Ang Kwento Kung Bakit MIARMARA.

Posted: March 11, 2009 in miarmiar-isms, WDS (writing down shit)

Minsan nape pressure akong mag-isip ng mga bagay na nakakatawa dahil sa totoo lang napakaseryoso kong tao. Nagkakataon lang na kakatwa ang mga bagay na aking naiisip sa mga sandaling nagluluto ako ng Lucky Me Pancit Canton.  Kahit kanino mo itanong, sa sandaling makita mo ako.. hindi mo aakalain na nakakatawa pala ako. Kailangan mo pang pumondo ng mga isang buwan bago mo maisip na marami akong kwentong out of this world. At marami akong ideya at analogies na sadyang suntok sa buwan. Hindi ko alam kung ilang beses na akong na backstab at ilang tao na ang nagpadala ng aking pangalan sa mga kapitbahay nilang mangkukulam. Gusto ko rin malaman kung ako ba ay sadyang na-nuno lang ng tubuan ako ng mga pimples na mas malaki pa sa ilong ko, isang taon na ang nakakalipas. Pinaniwala ko ang lahat na ako ay namatanda ng mga Igorot nang huli akong bumisita sa Baguio ngunit sa mga gabing ako ay nag-iisa at kumikirot ang mga pesteng tighiyawat sa aking mukha ay sumagi sa aking isipan na posibleng ako nga ay nabarang. Agad akong nagpatawas dahil na-bother ako ng minsang lumaki ang aking tyan… naisip ko baka kung may anong halimaw na ang nasa loob ng aking sikmura.. ngunit sa isang banda naisip kong baka epekto lang yan ng pagkain ng isang palangganang kanin sa tuwing ako’y uuwi ng bahay galing opisina.

Anyway, highway. Hindi ko alam kung bakit ang haba ng entrada ng blog entry kong ito. Hindi ko rin alam kung baket ako nagsusulat ng entry eh sa totoo lang wala naman talaga akong maisip sa mga sandaling ito maliban sa malungkot na katotohanang bumabalot sa pagkamatay ni Francis Magalona. Ngayon naisip ko at malamang narinig mo na rin bibig ng nakakarami,  “NGARE, MAG NGORAS NGO NA, NGORAS MO NA.” , ang sabi ng ngongo sa kanto habang bumibili ako ng dyaryo kani kanina lang. Sandali akong napahinto at napaisip.. “Taena, ano raw?” bulong ko sa sarili. “Pare, pag oras mo na. Oras mo na, tanga!” ang sabi ng isang boses sa aking kukote. Eh potah naman, hindi naman everyday ay nakakapulot ako ng golden words sa ngongo, ano ba! Ngunyeta.

Pero nagsisinungaling ako. Alam nyo ba kung bakit MIARMARA ang pangalan ko sa blog na ito? Marami siguro ang napakunot noo at napatanong… baket Miarmara? Sa loob ng maraming araw ay hindi ko ipinaliwanag kung baket dahil naisip kong matalino ang aking mga mambabasa at kung kasing sira-ulo silang kagaya ko ay malalaman din nila kung baket Miarmara.

Ang usapan na ito ay naganap ilang buwan na ang nakakalipas ng isang beses akong mapaupo sa usapan ng mga madre, isang araw ng Linggo nang sumama ako sa isang medical mission sa aming community.

Ako: Sister, naniniwala ba kayo sa mga na-e exorcist?

Sister: Aba, oo naman.  Napanuod ko nga isang beses yung THE EXORCIST at kinilabutan ako.

Ako: Oo talaga! Nakakatakot nga yun.. hindi nga ako nakatulog, pero di ba sister, minsan kelangan lang nyan ng therapy session. I just have this logical notion that maybe it’s all in the mind.

Sister: That’s possible. But there are things that we can’t really understand. You just have to give it to GOD.

Ako:  Sister, napanood ko rin po yung THE EXORCISM OF EMILY ROSE. Stuff like that keeps me awake when I’m alone.. nakakatakot talaga.

Sister: Blah.. blah.. blah… (explain explain si sister habang nagkakamot ng paa.. )

Mga isang oras din syang nagpapaliwanag tungkol sa mga bagay na hindi kayang ipaliwanag ng simbahang katoliko. Ako naman ay seryosong nakikinig nang may biglang umupo sa aking tabi. Halos walang nakapansin sa kanya at hindi ko rin sya napagmasdan ng maigi.

Sister: Eh ikaw naman, kuya.  Anong paborito mong nakakatakot na pelikula.

At ang sagot nya ng walang kagatol-gatol…

NGATAYIN NGA NGINDAK NGI MIARMARA

NGATAYIN NGA NGINDAK NGI MIARMARA

Ngo-ngo:  Ngi Miarmara, ngister. Na-nga-nga-nyakyot ngalaga!

Sister (bulong sa akin): Ano raw?

Ako: Patayin sa sindak si Barbara, sister. Nakakatakot daw talaga.

Hindi ako bastos na kausap ngunit ng mga sandaling iyon ay napatalikod ako dahil nilabasan ako ng iniinom kong Iced Tea sa ilong.

Ngayon alam ko na….kung bakit ng minsang may ngo-ngong nagtangkang iligtas ang mundo nang mga sandaling sasakupin tayo ng mga aliens… nang bigyan sya ng pagkakataong mapasakanya ang mahiwang bato ni DARNA…

At nang mga sandaling buong puso nyang isinigaw ang magic word na “DAAAAAAAAAAAAAARNAAAAAAAAAAAAA!”

Ay naging isa syang Lion sa Chronicles of Narnia.

At ngayon alam mo na rin.. kung bakit… MIARMARA.

Comments
  1. hukombitay says:

    at isip ako ng isip bakit miarmara.. mag ccomment na sana kung san man, eh andito lang pala ang sagot. hanep… ang kulit ng blog mo. at dahil narin iisa ang tabas ng mga bituka natin kung lloydie na ang pag-uusapan, join ako lagi dito sa bahay mo ah…

  2. soulful says:

    hahaha! winner tong entry mo. para akong tanga na tawa nang tawa dito sa kinauupuan ko. ang dami pa namang tao sa harap. kung alam ko lang sana nagtago na ako sa sulok. hahaha! pwedeng i-add na rin kita sa blogroll ko?

  3. ako rin… ni add na kita!

  4. DISCLAIMER: medyo di to tungkol sa blog na itoh…
    hinahanap ko ang Comment Box mo para makapag comment din. naisip kong tanga lang pala ako sa mga tachnical na bagay (buti na lang may tutor ako. right AC!? ahihihi!🙂 )
    anyway, wala ka ng magagawa. idadagdag na kita sa blogroll ko. nyahaha! FC kasi ako, lalo na’t kapatid kita sa pananampalataya kay fafa Miggy Montenegro.😉

  5. Drama queen says:

    Nasisindak pa rin ako lalo na kung usapang killer manok,ninja geese at fighting pato ang pag uusapan!

  6. AC says:

    bwahahha! buti na lang wala ako kinakain o iniinom ngayong mga oras na ito. kundi, nilabasan na din ako sa ilong. eh nangyari na sa kin yun, lumobo na dati sipon ko sa harap ng impaktong ex-jowa ko habang kumakain kame sa isang fastfood. sa sobrang kakatawa din. kaya nga ba kapag nagbabasa ako ng entries mo dapat di ako gutom o uhaw eh, para wa tendency na kumain o uminom. haha! takte!😀

    matanong ko lang miarmara, nasisindak ka pa ba? harhar

  7. Hi,

    I was wondering since we have the same niche, it would really help our rankings as well as increase our hits by exchanging links. My link info is

    Title: Girls Talk Celebrity Actors Models
    URL: http://girlstalk.zengato.com

    Please drop me a comment once you have added my link so that I can do the same for you site. Please provide me with the title of the link as well as the url.

    Thanks,
    Lea

    Girls Talk Celebrity Actors Models

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s