharmed says:

    i know the feeling gurl. dont worry, di ka nagiisa! haha

  4. sassy girl says:

    jusko naman kellie!!!! Hindi mo memorize ang pandacan pero kabisado mo ang anatomy mo?! Huwaw! Niwey, naiintindihan ko…hindi ka isang driver–isa kang scientist.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s