Confessions 101.

Posted: February 27, 2009 in Life, WDS (writing down shit)

Pinigilan ko ang aking sarili na huwag magsalita. Akala ko ay makakayanan ng aking nagpupumiglas na damdamin. Sa isang banda, ninais kong manahimik dahil sa buong oras na hindi ako nagbibigay ng opinyon, naniwala akong lilipas lang ang lahat at tuloy ang buhay. Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi ko na kayang manahimik pa… sabihin nyo na ang nais nyong sabihin.. husgahan nyo na ang aking pagkatao mula ulo hanggang paa dahil sa pagkakataong ito ay hindi ko na itatago pa…

FAN AKO NI JOHN LLOYD CRUZ AT SARAH GERONIMO! (Ma, Pa – I’m sorry. Hindi ko po sinasadya basta paggising ko isang araw, yan na ang nararamdaman ko eh.)

Napanaginipan ko rin si John Lloyd nung isang gabi. Ayokong umasa… pero nararamdaman ko.. SOULMATE kami. Pinagtawanan ko ang pinsan ng aking boypren ng isang beses akong makatanggap ng regalo at may isang note na nagsasabing, MERRY CHRISTMAS from Van and John Lloyd ngunit ngayong naiisip ko sya ay nakakaramdam ako ng konting inggit.. kaya sa susunod na mag reregalo ako ay ganito naman ang sa akin HAPPY BIRTHDAY from Mr. and Mrs. John Lloyd Cruz, HAPPY HALLOWEEN from Kellie, John Lloyd and John Lloyd Jr. , BEST WISHES from Kellie, John Lloyd, John Llyod Jr and John Lloyd’s parents, CONDOLENCES from Mr. and Mrs. John Lloyd Cruz and the KAPAMILYA CHANNEL… etc.. etc…

Magmula sa araw na ito at sa mga susunod pa.. ang buhay ko ay para kay John Lloyd lang ngunit sa mga panahong napapaligiran ako ng dalawang DAVID GARCIA Jr., hindi ko matiyak kung hanggang saan susubukin ng panahon ang pagmamahal ko kay John Lloyd.

Natatakot din ako kahit hindi pa nangyayari dahil baka sa gitna ng aking pagkahumaling kay John Lloyd ay baka biglang magparamdam si Piolo Pascual.

Kung ano man ang mangyari sa mga susunod na araw.. gusto kong isipin nyo na sa mga pagkakataong hindi ako naging matatag, humihingi ako ng pang-unawa sa inyong lahat sapagkat ako ay…

TAO LAMANG….

Nadadarang. Natutukso. Nababaliw.

Comments
  1. soulful says:

    ay naku! sinubukan ko ring pigilan yung nararamdaman ko kay john lloyd kaso di umubra. tama yan i-express mo na lang. pati nga ka loveteam ko inimpluwensiyahan ko na ring manood at tingin ko may gusto na rin kay john lloyd. nyahaha! yung pamangkin ko namang maliit akala pinsan niya si sarah kasi ate sarah pinapasabi ko sa kanya tuwing nanonood kami ng asap.

  2. AC says:

    di ko na alam nangyayari dito. parati kase ako late umuuwi. tsktsk. kakamiss. alabet!😀

  3. kelliemacaraeg says:

    @ duchess: yung may lihim na pagmamahal kay Audrey ngunit hindi nya mapormahan dahil palaging umaapila si greta….

    @charmy: Hindi mo na siguro napapanood.. ayan yung may tagline na… ” SA MUNDONG PARA LAMANG SA ISA… HINDI PWEDENG TAYONG DALAWA…”

    at yung may theme song na nakakabingi ng pagkatao : BUKAAAAAAAAAAASSSSSSSSSS NA LAAAAAAAAAAAANG KITA~~~~~~~~ MAMAHAAAAAAAAAAAAAAAALIN…. sa tuwing nagtatagpo ang landas ni Kim Chiu at Gerald Anderson sa Cherry Foodarama.

  4. Sorry, di ko na macontain ang self ko. Ako pala ay isang kampon ni AC. hihi.🙂 Sha ang nagpadala ng link mo para sumaya naman daw ang araw ko na ewan ko ba, sobrang dndemonyo ata.
    At in fairview, walang humpay ang ngiti ko. hihihi! So sino sa David Garcia Jr. ang mas naddemonyo ang pag-ibig mo para kay papa JLC? ung may katok na nanay, or ung fokfok ang nanay?🙂

  5. youvebeencharmed says:

    DAVID GARCIA Jr

    Sino to???

  6. AC says:

    josko!!! ang aga2 gumugulong ako kakatawa dito sa opis! haha!😀

  7. kelliemacaraeg says:

    kelangan nga bacon para hindi mahirap hubarin.. susungkitin na lang tapos lalabas na sa isang butas ng short… alam mo naman…

    busy ako.. kelangan palaging mabilis ang kilos.

    hanglakas mo maka impluwensya!

  8. AC says:

    hahaha! ayun na! umamin na rin si madam! hahaha!😀
    O ano, ano suot mo na panty? wag ka magsuot ng bacon ha baka bigla mapadaan si John Lloyd sa harap mo eh di mapigilan ng bacon na malaglag ng kusa. hahaha.😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s