Ako ay ALEKTROPHOBIC.

Posted: March 12, 2009 in Life, miarmiar-isms, WDS (writing down shit)

May kakilala ka bang taong takotΒ  sa Clown?

Sa mascot? (kahit pa kay Grimace ng McDonald’s na buong puso naming hinanapan ng sagot kung anong purpose nya at baket sya kulay lila samantalang wala namang binibentang ube sa MCDONALD’s)

Eh, mga taong takot sa aso? Ahas? Buwaya? Linta? Grasshopper? Sea urchins? Spongebob Squarepants? Chuckie, the killer doll? Jason ng Friday the 13th, part 1,2,3,4,5,6,7,8,9,10,11,12,13,14? Freddy Krueger na nagmumulto sa Elm Street? Linda Blair sa palabas na THE EXORCIST? Emily Rose?

How about naman yung mga taong takot sa ostrich, pato, manok, sisiw, bibe, parrot, lovebirds, pelican, swan, pabo, albatross, monkey eating eagle at isama mo na rin pati penguin. Ako may kakilala… dahil…

AKO YUN. Maski kay Granny Goose at Big Bird takot ako. Basta kahit anong hayop na may tuka… takot ako.

Nagsimula ang takot na ito ng minsan akong habulin ng isang Killer Manok. Hindi ko na matandaan kung ilang taon ako nun ngunit hanggang ngayon ay napapanaginipan ko pa rin ang masamang pangyayari ng araw na iyun. Minsan naiisip ko siguro nga ay bulate ako nung past life ko. Hindi ko alam kung baket pero madalas akong habulin ng mga animal na yan sa tuwing magku-krus ang aming paningin.

Alam mo bang kapag tinago mo ang itlog ng isang inahin ay hindi ka nya titigilan hanggat hindi mo naisosoli ang nasabing itlog? Para lang silang mga RAPTORS sa Jurrasic Park Part 3. Hindi ko makakalimutan ang araw na tinago ng aking kuya ang itlog ng isang inahing manok, maraming taon na ang nakakalipas noong kami’y magbakasyon sa probinsya. Pinalibutan ng pumuputak na inahin ang bahay namin at hindi ako makalabas.Β  Isang linggo akong hindi nakalabas ng bahay dahil paulit ulit na sinasabi ng aking pinsan.. “HALLAAAAAAAAAAA KAAAAAAAAAAA… may assassin na manok sa labas!!!”

Akala mo ba natakot ako nung sinabi ng nanay ko sa akin na wag akong lalabas dahil kikidnapin ako ng bumbay? Tinatawanan ko lang sya.. ngunit nang paarawan ng kapitbahay naming sabungero ang apat nyang manok sa labas ng bahay namin ay hindi mo makikita maski anino ng aking ingrone. Ayun ang unang pagkakataon na natuto akong magmura kahit ako’y musmos pa lamang.

Killer Manok

Killer Manok

Nahabol ka na ba ng mga NINJA GEESE? Ako nahabol na. Nangyari rin ito ng muli kaming magbakasyon sa aming probinsya. Ang putanginang kapitbahay namin na takot sa aso ngunit hindi takot sa gansa ay nag-alaga ng marami nito at pinahahabol ang sino mang taong papasok sa kanyang bakuran. Tinawag silang NINJA GEESE dahil sa kakaiba nilang STEALTH ABILITY. At pag sinabing STEALTH ay talagang STEALTH ala NINJA ito.. ang mga animal.. hindi nag-iingay (alam naman nating maingay talaga ang isa sa mga qualities nila) basta mararamdaman mo na lang sinusundan ka nila sabay tatakbo ng mabilis. Tinakbo ko ang landas palabas ng gate, dugo’t pawis ang puhunan at nang makalabas sa impyernong lugar na yun ay saka ko napansing napa jingle pala ako sa aking puruntong. Nawala rin ang isang paa ng aking Mighty Kid rubber shoe na kulay yellow. Nang makalabas ako ng gate ay saka sila nag-ingay… WAAAAAK.. WAAAAAK… WAAAAAAAAK.. WAAAAAAAAAAK… ang sabi ng mga NINJA GEESE. Translation: We will killlllllllllllll youuuuuuuuuuuu, bata!

We will kill you, bata!

We will kill you, bata!

Natuka ka na ba ng FIGHTING PATO? Oo, natuka na rin ako nyan. Meron kasing patuhan ang tita ko nuon. Hindi ko alam kung baket sa dinami-rami ng taong nagpapakain sa kanila ng araw na iyun ay ako ang hinabol ng lalakeng pato na wari mo’y ako ang pinagbibintangan nya na nagbenta ng mga balot. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi ako kumakain ng balot. Natatakot akong baka makatyempo ako ng isang HAUNTED SISIW at ako’y multuhin sa araw araw na ginawa ng Diyos. Sila rin ang dahilan kung bakit hindi ako nanunuod ng CHICKEN RUN at CHICKEN LITTLE.

Radioactive Fighting Pato

Radioactive Fighting Pato

Alam nyo bang pati ang mga KALAPATI NOMADS ay pinagdidiskitahan ako? Nagpapalipad ako ng saranggola sa aming bubungan minsan ng kuyugin ako ng mga NOTORIOUS KALAPATI ng aming kapitbahay. Ang tarantadong kababata ko ay pumalakpak ng malakas at voila… isang pulutong ng mga nagngingitngit na kalapati ang dumapo sa aming bubungan. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin na friendly ang mga hayop na kalapating yan… baka sa inyo lang, dahil nang huling magkrus ang aming landas ay tinuka nila ako nang walang kalaban laban.

Akin na ang Saranggola or else...

Akin na ang Saranggola or else...

Muntik din akong maglayas isang beses ng sabihin ng nakababata kong kapatid na mag-aalaga siya ng TALKING PARROT dahil naaliw sya sa palabas na POLLY. Sumang-ayon naman ang aking inay at sinabing bibigyan sya ng perang pambili ng parrot kinabukasan. Natuwa kasi ang nanay ko ng sabihin ng aking utol na ang una nyang pangungusap na ituturo sa parrot ay.. “ANDYAAAAAAN NA KOOOOOOOOO… KELLIEEEEEEE…. LAGOOOOOOOOT KAAAAAA….” Nagbanta ako sa aking inay na hindi na ko mag-aaral at lalayas ako ng bahay. Sa awa ng Diyos, hindi naman sila bumili ng parrot. Seryoso ako. Lalayas talaga ako kahit sa kalsada pa ako matulog.

Kellie... I'm Lonely...

Kellie... I'm Lonely...

Alam kong mababaw lang.. minsan nga parang OA ang pagkatakot ko sa kanilang may mga tuka ngunit ang aking masalimuot na pakikisalamuha sa kanila ay parang kahapon lang. Hindi ko alam kung kelan mawawala ang nasabing phobia ngunit hindi ko na hihintayin pang mahabol ako ng DEMONIC OSTRICH, STRANGLER PENGUIN at isang crew ng DEATH SQUAD DUCKLINGS.

Demonic Ostrich

Demonic Ostrich

Tumawa na kayo ng malakas… pero mas gugustuhin kong mag-alaga ng killer crocodile basta wag lang manok.

Comments
  1. soulful says:

    hi! got ur site ad from ac. natawa naman ako sa entry mong ito. i have a friend kasi na takot sa mascot naman. pero ibang level ka yata. fitghting pato and killer manok? hahaha! pero gets kita. takot rin kasi ako sa balut kasi takot ako baka matuka habang nasa nguso ko yung itlog. hahaha.

  2. hukombitay says:

    ang saya-saya! nakitambay lang po pansamantala… si AC cute kasi special mention ka. ayos! andito nga naman sila ni duchess talaga! akalain mo..

    wala naman ako takot sa mga hayop na may tuka, mas katakot ang taong may utak hayop. naman! *peace*

  3. […] Para sa mga gustong maaliw, click nyo dito. […]

  4. AC says:

    taena wait lang, natawa ako sa pic na may caption na “kellie.. im lonely” ampotah! hahaha!πŸ˜›

    pakisabi sa lintek na ibon na yan ako din lonely. magsama na lang kame.πŸ˜›

  5. AC says:

    @duchess: oo, fried chicken favorite ko.. o kaya adobo. wag lang tinola at sinampalukan dahil i hate chicken na may sabaw. πŸ˜€

  6. nyahaha! =)) kamusta naman, nakaharap ako sa madlang pipol na nakangisi dahil sa kaiisip nung Fighting Pato. kamusta naman un…πŸ˜›
    tatay ko, nagaalaga ng manok dati… tinotorture din nila ang aking younger years dahil pinipilit kami ng mga magulang namin na maging masipag at matulungin. sa kadahilanang ito, pinapakain namin ang mga pangsabong na manok ng alas 4 ng hapon at nagsisimula na ang WWIII.πŸ™‚
    AC, matanong lang, anong BIRD yang gustong-gusto mo? pwede din bang kainin yan!?πŸ˜›

  7. AC says:

    ayy.. ako din mejo takot sa may mga tuka na yan. ayoko kase ng tinututsok tusok.
    may isang uri lang ng bird ako na gustong-gusto at di kinatatakutan.. bagkus ay minamahal… ahahhaha! joooke!πŸ˜›

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s