Weird Kilig Moments with a TWIST.

Posted: March 17, 2009 in Uncategorized

Nagsinungaling ako nang sabihin na ako ay inaantok na sa huling bahagi ng aking entry, WEIRD KILIG MOMENTS. Kumbaga sa isang librong hindi pa nailalathala ay may mga ibang pahina ang kailangang tanggalin ng manunulat sa kadahilanang hindi ito naangkop sa ibang mga bagay na nabanggit sa simula pa lang ng istorya. Ngunit sa aking kalagayan, hindi ko ito isinama dahil ayokong sirain ang moment ko habang nagkukwento ng mga bagay na sumisimbolo ng aking pananaw sa isang aspeto ng Teenage lovelife.

Ang totoo marami akong naisip ngunit ang iba ay may kakaibang twist. At sa tuwing sumasagi sila sa aking isipan, kahit ayokong isipin ay talaga namang naliligo ako agad. Isa itong riwal na kadalasan kong ginagawa dahil naniniwala akong tinatangay ng tubig ang aking ala-ala sa tuwing ako’y nagsha-shampoo. Ito rin ang dahilan kung baket hindi ako naliligo sa tuwing may exams nung ako’y nag-aaral pa.

Ako ay isang neurotic. Naniwala akong tatanda akong katulad ni Ally McBeal.  Sa totoong buhay, bumabaluktot at naninigas ang aking mga daliri sa paa sa tuwing ako’y kinikilig. Nagbibigay ako ng mga opinyong suntok sa buwan sa tuwing ako’y kakausapin ng aking crush. Daig ko pa ang babaeng nasumpit (ancient term ng mga matatanda na tumutukoy sa babaeng naligo sa unang araw ng kanyang menstrual period at tuluyang naloka dahil pinasok ng hangin ang kanyang utak.)

May kasabihan tayo, FACE YOUR FEARS. Ito ang dahilan kung baket sisimulan ko na ang pagsulat ng mga nasabing bagay… dahil sa lahat ng aking kinatatakutan, ito lang aking kayang gawin. Hindi ko kayang harapin ang takot sa DEATH SQUAD DUCKLINGS, NINJA GEESE, RADIOACTIVE FIGHTING PATO, ATOMIC ROOSTER at DEMONIC OSTRICH. Kaya’t para maiba naman ay ito na lang ang aking gagawin, isang hakbang tungo sa aking SPIRITUAL MAKE-OVER.

1. Isang araw ng marinig kong bibisita ang aking ultimate crush AMBOY na kaibigan ng aking kuya ay naglinis ako ng bahay. Siya ang dahilan kung baket crush ko si Gerald Anderson at kung baket crush ng nanay ko si Gerald Anderson. At kung baket nanunuod ang buong pamilya ko ng TAYONG DALAWA bukod kasi sa kamukha nya si Gerald Anderson ay marami rin na-i donate ang pamilya nya sa charity works ng pamilya namin. Hindi ko alam kung ano ang koneksyon nyan sa palabas na TAYONG DALAWA pero madalas kong naririnig sa mga tao sa bahay.. “Ang gwapo talaga ng batang to.. kamukhang kamukha nya si – – – – -. Kamusta na kaya sila?” Well, anyway… ayun na nga. Naglinis ako ng bahay ngunit wala akong balak na bumaba at makita sya dahil natatakot akong madapa sa harapan nya.  Narinig ko ang ingay ng sasakyan at maya maya pa ay narinig ko ang boses sa ibaba. Kasama nya ang buong pamilya… as usual may dala na naman silang isang kahon ng Nissin Noodles. Humarap ako sa TV at isinaksak ang bala ni Super Mario sa Nintendo Family Computer. Pinilit kong isipin na mas nakakaaliw ang maglaro ng computer kesa maglandi. Ilang beses kong sinaksak at hinugot ang nasabing bala dahil ayaw gumana… at napansin kong pawis na pawis ang aking braso. Nagsimula akong kaskasin ito at nakita kong nalalaglag ang mga libag sa sahig. Aminin mo.. nakaka adik magtanggal ng banil sa mga nakaw na sandali. Patuloy ko itong ginawa sa batok, gilid ng tenga at pabalik sa aking braso ng biglang bumukas ang pintuan. At sa mga sandaling iyon ay nagtama ang aming mga paningin. “Hey Kellie, ” dedma sya at ngumiti, “what you up to?” Walang kaabog abog akong sumagot, “Oh nothing, just cleaning myself.” sabay talikod at bumalik sa pagsuksok ng putanginang bala ni Super Mario.

2. Siya ulet. Matapos ang isang buwan ng nakakahiyang THE BANIL EXPERIENCE ay inanyayahan nya akong lumabas para mag-dinner sa kanila. Hmmmm… hindi ko alam kung baket pero naisip kong baka may THING siya sa mga babaeng malinis sa katawan. Hindi ko na matandaan kung baket sopas ang hinanda ng katulong nila pero natatandaan kong dahil sa pagnanais kong magpa-cute ay hindi ako nagsecond thoughts ng sabihin nyang “You should really try Yay’s recipe. I enjoy it since I was a kid.” nang marinig ko ito ay agad akong kumadlo ng sopas sa aking tasa sabay subo. Huli na ng maisip kong umuusok pa ang hinayupak na sopas, buong tapang ko itong nilunok habang nangingilid ang luha sa aking mga mata. “Are you ok?,” sabi nya… tango lang ako. Nang malunok kong lahat ang gumuguhit na init ng sopas sa aking lalamunan ay saka ako nagsalita, ” I was very touched.” Isang linggong paralisado ang aking taste buds.

3. Matapos ang mahabang panahon ay nagkita kami ulet nang isang beses akong yayain ng aking kuya para mag-STARBUCKS. May sorpresa daw sya sa akin.  Matagal kong hindi nakita ang aking pinsan dahil sa isa na syang American Citizen at may pasalubong sya sa aking isang bag ng raisin. Paborito ko yun nuon. Nang makarating kami sa Starbucks ay nagulat akong si AMBOY ang naghihintay sa amin. Tuwang tuwa akong lumapit sa kanya ngunit nang sandaling malapit na kami magyakap ay napabahing ako at nilabasan ng isang raisin sa ilong. Tumawa ng malakas ang tarantado kong pinsan, “Now I know why you want to see her…” sabi nya. “That and so many other things,” sagot ni AMBOY sabay apak sa raisin na naglanding malapit sa kanyang sapatos. Ito ang dahilan kung bakit hindi ko sya kinakausap sa mga panahong nakikita ko sya online. Ayoko nang sariwain pang muli ang mga bagay ng aming nakaraan.

4. Ito naman ay common nang nangyayari, pero thank god ang karanasan na ito ay hindi na kay AMBOY. Isang random crush na hindi ko na maalala ang hitsura pero natatandaan kong habang nag-uusap kami ay biglang sumingit ang isang dumadagundong na UBO na kung maririnig mo ay parang may kasamang isang tubol na plema. OO nangyari yan sa akin at walang nagawa ang aking crush kundi batiin ako ng HAPPY NEW YEAR.

5. In connection with HAPPY NEW YEAR, hindi ako conscious sa klase ng panty na aking isinusuot kung kaya’t ng isang beses akong bumaba ng kotse ng aking crush ay hiyang-hiya ako ng mag-text sya kinagabihan ng HAPPY NEW YEAR. Tinanong ko kung baket HAPPY NEW YEAR, saka ko lang na-get ng maligo ako at hubarin ang aking polkadot panty. Mula nuon hindi na ako nagsusuot ng polkadot pattern sa tuwing may date ako.

Hindi ko na kaya… ayoko nang magkwento pa.  So sa mga sandaling ito ay gusto kong isipin na ako’y inaantok na at may pasok pa mamaya.

Ciao!

Comments
  1. hukombitay says:

    @soulful: re. tae story. nun kinder II ako meron nagkalat sa class namin at hindi ko siya nakalimutan since nun. hindi lang dahil nag poop siya sa shorts nya kundi dahil nawalan kami ng class sympre at pinauwi. manolo ang name nya.

    @kellie: dami tuloy ako naisip na mga nangyari sakin sa past both kilig at kahiya. hay jologs talaga. teasers:

    kilig
    inabutan ako ni X ng wildflowers na pinitas niya daw mula sa pagkakaupo niya sa ibabaw ng jeep habang binabaybay namin ang calapan to puerto gallera. hindi pa siya nanliligaw nun

    kahiya/kilig
    grade 5 or 6, nag fire/earthquake alarm drill sa school, kakatapos lang ng PE so nabibihis pa ko balik sa uniform, sa sobrang madali at taranta, bumaba ako sa quadrangle ng isang rubber shoe at isang leather shoe ang suot-suot. sabi ng crush ko sa harap ng madlang mga estudyante, “astig ka ah!”

  2. AC says:

    hi kellie! pa-off topic ha.. i have something for you.

    http://awefullworld.com/?p=1791

    have fun!🙂

  3. AC says:

    naisip ko nga bigla si ally mcbeal eh.. diba kase sabi best men are always taken.. e pano naman ang mga babaeng katulad natin? does it mean we are not good enough to be taken? sniff sniff.

  4. soulful says:

    tama nga pala, adik din ako nun sa ally mcbeal. naiisip ko tuloy kung yung pagkaadik ko noon ang dahilan at wala akong consistent na lablayp ngayon. buti naman at tinigil na nila at kung hindi pa baka tuluyan na akong tatanda kakahanap ng sarili kong billy.

  5. soulful says:

    hahaha! inggit naman ako. wala akong ma-share na gaya nito. basta ang maalala ko nung grade 1 ako nung biglang tumae iyong seatmate kong lalake. di ko alam kung bakit ako yung nahiya at siya yung dedma, di ako lumipat at tiniis ko yung baho. yun tuloy at ako pa ang napagkamalan ng mga kaklase namin. langhiya.

  6. Drama queen says:

    May kaibigan akong tinalsikan ng pustiso habang tumatawa sa loob ng kotse.
    Lumipad sa dashboard pagkatapos ay pinulot nya….

  7. AC says:

    nabanggit ko na yata dito dati. lumobo ang sipon ko sa harap ng jowa ko sa public place pa. as in mukang plastic balloon.

    pero mas matindi yung classmate ko nung HS, nilabasan ng sago sa ilong. simula noon hindi ko na maalala ang real name nya, dahil SAGO na ang naging tawag sa kanya. hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s