Archive for March, 2009

Ang pagtatagpo.

Posted: March 28, 2009 in Life, miarmiar-isms, usapang lovelife

Alam  mo bang inabot ako ng 3 oras para makapag-rehistro sa COMELEC? Shet. Pak. Hindi naman ako pumunta sa COMELEC mismo… kinulit lang ako ng mga kamag-anak ko na magparehistro sa dati kong school na katabi ng aming parish church. Nang makarating ako duon, akala ko ay may reunion concert ang THE BEATLES, live in Pandacan. Pagpasok pa lang ng venue ay sinasalubong na ako ng mga nakasimangot na bagets, mga parokyanong kuba at mga tatay na may mapagpanggap na buhok sa tuktok ng kanilang mga ulong kumikintab pag nasisilawan ng araw. Iba’t ibang tao.. iba’t-ibang kwento.

“Uwi na lang tayo wala tayong number..” ang sabi ng isa.

“Mukhang aabutan pa tayo ng LUNCH.” sabi ng isang nanay na pumunta para magpa-rehistro ngunit nakasuot sya ng pulang blouse na parang hiniram nya lang sa anak nyang 14 years old… na nagtatrabaho sa night club.

“Ang haba ng pila sa taas, nakakapagod tumayo..” sabi ng isang naka-wheelchair. Ewan ko baket nya sinabi yan eh parang limang taon na syang hindi nakakalakad.

Wala naman akong pakialam sa naririnig ko.. unang-una natuwa pa nga ako at makakauwi na ako. At least, masasabi ko sa nanay ko na pumunta ako dun at naubusan ako ng number. Hanggang 250 lang daw ang kaya nilang i-accomodate, eh mukhang pang 1,250 na ako.

“Kanina pa akong alas singko ng umaga dito tapos wala na akong number!” galit na galit na sabi ng isang pawisan na manong na mukhang mag-aamok ng riot kapag naapakan mo ang kanyang paa. Aba eh.. ano ba ito? DFA? US Embassy? Huwaw, alas singko ng umaga? Aba eh kuya.. alas nuwebe na ng umaga! At saka teka lang.. mukhang nakapag-asawa ka na ng 2 beses pero hindi ka pa nakakaboto? Napangiti na lang ako.

Tumambay pa ako ng mga ilang minuto sa labas habang pinagmamasdan ang isang grupo ng Parents and Teacher Association na nagkukumpulan at nag-uusap kung paano nila mapapabagsak ang bulok na pamamalakad ng administrasyong ARROYO.  Namamangha sa tibay ng kanilang determinasyon na makapag-rehistro at makaboto.

Tumayo ako sa lilim ng puno ng ACACIA. Sinipat ang paligid. Hindi ako makapaniwala sa laki ng ipinagbago ng dati kong eskwelahan. Parang kailan lang ay humahangos ako papasok ng gate dahil male-late na ako sa flag ceremony.  Bigla akong nainis ng may pumaradang sasakyan sa harapan ko. Puting FORD pick-up na sobrang gwapo ngunit tipong mamang panot ang nagmamaneho. Ganun naman palagi eh.. kapag maganda ang sasakyan madalas panget ang driver. Yung tipong sasabihin mo.. sana hindi ka na bumaba ng kotse. Gumilid ako.  Bumisina ulet.

May mga ilang tao ang napa-irap. Hindi naman ako umirap.. masyadong OA.  Naisip ko.. aabangan ko ang gagong to. Nagkaroon lang ng magandang sasakyan, kung ituring ang mga nadadaanan akala mo mga nakakalat na langgam. Pak.

Bumisina ulet. Ina neto ah. Makauwi na nga. Baka abutan na naman ako ng gang war sa kalsada ng tanghaling tapat. Malapit lang kasi ang school ko sa 7-11. Natatandaan mo ba ang kwentong yun?

Lumakad ako palayo sa puno, papalapit sa puting pick-up.

Nang tuluyan akong makalapit, unti unting nagbaba ng bintana ang driver.

Napahinto ako. Sabay pasimpleng inamoy ang pawisan na kili-kili. Oo alam ko. Yuck talaga.

NAAAAAAAAAAAAAAAAMAAAAAAAAAAAAAAAN.

“Hello, Kel.” ang sabi ni… (tantarataaaaaaaaaaan….hulaan moooo!) #2. Ano ba talagang trabaho nito at mukhang mas mayaman pa sya kay Mayor Lim?

“Wui.” sabi ko. Nakatayong parang nabuhusan ng malamig na tubig. Pinapanalangin nyo bang magkita kami ulet? Huh? Duchess? AC? Soulful? Aba eh napakalakas ng panalangin nyo. Pwede bang sa susunod na manalangin kayo na magkita kami eh yung tipong isama nyo naman sa panalangin na sana ay maayos ang damit ko? Aba eh baket naman ako puporma kung magpaparehistro lang ako? Walking distance lang to sa bahay namin at unang-una walang gwapo sa Pandacan. Kung meron man…eh mahilig din sa mga gwapo.

“Paparehistro ka?” tanong nya.

Tango ako. “Yeah, kaya lang wala ng number eh. Uwi na lang ako. Bye.” sabi ko.

“Wait. May number ako.” sabi nya habang tinataas ang salamin ng bintana, naghahanda sa pagbaba ng pick-up.

Pwede bang umuwi muna at magpalit ng damit?, sabi ng isang boses sa utak ko. Aba eh mukhang bagong ligo sya at parang kumikintab sa linis samantalang ako ay nanggigitata sa pawis.

“Paano ka nakakuha ng number?” tanong ko sa kanya, “saka ilan ba ang number mo?”

Nakababa na sya ng sasakyan. Lumalapit na sya sa akin. Shet, talagang hindi ko man lang nakiskis ang kuko ko sa paa.  Ano bang hiwaga ang meron sa aking kuko sa paa at sa tuwing nais ko syang itago sa madla ay biglang sumusulpot si Number 2? Ayokong isipin na ito ang aking lucky charm. Nakakadiri.

“Yung tita ko sa COMELEC nagta trabaho.” sabi nya habang inaabot ang number sa akin. 109. Naks may number na ako!

“Bakit dalawa number mo? Saka di ba hindi ka na dito nakatira? Baket dito ka magre register? Saka seryoso hindi ka pa nakakaboto?” sunod sunod kong tanong.

Nakangiti lang sya.  “Kel, ano bang una kong sasagutin dun? Ang dami nun ah!” sabi nya sabay tingin sa ibaba. Mabilis ngunit pasimple kong tinago ang aking kuko sa loob ng aking pantalon. Shet naman…. juma-jabbar na ako.

“Tara,” sabi nya sabay hawak sa braso ko.

Papalakad na kami ng may biglang tumawag sa pangalan nya.  Napalingon kaming dalawa. Hulaan nyo kung sino ang may ari ng boses. Oo tama kayo! Si John Lloyd Cruz.

Joke lang.

Ganun na lang ang aking pagkagulat ng makita si NDS. Natatandaan nyo ba si NDS? Kung hindi.. basahin nyo ulet ang entry kong ANG PAGBABALIK.

Tuwang-tuwa silang dalawa. Natuwa rin naman ako pero may bahid pa rin ng lungkot sa tuwing maalala ko ang pawis sa buo kong katawan.

NDS:  Hello, Kel. Pa-register ka rin?

#2: Yup, pa register kaming dalawa.  (sabi nya sabay tingin sa akin tapos pabalik kay NDS.)

Ako:  Yeah. May number ka ba? Kasi pag wala na raw number sa COMELEC na raw magparehistro.

NDS: Yeah, meron. Yung dad ko yung isa sa mga organizer. Nasa itaas sya.

Ako: Huwaw. May mga backer pala kayo dito eh. That’s so unfair. Paano na lang kung di ko kayo nakita? Eh di uuwi na ako..

NDS: O pano ka nagkaroon ng number?

#2: Binigay ko sa kanya yung isa. Dalawa number ko eh.

NDS: Ah para sa utol mo?

#2: Hindi, para sa GF ko. Eh may sakit sya eh. Samahan ko na lang sa COMELEC.

Ako: O ikaw kelan ka ba magpapakasal? (tanong ko kay NDS. Aba eh talaga namang ang laki na ng tinangkad nilang dalawa. Nasabi ko bang kamukha ni NDS si Robin DaRoza? Hindi Robbie Rosa.. magkaiba yun.)

NDS: (Ngiti) Wala akong GF eh. Pero sana bago ako mag 30.

#2: Tara na. Ang init dito. (pero kahit sinabi nya yun eh mukhang hindi naman sya pinagpapawisan)

Sinugod namin ang venue. At sa totoo lang ang eksena dun ay parang sa pelikula lang, yung eksenang nakikipagsiksikan yung mga tao para tingnan ang mga nakpaskil na papel sa bulletin board, nagbabasa ng mga pangalan ng mga taong nakaligtas sa gera.

Dalawang mama ang nakabantay sa gate.

NDS: Hello, kuya. (sabi kay kuya #1)

#2: Hello, kuya. (sabi kay kuya #2)

Ako:  Hello po. (sabi ko sa kanilang dalawa.)

Mukhang nakilala ang dalawa kong kasama dahil agad kaming nakapasok. Pumikit ako saglit nang makapasok kami sa loob, naghihintay ng lumilipad na bote ng mineral water mula sa mga taong nakapila sa labas.

#2: Are you ok? (tanong nya sa akin, inaalalayan akong makaakyat ng hagdanan)

NDS: Upo na lang muna kayo saglit dito. (sabi nya ng marating namin ang tuktok ng hagdanan. May mga nakahilerang upuan sa gilid at may mga taong nakaupo) Kuha lang ako ng form nating tatlo.

#2: Ok. (pinaupo nya ako sa isang bakanteng upuan pero tumayo sya dahil binigay nya ang isa pang bakanteng upuan sa isang matandang kakarating lang.) Shit, ang init. (sabi nya nakatayo sa harap ko.. luminga linga sya at nakakita ng folder malapit lang sa amin.  Lumapit sya at kinuha, tiningnan nya muna kung merong nakalagay sa loob at nang wala namang sumita sa kanya nang kanyang damputin ay lumapit sya ulit sa akin. Pinagpag nya ito saglit at inabot sa akin.)

Ako: Papaypayan ba kita? (tanong ko nakangiti.)

#2: Hahaha. Hindi. Ikaw magpaypay.  I’m sure naiinitan ka na.

Ako: Grabe, oo. (paypay ako. Nakikisandal din sa akin yung matandang katabi ko para abutan ng hangin.)

#2: Nay, (tanong nya sa katabi ko) Mag-isa lang po kayo?

Manang Extra: Oo anak. Galing kasi ako ng Samar magpapa-rehistro ako ulit dito. Transferration. (sabi nya ng malakas)

Hinintay kong magkatinginan kami at mapangiti. Pero hindi nangyari. Tumango lang sya. May boses na tumatawa sa aking isipan.. TRANSFERRATION DAW, ATE! TAWA KA BILIS! Tiningnan ko si #2 na nuon ay sinisipat ang paligid, mukha namang narinig nyang maigi yung sinabi nung aleng extra, naintindihan nya ba?

#2: Kel, (baling nya sa akin) Water? May water sa car. Kunin ko lang.

NDS: Wui, tubig muna kayo. (bigla syang dumating at inabutan kami ng tig-isang mineral water.)

#2: Wui, thanks. (inabot nya ang dalawang bote at binigay sa akin ang isa. Walang ano ano ay inabot nya ang isang bote sa katabi kong manang. Ang swerte naman ng aleng to. Akalain mong sumisingit lang sya sa eksenang ito ay naabutan pa sya ng isang malamig na bote ng tubig pantawid uhaw?)

Bakas ang pagtataka sa mukha ni NDS.

NDS: Kilala mo? (tanong nya kay #2)

Manang Extra: Hindi. Salamat, iho. (sabay lagok ng Mineral Water) Nandito lang kasi ako para sa TRANSFERRATION. (pagpapamukha nya ulet, nagmamalaki pagkatapos makainom ng tubig)

Nagkatinginan kami ni NDS at napangisi. Napansin kami ni #2.

#2: Nay, TRANSFER po ang tawag dun. (sabi nya sa matanda habang inaabot ang folder sa kamay ko at nagpaypay, una sa kanya.. tapos puro sa kin na.)

Manang Extra: Ganun din yun, iho. Basta naiintindihan ng lahat.

Kita mo na… wag ka kasing nange-nge-alam! sabi ko sa sarili ko. Tiningnan namin ni NDS si #2. Nakangiti lang siya sa manang. No offense, none taken.

NDS: Nay, may form na kayo? (tanong nya)

Manang Extra: Kelangan ba ng form?

#2: Opo, nay.

NDS: Kuha ko po kayo.(talikod sabay lakad palayo)

Manang Extra: Naku salamat.

#2: Kel, kunin ko lang yung mineral water sa CAR. May pen ka na? Black ballpen, huh?

Ako: Nyak. Blue yung ballpen ko. Kelangan ba black?

#2: Isa lang yung pen ko eh.  Share na lang tayo. O, (inabot nya sa akin ang parker pen nya) fill up mo na tapos hintayin na lang kita pagbalik ko.

Ako: Ok.

Umalis na siya.

Manang Extra: Anak, sino ba sa dalawa dun ang nobyo mo? (sympre inaasahan ko nang itatanong ito sa akin ni Manang Extra, sa katunayan mukhang kanina nya pa gustong itanong. Binigyan pa talaga sya ng moment  ni Lord.)

Ako: (napangiti) Wala po. Mga kaibigan ko lang po yun. Mga kaklase ko nung elementary.

Manang Extra: Nako! Talaga? Mabuti naman at nagkita pa kayong tatlo dito. Hoy, ah. Kahit sino ang piliin mo dun, ok lang sa ken. Ang gu-gwapo. Ambabaet pa. (sabay hampas sa likod ko.)

Putangina, nay! Dahan dahan at may diperensya ang spinal cord ko! At saka baket naman sasama ang loob nyo kung hindi ko mapili ang isa sa kanila? Eh unang-una, hindi ko alam ang pangalan nyo.  Hindi naman tayo magkamag anak. Pangalawa, extra lang kayo sa scene na ito.. baket may ganyang mga dialogue? Pero sympre hindi ko naman yan sinabi sa kanya bagkus ay ngumiti lang ako na parang nakasuot ng saya ni Maria Clara.

Ako: Naku, nay. Kaibigan ko lang po ang mga yun. Saka yung isa po dito kanina sa harap ko may GF na po yun.

Manang Extra: Eh GF lang pala eh. Hindi naman asawa. Kaya pa yan. (kung sino man ang sumusulat ng script ng buhay ko, maari bang i-omit nyo ang linyang ito? Narinig ko na to ng maraming beses sa mga kainuman ng tatay ko, pwede ba??? At saka KAYA YAN.. ano to? EXAM?)

Naisip ko kung makikipagtalo ako kay Manang Extra ay hindi ko matatapos ang pagsagot ng form. Pabayaan na lang natin sya.

Manang Extra: Pero anak huh? Gow ka talaga dun sa nakasalamin. Mukhang napaka-simpatiko eh. Pero ok din naman yung isa, mukhang mabait din kahit mas gwapo sya dun sa nakasalamin. Kahit sino anak basta kung saan ka sa tingin mo ay liligaya. (sabi nya pa habang lumalagok ng tubig)

Nakayuko pa rin akong nagsasagot ng form pero nararamdaman ko ang tingin ng mga taong malapit sa amin. Sa sobrang lakas ba naman magkwento nitong katabi ko eh parang narinig na ng boyfriend kong natutulog sa Sta. Ana ang ginagawa ko ngayon.

Halos sabay dumating si NDS at #2. Inabot ni NDS ang form kay nanay at lumuhod sya sa harapan ko. Medyo nagulat ako pero dead-ma lang, parang eksena lang ito sa I PROPOSE.

NDS: Ang init no? (tanong nya sa akin pero saglit ko lang syang tiningnan at nagpatuloy sa pagsagot ng form)

Lumapit si #2. Hindi ko nakita pero naramdaman ko.

#2: Tol, nakakangawit yang posisyon mo ah. Kuha ka kaya ng upuan. (naramdaman kong kinuha nya ang folder sa aking tagiliran at pinaypayan ako)

NDS: O nga eh. Wait lang (sabi ni NDS at umalis na naman sya)

#2: Init, grabe. San ka after nito?

Ako: House lang. Pero punta muna ko Robinson Otis. Bili ako ng book.

#2: Wui, pupunta din ako dun. May ipapaayos ako sa Mr. Quickie.

Manang Extra: Anak, ano bang ilalagay ko dito? (tanong nya kay Number 2)

Matutuwa ba ako o magagalit? Hindi ko alam.. sasagutan ko muna ang form kung saan tinatanong ang middle name ng aking tatay.

Bumalik si NDS na may bitbit  na dalawang upuan. Agad na kinuha ni Number 2 ang isang upuan at nilagay sa aking kanan, si NDS ay pumuwesto sa aking kaliwa. Tinuturuan pa rin ni #2 si Manang Extra.

NDS: San ka after nito? (tanong nya sa akin)

#2: Punta kami ng Robinson Otis, tol. (sagot nya pero nakatingin pa rin sa form ni Manang Extra)

Ako: Yeah. Bili ako ng book. Eto naman pupunta ng Mr. Quickie. (tiningnan ko si #2 pero habang nagpapaliwanag pa rin kung ano ang dapat isagot ni Manang Extra sa isang tanong sa bahagi ng form)

Hindi na sumagot si NDS. Nagsagot na rin sya ng form.

Ako: San ka after nito? (tanong ko kay NDS dahil natapos na akong magsagot ng form. Nagtuturo pa rin si #2 pero tumingin sya saglit sa akin tapos balik sya ulet sa pagdi-discuss na parang sampung beses nya nang naipaliwanag pero naguguluhan pa rin si Manang Extra kung anong isasagot nya sa YEARS OF STAY in the MUNICIPALITY)

NDS: House lang. Or somewhere else. Nagdo drawing ka pa ba? Alam mo ok mag sketch dun sa PACO PARK. Mag-drawing ka naman kasama ko, nakakaaliw kasi mag-relax dun eh.

#2: Kel, tapos ka na sa pen ko?

Ako: Ay, oo. (inabot ko sa kanya ang parker pen nya. Nagsimula na syang magsagot ng form)

#2: (kay NDS) Ang dami naman palang pages nito. Hassle ang init.

Ako: Saan ba yung washroom dito?

NDS: Tara, dun. Samahan kita. Tapos na ko.

#2: Ang bilis mo naman. Patingin nga. (kinuha nya ang form kay NDS at tiningnan ang bawat page.)

Tumayo ako.

Ako: San ba?

NDS: Dun sa dulo. (patayo na rin sya)

#2: Eto pare, (sabay turo sa isang column) Nakalimutan mong pirmahan. (bumaling sya sa akin) Dun daw sa dulo. If you can’t hold it, punta ka na agad.

Tumalikod ako habang may pinipirmahan si NDS. Hindi naman talaga ako naiihi, gusto ko lang huminga ng malalim.

#2: Tol, papayagan kaya akong mag-rehistro dito? (sunod nyang tanong kay NDS. )

Natapos akong mag-washroom ng walang sumusunod sa akin. Pagbalik ko doon wala na si NDS at wala na rin ang aming mga forms pati yung kay Manang Extra.

Ako: O anong nangyari?

#2: Dinala na niya yung form dun. Papa-picture na lang tayo. That part kelangan natin pumila baka magalit yung mga tao. Are you ok? Gusto mo water pa?

Ako: I’m ok. (umupo ako sa tabi nya habang pinagmamasdan si Manang Extra na sumesenyas ng OK.) Kinabahan ako, (sabi ko kay #2) akala ko hindi ko na makikita yung washroom.

#2: Bakit? Sa dulo lang daw ah.

Ako: Oo nga pero hindi halata na may pintuan dun. Ang dilim.

#2: Ok lang yan. Nakahinga nga ako ng maluwag nung nakita kitang hindi nadadapa papalapit dito eh. Natatandaan mo ba.. sobrang lampa mo dati. (ngiti sya)

Ako: Oo na. Huwag mong ilakas.

#2: O (inabot nya ang panyo nya sa akin) pawis na pawis ka na.

OO na!! Hiyang hiya na ako! Tama naaaaaaa….

Inabot ko naman ang panyo nya at deadma lang ako sa pagpunas ng pawis. Nakakaramdam ako ng pangagati sa mukha. Naku naman! Ngayon pa ako tutubuan ng rash. Ganito ako pag pinagpapawisan. Kinamot ko ang baba ko pataas at sa katangahan ay sumabit ang mahaba kong kuko sa aking labi.  Mahina akong napamura.

Bumalikwas si #2 mula sa pagkakaupo. Kausap nya nun ang mahaderang manang extra. Nagdudugo ang labi ko.

#2: Hala.

Ako: Sorry. Naduguan yung panyo mo.

#2: Ano ba yan. Ganyan ka ba palagi? Patingin nga (tinanggal nya ang kamay ko sa aking baba at tiningnan ang labi ko) Ang laki, Kel. Bakit ka kasi nagpapahaba ng kuko? (pinupunasan nya ng kulay brown nyang panyo ang aking labi) Ayan. (pinunasan nya rin ang pawis ko sa ilong. Taena, nanliliit na ako sa hiya)

NDS: Oh anong nangyari? Uuy, dugo. (bigla syang dumating OUT OF NOWHERE)

Manang Extra: Lagyan mo ng asukal.

Eh saan naman kukuha ng asukal, aber?!

NDS: Meron ata dun kina Papa. Check ko. May mini-pantry dun sa kabilang kwarto.  (Umalis sya ulet)

#2: Eto may nailcutter ako. (binunot nya ang susi ng kanyang kotse at may nailcutter nga sya!) Gupitin mo na yang kuko mo.

Ako: Ayoko nga. Alam mo bang matagal kong pinahaba to??

#2: Akin na nga! (nakasimangot nyang kinuha ang kamay ko at walang ano ano ay pinutulan nya ang aking kuko!)

Ako: Hooooy.. wag masyadong maikli.

NDS: Eto. (may bitbit na jar ng asukal) Lagyan natin. (kinuha nya ang isang kamay ko at pinasok sa jar pagkatapos ay nilagay nya ang aking kamay sa aking bibig) Meron pa dito, (sabi nya at sya na mismo ang naglagay ng asukal sa bibig ko)

Ano ba ito? Make-over ba to? Nakita ko si Manang na ngumingiti sa isang sulok at tinuturo si #2. Leche.

#2: Akin na yung isa (sabi nya) yung isang kamay mo.

Tiningnan ko ang mga daliring pinutulan nya ng kuko. Ayan! Kamay lalake na ako. Pudpod na pudpod ampotah.

Ako: Hoooooy.. wag mo naman masyadong gupitan…(pagmamakaawa ko)

#2: (saglit na tingin sa akin ng nakasimangot) Eh anong gusto mo? Makalmot mo ang sarili mo pag natutulog ka?

Natapos ang isang oras at nakuhanan naman kami ng picture. Nasa likod ko si#2 nang magpapa-thumbmark na ako. Siguro nababagalan sya sa akin kaya nya kinuha ang kamay ko at idiniin sa ink sabay tatak sa form ko habang nakahawak sa aking thumb. Tiningnan kami nang mamang nag-aassist.

Nagta-thumbmark sya ng mag-ring ang aking telepono.  Si boypren nagtatanong kung nasaan ako.  Sinabi ko kung nasaan ako. Inutusan nya akong umuwi agad ng bahay dahil nabili nya na ang librong dapat ay bibilhin ko. Tinanong ko kung nasaan sya, ang sabi nya nasa opisina na raw sya pero idinaan nya ang libro sa bahay.

NDS: O san nga kayo ulet? (tanong nya habang naglalakad kami sa hallway)

#2: Rob Otis.

Ako: Ay hindi na pala ako pupunta dun. Nabili na nung BF ko yung librong dapat bibilin ko.

Silence.

#2: Ako na lang pala ang pupunta.  Sa– (nag ring ang phone nya. Lumayo sya sa amin.)

NDS: Pupunta ka ba sa reunion?

Ako: Di ko alam. San ba yun?

#2: Hindi na rin pala ako pupunta ng Rob kelangan kong umuwi. May lagnat pa rin si (binanggit nya ang pangalan ng GF nya pero nakalimutan ko na kaya hindi ko ma-type) O pano, pare? We better get moving. (nakalabas na kami ng hallway) Hatid ko pa si Kellie.

Ako: Wag na. Maglalakad na lang kami ni NDS. Malapit lang naman kami eh.

#2: Oo nga pero God knows kung sa anong gulo ka naman masasangkot ngayon.

NDS: Tol, baka kelangan mo na pumunta dun sa GF mo. Ok na kami ni Kellie.

#2: Hatid ko na kayo.

NDS: Eh walking distance ka lang naman dito db? Hindi mo na kelangan tanggalin yang kotse mo sa parking lot eh.

#2: Gusto nyo bang maglakad sa arawan? Pinagpapawisan na nga to. (turo nya sa akin)

NDS: Dadaan pa ako ng 7-11 eh may bibilin pa ko.

#2:  O sige. Hatid ko muna si Kel. (sabi nya may bakas ng pagmamadali sa kanyang mukha)

Ako: Alam nyo.. ok lang ako. Kaya kong maglakad.

#2: Pumasok ka na nga. (binuksan nya ang pinto ng pick up at walang ano ano ay napasunod nya ako.)

NDS: (nakangiti) O sige na nga mauna na kayo. Sige tol, ingat. (nag shake-hands sila at kumaway sa akin si NDS)

#2: Kaw rin. O pano, sa reunion huh?

NDS: (tango lang sya) Ingat.

Pumasok na si #2 sa loob ng kotse at binuksan ang aircon.

Ako: Kawawa naman si NDS. Baket kasi ayaw mo akong paglakarin. Ok naman ako maglakad.

#2: Sus, kalalakeng tao nun eh. Ok lang yun. Saka teka lang bakit ka naawa? Crush mo yun nooooo?? Yiheeeee…

Ako: Lul, hindi.

#2: Hahahahaha. Oo kaya.

Nagmamaneho na sya.

Ako: Hindi no. Natutuwa lang ako at nakita ko sya.

#2: Ako rin naman eh. Pero hindi kita kayang paglakarin sa arawan. Nadudurog ang puso ko (pang-aasar nya habang tumatawa)

Ako: Ewan ko sa yo. Oh nandito na ako.

Sinabi ko naman di ba? Malapit lang ang bahay namin? Talagang malapit lang.

#2: Oo nga. Psst.. oi. Sa reunion huh?

Ako: Ewan ko. Bahala na.

#2: Eto cellphone number nung organizer.. si ano—  kilala mo yun db? (kinuha nya ang kamay ko at sinulat ang number ng organizer habang nakatingin sa cellphone nya.) Oh ayan, pumunta ka, miss.

Ako: Matapos mong pudpurin ang kuko ko eh sinulatan mo naman ang kamay ko! Ano ba yan!

#2:  Hahahaha. (dumukwang sya at binuksan ang pintuan, naramdaman ko na ang hininga nya sa pisngi ko) Oh ayan, miss.. ingat sa pagbaba.

Ako: (bumaba na dahil bumibusina ang pesteng jeep sa likuran namin.) Thanks!

Ngumiti lang sya. “Ingat ka lagi.” sabi nya at sinarado ko na ang pintuan ng kanyang sasakyan.

Minsan gusto kong maniwala sa Destiny. Pero pakiramdam ko naman sa tuwing maniniwala ako sa FATE at DESTINY eh parang nagbabasa lang ako ng libro ni Nicholas Sparks. Wala akong balak na maging romance writer, novelist o maski magsulat ng A PURPOSE DRIVEN LIFE. Kung anong gusto kong isulat.. hindi ko rin alam.

Ngunit sa hindi maiiwasang pagkakataon, sa mga nakaraang araw ay wala akong ibang makwento kundi ang past, present at future lovelife ko. Sa katunayan hindi ko masasabing maari siyang maihelara sa LOVE CATEGORY, madalas kaysa minsan mas naiisip kong nasa category ako ng TRAGIC STORY. Yung tipong documentary sa DISCOVERY CHANNEL na DESTROYED IN SECONDS… ganun ang pakiramdam ko sa tuwing babalikan ko ang mga kwentong lablayp ng aking nakaraan.

Kagaya na lang ngayon.

Siguro mas mabuti ang ganito. Kung ano pa ang nakalaan para sa aming dalawa. Ayoko nang malaman.

Ayokong umasa.

Dahil mahirap simulan ang mga bagay na mukhang magulo sa umpisa pa lang.

Hanggang sa muli. ….

Matapos ang mga makapagbag-damdaming posts tungkol sa mga hapdi ng dinulot ng aking nakaraan ay bumabalik ako sa mundong ibabaw upang harapin ang realidad. OO, tigilan na ang pagsusulat ng mga bagay na mada-drama at baka magkaroon pa ng LOVINGLY YOURS, HELEN — the much awaited comeback.

Ang unang linggo ng pagpasok sa opisina matapos ang mahabang pagbabakasyon ay halos matatapos na. Ang unang araw ko sa opisina ay hindi masaya sapagkat ang likod ko ay nanakit pa at halos pabalik-balik ako sa infirmary para humingi ng salonpas.

Ang unang bungad ng aking mga officemates ng ako ay kanilang makita.

Oficemate #1: Wuii… Kellie ang tagal mong nawala!!! Anong nangyari sa yo?

Ako: (sabay turo sa likod) Scoliosis.

Officemate #2:  Ang tamlay tamlay mo naman. Na miss ka namin.. patawa ka naman dyan.

Ako: Mamaya na. Sakit ng likod ko. (irritated)

Officemate #3:  Sige na magkwento ka naman. Yung nakakatawa.. walang kwenta office pag wala ka eh. Nase-stress lahat.

Ako: Wait, friends. Ano bang akala nyo sa akin? Jokebook? Wala ba kayong mga kaibigan na nagte text sa inyo ng joke time? Namaaaaan… pass muna ko.

Officemate #4: Sige na ikwento mo naman kay ano.. yung pusa dali!

Ako: Haaaay… (nanghihina) ano bang tingin nyo sa ken? Bibigyan nyo ko ng piso at sasayaw ako ng MACARENA? Hindi ako 5 years old.. ano ba.

Officemate #6: Libre ka namin lunch. Dali kwento mo..

Ako: (napipilitan) Ano bang pusa ang sinasabi mo?

Officemate #7: Yung kinukuwento mo dati sa gitna ng ulan tapos may lumapit sa yong lalaki dahil ginagamit mo yung payong nya.

Ako: Ahhh.. kasi ganito yun (pagsisimula ko sabay bunot ng malalim na hininga) May isang bata.. (bulong ko, nanghihina talaga) nakasalubong nya yung pusa.. (ubo..ubo..sabay pause) ang sabi ng bata…meow, meow (mahinang mahinang boses) ang sabi naman ng pusa.. meow, meow…(ubo, ubo..) ang sagot ng bata sa pusa.. meow..meow (pabulong) Ayoko na, pwede ba bukas na lang??? (pakiusap ko.)

Officemate #7: Tsk.. nambibitin ka naman eh. Ano na sabi pagkatapos ng MEOW MEOW?

Ako: (buntong hininga) Ang sabi ng pusa sa bata.. meow.. meow (yung boses ko parang nauupos na kandila) Ang sabi ng bata sa pusa..meow..meow..(singhot naman ako ng sipon ngayon) Ang sabi ng pusa sa bata —

Officemate #9: Meow? Meow?

Ako: Putaena, maghintay ka. (pasigaw pero namamaos ako)

Officemate #2: Ang dami namang Meow-meow nyan.

Ako: Alangan naman RUFF*RUFF? Eh pusa nga… umalis na ako ng matagal pagbalik ko TANGA ka pa rin.

Officemate #3: Oh ano na nangyari sa pusa?

Ako: (buntong hininga) Ang sabi ng pusa sa bata.. MEOW.. MEOW (nakasimangot na ako) ang sabi naman ng bata sa pusa MEOW MEOW.. . (buntong hininga, sa wakas matatapos na rin) Biglang sumigaw yung pusa sa bata… WHAAATEVER! ( tapos tinaas ko yung kamay ko na kahit hinang hina ako ay pinilit kong gayahin yung eksena sa MY ONLY U kung saan may hand-sign sa tuwing sasabihin nila ang salitang “PANGS” as in PANGS NOT DEAD.)

Tawanan..marahil hindi sa kwento kundi dahil sa hitsura ko habang nagku-kwento. Naisip ko kung nasa deathbed na kaya ako at kasama ko sa ospital ang mga hinayupak na ito.. hihiritan kaya nila ako.. “Sige na.. Kellie. Joke ka naman…one last time.”

Adbentyurs din talaga nung makita ko si WM. Sympre yung crush ko na secret crush nung kaibigan kong mahilig magsuot ng purple jeans skirt..MARGARITAAAAAH….

Alam mo bang nagsuot ako ng magnetic brace? Pero hindi naman yung tipong brace na parang may helmet sa ulo pababa ng talampakan. Hindi naman ganun. Isang magnetic brace lang na kayang ikubli sa ilalim ng damit ang suot ko. Umi-effort akong umakyat ng hagdanan nuon, dahan dahan lang talaga, gumigilid at humahawak sa bakal na suporta – ng hagdanan, huh? Hindi ng brace ko, sabi ko nga naikukubli ng aking damit ang magnetic brace na aking suot – reminder lang, just in case magkaparehas kayo ng nararating ng brain waves ni officemate #2. Sa sobrang bagal kong umakyat ay inabutan ako ng lunchtime at sinalubong ako ng kalahati ng papulasyon ng 2nd floor na humahangos papuntang pantry para kumain. Nagmadali akong umakyat ngunit napahinto ng makita kong makakasalubong ko ang aking crush. Shet! Nakahawak pa rin ako sa bakal! Nagkasalubong kami ng tingin… “ARE YOU OK?” tanong nya sa akin ngunit bago pa man ako sumagot ay may dambuhalang babae ang dumaan sa aking harapan at bumalandra ako sa isang sulok. Nasalo ako ng bakal na hawakan ng hagdanan….

Nagdikit ang bakal sa aking likod sa bakal na hawakan. Lumikha ito ng isang ingay na nagsasabing END OF ROUND ONE.. Tinnnnnnnnngggggggggggg…..

Nagkatinginan kami ng aking crush.. at bago ako magpaliwanag ay….

Nagising ako sa bangungot. Shet, panaginip lang pala. Nakatulog ako sa clinic at ang ingay na aking narinig ay isang bakal sa headband ng katabi kong naumpog sa malaking oxygen tank na malapit sa kanyang ulunan. Pero gayunpaman ay hindi sya nagising.Rak en Rol! Namumuo na ang dugo sa kanyang noo ngunit sya ay nanatiling peacefully asleep without a care in the world.

Tumayo ako. Sinabi ko sa nars ang nangyari sa babaeng may suot na headband. Saglit nyang sinipat ang babae pagkatapos ay bumalik na sya sa paglilinis ng kuko sa paa.

Matapos ang ilang araw ay nagkatotoo ang aking panaginip (yung part na nakasalubong ko yung crush ko, ah!) Naks. Pasimple kong kinapa kong may suot akong brace. Hallelujah, praise GOD! Nakalimutan kong magsuot ng brace. YEEEEEEEEEES!!! Ngunit sunalit datapwat kailangan ko pa ring lumayo sa kanya sapagkat humahalimuyak ang amoy ng SALONPAS sa aking katawan.

“Are you sick?” tanong nya sa akin (take note, hindi kami na-introduce ng mamang ito kahit kailan)

“Yes,” sagot ko habang gumigilid papalayo sa kanya…

Nagkatinginan kami..

At sa likod ng aking utak ay may narinig akong isang awitin…

“IKAAAAAAAAAAAAW.. ANG AKINGGGGGGGGGG TANGINGGGGGGG YAAAAAAAAAAMAAAAAAN….”

Napabuntong hininga ako at napamura sa aking isipan…

“MIAAAAAARMARAAAAAAA namaaaaan….mamaya na pwede? Nagmo moment pa ako!!!!”

Bumitaw ng tingin si Crush at naglakad papalayo.

Nagpupuyos ang aking damdamin..

Hi-ho.. once again… Miarmara strikes again.

vicky_cristina_barcelona

There’s one thing that everyone needs to know in life.. that one time, at some serious point — you need to confront at least one unfinished business among many.

Last week in between a series of agony and unbearable pain, I found myself sitting in some coffee shop, waiting for an ex.  This ex lives outside of the country now and has been away for a long period of time. Why we both ended up in that place and how I came to know of his presence for the past few weeks is a different story.  I’m not going to bore you with that part, I promise.

I was browsing through the pages of my tattered book, Anne Frank’s Diary of A Young Girl (which for some weird reason, I decided to brought that day) when the X arrived. To tell you honestly, I was surprised that he was able to recognize me.  Vagillion years had passed since our last meeting and I tell you, its not a pleasant one.  Our ending was never happy , he went back to Australia and got married while I cope up with the gravity of sadness, pulling myself together towards SOBRIETY.

“Hello,” that’s the first thing he said. I smiled. He ordered the same thing on the menu and I realized that after all these years, it never occur to the owner to change the same crap of servings they offer to their regulars.

After the same lousy desserts were served, I found myself staring at him right in front of the table. Ah, how time flies. And then it finally fell  in.. I am happy to see him again.

X: How are things with you. (it sounded more of a statement than a question, then I wondered if I’m boring him)

M: Fine. ‘Em I boring you?

X: (chuckles) How can you bore me? I like talking to you. You of all people… you are the only one capable of stimulating my mind.

M: Oh, I’m sorry but I’m not going to sleep with you. I appreciate the compliment tho. I didn’t see it coming. (laughs)

His laughter fainted. I was lighting my second stick of cigarette.

X: You know I’m so thankful we didn’t end up together or I’ll be left alone in misery because you died of fucken lung cancer.

M: Yeah me too. I’m so glad I didn’t marry my mother.

He enjoys this usual cup of sarcasm. This is what we usually do early mornings when we were still together. He’s a lot older than me, maybe 4 or 6 years, I didn’t really give a thought in that. It makes me sad.

Silence. I caught him staring at my cigarette stick and the long fingers holding it, then eyes back to me.

M: What? Say it.. go on. Don’t hold it back.

X: (chuckles, you know I really hope that he’ll stop doing that because I can’t help myself staring back at his killer brown eyes and perfect nose that compliments his god damned lips) You know during the last few weeks, I watched this movie with my wife and I can’t get you off my mind. You reminded me so much of that character.

M: Did you tell your wife? ( I was supposed to tell him how rude it is to be with someone and think of someone else.)

X: No. I like to keep my thoughts private. Makes me feel human. Does Alex knows you’re meeting me?

M: Are we having sex? (I snapped back)

X: No. It was pretty clear the first time.

M: Good. Then maybe I’ll tell him or maybe not. If he ask, I won’t lie. If at some point, our conversation lead me here then I’ll tell him. No biggie.

X: Ok. Why so feisty. (again it sounded more like a statement, not a question) I’m just asking. Well anyway, the movie reminded me so much of us.

M: Ok. Schindler’s list?

X: Stop it. Vicky Cristina Barcelona. You seen that? (finally a question)

M: Heard it. Its an OSCAR entry, why will I not know that.

X: Ah yes, artsy girl. Pardon my dumbness. Did you get to watch it? I mean knowing you… you like stuff like this.

M: So you’re watching academy award film entries because you know I’ll watch it?

X: Its not always about you, you know. My wife happens to like some of the things you do.

M: Did you tell her?

X:  Are you going to sleep with me? (he snapped back sarcastically imitating my voice.)

M: Aha… so I’m the benchmark now, huh? Common admit it. You adore me. Your wife is a spitting image of me.( I heard it from a friend when we came across some Friendster photos of the X and the wife.)

Silence. He watched me lit another cigarette.

X: Do you think seeing me is a mistake?

M: No. (Its an honest answer) Do you?

X: No.

M: Good. Now its settled. So humor me with this movie. Whose miserable character is it?

X: Penenelope.

M: Wow. She’s hot. Really?

X: Dream on.

M: (chuckles) So I guess, the twisted hot womanizer reminds you of yourself then.

X: Yes. (laughs) You said you didn’t watch the movie. How did you know? (another question)

M: (as a matter of factly tone) Well you know, I have a DSL connection and I’m capable of browsing the net plus I can read — thus the knowledge. So why Penelope? (me, curious)

X: Because well first of all, she can paint. Do you still paint?

M: When I’m mad. ( answered automatically)

X: Exactly. And she has so many fucked up theories in life and love and all that shit. Its so you. She’s fucken neurotic. God, its so you. (he was laughing softly, shrugging his head)

M: And she’s hot. So I guess I am right? ( I smiled,wanting him to say YES)

X: I never really find her hot. I never really liked her… until I watched the movie.

M: So what did your wife thinks of it. ( I was trying to dodge a notion in my head that might just give me away if I encourage the last lines he said)

X: Well she thinks its fucked up. I think it made a lot of sense tho. It reminded me so much of the things that we used to say, things we used to argue.. its so funny. Things that upset both you and I. It reminded me so much of you, seriously. The way you define things.. you’re so good in that.

M: Stop patronizing me. I didn’t really think that we learned anything from our relationship because first of all– it was never a relationship. We were never exclusive. You’d like to call it ATTACHMENT. I reek of messy emotional attachment, don’t I? You said it once when we were having coffee– here, same spot. You know here’s the thing that I never understand.. all the times that we’ve spent, you always complain of wanting to be loved but when I started loving you — you got scared and run away. See, I’m not the one that’s truly fucked up. You are.

X: (chuckles) You loved me? Are you serious?

M: Why not? Inspite of your perfect face and your unbelievable mood swings, I still put up with you — didn’t I?  And we both know your foot smells… so there.

X: I did love you, just so you know– for what its worth. But it didn’t get to me until I started seeing other girls. You’re just so different. (smiles — see this is what I like about this guy, he’s so damned straight forward, no bullshit and all)

M: Gee, thanks.

X: You still remember when you first define love to me.. right here at this spot? The first time I get to kiss you.

M: No, not really. I remembered the kiss but I don’t really remember what I said.. must be some of those hippie stuff that I feed you once in a while.

X: (laughs) No.. I remembered it. And I remember it well. You said that LOVE is like going to a museum.  You see things that awe you, that take your breath away, things that you wanted but someone else bought it and was taken away right in the middle of your eyes, but there’s just one piece among the others that speaks to your soul, hasten every beat of your heart and the mind humbly presented itself because by looking at it– you experience joy and sadness- and then you realize then and there- it’s not just a piece of art – it’s magic.. the way it completes you.

M: Ulooooooooool… hindi ako yun. That’s so stupid.

X: It was you, tanga.  God, I lived with it only to find out that you didn’t remember.

M: I might be fucken high then.

X: (paused) Ah, shit, yeah. You puked inside my car.

M: (laughing out loud) Yeaaaaaaah… sorry. Now I remember that, I think.

X: Common, how many girls threw up inside my car? Nada. Zilch. Just you.

M: Well thank you for the trip down memory lane. Now let’s move on. (shrugging my head because what he said is just plain ridiculous.)

X: How did you know that Alex is the one? You claimed a lot of times that you are not happy anymore. So why stay?

M: You know happiness can be drenched in a long relationship, that’ s a natural cycle in every long relationship– everyone that’s been there knows what I’m talking about. I never believe in right or wrong, I refused to believe in Mr. Right — I’d like to keep things simple.  There are just things that you do and you don’t do, right and wrong is pretty much objective and relative — same thing with love, I guess.  But you know that you are with the right person because as each day ends, no matter how different you are with your partner — there’s this feeling that inspite of things left unsettled — your heart is at peace… no matter what. People don’t change, what changes is the way they look at things — when I said that I was unhappy, I was probably in search of a thousand questions to which I can’t seem to find the answers but I realized that it was just so unfair to depend my happiness to a person whose happiness is totally independent of me. Its just not a way to live.  There are just things that I can’t outsmart because there are things in this world that are bigger than Alex and me.

X: (took a deep breath) I’m going back to Sydney tomorrow morning. I’m so happy to see you again.

M: Likewise. Why did you decide to see me anyways?

Silence.

X: Because when I’m with you… my heart is at peace.

I didn’t say anything afterwards, I lit another cig and smiled at him across the table.

M: Not in this lifetime, maybe? ( I smiled again.)

X: (he looked back at me, took my cigarette in his hand and kissed me in my forehead.) You take care, love. In another lifetime, yes.

I watched him left the cafe, took a very deep breath and felt a sudden wind of closure that enveloped me as I sit there in the middle of a hot summer afternoon.

Posted: March 20, 2009 in Reviews, vampirism

trueblood_poster

“We are all kept alive by Magic, Sookie. My Magic is just a little different than yours, that’s all.”

– Vampire Bill to Sookie Stockhouse, True Blood

I’m sure the TWILIGHT SAGA is a great vampire chronicles for junior high. But if you want substance and a deeper more mature materials, we can count on Vampire Bill.  SOBRIETY is just too dense a word for this guy.

Just my two cents.


Ang pagbabalik.

Posted: March 19, 2009 in Life, miarmiar-isms, usapang lovelife

Akalain mo nga naman ang swerteng nakakamit ng mga taong may sakit ng scoliosis.  Wait lang, hindi ako tumama sa lotto. Pero may nangyari ngayon na parang ganun na rin ang pakiramdam.

Hayaan mong kilitiin ko ang iyong imahinasyon. Teka lang… hindi ako magkukwento ng pang-romansang istorya ala Xerex Xaviera, hindi ako ganun.

Kanina lang ay nakaramdam ako ng gutom. Nag-crave ako ng super big bite hotdog ng 7-11. Hindi ako pwedeng maglakad ng malayo sabi ng doktor ngunit wala akong mautusan at ang 7-11 store ay hindi naman kalayuan.

Nang makarating ako sa 7-11 ay wala naman masyadong tao, siguro kasi ay medyo alanganing oras na. Agad akong tumungo sa hotdog stand at dahil sa pagmamadaling kumuha ng hotdog sandwich ay napaso ang aking kamay. Napasigaw ako ng “Ay kabayo…” ewan ko kung baket pero naisip kong baka na-adapt ko lang yan sa katulong namin sa tuwing mapapaso ng plantsa.

“Kel?,” boses sa aking likuran.

O teka, shet. Naisip ko agad.. sino naman to? Naisip ko agad na nagchi-chip na cutics sa aking paa. Nakakahiya kung makikita ako ng isang kakilala na may maruming kuko sa paa. Napabalikwas ako para tingnan kung sino ang bumati sa akin.

Helloooooooooooooo, saaaaaaaaaaaagoooooooooooo! Baket sya pa?

Ilang araw matapos kong mabanggit ang taong ito sa aking entry, WEIRD KILIG MOMENTS ay talaga namang naisip ko kung nasaan na kaya siya. Lalo akong na-curious kung kamusta na sya nang marami sa inyo ang nagtatanong kung pede ko ba syang i-clone. Oo tama, muling nag-krus ang aming landas ni #2.

Nakatayo ako sa kanyang harapan hawak ang plastik ng hotdog sandwich sa isang kamay at ang bread clipper sa kaliwa.

Ako: Wui.

#2: Musta? Gabi na ah.

Ako: Onga eh.

#2: San ka ngayon?

Ako: Dito. (sagot ko agad pero naisip ko na malamang ay tinutukoy nya kung saan ako nagta trabaho sa ngayon, shet.) Hindi ko kasi mapigilan na pagmasdan ang buo nyang mukha. Pang hinuhugot ang aking kaluluwa sa tuwing magtatama ang aming paningin, may salamin na sya ngayon ngunit nandun pa rin ang nakakagayumang pakiramdam sa tuwing titingnan mo ang hugis ng kanyang mga mata. Meron syang kakaibang tingin na parang sumusuri sa buo mong pagkatao, yung tipong hindi manyakis ang dating sa halip ay may touch of sincerity at thoughtfulness. Mas matangkad na sya sa akin ngayon, isang bagay na kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ko.

Ako ulit: Laki mo na ah… nag-cherifer ka no?

#2: Haha. Hindi no. Parang pumayat ka yata. (sabi nya at kinuha ang bread clipper sa kamay ko.)

Ako: Huh?

#2: Nakikita kita sa simbahan. (sabi nya habang tinuturo kung ok ba sa kin yung laki ng hotdog na ipinapalaman nya sa tinapay.) Dun ka palagi sa right wing pumupwesto db? Haha.. nakita kita isang beses ang tamad tamad mong tumayo. (pagkatapos ay inabot nya sa akin ang hotdog sandwich) Oh ayan, baka mapaso ka pa ulet.

Ako: Thanks. (Taena naman…sabi ko na nga eh… sabi ko na nga… dapat sinunod ko ang nanay ko na magpa-pedicure kaninang umaga.) Eh kasi masakit ang likod ko kaya hindi ako masyadong nakakatayo luhod at upo. May scoliosis ako. (Namaaaaaaaaaan… baket ba ko ganito.)

#2: O? Napatingin mo na sa doktor? (Tanong nya, ang boses nya ay mukhang hindi nanglalandi sa totoo lang. Nag-aassume lang ako.)

Ako: Yep. Kelangan ng bedrest.

#2: Kawawa ka naman. O ano pa bang bibilhin mo.

Ako: Dito ka ba nagta-trabaho? (pero hindi naman sya nakasuot ng uniform)

#2: Haha. Hindi no. Ano ka ba. Tinatanong ko lang kasi baka gusto mo ng Siopao, malay ko ba. Baka mapaso ka na naman, napaso na ko dati dyan eh. Ang sakit.

Ako: Ah.. hindi. Ok na ko dito. Dito ka pa rin ba sa Pandacan, nakatira?

#2: Ay hindi, Cavite na. May sarili na akong house pero dito pa rin nakatira yung girlfriend ko.

Ako: Ah, ok. (nalungkot ako saglit)

Sabay kaming nagbayad sa counter. Oo nga pala, bumili sya ng Ice Cream. Birthday daw ng pamangkin ng girlfriend nya. Habang nagbabayad nag-usap kami kung saan kami nagta-trabaho. Freelance Writer daw sya pero may sinabi syang office sa Makati kung saan sya nagta trabaho ng full time bilang isang… hmmm… hindi ko matandaan pero parang Chemical Engineer or something. Napagmasdan ko ang malinis nyang kuko sa paa at nakita ko ang sa akin… naman. Bakit ba ganito ang buhay. Mukhang ang linis linis nya at pakiramdam ko ay nag-o-oil pa ang mukha ko.

Napakabilis naman mag-punch ng taenang cashier na to bago ko pa ma-realize ay nagpapaalam na kami sa isa’t-isa sa may pintuan.  Nakita ko syang tumawid at ako naman ay nagsimula nang maglakad pabalik ng bahay. Hindi pa ako nakakalampas ng lubusan sa labas ng 7-11 ay napahinto ako ng marinig na malakas na pagsabog sa di kalayuan. Anak ka ng boogie! Inabutan pa talaga ako ng gang war sa kalsada!

“Keliieeeeeee!,” narinig ko habang tumatakbo sya papalapit sa akin. Nasabugan ba sya? Naisip ko agad. Agad syang nakatawid at hinila ako papasok ng 7-11. Hindi sa braso. Hindi sa likod ng braso. Sa kamay. Pagdating namin sa loob ay kinapa nya ang balikat ko pababa sa may baywang na parang nagdo-double check kung may nakalas na buto sa akin. Lumapit sya sa akin ng konti at sinipat ang aking mata.

#2: Ok ka lang?

Hindi ako makakilos dahil iniisyoso ko ang nangyayari sa labas. May mga nagtatakbuhan at may pulis agad. Malapit lang sa presinto 10 ang 7-11, natural may pulis agad. Naramdaman ko ang malamig nyang palad sa aking pisngi. At gusto kong lumapit para halikan sya. Joke lang. Ano ba kayo!!@###??!! May boypren ako, for god’s sake! Huwag nyo akong pag-isipan ng ganyan.

Ako: Oh, nasan na yung Ice Cream mo? (tanong ko nang mapansing wala syang bitbit na Ice Cream)

Napabuntong hininga sya.

#2: Ewan ko. Ano ka ba naman! Muntik na nga tayong masabugan ng Pilbox, nagtatanong ka pa kung nasan yung Ice Cream. Shit. Kinabahan ako akala ko nasaktan ka. Pumutok malapit sa yo db? Talikod ka nga! (utos nya)

Ako: Baket?

#2: Basta, eh kung nabubog ka. (sabi nya ng hindi ako tumalikod at sya ang umikot sa aking likuran para i-check)

Ako: Ikaw nga patingin rin baka nakabukas na yung likuran mo. (tumawa ako)

#2: Not funny. (sabi nya habang naglalakad papunta ng Ice Cream section. Mukha syang na-offend kaya tumigil ako sa pagtawa at bumaling sa nangyayari sa labas) Psst, oi. Dyan ka lang wag kang lalabas. (sabi nya habang tumitingin ng Ice Cream sa di kalayuan.)

Matapos ang ilang saglit ay nasa tabi ko sya ulet. Parehas na naming tinitingnan ang mga pangyayari sa labas ng 7-11. As usual, wala namang nahuli ang mga pulis.

#2: Tara. (sabi nya ulet at pinagbukas nya ako ng pintuan)

Ako: Oh pano, ok na ko dito. Ingat ka dyan.

#2: Ano ka ba. Ihahatid na kita. (parang naiirita sya)

Ako: Wag na. Baka matunaw yung Ice Cream.

#2: Eh baket sa Baguio ka ba nakatira. Malapit ka lang dito db? Natatandaan ko pa yung house nyo malapit sa bahay nila NDS.

(Si NDS ay yung isang schoolmate namin na matalik nyang kaibigan nung elementary kami.)

Ako: Oh kamusta na nga pala yun? (tanong ko habang naglakakad)

#2: Dito ka nga. (hinila nya ako sa left side nya habang sinisipat ang paligid) Ah si NDS? Ok naman sya. Hindi na kami masyadong nag-uusap. Nakita ka raw nya one time sa Libis.

Ako: Talaga? Eh bakit di sya lumapit?

#2: Haha. Ewan ko. Baka crush ka pa rin nya.

Ako: Huh? Nagka crush ba yun sa ken? Di ko alam. Haha.

#2: Ano ka ba.. mga bata pa tayo nun. Kaya nga hindi na kita kinakausap dati kasi nagseselos sya. Hahahaha.. ang bata pa natin nun no? Ilang taon ka na ngayon. I’m sure naka move on na sya.

Ako: Grabe ka naman. What makes you think na hindi pa sya nakaka-move on? Hindi pa nga ako nireregla nun. I’m sure may gf na yun ngayon.

#2: Hahahaha. Ano ka ba. Ikakasal na rin ata yun. Ikaw hindi ka pa ikakasal?

Ako: Mga two years from now siguro. Ikaw?

#2: Wow. Ako rin siguro. Nasan ba ang boyfriend mo ngayon at hindi ka man lang nasamahan.

Ako: Ah siguro natutulog na. Hindi naman kasi nya alam eh pero kung sinabi ko sigurado sasamahan ako nun.

#2: Good.

Ako: Malapit na ko.

#2: Alam ko. Kelan kaya tayo ulet magkikita?

Ako: Hahaha.. hindi ko alam. Siguro pag malapit ka nang ikasal.

#2: Hahaha. I’m happy I saw you today. I saved your life yet again.

Ako: Ano ka. First time pa lang to, grabe ka.

#2: Asus… muntik ka nga malaglag dati sa upuan eh buti nasalo kita.

Ako: Huh? (patay malisya)

#2: (napailing) How could you forget that? That’s one of the best memories in my elementary days. Grabe ka. (tapos tumawa sya)

Ako: Dito na ko. (sabi ko habang tumatahol ang mga aso sa harapan ng gate namin)

#2: (tumango sya) Ok. You take care. I hope to see you in our reunion. Nagpa plano ata sila eh.

Ako: Ok. Ingat ka rin and thanks for the walk.

#2: No problem. Get well. I’ll see when you’re well enough to attend the Sunday Mass.

Ako: (smile) Kaw rin. Bye.

At pumasok na ako sa loob ng bahay. Nawalan ako ng gana na kainin ang hotdog sandwich sa halip ay mas gusto ko syang i-frame. Akalain mong sa hinaba haba ng lumipas na panahon ay hindi pa rin sya nagbabago. Siya pa rin ang #2 na aking nakilala nung ako’y 12 years old pa lang.

Some men are born to make you cry… but there are some men who were born to be there for you… as your  SAVIOR. Nothing more.

Nothing less.

Gabi ng Lagim.

Posted: March 19, 2009 in daot, Life, miarmiar-isms

Hindi ko inakala na darating ang panahon na mararamdaman ko ang sakit na dulot ng Thoracic Levoscoliosis.

Nagsimula ang lahat ng magising ako isang umaga ng Lunes sa pag-aakalang nabagsakan ako ng aparador. Hindi ako makagalaw, sa tuwing susubukan kong igalaw ang aking kamay ay nakakaramdam ako ng kuryente sa buo kong katawan. Nang imulat ko ang aking mata ay nakita kong normal ang paligid.. walang aparador na nakadagan sa akin. Hindi nagiba ang bahay at walang sunog na nagaganap.

Kinailangan kong sumigaw para humingi ng tulong sa kung sino man ang gising sa labas ng aking kwarto.  Hindi ko ito magawa ng paulit ulit dahil sa tuwing ibubuka ko ang aking bibig ay parang nilalamon ang aking buong katawan ng kuryente.

Matapos ang isang taon ng paghihintay ay pumasok ang butihin kong kapatid.

“O anong nangyayari dito?” sabi nya habang naghahalungkat ng damit sa aking aparador.

“Saket ng likod ko…” sabi ko

“Inom ka Alaxan,” sabi nya, hindi natitinag sa paghahalughog ng maisusuot.

“Tawagin mo si Mama.” sagot ko

Natigilan siya.  Marahil dito nya lang naisip na hindi ako nagbibiro. Tumigil sya sa paghahalungkot ng mga damit at lumapit sa kama ko. Hindi ako makagalaw mula sa dapang posisyon, pinagmasdan nya ako ng maigi.

“Ate… ano bang nangyayari sa yo?” tanong nya, concern ang boses.

“Ang sakit ng likod ko.” sagot ko nakapikit.

Katahimikan. Bigla syang sumigaw. Napaigkas ako. Adrenalin rush siguro.

“Ateeeh………huwag kang mabibigla…. pero…”

“ANOOOOOOO?!?!$#$@” sigaw ko pabalik.

“Kuba ka na!!!!! May bukol sa likod mo… isa ka nang kampanerang kuba! Naks. Asteg ka ah.”

Gusto kong tumawa pero sa halip ay napaiyak ako. Para akong nauupos na kandila sa sakit na aking nararamdaman ngunit ginagago ako ng utol ko.

Pero sa kabila ng lahat... wag naman sana akong tubuan ng pakpak.

Pero sa kabila ng lahat... wag naman sana akong tubuan ng pakpak.

Isang linggo akong hindi makakapasok, yan ang sabi ng doktor. Kailangan kong magpahinga. Hindi ako maaring umupo, tumayo at maglakad ng matagal dahil sensitibo ang porma ng aking spinal cord. Mild Thoracic Levoscoliosis. Hindi malala ngunit kailangang agapan. Namulubi ako sa mahal ng gamot at kailangan kong bumili ng bagong kama.

Alam mo ba kung anong pakiramdam ng may scoliosis? Napilayan ka na ba at dinala sa manghihilot? Yung tipong tapilok lang at kailangan mong pumunta sa kung kaninong manghihilot para ibalik ang nadislocate na kung ano man sa paa mo. Ganun ang pakiramdam ng may scoliosis, mas masakit pa. Para kang lalabasan ng bata o kapre o electric fan sa likuran. Mas gugustuhin mo pang mabunutan ng ngipin ng walang anesthesia. Wag mo na lang itanong at baka dalawa pa tayong umiyak.

Kailangan ko ring ikuwento ang pakikipagsapalaran ko sa outpatient clinic na aking napuntahan. Marami akong naririnig na mga reklamo tungkol sa bulok na HMO coverage ng aming kumpanya. Ito ang dahilan kung bakit hindi ako nagtangkang i-claim ang aking healthcard dahil sa hindi naman ako sakitin at wala akong balak gamitin kahit kailan. Ngunit hindi kahit minsan sumagi sa aking isipan na darating ang panahon at kailangan ko itong gamitin.

Tumawag ako sa hotline ng nasabing HEALTHCARE PROVIDER at nagtanong kung ano ang mga outpatient clinics na maari kong puntahan na malapit sa aking bahay. Sa may TM KALAW daw. Inalam ko ang clinic hours sa internet at nagtungo ng maaga sa nasabing clinic kinaumagahan.

Sa isang lumang building huminto ang taxi. May malalaking letrang kulay pink ang nakatayo sa nasabing establishment na nagsasabing natunton ko ang nasabing lugar. Lumabas ako ng taxi at pinagmasdan ang sementadong mga letra, luma na ito…sinipat ko ang likuran ng bawat sulok sa pag-aakalang may mga nagtatagong gargoyles kung saan man. Sila na lang ang kulang at masasabi mong kasing tanda na ng Unibersidad ng Santo Tomas ang nasabing establisyamento.

Ang mga nawawalang GARGOYLES.

Ang mga nawawalang GARGOYLES.

Pagpasok ko sa loob ay nasulasok ako ng hindi maipaliwanag na amoy. Maliit lang ang reception area at nagsisiksikan ang mga tao.  Karamihan sa kanila ay matatanda at umuubo na parang nagtatawag ng mga ligaw na kaluluwa.  Dumiretso ako sa isang nars na nakaupo sa reception desk. Nagtanong ako kung sino ang health coordinator at itinuro nya ako sa babaeng nakaupo kung saan may karatulang nakasabit : DOCTOR’s SECRETARY na katabi ng isa pang karatula in blue letters, EXTRACTION AREA.  Dahan dahan akong naglakad patungo sa kinauupuan ng babae at sa isang saglit ay umasa akong tatagos sa dingding ang nars na naglalakad sa aking harapan. Ano ba itong napuntahan ko? Uwi na kaya ako?

Pagdating ko doon ay sinabi ko agad ang aking pakay. Kailangan ko raw maghintay ng 30 minutos dahil hindi pa dumarating ang doktor. Habang nagpapaliwanag sya ay naglalaro ang aking malikot na imahinasyon. Saan ba manggagaling ang doktor na ito? Sa kabilang buhay ba? Nakasakay ba sya sa karo ng patay? Tinatanong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ang mga taong nakaupo sa aking gilid. Ito ang EXTRACTION AREA, dito sila kinukuhanan ng dugo, atay, bituka, baga at kung ano ano pang internal organs ng mga nars mula sa Silent Hill.

Matapos isulat ang aking pangalan ay umalis na ako sa sulok na iyon at pumunta sa reception area. Hinintay ko ang doktor habang nagdadasal ng Ama Namin, nanalangin na sana ay hindi ako abutan ng dilim. Ilang minuto pa ay tinawag ang aking pangalan. Nandyan na raw ang doktor, sabi ng babae sabay turo sa isang lalaki na nuon ay umaakyat ng hagdanan sa kaloob-looban ng clinic. Sundan ko raw.

Sinundan ko ang doktor at nilandas ang hagdanan habang nagbibilang, ORO PLATA MALA, sigurado sa pang-13 na baitang ay magdidilim ang lahat at sasalubungin ako ng mga sugatang pasyente ng World War 2.  Naisip kong baligtarin ang aking damit ngunit nang marating ko ang tuktok ng hagdanan ay hindi naman ito nagtapos sa 13.  Phew.

Nag usap kami ng doktor. Sinabi ko kung ano ang aking nararamdaman habang sinisipat ang silid. Saan ako lulusot kapag inilabas nya na ang duguang kadena? Napapangiti siya habang nagsasalaysay ako ng aking kwento tungkol sa kumikirot kong likuran. Pinatayo nya ako at kinapa nya ang masakit na parte ng aking likod, panandaliang akong pumikit. Hinahanda ang aking sarili sa masakit na pagturok ng kinakalawang na scalpel.

“Miss tapos na.” sabi nya at binaba ang aking pang-itaas. Sinabi nyang ire-refer nya raw ako para sa XRAY examination. Nakahinga ako ng maluwag. God is good.

Nang matapos ang aming consultation session ay tumakbo ako pababa ng hagdanan bago pa mag-transform ang buong floor sa isa sa mga lugar sa TWILIGHT ZONE.

Akala ko ay dito na matatapos ang lahat. Halos pang-hinaan ako ng loob ng sabihin ng isang attending nars na ang XRAY ROOM ay nasa kabilang building at kailangan kong lumabas para makarating doon. Katapusan ko na. Siguradong sasalubungin ako ng mga nawawalang gargoyles sa kabilang building.

Nilandas ko ang daan patungo sa Silent Hill. Walang tao sa entrada maliban sa isang security guard na mukhang kumakain ng mga batang grade 4. Pinindot ko ang elevator button at halos mapasigaw ng bumulaga ang elevator operator na mukhang mas matanda pa kay Mary Walter. Nang makarating ako sa second floor ay naramdaman kong tumayo ang lahat buhok sa aking leeg pati na yata yung sa kili-kili. May tao pa ba dito? Yung pwedeng makita ng taong buhay.

Sa kaliwa, bulong ni Mary Walter.  Oo tama, sa kaliwa… dahil sa kanan ay may bangin. Hayop ka. Napadasal ako bigla, “Looooooord… wala namang takutan.”

Hindi pa ako nakakapasok ng kwarto sa nasabing room ay tinawag na aking pangalan. “Racquel Macaraeg?” tanong ng isang nars na lalaki na mukhang may importanteng papel na ginagampanan sa seremonya ng pag-aalay ng tao. Sa isang banda ay naisip kong itatanong nya, “Birhen ka pa ba?” At kung sasagot ako ng OO ay bigla nya akong sisikmuran at tuturukan ng kung anong gamot para mawalan ng malay.

Dinala nya ako sa XRAY room kung saan ay sinalubong ako ng isang nars na may mga eyebags na mas malaki pa sa kanyang mga mata.  Madilim sa loob dahil katabi nito ang kwarto kung saan nila dini-develop ang mga XRAY films pero gusto kong sabihin, wag nyo akong lokohin alam kong may mga kandila sa loob nyan!

“Hubarin mo na yung T-shirt mo, miss.” bulong nya. Putangina ka, kailangan mo ba talagang bumulong ng ganyan???!!! gusto kong isigaw. Sinarado ang pinto at sa isang malamig na sulok ay hinubad ko ang aking T-SHIRT. Ready na ako. Alam kong any moment now ay may gagapang na babae sa aking paanan at pilit na hihigupin ang aking kaluluwa mula sa aking bibig. Isang karaniwan na eksena sa THE GRUDGE, ngayon ay masasaksihan ko na in real life.

Miss, hinga ng malalim, please.

Miss, hinga ng malalim, please.

Matapos ang paghuhubad ng pang-itaas at pagsuot ng blue robe na mukhang naisuot na ng isang dosenang taong may TB ay pinatayo nya ako sa gitna ng XRAY MACHINE na parang nabili bago pa man maganap ang HOLOCAUST.

Hinga ng malalim, bulong nya ulet.

Hinga naman ako sabay pikit.  Inaasahan kong lalabas na ang mga kampon ni Lucifer sa dark room. Ilang sandali na lang at wala na akong scoliosis bagkus ay magiging isa na akong ganap na bampira.

Ganun na lang ang aking tuwa ng matapos ang lahat at isa pa rin akong ganap na tao. Agad agad akong nagbihis nang makapasok ang nars sa dark room. Walang ano ano ay lumabas ako ng pintuan at tumakbo pababa ng hagdanan bago pa ako higupin ng namumuong dark tunnel sa aking likuran.

Paglabas ko ng building ay sumakay agad ako ng taxi. Nagpasalamat sa Diyos na makakauwi ako ng buong buo kahit may scoliosis. Saka ko lang naramdaman ang pagkirot ng aking likod ng makrating ako sa aming bahay.

Kinabukasan, inutusan ko ang aking boyfriend na kuhanin ang xray result ngunit binalaan na baligtarin nya ang kanyang damit bago pumasok ng building.

Heto ako ngayon. Nakaupo sa harapan ng aking computer, pinagmamasdan ang aking XRAY RESULT… nagpapasalamat na kabila ng lahat ng sakit na dulot ng scoliosis ay nagdiriwang at nagsasaya na hindi ako naialay ng buhay sa isang staff ng mga aswang sa Maynila.

Sisterhood Award

Posted: March 19, 2009 in Life, miarmiar-isms

The Coolness

The Coolness

“You must write your first draft with your heart. You rewrite with your head. The first key to writing is… to write, not to think!”

-William Forrester, Finding Forrester

I haven’t tried blogging publicly but I have been blogging for the last 3 years. My thoughts, ideas, desires, anger, interesting series of experience and some other views in life, death, dreams that I consider serious rather than personal are all locked up in some website for the last 3 years.  One of the reasons why I decided to publish my writings in public is to make other people realize that its okay to give in to human emotions, inappropriate or not.. that it’s not a crime to share the most stupid ideas because it defines you as an individual.

I am very grateful to find bloggers who share the same notion.  I am happy that these brave people have the same courage to share and accept other people who have the similar ideals as I have and who, at some point shares the same wicked humor that I possess. I enjoy reading your entries and I am very happy that I was considered for this wonderful award. Thank you, AC.

I am sharing you the list of people whose sites I often visit because I am very fond of their writings.

1. AC

2. Duchess

3. Small But Terrible

4. Journey to My Soul

5. Charm

I was supposed to have 10 people but I am leaving you with 5 at the moment as I have not found the other 5.

Now here are the rules:

1. Put the logo on your blog or post.
2. Nominate at least 10 blogs which show great Attitude and/or Gratitude!
3. Be sure to link to your nominees within your post.
4. Let them know that they have received this award by commenting on their blog.

5. Share the love and link to this post and to the person from whom you received your award.