Ang pagbabalik.

Posted: March 19, 2009 in Life, miarmiar-isms, usapang lovelife

Akalain mo nga naman ang swerteng nakakamit ng mga taong may sakit ng scoliosis.Β  Wait lang, hindi ako tumama sa lotto. Pero may nangyari ngayon na parang ganun na rin ang pakiramdam.

Hayaan mong kilitiin ko ang iyong imahinasyon. Teka lang… hindi ako magkukwento ng pang-romansang istorya ala Xerex Xaviera, hindi ako ganun.

Kanina lang ay nakaramdam ako ng gutom. Nag-crave ako ng super big bite hotdog ng 7-11. Hindi ako pwedeng maglakad ng malayo sabi ng doktor ngunit wala akong mautusan at ang 7-11 store ay hindi naman kalayuan.

Nang makarating ako sa 7-11 ay wala naman masyadong tao, siguro kasi ay medyo alanganing oras na. Agad akong tumungo sa hotdog stand at dahil sa pagmamadaling kumuha ng hotdog sandwich ay napaso ang aking kamay. Napasigaw ako ng “Ay kabayo…” ewan ko kung baket pero naisip kong baka na-adapt ko lang yan sa katulong namin sa tuwing mapapaso ng plantsa.

“Kel?,” boses sa aking likuran.

O teka, shet. Naisip ko agad.. sino naman to? Naisip ko agad na nagchi-chip na cutics sa aking paa. Nakakahiya kung makikita ako ng isang kakilala na may maruming kuko sa paa. Napabalikwas ako para tingnan kung sino ang bumati sa akin.

Helloooooooooooooo, saaaaaaaaaaaagoooooooooooo! Baket sya pa?

Ilang araw matapos kong mabanggit ang taong ito sa aking entry, WEIRD KILIG MOMENTS ay talaga namang naisip ko kung nasaan na kaya siya. Lalo akong na-curious kung kamusta na sya nang marami sa inyo ang nagtatanong kung pede ko ba syang i-clone. Oo tama, muling nag-krus ang aming landas ni #2.

Nakatayo ako sa kanyang harapan hawak ang plastik ng hotdog sandwich sa isang kamay at ang bread clipper sa kaliwa.

Ako: Wui.

#2: Musta? Gabi na ah.

Ako: Onga eh.

#2: San ka ngayon?

Ako: Dito. (sagot ko agad pero naisip ko na malamang ay tinutukoy nya kung saan ako nagta trabaho sa ngayon, shet.) Hindi ko kasi mapigilan na pagmasdan ang buo nyang mukha. Pang hinuhugot ang aking kaluluwa sa tuwing magtatama ang aming paningin, may salamin na sya ngayon ngunit nandun pa rin ang nakakagayumang pakiramdam sa tuwing titingnan mo ang hugis ng kanyang mga mata. Meron syang kakaibang tingin na parang sumusuri sa buo mong pagkatao, yung tipong hindi manyakis ang dating sa halip ay may touch of sincerity at thoughtfulness. Mas matangkad na sya sa akin ngayon, isang bagay na kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ko.

Ako ulit: Laki mo na ah… nag-cherifer ka no?

#2: Haha. Hindi no. Parang pumayat ka yata. (sabi nya at kinuha ang bread clipper sa kamay ko.)

Ako: Huh?

#2: Nakikita kita sa simbahan. (sabi nya habang tinuturo kung ok ba sa kin yung laki ng hotdog na ipinapalaman nya sa tinapay.) Dun ka palagi sa right wing pumupwesto db? Haha.. nakita kita isang beses ang tamad tamad mong tumayo. (pagkatapos ay inabot nya sa akin ang hotdog sandwich) Oh ayan, baka mapaso ka pa ulet.

Ako: Thanks. (Taena naman…sabi ko na nga eh… sabi ko na nga… dapat sinunod ko ang nanay ko na magpa-pedicure kaninang umaga.) Eh kasi masakit ang likod ko kaya hindi ako masyadong nakakatayo luhod at upo. May scoliosis ako. (Namaaaaaaaaaan… baket ba ko ganito.)

#2: O? Napatingin mo na sa doktor? (Tanong nya, ang boses nya ay mukhang hindi nanglalandi sa totoo lang. Nag-aassume lang ako.)

Ako: Yep. Kelangan ng bedrest.

#2: Kawawa ka naman. O ano pa bang bibilhin mo.

Ako: Dito ka ba nagta-trabaho? (pero hindi naman sya nakasuot ng uniform)

#2: Haha. Hindi no. Ano ka ba. Tinatanong ko lang kasi baka gusto mo ng Siopao, malay ko ba. Baka mapaso ka na naman, napaso na ko dati dyan eh. Ang sakit.

Ako: Ah.. hindi. Ok na ko dito. Dito ka pa rin ba sa Pandacan, nakatira?

#2: Ay hindi, Cavite na. May sarili na akong house pero dito pa rin nakatira yung girlfriend ko.

Ako: Ah, ok. (nalungkot ako saglit)

Sabay kaming nagbayad sa counter. Oo nga pala, bumili sya ng Ice Cream. Birthday daw ng pamangkin ng girlfriend nya. Habang nagbabayad nag-usap kami kung saan kami nagta-trabaho. Freelance Writer daw sya pero may sinabi syang office sa Makati kung saan sya nagta trabaho ng full time bilang isang… hmmm… hindi ko matandaan pero parang Chemical Engineer or something. Napagmasdan ko ang malinis nyang kuko sa paa at nakita ko ang sa akin… naman. Bakit ba ganito ang buhay. Mukhang ang linis linis nya at pakiramdam ko ay nag-o-oil pa ang mukha ko.

Napakabilis naman mag-punch ng taenang cashier na to bago ko pa ma-realize ay nagpapaalam na kami sa isa’t-isa sa may pintuan.Β  Nakita ko syang tumawid at ako naman ay nagsimula nang maglakad pabalik ng bahay. Hindi pa ako nakakalampas ng lubusan sa labas ng 7-11 ay napahinto ako ng marinig na malakas na pagsabog sa di kalayuan. Anak ka ng boogie! Inabutan pa talaga ako ng gang war sa kalsada!

“Keliieeeeeee!,” narinig ko habang tumatakbo sya papalapit sa akin. Nasabugan ba sya? Naisip ko agad. Agad syang nakatawid at hinila ako papasok ng 7-11. Hindi sa braso. Hindi sa likod ng braso. Sa kamay. Pagdating namin sa loob ay kinapa nya ang balikat ko pababa sa may baywang na parang nagdo-double check kung may nakalas na buto sa akin. Lumapit sya sa akin ng konti at sinipat ang aking mata.

#2: Ok ka lang?

Hindi ako makakilos dahil iniisyoso ko ang nangyayari sa labas. May mga nagtatakbuhan at may pulis agad. Malapit lang sa presinto 10 ang 7-11, natural may pulis agad. Naramdaman ko ang malamig nyang palad sa aking pisngi. At gusto kong lumapit para halikan sya. Joke lang. Ano ba kayo!!@###??!! May boypren ako, for god’s sake! Huwag nyo akong pag-isipan ng ganyan.

Ako: Oh, nasan na yung Ice Cream mo? (tanong ko nang mapansing wala syang bitbit na Ice Cream)

Napabuntong hininga sya.

#2: Ewan ko. Ano ka ba naman! Muntik na nga tayong masabugan ng Pilbox, nagtatanong ka pa kung nasan yung Ice Cream. Shit. Kinabahan ako akala ko nasaktan ka. Pumutok malapit sa yo db? Talikod ka nga! (utos nya)

Ako: Baket?

#2: Basta, eh kung nabubog ka. (sabi nya ng hindi ako tumalikod at sya ang umikot sa aking likuran para i-check)

Ako: Ikaw nga patingin rin baka nakabukas na yung likuran mo. (tumawa ako)

#2: Not funny. (sabi nya habang naglalakad papunta ng Ice Cream section. Mukha syang na-offend kaya tumigil ako sa pagtawa at bumaling sa nangyayari sa labas) Psst, oi. Dyan ka lang wag kang lalabas. (sabi nya habang tumitingin ng Ice Cream sa di kalayuan.)

Matapos ang ilang saglit ay nasa tabi ko sya ulet. Parehas na naming tinitingnan ang mga pangyayari sa labas ng 7-11. As usual, wala namang nahuli ang mga pulis.

#2: Tara. (sabi nya ulet at pinagbukas nya ako ng pintuan)

Ako: Oh pano, ok na ko dito. Ingat ka dyan.

#2: Ano ka ba. Ihahatid na kita. (parang naiirita sya)

Ako: Wag na. Baka matunaw yung Ice Cream.

#2: Eh baket sa Baguio ka ba nakatira. Malapit ka lang dito db? Natatandaan ko pa yung house nyo malapit sa bahay nila NDS.

(Si NDS ay yung isang schoolmate namin na matalik nyang kaibigan nung elementary kami.)

Ako: Oh kamusta na nga pala yun? (tanong ko habang naglakakad)

#2: Dito ka nga. (hinila nya ako sa left side nya habang sinisipat ang paligid) Ah si NDS? Ok naman sya. Hindi na kami masyadong nag-uusap. Nakita ka raw nya one time sa Libis.

Ako: Talaga? Eh bakit di sya lumapit?

#2: Haha. Ewan ko. Baka crush ka pa rin nya.

Ako: Huh? Nagka crush ba yun sa ken? Di ko alam. Haha.

#2: Ano ka ba.. mga bata pa tayo nun. Kaya nga hindi na kita kinakausap dati kasi nagseselos sya. Hahahaha.. ang bata pa natin nun no? Ilang taon ka na ngayon. I’m sure naka move on na sya.

Ako: Grabe ka naman. What makes you think na hindi pa sya nakaka-move on? Hindi pa nga ako nireregla nun. I’m sure may gf na yun ngayon.

#2: Hahahaha. Ano ka ba. Ikakasal na rin ata yun. Ikaw hindi ka pa ikakasal?

Ako: Mga two years from now siguro. Ikaw?

#2: Wow. Ako rin siguro. Nasan ba ang boyfriend mo ngayon at hindi ka man lang nasamahan.

Ako: Ah siguro natutulog na. Hindi naman kasi nya alam eh pero kung sinabi ko sigurado sasamahan ako nun.

#2: Good.

Ako: Malapit na ko.

#2: Alam ko. Kelan kaya tayo ulet magkikita?

Ako: Hahaha.. hindi ko alam. Siguro pag malapit ka nang ikasal.

#2: Hahaha. I’m happy I saw you today. I saved your life yet again.

Ako: Ano ka. First time pa lang to, grabe ka.

#2: Asus… muntik ka nga malaglag dati sa upuan eh buti nasalo kita.

Ako: Huh? (patay malisya)

#2: (napailing) How could you forget that? That’s one of the best memories in my elementary days. Grabe ka. (tapos tumawa sya)

Ako: Dito na ko. (sabi ko habang tumatahol ang mga aso sa harapan ng gate namin)

#2: (tumango sya) Ok. You take care. I hope to see you in our reunion. Nagpa plano ata sila eh.

Ako: Ok. Ingat ka rin and thanks for the walk.

#2: No problem. Get well. I’ll see when you’re well enough to attend the Sunday Mass.

Ako: (smile) Kaw rin. Bye.

At pumasok na ako sa loob ng bahay. Nawalan ako ng gana na kainin ang hotdog sandwich sa halip ay mas gusto ko syang i-frame. Akalain mong sa hinaba haba ng lumipas na panahon ay hindi pa rin sya nagbabago. Siya pa rin ang #2 na aking nakilala nung ako’y 12 years old pa lang.

Some men are born to make you cry… but there are some men who were born to be there for you… as yourΒ  SAVIOR. Nothing more.

Nothing less.

Comments
  1. AC says:

    tsong, binabalikan ko mga entries mo para manamnam ko ang mga kasalukuyang pangyayari. haha!

    • @ AC: pwre..

      wala lang pwre lang…

      nakalimutan ko sasabihin ko..

      Kinakabahan ako sa susunod na SABADO! Paano ba ititigil ang pag ikot ng mundo?

      Mabuti pa ang STO. NINO.. abot kamay nya lang ang daigdig!

  2. AC says:

    @duchess: ay talaga? sabi ko ba bagong buhay? e baka lasheng lang ako nun kaya nasabi ko. haha!

    mapa ng indonesia ang nabuo sa tagaytay. peste. hanggang ngayon may bakas pa ampotek.

  3. nyahahha… oo nga kellie, peyborit nya tagaytay.. dun kasi nakakagawa sha ng mapa ng bansa… baka nga kontinente pa.. hahahaha! oha, YM na YM lang oh… hahaha.:)
    hoi AC, maghunos dili ka, may certain pt ng buhay mo, nasabi mo “nagbabagong buhay na nga ako eh {meaning, tntry mong bawasan ang pagiging balahura at bashtush mo}.”πŸ˜›
    pasensya kellie, YM na talga to..πŸ™‚

  4. AC says:

    @duchess: walanghiya tayo ginawa natin YM etong page ni kellie. wahaha. magsasama ka pa sa kin ng konti ng tumapang na ng konti yang apog mo. masyado ka kase wholesome. lagyan nga kita ng post it sa noo eh. sasabihin ko gahasain ka na.. na may consent.πŸ˜›
    at hoy, di ko sinabi na “nagbabagong buhay” na ko ha.. sabi ko lang “nagbabagong anyo”.. magkaiba yun pare. wahaha.πŸ˜›

    @kellie: di anawangin ang umepekto sa kin ng ganito.. TAGAYTAY. nyahahah!πŸ˜›

  5. AC: adik ka ba, wala na talgang pambara sa kabashtusan mo.. hahaha!πŸ˜› at yan pa ang tinatawag mong “nagbabagong buhay?” hahaha!πŸ™‚

    Kellie: seryoso, di naman ako sobrang “wholesome.” minsan, nagtataka na talaga ako kasi laging un ang impression sa akin. kaya nga lagi kong tanong, “KAILANGAN KO BANG MAGLAGAY NG POST-IT SA NOO KO NA B-A-S-T-U-S-I-N NYO NA AKO.” hihi…πŸ˜‰

    Pero seriously, di pa kasi tapos training ko kay AC to become a Certified Balahura. hahaha!πŸ˜› peace tsong!

  6. @AC: asteg ka naman kasi eh.. kahit ako hindi ko maiisip yung word na yun eh…talagang naisip mo! iba ang epekto sa yo ng anawangin ah!

    @Duchess: kaya mo yan… PANGS NOT DEAD! lolz.

  7. AC says:

    kellie: umaapela si duchess, kelangan daw nya mag-isip ng pambara sa kin. masyado daw ako bastos. hahaha! at least di plastik! harhar!πŸ˜€

  8. AC says:

    alam ko na sagot duchess: LEVOGUE???
    kase sabi mo L na nag-eend sa E tapos may O tapos may V. hahaha.πŸ˜›

    sorry kellie naaaliw ako, ginawa ko na YM tong page mo hahaπŸ˜‰

    • @ AC: dude, bilib na bilib ako sa likaw ng bituka mo. Kelangan mo talagang isingit yan.. ikaw lang ang nakaisip nyan tsong. Lufet moπŸ™‚

      @Duchess : I salute your wholesomeness..

      @AC ulet: hindi ako maka-get over. LOLZ.

  9. psssttt… sana nga ung L na un ay ung nageend sa e, may o, tapos may v din… hihi! eh mukhang hindi.. may iba pa na seryoso ako sa pagtawag ng “kuya.” taenang mga un.. jellible kc ako (in short, TANGA, SLOW makapick up!πŸ˜› ), ryt AC?!πŸ™‚ hihihi!

  10. @ muymuy: Hello!!! aba eh sinulat ko ang entry na ito na punong puno ng emosyon…

    wag lang sana nyang mabasa at baka maudlot ang moment naming dalawa.πŸ™‚

  11. Very well said!AC!Ssabi ko nga nasa panahon yan…
    May mga times na talagang kahit anong gawin mo ay gagapangan at gagapangan ka ng isang malaking L…..
    Love ito ano ba!;)
    @nocturnal:sampalin mo nga ang ex mo na yan para saken!binalanguynguy ako s kanya!

  12. muymuy says:

    kelllllllliieeeeeeeeeeee!!..kinilig naman ako sa wento mo!!!…
    hayyyyyyyyyyy!!!!

  13. AC says:

    pasingit kay duchess ha, wag mo na asamin magkabesfwen na lalaki. kahit anong pigil gawin mo lalandi at lalandi ka din. lalo na pag yummy ang BFF mo. haha. tama ba ko kellie?πŸ˜‰

  14. nocturnal says:

    haha tell me about it, kahit major ko to, andming sket ng ulo ang dinanas ko dito WAAAAAH… ung mga nasa blog ko, bunga ng ilang araw na pagiisp… kasi ganito yan, may saying ako sa pagbabasa…

    for the lack of a better word, dapat nililigawan… prang babae or iniintindi parang lalaki… kelangan ng tyaga at sipag… pero shempre at times, kahet anung gwin mo, kung di kau meant to be, hindi tlga… so baka di kau meant to be… madami naman iba dyan, wag mong intindihin un… hayaan mo, kakauspn ko since naging “ex” ko naman sya…

    and btw, kung iyo scoliosis, sken constipation… mageelaborate pa sana pero wag nalang, baka mahalatang mahilig ako sa toilet analogies… O_O

  15. nocturnal says:

    i left a comment back sa site ko, i was gona post here but i went on a major nerd mode O_O

  16. @AC: sinubukan kong mag-comment pero PAROL pa rin ang lumabas. ang hi-tech naman ng PC mo.

    @duchess: alam mo ang pagbe-bespren ng lalaki ay depende sa timing at sa lagay ng panahon. Kapag malamig… ipagpabukas mo na lang muna.

    @nocturnal: hey, thanks. Glad to amuse you.πŸ™‚

  17. AC says:

    baka naman naintimidate sayo ang wordpress kaya ndi lumalabas dati. ngayon daw close na kayo kaya lumabas na, hehe

  18. @AC: another ally mc beal situation..hehe.the good ones are always taken…ganun talaga.

    hindi ko alam na nakikita na ang aking avatar..nyayahahaha…matagal ko nang na i load yan pero ang sabi ng word press..please wait a moment while we load your avatar…

    akalain mo…ngayong lang na load?!baka nagkasakit ung admin.

  19. ahhh.. kinukurot naman ang puso ko. alam mo, kahit na meron na kaung kanya2xng buhay, ang ganda pa din ng kwento nyo. dati, pangarap ko talagang magkaroon ng bwestfwend na boy, ewan ko ba. feeling ko kasi, princess ever ang dating pag may tagapagtanggol ka. eh di nangyayari un.. lagi kcng may malisya sa mga hayup na lalaki na un pag nagiging close ko na sila. nyeta…πŸ™‚

  20. AC says:

    awwww… good thing may SAVIOR ka, ako kaya kelan magkakaroon? puro demonyo kase mga lalake sa past ko e. di sila pwedeng savior, baka sa impyerno pa ko dalin. hehehe,

    kidding aside, ang sarap sa pakiramdam ng ganun noh. yung tipong may nagmamalasakit sayo pero walang halong kabastusan. sana marami pang lalakeng katulad nya. pero yun lang, kung maraming lalakeng tulad nyan sosme.. dami din babae iiyak out of frustration kung baket di sya majowa-jowa.. hahaha!πŸ˜›

    btw, napansin ko lang kellie.. may avatar ka na ha.. hehehhe.. ayos! danda!πŸ˜‰

  21. nocturnal says:

    “Some men are born to make you cry… but there are some men who were born to be there for you… as your SAVIOR. Nothing more.

    Nothing less.”

    pa-comment lang. i find that quote amusing hahaha…

  22. thanks, P. πŸ™‚

    Aye, MIAAAAAARMARAAAAAAAA..

  23. plaridel says:

    what a great story! and the way you wrote it, pakiramdam ko ay nandun din ako. i’m hoping that the story doesn’t end there. but life being what it is, only time will tell. if you ever submit it to mmk, “ay kabayo…” ang i-suggest mo na title. and in times of trouble, if you want your knight of shining armor to come to your rescue, just say it loud enough, so he can hear it while he’s resting under the tree with his kabayo.

    off topic, i’m adding you to my blogroll as i plan to read more of your stuff. no kidding, you should write for a living. it’s miiiiiaarrrrmmmmaaaaaaarrrrrraaaa, isn’t it? gad, i’m not sure if i will ever pronounce it right.

  24. ano ba naman Sisterhood, Friendships!???

    wala bang nag-alala sa inyo at hindi ako nasabugan ng pilbox???!@# lolz.πŸ™‚

    @soulful: Bayaan mo, malay natin baka ibigay nya yung number nya next time. Eh nahiya akong kunin kasi sympre ganun naman ata talaga yung feeling kapag humihingi ka ng number ng may ibang agenda. lolz.

    @hukombitay: isasali ko rin ang lovestory namin sa YOUR SONG. at ang title ay….
    P I L B O X ~~ yeeeeeeeeeeeeeeeees!πŸ™‚

    Pag naaalala ko… ako ay naiihi sa kilig! yihiiii….

  25. hukombitay says:

    hay naku nawala sa isip ko bigla ang aking mga alalahanin ng ilang minuto…

    pwede ka na sumulat sa mmk nyan. isali ko kaya kayo sa collection ko ng greatest love stories ever told. hayayay

    susubaybayan ko ang inyong muling pagkikita. pinakilig niyo ko ng todo. hanggang sa muli

  26. soulful says:

    nakakainis naman o! di mo man lang ba kinuha ang number? alam ko may kaloveteam ka na at siya rin pero malay mo? hehehe. ang swerte mo naman! kunin mo number niya next time ok? kinikilig ako sa story nyo. hehehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s