Ang Aftermath.

Posted: March 4, 2009 in daot, Life, miarmiar-isms, Uncategorized

Paano ko nga ba sisimulan ang pagtatanggol sa aking sarili matapos ang mga nakakahibang na pangyayaring aking sinaad sa entry kong super kaduper drama na ALTERNATE UNIVERSE?

Meron akong tanong….

Nakaramdam na ba kayo ng pandidiri sa sarili matapos nyong malaman ang mga bagay na nasabi at nangyari ng isang gabing nasobrahan ka sa impluwensya ng alcohol? Nasabi mo na ba sa iyong kaibigan na… “Oo nga nasabi ko yan.. huh? Talaga? Hindi ko alam… siguro… Oh well, its just the alcohol talking probably…” sabay iba ng topic na pwedeng mapag usapan malayo lang sa kwentuhan ng mga nakakalokang revelations na nanggaling sa sarili mong bibig ng nakaraang gabi.

Eto naman ang masasabi ko matapos ang lahat ng aking pinagsasabi sa naturang blog entry….

“Its just the Green Tea talking. Nature’s Pride ang tatak nya.. kakaasar nga eh.. I had to drink it since I’m following a very strict diet…”

Pero sympre nasabi ko na yan.. at sa isang banda kahit masama ang epekto sa akin ng Green Tea ay natawa rin naman ako sa aking sarili dahil kahit papaano ay nalaman ko na may natatago rin naman pala talaga akong emosyon… buried deep within the subconcious mind awakened by the influence of Nature’s Pride Green Tea.

Akalain mong kaya ko rin palang makaisip ng mga Twilight Moments na yan.. hayaan mong ulitin ko ulit : Ngunit sa isang banda, kung meron ng iba… magiging masaya ako para sa yo…may mga pagkakataong lang talagang sumasagi sa aking isipan… na baka sakali lang.. sa isang ALTERNATE UNIVERSE magkasama tayo at masaya. ULOL. HUWAW. PAKSHET. PILINGS ITO.

At naisip ko ngayon lang.. matapos bumaba ang AMATS ng Green Tea at mapuno ang aking sikmura ng isang tasang hilaw na carrots at brocolli, at matapos makalagok ng isang baldeng malamig na tubig.. ABA EH, bakit naman ako magiging masaya???!!! Magkakaroon ba ng libreng pamasahe sa mga pampublikong sasakyan kapag nagka-jowa na sya??! Mabubusog ba ang lahat ng taong nagugutom sa mundo?! Magiging instant 120 pounds ba ako sa sandaling nakahanap na sya ng babaeng susunod nyang sasaktan ng hindi sinasadya?! At saan ko naman napulot ang ideya ng ALTERNATE UNIVERSE? At baket napakasama naman ng epekto ng tsaang ito sa emosyonal na aspeto ng aking buhay?

Para sa mga kaibigan kong nagbabasa ng aking blog.. maraming salamat at dinaan nyo sa personal ang mga nakakadiring comments na sa aking palagay ay kung na-post dito ay baka maisip kong pumasok ng nakasuot ng maskara sa opisina. Marahil kayo rin ay nabigla dahil napakalayo sa aking personalidad ang maging senti, sa pagkakataong ito ay isipin nyo na lang na nakausap nyo ng heart to heart ang mga erpat nyong nagsasalita lang sa tuwing nalalasing.

Nakakahiya mang isipin pero hindi ko tuluyang mapagkakaila na kahit papaano ay may katotohanan din naman ang aking mga sinabi. Sa aking palagay ay talangan naging ma-drama lang ang lahat dahil sinulat ko ang bawat salita na punong puno ng emosyon sa ilalim ng impluwensya ng notorious tsaa na ito.

Marahil marami ang nag-iisip…nagtatanong ng palihim… “Is she over him?”

Eto ang sagot: OO at HINDI.

Nasabi kong OO dahil sa kabila ng lahat ay masaya akong nabubuhay sa piling ng aking mga kaibigan, pamilya at sympre kay Alex. Nasabi ko rin yan dahil sa kabila ng lahat, natanggap ko na kahit anong mangyari ay wala na kaming pwedeng balikan pa. Nahirapan ako at nasaktan pero saglit lang yun, sa loob ng mahabang panahon sa awtomatikong paraan, gumaan ang lahat at tuluyan siyang naging parte ng nakaraan.

HINDI, dahil kahit anong gawin ng isang tao… hinding hindi mo matatakasan ang mga bagay na lipas ngunit minsang nangyari. Kahit masakit.. nakakainis.. basta parte ng nakaraan, may mga pagkakataong babalikan mo ito sa hindi sinasadyang pagkakataon. Lilipas ang maraming taon.. magiging masaya ka ngunit ang nakaraan ay nakaraan. Ito ang bumubuo sa yo sa kasalukuyan… ayan ka.. ito ka… dahil sa mga pangyayaring naganap nuon.

At minsan normal lang na mag-isip ng mga WHAT-IFs. Ang hindi normal ay mag-isip ka nito sabay sulat sa blog mo na nababasa ng buong mundo. Pero wala naman akong pakialam.. kahit mabasa nya pa lahat ng nasulat ko, dahil sa gitna ng lahat ng pagkabigo, hindi ako natakot na aminin na nagmahal ako at nasaktan.

Maaring hindi ngayon.. maaring hindi bukas.. ngunit sa sandaling maarok ng inyong mga isipan ang nais kong iparating.. sana ay malayo kayo sa impluwensya ng Green Tea.

At Friends… hulaan nyo kung ano naman ang nainum ko ngayon….

…..SOLO CARE AQUA…contact lens solution.

Comments
  1. Drama queen says:

    Ganyan tlaga ang mga feelingero…i’m sure ikukwento nya p yan s mga dudettes at dudes na kakilala nya…
    Bayaan na naten..nakakatulong yan s pag boost ng ego..
    Malay mo ikaw pa ang dahilan para maabot ang knyang mga pangarap!

  2. AC says:

    buti na lang di sya nangingialam ng blog mo. yung impaktong ex ko nag-iimpose pa ng dapat at di dapat ipost dahil nasisira daw ang image nya. pesteng mga lalake yan! (di ako bitter dude, di talaga.. haha… )

  3. AC says:

    “Nakaramdam na ba kayo ng pandidiri sa sarili matapos nyong malaman ang mga bagay na nasabi at nangyari ng isang gabing nasobrahan ka sa impluwensya ng alcohol?”

    — hahahah! oo! maraming beses na! at may ebidensya pa dahil ni-email ko daw. at ni-save pa ang conversation sa YM. nampotek talaga oo! wala na ko mukang ihaharap sa isang impaktoooo! hahah!😛 pakeng alcohol!😛

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s