Alternate Universe.

Posted: March 3, 2009 in Life, relapse, usapang lovelife

Naramdaman mo na ba yung magkaroon ng isang mahabaaaaaaaaaaaaaaaaang hang-up sa isang taong walang pakiramdam?

Madalas kaysa minsan, ganitong mga tema ang nilalaman ng blogsites ng milyong – milyong tao sa iba’t ibang parte ng mundo. Iba’t- ibang lingguwahe ngunit iisa lang ang gustong iparating:

Sa Espanyol: ¿Por qué no puede usted amarme como te amo? ¿Cuál es incorrecto con usted?

Sa Italiano: Perchè non potete amarli come ti amo? Che cosa è errato con voi?

Sa German: Warum nicht können Sie mich wie ich liebe dich lieben? Was ist mit Ihnen falsch?

Sa Pranses: Pourquoi ne pouvez-vous pas m’aimer comme je t’aime ? Quel est le problème avec toi ?

Sa Hapon: 私が愛するようになぜ私を愛して頂けませんないか。 あなたはどこかおかしくないですか

Sa Tagalog: Baket ba napakamanhid mong gago ka? Halaman ka ba?

Nasabi na to sa akin ng lola kong namatay last 2003, “Anak, minsan akala mo may isang darating na sya na ang makakatuluyan mo, ngunit sa isang banda, gugulatin ka ng pagkakataon at malalaman mong hindi pala sya at may iba pa pala sa bandang huli, ngunit gayunpaman, kahit anong pilit mong gawin.. mag iiwan at mag-iiwan ang taong iyon ng bakas sa buo mong pagkatao na hinding-hindi mabubura ng kahit sino man.” at dahil grade three pa lang ako nun at nagmamadaling manuod ng BATIBOT sa Channel 9 ay hindi ko naintindihan ang ibig sabihin ng aking misteryosang lola. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung si Lolo Pol ang kanyang perslab. Maintriga rin ang nakaraan ng mga lolo’t lola ko.. pero sa pagkakataong ito ay gusto kong respetuhin ang mga taong sumakibilang buhay na dahil kapag isinulat ko pa ang mga nasabing pangyayari ay baka lumabas sila sa lumang aparador sa second floor at gumapang na parang si Sadako habang tinatawag ang aking pangalan.

Ngunit gayunpaman, ngayong nasa tamang edad na ako ay naintindihan ko na ang pangaral ng aking lola.

Isipin mong hindi ko rin naintindihan yan ng isang beses kong marinig ang na-rephrase na pangaral ni lola na binanggit din ni Caridad Sanchez sa apo nyang si Rovic sa palabas na Tabing Ilog, isang libo’t dalawang taon ang makalipas nung si John Lloyd Cruz at Baron Geisler ay mga ROLLER BOYS pa lang.

Hindi ko alam kung saan nagmula ang mga gintong salita ng mga matatanda, siguro nauso rin ang ganyang mga pilings kahit nung panahon pa ni Lapu-lapu. Siguro nuong unang panahon bago pa man tayo sakupin ng mga kastila, ay nauso na rin ang damdaming maka-emo, siguro yan ang totoong dahilan kung kaya’t nauso ang paglalagay ng tattoo at pagbubutas ng ilong, tenga, bibig, dila at kung saan saan pang parte ng katawan. Ang sabi sa Sibika at Kultura, isa raw yang paraan para malaman kung sino ang pinakamatapang at pinakamakisig na mandirigma ng iba’t ibang tribo, ngunit ang istorya ng nakaraan ay nakarating sa atin sa pamamagitan ng pagsasalin-salin ng mga kwentong kahit kelan ay hindi naten nasaksihan ng ating dalawang mata. Paano kung noong unang panahon pala ay may isang broken hearted ang nagpa-drawing ng isang letra ng alibata sa kanyang katawan na sumisimbolo ng PAGKASAWI, patuloy na pag-asa sa isang taong kahit kelan ay hindi kayang suklian ang pag-ibig na wagas at walang bahid ng malisya? At bigla na lang may isang epal na CHIEFTAIN na nagnakaw ng kanyang ideya at tinatuan ang lahat ng mandirigma sa ngalan ng COOLNESS at INDIVIDUALITY. Naisip mo ba kung baket may paling na turban si Lapu-lapu sa ulo nya? Sa aking palagay ito ay isang turban ng babaeng kanyang perslab na hindi nya nakatuluyan. Baket ganun ganun na lang ang pagiging bayolente nya ng dumaong ang barko ni Magellan sa Pilipinas? Sa aking palagay ay nabasted sya, nag-isnap at napagbalingan nya ang kawawang explorer. Huwag naten syang husgahan, hindi sya Hippie. Brokenhearted sya. Emo. Hindi nya sinasadya ang pagsugod kay Magellan, nataon lang na sa mga pagkakataong gusto tayong sakupin ng mga kastila ay senti mode si Lapu-lapu.

May punto ako. Hindi ko hinahanapan ng dahilan ang nararamdaman ko ngayon. Maaring sa mga pagkakataong ito ay nararamdaman ko ang katotohanang minsan naiparating ni Lola nung ako’y musmos pa lang.

Matagal na itong nangyari kung tutuusin dapat nakalimutan ko na, ngunit hindi ko maipagkakaila na sa isang banda ay may kung anong kumukurot sa buo kong pagkatao sa tuwing makakabalita ako na may iba ka na. Sa loob ng mahabang panahon na hindi natin pag-uusap, isang araw may kung anong kumutkot sa aking kukote at gusto kong malaman kung may iba na. Alam kong wala namang mangyayari..tuloy pa rin ang ikot ng mundo.. sabay pa rin tayong magpapatuloy ng kanya-kanyang buhay..ngunit ngayong araw na ito gusto kong malaman kung naging masaya ka ba nung mga panahong magkasama tayo. Hindi ako mahilig makibalita, ayokong magtanong sa iba.. ayokong isipin nila na hanggang ngayon ay interesado pa rin ako. Hindi dahil nakakahiya… hindi dahil nasasaktan ang ego ko.. pero may ibang dahilan na tayong dalawa lang ang nakakaintindi. Kung kaya’t walang sabi-sabi at walang second tots….ay…..tinanong kita…

Stupid

Stupid

Sorry kung sa sobrang haba ng panahon ng hindi natin pag-uusap ay ito ang natanong ko sa yo. Sorry din kung hindi man lang ako nag- HELLO o nangamusta ng mga bagay bagay.. nagmamadali kasi ako at gusto ko nang matapos ang pagse senti ko dahil marami pa akong tatapusin na emails. Nakakatawa dahil parang nanghihiram lang ako ng lighter kung magtanong…pero sa totoo lang gusto ko na kasing tapusin ang mga walang kwentang tots na naiisip ko sa mga sandaling kinamumuhian ko ang pag-inom ng GREEN TEA tuwing alas tres ng madaling araw.

Ngunit sa isang banda, kung meron ng iba… magiging masaya ako para sa yo…may mga pagkakataong lang talagang sumasagi sa aking isipan… na baka sakali lang.. sa isang ALTERNATE UNIVERSE magkasama tayo at masaya.

Comments
  1. kelliemacaraeg says:

    @ sassy Girl: huwaaaaaaaaait lang naman mare… moment ko to.

    @Charmy : Gurl, alam ko naman yan… bayaan na naten… mawawala rin yan.. parang pimpol lang.

  2. Sassy girl says:

    Wait. Magiging masaya nga ba pag may iba na siya? Weh? Amplastik!

  3. youvebeencharmed says:

    hoy kellie! wag kang gaga jan ha!!! laos na ang mga “i cant get over you” chenes okay!

  4. kelliemacaraeg says:

    ako rin may kanta para sa kin….

    “DON’T CHA…” ng Pussycat Dolls…

    parang napapanahon kasi sya sa feelings ko.

  5. AC says:

    may kanta ako para sayo.. “In Another Lifetime” by Gary V.🙂
    PS: dumugo ang ilong ko sa iba’t ibang lenggwahe sa taas ng entry mo.😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s