Miarmara Strikes again.

Posted: March 26, 2009 in daot, Life, usapang lovelife, WDS (writing down shit)

Matapos ang mga makapagbag-damdaming posts tungkol sa mga hapdi ng dinulot ng aking nakaraan ay bumabalik ako sa mundong ibabaw upang harapin ang realidad. OO, tigilan na ang pagsusulat ng mga bagay na mada-drama at baka magkaroon pa ng LOVINGLY YOURS, HELEN — the much awaited comeback.

Ang unang linggo ng pagpasok sa opisina matapos ang mahabang pagbabakasyon ay halos matatapos na. Ang unang araw ko sa opisina ay hindi masaya sapagkat ang likod ko ay nanakit pa at halos pabalik-balik ako sa infirmary para humingi ng salonpas.

Ang unang bungad ng aking mga officemates ng ako ay kanilang makita.

Oficemate #1: Wuii… Kellie ang tagal mong nawala!!! Anong nangyari sa yo?

Ako: (sabay turo sa likod) Scoliosis.

Officemate #2:  Ang tamlay tamlay mo naman. Na miss ka namin.. patawa ka naman dyan.

Ako: Mamaya na. Sakit ng likod ko. (irritated)

Officemate #3:  Sige na magkwento ka naman. Yung nakakatawa.. walang kwenta office pag wala ka eh. Nase-stress lahat.

Ako: Wait, friends. Ano bang akala nyo sa akin? Jokebook? Wala ba kayong mga kaibigan na nagte text sa inyo ng joke time? Namaaaaan… pass muna ko.

Officemate #4: Sige na ikwento mo naman kay ano.. yung pusa dali!

Ako: Haaaay… (nanghihina) ano bang tingin nyo sa ken? Bibigyan nyo ko ng piso at sasayaw ako ng MACARENA? Hindi ako 5 years old.. ano ba.

Officemate #6: Libre ka namin lunch. Dali kwento mo..

Ako: (napipilitan) Ano bang pusa ang sinasabi mo?

Officemate #7: Yung kinukuwento mo dati sa gitna ng ulan tapos may lumapit sa yong lalaki dahil ginagamit mo yung payong nya.

Ako: Ahhh.. kasi ganito yun (pagsisimula ko sabay bunot ng malalim na hininga) May isang bata.. (bulong ko, nanghihina talaga) nakasalubong nya yung pusa.. (ubo..ubo..sabay pause) ang sabi ng bata…meow, meow (mahinang mahinang boses) ang sabi naman ng pusa.. meow, meow…(ubo, ubo..) ang sagot ng bata sa pusa.. meow..meow (pabulong) Ayoko na, pwede ba bukas na lang??? (pakiusap ko.)

Officemate #7: Tsk.. nambibitin ka naman eh. Ano na sabi pagkatapos ng MEOW MEOW?

Ako: (buntong hininga) Ang sabi ng pusa sa bata.. meow.. meow (yung boses ko parang nauupos na kandila) Ang sabi ng bata sa pusa..meow..meow..(singhot naman ako ng sipon ngayon) Ang sabi ng pusa sa bata —

Officemate #9: Meow? Meow?

Ako: Putaena, maghintay ka. (pasigaw pero namamaos ako)

Officemate #2: Ang dami namang Meow-meow nyan.

Ako: Alangan naman RUFF*RUFF? Eh pusa nga… umalis na ako ng matagal pagbalik ko TANGA ka pa rin.

Officemate #3: Oh ano na nangyari sa pusa?

Ako: (buntong hininga) Ang sabi ng pusa sa bata.. MEOW.. MEOW (nakasimangot na ako) ang sabi naman ng bata sa pusa MEOW MEOW.. . (buntong hininga, sa wakas matatapos na rin) Biglang sumigaw yung pusa sa bata… WHAAATEVER! ( tapos tinaas ko yung kamay ko na kahit hinang hina ako ay pinilit kong gayahin yung eksena sa MY ONLY U kung saan may hand-sign sa tuwing sasabihin nila ang salitang “PANGS” as in PANGS NOT DEAD.)

Tawanan..marahil hindi sa kwento kundi dahil sa hitsura ko habang nagku-kwento. Naisip ko kung nasa deathbed na kaya ako at kasama ko sa ospital ang mga hinayupak na ito.. hihiritan kaya nila ako.. “Sige na.. Kellie. Joke ka naman…one last time.”

Adbentyurs din talaga nung makita ko si WM. Sympre yung crush ko na secret crush nung kaibigan kong mahilig magsuot ng purple jeans skirt..MARGARITAAAAAH….

Alam mo bang nagsuot ako ng magnetic brace? Pero hindi naman yung tipong brace na parang may helmet sa ulo pababa ng talampakan. Hindi naman ganun. Isang magnetic brace lang na kayang ikubli sa ilalim ng damit ang suot ko. Umi-effort akong umakyat ng hagdanan nuon, dahan dahan lang talaga, gumigilid at humahawak sa bakal na suporta – ng hagdanan, huh? Hindi ng brace ko, sabi ko nga naikukubli ng aking damit ang magnetic brace na aking suot – reminder lang, just in case magkaparehas kayo ng nararating ng brain waves ni officemate #2. Sa sobrang bagal kong umakyat ay inabutan ako ng lunchtime at sinalubong ako ng kalahati ng papulasyon ng 2nd floor na humahangos papuntang pantry para kumain. Nagmadali akong umakyat ngunit napahinto ng makita kong makakasalubong ko ang aking crush. Shet! Nakahawak pa rin ako sa bakal! Nagkasalubong kami ng tingin… “ARE YOU OK?” tanong nya sa akin ngunit bago pa man ako sumagot ay may dambuhalang babae ang dumaan sa aking harapan at bumalandra ako sa isang sulok. Nasalo ako ng bakal na hawakan ng hagdanan….

Nagdikit ang bakal sa aking likod sa bakal na hawakan. Lumikha ito ng isang ingay na nagsasabing END OF ROUND ONE.. Tinnnnnnnnngggggggggggg…..

Nagkatinginan kami ng aking crush.. at bago ako magpaliwanag ay….

Nagising ako sa bangungot. Shet, panaginip lang pala. Nakatulog ako sa clinic at ang ingay na aking narinig ay isang bakal sa headband ng katabi kong naumpog sa malaking oxygen tank na malapit sa kanyang ulunan. Pero gayunpaman ay hindi sya nagising.Rak en Rol! Namumuo na ang dugo sa kanyang noo ngunit sya ay nanatiling peacefully asleep without a care in the world.

Tumayo ako. Sinabi ko sa nars ang nangyari sa babaeng may suot na headband. Saglit nyang sinipat ang babae pagkatapos ay bumalik na sya sa paglilinis ng kuko sa paa.

Matapos ang ilang araw ay nagkatotoo ang aking panaginip (yung part na nakasalubong ko yung crush ko, ah!) Naks. Pasimple kong kinapa kong may suot akong brace. Hallelujah, praise GOD! Nakalimutan kong magsuot ng brace. YEEEEEEEEEES!!! Ngunit sunalit datapwat kailangan ko pa ring lumayo sa kanya sapagkat humahalimuyak ang amoy ng SALONPAS sa aking katawan.

“Are you sick?” tanong nya sa akin (take note, hindi kami na-introduce ng mamang ito kahit kailan)

“Yes,” sagot ko habang gumigilid papalayo sa kanya…

Nagkatinginan kami..

At sa likod ng aking utak ay may narinig akong isang awitin…

“IKAAAAAAAAAAAAW.. ANG AKINGGGGGGGGGG TANGINGGGGGGG YAAAAAAAAAAMAAAAAAN….”

Napabuntong hininga ako at napamura sa aking isipan…

“MIAAAAAARMARAAAAAAA namaaaaan….mamaya na pwede? Nagmo moment pa ako!!!!”

Bumitaw ng tingin si Crush at naglakad papalayo.

Nagpupuyos ang aking damdamin..

Hi-ho.. once again… Miarmara strikes again.

Comments
  1. Sassy Girl says:

    Kelleh….

  2. AC says:

    buti na lang nanay at tatay ko maski halos buong buhay ko nasa malayong lupain eh poreber TFC kapamilya. ahahha!😛 kulit ko ba? walang humpay na comment.. ang sharap dito e. harhar.

  3. Miarmara says:

    @AC: ang por da perstaym ay hindi ko pinanood.. hanggang dun lang ako sa eksenang.. “I KNOW.. I’M NOT PERFECT,” sabay flip ng hair na parang commercial lang ng palmolive.

    @Duchess : PAAAAAAAAAAAAAAAAAANGS!!!🙂

    @muymuy: Ganyan talaga dyan! Yung tatay ko nga pag uwi dito muntik silang maghiwalay ng nanay ko dahil lang sa asaran ng kapamilya at kapuso! Yung tatay ko tinext pa ko nung may namatay na starstruck guy na si mark.. ano nga yun? tapos tinanong ko kung sino yan ang txt nya lang sa kin, “anak, hindi ako nagbibiro, shet.”

    @plaridel: thanks thanks! salamat po sa pagbisita. I’m feeling a lot better than the previous week.

    SA INYONG LAHAT, SALAMAT SA PAGBISITA!

  4. plaridel says:

    i’m glad you’re back to work. on the way to recovery ka na talaga.

  5. muymuy says:

    ano ba yan hindi ako makarelate?..anong my only you na yan..sorii ha..wala kasi akong TFC sa bahay eh..GMA 7 lang..kabanas!…kapamilya pa naman ang lola nyo…hmop

  6. oooopppsss… nakalimutan pa ang… KKKKKKAAAAAAAMMMMMMMAAAAAAAAAYYYYYYYYYY!!! (na medyo pa slang ever ang pagbigkas)😛

  7. AC says:

    lagi ako nanonood ng star cinema films, pwera lang yung kay KC at richard. although may isang shot ako sa bora sabi ng fwend ko parang por da pers taym lang daw ang drama. hahaha.

  8. @AC:lolz….hangjologs nateng dalawa!
    Sabagay…mahalin ang sariling atin….
    Paaaaaaaatooooolaaaaaaa!

    mas cute siguro kung imbes na patola eh….

    chamoooneeeehhhh…na lang.

  9. AC says:

    may isa pa.. “PATOLA!”😀

  10. AC says:

    bwahahhaha! MY ONLY YOU!!!! hekhek!😛

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s