Happy Puso! :)

Posted: February 10, 2009 in Life, usapang lovelife

Valentine’s na!

Happy puso para sa mga taong hindi single, maligayang bati para sa mga taong IN A RELATIONSHIP/MARRIED status sa Facebook, My Space, Multiply at sa mga taong may status ng IT’s COMPLICATED sa Friendster.  Alam ko namang pinaghahandaan nyo ang araw na ito para makapag regalo ng chocolates, stuff toy ni Winnie the Pooh, Spongebob Squarepants, My Melody, Tweety Bird, Tazmanian devil, Mickey Mouse, Minnie Mouse, Donald Duck, Daisy Duck, Teddy ni Mr. Bean at kung ano ano pang mga bagay na sweet sa inyong mga minamahal. Usually ganyan talaga ang nireregalo ng mga taong nagmamahalan sa isa’t-isa sa tuwing Valentine’s. At sympre makakalimutan ba naman ng mga boys at tibo ang isang punpon ng red roses?? Maaga pa lang ay pumapakyaw na yan ng isang katutak na bulaklak sa Dangwa at kung saan saang punerarya. Again, Happy V!

Hindi kami nagce celebrate ng Valentine’s day ni A. Tama na sa akin yung HAPPY VALENTINE’s! Pakiramdam ko kasi sa tuwing magpapa ka sweet ako sa Valentine’s day ay kerida ako ng pulis. Ewan ko  kung baket pero yun ang pakiramdam ko. Hindi rin kami lumalabas dahil pakiramdam ko naman ay isa ako sa mga libo libong karpentero, boy, katulong, kusinero, panadero, tindera ng cellphone sa Divisoria, caregiver at kung sino sino pang nabibilang sa populasyon ng anak pawis na ibinuwis ang buhay para lang makapag day off at makipag date sa Valentine’s day. Tabi tabi po… ito naman ay opinyon ko lang. Marami pa rin akong kakilala ang nag ce celebrate ng Valentine’s pumupunta sila kung saan saan.. pero hindi ba?? Hindi mo ba nararamdaman? Na ang Valentine’s ay sadyang OVERRATED.

Para naman sa mga kaibigan kong single at nag iisa ngayong araw ng mga puso… chill lang mga friends. Wag nang malumbay. Masaya ang single at free.. malungkot ka lang kung isa kang tao ngunit nakakulong sa katawan ng isang MANSTER, taong puno, kampanerang kuba o kaya ay sa katawan ni Betty La Fea. Malungkot ka sa katotohanang baka matagal kang mag celebrate ng Valentine’s ng mag isa. Ngunit sa isang banda ay naniniwala akong makakakita rin kayo ng taong magmamahal ng tapat at totoo.. para lang yung istorya ni Beauty and The Beast. Joke lang.😉

Anyway para sa mga taong malungkot at broken hearted ngayong Valentine’s day, maraming paraan para hindi kayo malungkot.

1. Maglinis ng mga kuko sa paa. Nakakapagod ito at masakit sa likod siguradong pag malinis na ang mga kuko mo sa paa ay aantukin ka na at makakatulog, wala ng oras para mag senti.

2. Manood ng mga palabas na puro barilan, gilitan ng leeg, saksakan ng bonggang bongga basta mga pelikulang bayolente kung saan ang tema ng pag-ibig ay sadyang kathang isip lamang. Subukan mo ang SAVING PRIVATE RYAN, BLACK HAWK DOWN, BRAVEHEART, SAW 1, SAW 2, SAW 3, SAW 4 at SAW 5 (kung meron na.)

3. Magtiklop ng panty. Magsamsam ng medyas at mga sinampay pagkatapos ay mag-plantsa.

4. Amuyin ang damit.. pag mabaho na ay labhan. Amuyin mo rin ang damit ng nanay mo, tita, tito, mga kapatid, lolo, lola at pati na rin sa kapitbahay.. kapag mabaho na at marumi, labhan, ikula at i-downy sympre.

5. Sulsihin ang gilid ng mga punda, kubre-kama at kumot bago matulog sa paraang ito ay hindi ka na mag iisip ng kung ano ano bago matulog.

6. Kapag nagawa mo na ang lahat ng nasabi ko ay mag cross stitch ng isang life size photo ng kung sinong artistang iniidolo mo. Sigurado malilibang ka sa mga kabibilang ng mga maliliit na parisukat bago mo maisip yung ex mong siraulo na pinagpalit ka sa babaeng may apat na siko.

7. Kalasin mo ang iyong cellphone at saka mo ulit ito i-asembol.

8. Bilangin ang mga natitirang cotton buds.

9. Tumayo sa harapan ng salamin at pagkatapos ay bilangin ang buhok.

10. Maghanap ng barya sa kalye kapag marami ka nang napulot na bente singko ay bumili ng Coke 8oz.

Marami pa akong naiisip pero dahil inaantok na ko ay matutulog na muna ako.

Syanga pala, ang entry na ito ay para sa kaibigan kong si Margaritah.  “Mare, ang buhay ay sadyang ganyan.. may mga taong ipinanganak para saktan ka ng paulit ulit ngunit naniniwala akong walang taong tanga na papayag na paulit ulit silang masaktan sa ngalan ng pag-ibig. Ang pag-ibig ay hindi kailangang palaging masaya ngunit hindi rin dapat laging malungkot dahil ang buhay na puno ng pait at kalungkutan ay realidad ng isang taong salat sa pagmamahal. In short… pray before you sleep! Gaga.”

Makatulog na nga..

Comments
  1. I saw your blog link somewhere, I’m so entertained by your posts! Galing! hehe =)

  2. youvebeencharmed says:

    8. Bilangin ang mga natitirang cotton buds.

    hahaha! adik ka tlga!

  3. kelliemacaraeg says:

    yak ka..

  4. Margaritah says:

    Takte, aabutin ng 5taon bago ko maaccomplish ang checklist mo…5 balentimes ang palalagpasin ko. Hindi ako makatapos ng simpleng hello kitty na crosstitch, yung idol ko pa kaya?! At hindi ko din kaya ipasok ang sinulid sa karayom. Nasusuka din ako sa mga morbid films na sinuggest mo.
    Napakahopeless ko talaga! Ang kaya ko lang gawin sa mga sinabi mo ay kalasin ang mga celfone ko at ibalik ulit, at kalasin ulit…at ibalik. Ganun na lang siguro…paulit ulit kong gagawin hanggang sa makadiskubre ako na ang celfone ay pwedeng coffeemaker din…at dildo at the same time.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s