Usapang Slumdog

Posted: February 24, 2009 in daot

Kinabukasan, pagdating galing ng office matapos naming mapanuod ang ACADEMY AWARDS…

Mina:  Ate, maganda ba yang Slumdog Millionaire?

K: (Posing pa deep) Oo naman.. iba sya eh. Kung uniqueness lang ang pag uusapan, magaling ang konsepto ng pelikula.

Mina: Weh? Eh si Brad Pitt tumatanda ng paurong.. hindi ba yun unique? Adik ka pala eh.

K: Unique. Pero sympre realistic ba yun?

Mina: (napaisip)  Sabagay.. ano nga yung realistic?

K: Makatotohanan, napapanahon.. engs..

M: Eh.. meron pa bang WHO WANTS TO BE A MILLIONAIRE ngayon?

K: Wala. (galit) Pero marami pa ring bumbay, ina ka.

M: Ayoko kasi nung Slumdog Millionaire eh.. nape pressure ako.

K: Huh? (Nagtataka)

M: Kamukha kasi nung nagtitinda ng pandesal sa kanto yung bidang lalaki sa Slumdog Millionaire eh. Pag nakikita ko sya parang naririnig ko yung boses ni mama na nang uutos bumili ng pandesal.

K: Honga no!

M: Hindi ko nga alam pangalan nya eh.. pero dahil ang bagal nya minsan mag abot ng pandesal.. sabi ko.. “Hoy, Jamal bilisan mo!”

K: Hahaha.. Jamal Salim. Eh ikaw pala si Latika eh.. Yiheeeeee.. Latiiiiiiiika.

M: (Nainis) Laki laki kaya ng tenga non! Parang may bahay sa loob..

K: Sama mo. Ang ganda mo, neng.

M: Seryoso… huh.. ate, pinakita nga yung behind the red carpet scenes, huh? Oh ano? (excited) pinakita nag gu-groom  sila tapos yung lalaking bida sa Slumdog naglilinis ng tenga..oh.. huh? pero hindi cotton buds yung ginagamit.. hulaan mooooooo….

K: Ah ewan.. ano?

M: TOOTHBRUSH.

K: Lul. Kraaaaaaaaaaaaaaaas mo yun eh.

M: Whatever.

K: Cute naman yung si Slumdog guy ah.

M: Oo naman.. kung fanatic ka ni Dumbo.

–ABANGAN — (litrato ni Panadero Boy alongside Jamal Salim of Slumdog Millionaire. Umaga kasi ngayon eh, mamayang gabi pa sya lalabas para magtinda. Sa katunayan, inutusan ko na yung pinsan kong kuhanan sya ng picture kanina habang bumibili ng yosi, pero.. pero natutulog ata si Panadero Boy kaya bukas na lang!)

P.S. 02/27/09 – Pasensya na sa mga nag-abang sa picture ni Panadero Boy, I have a strong got feeling na baka nabasa nya ang post na ito at mailap sya these past days.. hindi ko sya nakikita. Baka… baka.. may .. ear infection.

Comments
  1. AC says:

    ay onga noh tanga ko talaga, sabi mo na nga pala you will post it alongside jamal. hahaa. nagrequest pa kong ipost pic ni slumdog guy. ang shunga shunga ko talaga at bulag pa! hahha! sori naman.😀

    btw, na-link na kita sa blog ko drama queen.😉

  2. AC says:

    hahaha! i’m so excited to see the picture!
    post mo pati si slumdog guy. para compare and contrast game tayo. hahaha.😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s