Weird kilig moments.

Posted: March 6, 2009 in emo, Life, relapse

Hindi ko alam kung anong hiwaga ang meron sa Diet Plan ko pero napapansin ko habang nababawasan ako ng timbang ay unti unti akong nagiging emosyonal.  Naisip ko na maaring normal lang ang ganyang pakiramdam sa isang taong konti lang ang kinakain kahit marami syang perang pambili ng pagkain. Kanina lang sa kalagitnaan ng walang humpay na yosi break namin ng kaibigan kong si Margaritah ay nagbahagi na naman ako ng mga nakakakilig na sandali ng nakaraan.

Habang nilalandas ang daan pauwi, sa kalagitnaan ng buhol buhol na traffic sa kahabaan ng Aurora ay nagbilang ako ng mga Kilig moments at hindi ko mapigilan ang mapangiti.

1. Nuong prep pa lang ako ay meron akong isang kaklaseng lalaki na madalas tinutukso sa akin ng atribida kong yaya sa tuwing sinusundo nya ako sa school. Dahil sa ang kababata ko ay puro lalaki, ang mga kalaro ko sa school ay puro lalake rin.. madalas ang laro namin ay 5-10-1-2-3 at habulan linya. Hindi kami naglalaro ng langit lupa-impyerno dahil marami na ang naglalaro nyan sa school.  Natatandaan ko pa ang pangalan ng una kong crush, Rainer Nicolas, sya nga yung tinutukso nung epal kong yaya sa kin.. actually hindi ko pa alam ang ibig sabihin ng salitang crush nun dahil six years old pa lang ako (AT OO, PREP AKO AGAD! Hindi ako dumaan sa Kindergarden) Well anyway, isang araw habang naglalaro kami ng habulang linya ng crush kong si Rainer ay bigla na lang nya akong tinalon, sabi nya nakakainis daw ako kasi ang tagal tagal kong ma-out, sa sobrang lakas ng pagtalon nya sa kin, nasugatan yung braso ko pero mas malaki yung gasgas nya sa braso. Hindi ako umiyak, nainis ako sa kanya kaya sinuntok ko sya. Nag aaway pa kami nang biglang mag ring ang bell, nung nasa linya na kami.. nakita nya na nagdudugo yung braso ko… lumapit sya sa akin at inabot nya ang kanyang panyo sabay sabi ng  “Sorry,” kahit nakasimangot sya. Pagpasok namin sa classroom… nakita kong pinupunasan nya ng papel yung nagdurugo nyang braso. Pagkatapos pinahiram sya nung seatmate nyang lalaki ng panyo….. lumipas ang maraming taon bago namin tuluyang iwanan ang elementarya ay nalaman kong bading pala ang kanyang seatmate. Pero hindi bale na… ang importante ay hindi bading si Rainer.

2. Mahilig akong mag-rock-a-by chair kahit na alam kong darating ang panahon na tutumba ako at makikita ng lahat ang aking polkadot panty.  Isang araw nung lunchtime sa school at unti unti nang nagdaratingan ang mga kaklase ko galing sa washroom ay inaaliw ko ang aking sarili sa pagra rock-a-by chair.. nasa likod ako ng aking crush nun at hindi ko alam kung bakit.. basta ang alam ko nasa harapan ko sya at may tinatapos na notes para sa susunod naming subject. Sa kalagitnaan ng aking pagsi-siso sa upuan ay biglang napasigaw ang lahat ng napalakas ang aking pag-ugoy sa nasabing upuan… akala ko nun ay makikita ng lahat ang aking hot pink na panty.. pero biglang hinawakan ng crush ko yung upuan para hindi ako matumba. Nagtawanan ang lahat dahil siguro mukha akong tanga na nakakapit sa taenang upuan, saglit kaming nagkatinginan ng aking crush. Hindi sya tumawa. Umaalingawngaw ang tawa ng lahat pero hindi man lang sya nangiti, napansin ito ng mga kaklase ko at parang napahiya sila. Wala akong nasabi kundi, “Thanks,” Tumingin sya ng diretso sa kin sabay sabi, “wag mo na ulet gagawin yan baka masaktan ka sa susunod. Paano kung wala ako dito?” Ang tawanan ay napalitan ng mga hiyaw ng “yiheeeeeeeeeeeeeeeeee….” Sabay kaming napatalikod at kung maputi lang ako nuon, siguro nakita ng lahat na ako ay nag-blush. Pero dahil kulay mangyan ako.. baka nawirduhan sila kung bakit imbes na magkulay pink ako ay bigla akong nagkulay violet.

3. PE class nung highschool.. at dahil sa lintek na napakalakas na hangin ay umangat ang palda kong kulay blue.. super mega rescue naman ang crush ko at bigla nya itong binaba. Magpapasalamat sana ako pero bigla nyang sinabi.. “Ano ka ba.. ang laki laki mo na.. nagbu bloomer ka pa..” sabay tawa ng malakas. Kinotongan ko sya pero inamin ko nung retreat namin habang kumakanta ng sikat na sikat na WHAT MATTERS MOST.. inamin kong na-tats ako sa ginawa nya kahit inasar nya ako. Nag smile lang sya tapos hinawakan nya ang aking kamay. Nakalimutan ko na ang pangalan nya kaya hindi ko sya mahanap sa Friendster.

4. Yung dati kong dine-date.. hindi nya inaandar ang kanyang kotse hangga’t hindi nya ako nakikitang pumapasok sa loob ng bahay namin kahit na bumubusina ang isang pilang jeep sa likod ng kanyang sasakyan.

5. Yung effort ng dati kong naka-attach sa pagsundo sa kin mula Libis hanggang paghatid sa bahay ko sa Pandacan kahit na sa South pa sya umuuwi. Minsan sinundo nya ko ng sobrang maaga at kahit pagod na pagod na sya ay natutulog sya sa kotse para lang maihaitid nya ako sa bahay namin.

6. Yung dati ko pa rin na dine-date na hindi natutulog (kahit pagod na pagod na sya) hanggang hindi ako nagte-text na nakauwi na ako ng bahay.

7. Yung boypren ko ngayon na nangutang ng tagsasampung piso sa mga kaibigan namin nung college para mabilhan ako ng lunch meal. Sympre pag college konti lang ang allowance at nagastos nya na ang pera nya kakalaro ng counter strike.

8. Yung ex ko nung highschool na sinundo ako sa Infirmary at nag-cut class (college sya) para lang mahatid ako sa bahay. Hindi pa uso ang text nun, naramdaman nya lang daw na magkakasakit ako dahil matamlay ang aking boses isang gabi na nag-uusap kami sa telepono.

9. Yung ex ko ulet na nagbibisikleta mula QC hanggang Pandacan para lang madalaw ako sa bahay sa mga sandaling kinukulang ang kanyang college allowance.

10. Yung bespren kong muntik ko nang maging boypren sa tuwing hindi nya ako pinapabayaan umuwi mag-isa kahit na hanggang kanto lang ng office kami maglalakad ng magkasabay…

11.Yung bespren ko ulet ng puntahan nya ako ng Libis kahit hindi nya alam kung paano magpunta dun. Ginawa nya yan para i-comfort ako dahil ako’y brokenhearted sa isang bear.

12. Yung bespren ko ulet sa tuwing maglalakad kami ng magkahawak-kamay kahit na paulit ulit nyang sinasabi na kasing laki ng aking kamay yung sa kuya nyang seaman. Ginagawa nya ito sa tuwing sinasabi kong nalulungkot ako.

13. Yung close friend at rep kong si Dodong na kamukha ni Mike He ng Why Why Love, sa tuwing lalapit sya sa aking station at itatanong nya kung ok lang ako sa mga sandaling stressful ang mga deliverables sa office. Lalapit sya sa kin at itatanong nya, “Are you ok?,” sabay tanong kung gusto ko ng Coke. Sya rin ang nagbababa ng aking T-Shirt sa tuwing nakikitaan ako ng laman sabay magagalit… “Ayusin mo nga ‘yang T-shirt mo.. wag mo na isusuot yan ah!”

14. Yung dati kong crush na ubod ng suplado at halos walang kaibigan maliban sa mga kaibigan ko. Naglalakad kami pauwi nang pahintuin nya ako at binuhol ang sintas ng aking sapatos…. sa huling pagkakataon… nagkulay violet ulet ako.

15. Ang aking crush sa office ng bigla nyang tinanggal ang yosi sa aking bibig at tinapon sa di kalayuan sabay sabi ng “You’re sick na nga.. nagso smoke ka pa. Walang magbibigay ng yosi kay Kellie huh?” sabay baling sa mga kaibigan naming nagyo yosi sa paligid.

16. Yung crush ko ulit nung isang beses na meron akong tinawag  na lalaki na akala ko ay yung isang kaibigan namin ngunit nang lumapit sa aming kinatatayuan ay nalaman kong kamukha nya lang pala. Natigilan ako at walang nasabi nang biglang nagsalita ang crush ko.. “Sorry bro, she thought you’re someone else.” sabay hawak sa baywang ko.

Marami pang iba pero inaantok na ko.. yan lang ang naalala ko sa ngayon pero ang alam ko meron pang mas nakakakilig na moments na talaga namang nakakawala ng stress sa mga sandaling gusto ko nang mag-suicide.

Comments
  1. […] araw matapos kong mabanggit ang taong ito sa aking entry, WEIRD KILIG MOMENTS ay talaga namang naisip ko kung nasaan na kaya siya. Lalo akong na-curious kung kamusta na sya nang […]

  2. sympre naman!!!

    ang lahat ng panty ko ay para kay papa Lloydie lang..

    OO na…

    pati na rin yung mga bacon!

  3. hukombitay says:

    baka may kilala ka pa, tulad ni #2, pm mo ko ah.

    hay, manuod kayong lahat ng you changed my life, tunay na solve sa kilig parang ganitong entry lang din pero dahil andun si papa john lloyd ay ultimate kilig talaga. dba dba?!

  4. […] Nagsinungaling ako nang sabihin na ako ay inaantok na sa huling bahagi ng aking entry, WEIRD KILIG MOMENTS. Kumbaga sa isang librong hindi pa nailalathala ay may mga ibang pahina ang kailangang tanggalin ng […]

  5. si number 2 ay engaged na yata.. ngunit nagkikita pa rin kami minsan sa simbahan..

    si number 16 ay nakakausap ko pa rin ngunit kahit minsan ay hinding hindi ko inamin na crush ko sya.. lolz

  6. soulful says:

    saan na ba yung sa #2 at ma-clone nga. buhay pa ba siya? kung hindi na si #16 na lang. hehehe.

  7. kelliemacaraeg says:

    hintayin ko na lang sa DVD para paulit ulit kong mapanood..

  8. AC says:

    hahaha! you should watch. at nang malaman mo kung gaano ako kajologs at kilig na kilig ako sa lintek na pelikula na yun. aba at may downloadable ringtone pa ngayon ng ringtone ni johnlloyd at sarah.. “bebe ko bebe ko!” ampotek talaga malalaglag panty mo. hahahaha.😀

    believe it or not, maski mga maton na friends ko at mga feeling sosyal na male friends/colleagues nanood. haha. hinila ng mga jowa at wala sila nagawa kundi manood.. at kiligin. wahahhaa.😛

  9. kelliemacaraeg says:

    OMG!!! talaga??! Yang number 5 na yan??!! sheeeeeeeeeeeet kelangan ko talaga manuod ng YOU CHANGED MY LIFE!!!

    hindi ako maka relate sa mga officemates ko sa tuwing sisigaw sila ng POWEEEEEEEEEERHUUUUUUUUUUUUUUG!!!!!

    nakikisigaw na lang ako para kunwari alam ko!

  10. AC says:

    ay ako naman 5years old naman grade 1 na. oha gifted ako. hihi. at nagcollege ako 15years old.. wow yabang ko! wahahha pagpasensyahan ang epal na tulad ko. 😀

    pinakanatats ako dun kay rock-a-by boy.🙂

    si #5 naman naalala ko yung isang scene ni John Lloyd at Sarah sa You Changed My Life na nakatulog na sa kotse si lalake dahil kelangan nya sunduin ng maaga si babae. Oha may aftermath pa ‘ko ng lintek na movie na yun.😀

    yung #14 di ko gusto.. may naaalala akong di magandang karanasan sa aking buhay fag-ebeg.. dahil di nya yan ginawa sa akin. sa “kasabay” ko nya yan ginagawa! at ang dami pa pechurs ha! haha!

    im sure mas madami ka pa jan kilig moments. at dahil sa sobrang kilig nila you cant put them into words. oha.😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s