Ang pagtatagpo.

Posted: March 28, 2009 in Life, miarmiar-isms, usapang lovelife

Alam  mo bang inabot ako ng 3 oras para makapag-rehistro sa COMELEC? Shet. Pak. Hindi naman ako pumunta sa COMELEC mismo… kinulit lang ako ng mga kamag-anak ko na magparehistro sa dati kong school na katabi ng aming parish church. Nang makarating ako duon, akala ko ay may reunion concert ang THE BEATLES, live in Pandacan. Pagpasok pa lang ng venue ay sinasalubong na ako ng mga nakasimangot na bagets, mga parokyanong kuba at mga tatay na may mapagpanggap na buhok sa tuktok ng kanilang mga ulong kumikintab pag nasisilawan ng araw. Iba’t ibang tao.. iba’t-ibang kwento.

“Uwi na lang tayo wala tayong number..” ang sabi ng isa.

“Mukhang aabutan pa tayo ng LUNCH.” sabi ng isang nanay na pumunta para magpa-rehistro ngunit nakasuot sya ng pulang blouse na parang hiniram nya lang sa anak nyang 14 years old… na nagtatrabaho sa night club.

“Ang haba ng pila sa taas, nakakapagod tumayo..” sabi ng isang naka-wheelchair. Ewan ko baket nya sinabi yan eh parang limang taon na syang hindi nakakalakad.

Wala naman akong pakialam sa naririnig ko.. unang-una natuwa pa nga ako at makakauwi na ako. At least, masasabi ko sa nanay ko na pumunta ako dun at naubusan ako ng number. Hanggang 250 lang daw ang kaya nilang i-accomodate, eh mukhang pang 1,250 na ako.

“Kanina pa akong alas singko ng umaga dito tapos wala na akong number!” galit na galit na sabi ng isang pawisan na manong na mukhang mag-aamok ng riot kapag naapakan mo ang kanyang paa. Aba eh.. ano ba ito? DFA? US Embassy? Huwaw, alas singko ng umaga? Aba eh kuya.. alas nuwebe na ng umaga! At saka teka lang.. mukhang nakapag-asawa ka na ng 2 beses pero hindi ka pa nakakaboto? Napangiti na lang ako.

Tumambay pa ako ng mga ilang minuto sa labas habang pinagmamasdan ang isang grupo ng Parents and Teacher Association na nagkukumpulan at nag-uusap kung paano nila mapapabagsak ang bulok na pamamalakad ng administrasyong ARROYO.  Namamangha sa tibay ng kanilang determinasyon na makapag-rehistro at makaboto.

Tumayo ako sa lilim ng puno ng ACACIA. Sinipat ang paligid. Hindi ako makapaniwala sa laki ng ipinagbago ng dati kong eskwelahan. Parang kailan lang ay humahangos ako papasok ng gate dahil male-late na ako sa flag ceremony.  Bigla akong nainis ng may pumaradang sasakyan sa harapan ko. Puting FORD pick-up na sobrang gwapo ngunit tipong mamang panot ang nagmamaneho. Ganun naman palagi eh.. kapag maganda ang sasakyan madalas panget ang driver. Yung tipong sasabihin mo.. sana hindi ka na bumaba ng kotse. Gumilid ako.  Bumisina ulet.

May mga ilang tao ang napa-irap. Hindi naman ako umirap.. masyadong OA.  Naisip ko.. aabangan ko ang gagong to. Nagkaroon lang ng magandang sasakyan, kung ituring ang mga nadadaanan akala mo mga nakakalat na langgam. Pak.

Bumisina ulet. Ina neto ah. Makauwi na nga. Baka abutan na naman ako ng gang war sa kalsada ng tanghaling tapat. Malapit lang kasi ang school ko sa 7-11. Natatandaan mo ba ang kwentong yun?

Lumakad ako palayo sa puno, papalapit sa puting pick-up.

Nang tuluyan akong makalapit, unti unting nagbaba ng bintana ang driver.

Napahinto ako. Sabay pasimpleng inamoy ang pawisan na kili-kili. Oo alam ko. Yuck talaga.

NAAAAAAAAAAAAAAAAMAAAAAAAAAAAAAAAN.

“Hello, Kel.” ang sabi ni… (tantarataaaaaaaaaaan….hulaan moooo!) #2. Ano ba talagang trabaho nito at mukhang mas mayaman pa sya kay Mayor Lim?

“Wui.” sabi ko. Nakatayong parang nabuhusan ng malamig na tubig. Pinapanalangin nyo bang magkita kami ulet? Huh? Duchess? AC? Soulful? Aba eh napakalakas ng panalangin nyo. Pwede bang sa susunod na manalangin kayo na magkita kami eh yung tipong isama nyo naman sa panalangin na sana ay maayos ang damit ko? Aba eh baket naman ako puporma kung magpaparehistro lang ako? Walking distance lang to sa bahay namin at unang-una walang gwapo sa Pandacan. Kung meron man…eh mahilig din sa mga gwapo.

“Paparehistro ka?” tanong nya.

Tango ako. “Yeah, kaya lang wala ng number eh. Uwi na lang ako. Bye.” sabi ko.

“Wait. May number ako.” sabi nya habang tinataas ang salamin ng bintana, naghahanda sa pagbaba ng pick-up.

Pwede bang umuwi muna at magpalit ng damit?, sabi ng isang boses sa utak ko. Aba eh mukhang bagong ligo sya at parang kumikintab sa linis samantalang ako ay nanggigitata sa pawis.

“Paano ka nakakuha ng number?” tanong ko sa kanya, “saka ilan ba ang number mo?”

Nakababa na sya ng sasakyan. Lumalapit na sya sa akin. Shet, talagang hindi ko man lang nakiskis ang kuko ko sa paa.  Ano bang hiwaga ang meron sa aking kuko sa paa at sa tuwing nais ko syang itago sa madla ay biglang sumusulpot si Number 2? Ayokong isipin na ito ang aking lucky charm. Nakakadiri.

“Yung tita ko sa COMELEC nagta trabaho.” sabi nya habang inaabot ang number sa akin. 109. Naks may number na ako!

“Bakit dalawa number mo? Saka di ba hindi ka na dito nakatira? Baket dito ka magre register? Saka seryoso hindi ka pa nakakaboto?” sunod sunod kong tanong.

Nakangiti lang sya.  “Kel, ano bang una kong sasagutin dun? Ang dami nun ah!” sabi nya sabay tingin sa ibaba. Mabilis ngunit pasimple kong tinago ang aking kuko sa loob ng aking pantalon. Shet naman…. juma-jabbar na ako.

“Tara,” sabi nya sabay hawak sa braso ko.

Papalakad na kami ng may biglang tumawag sa pangalan nya.  Napalingon kaming dalawa. Hulaan nyo kung sino ang may ari ng boses. Oo tama kayo! Si John Lloyd Cruz.

Joke lang.

Ganun na lang ang aking pagkagulat ng makita si NDS. Natatandaan nyo ba si NDS? Kung hindi.. basahin nyo ulet ang entry kong ANG PAGBABALIK.

Tuwang-tuwa silang dalawa. Natuwa rin naman ako pero may bahid pa rin ng lungkot sa tuwing maalala ko ang pawis sa buo kong katawan.

NDS:  Hello, Kel. Pa-register ka rin?

#2: Yup, pa register kaming dalawa.  (sabi nya sabay tingin sa akin tapos pabalik kay NDS.)

Ako:  Yeah. May number ka ba? Kasi pag wala na raw number sa COMELEC na raw magparehistro.

NDS: Yeah, meron. Yung dad ko yung isa sa mga organizer. Nasa itaas sya.

Ako: Huwaw. May mga backer pala kayo dito eh. That’s so unfair. Paano na lang kung di ko kayo nakita? Eh di uuwi na ako..

NDS: O pano ka nagkaroon ng number?

#2: Binigay ko sa kanya yung isa. Dalawa number ko eh.

NDS: Ah para sa utol mo?

#2: Hindi, para sa GF ko. Eh may sakit sya eh. Samahan ko na lang sa COMELEC.

Ako: O ikaw kelan ka ba magpapakasal? (tanong ko kay NDS. Aba eh talaga namang ang laki na ng tinangkad nilang dalawa. Nasabi ko bang kamukha ni NDS si Robin DaRoza? Hindi Robbie Rosa.. magkaiba yun.)

NDS: (Ngiti) Wala akong GF eh. Pero sana bago ako mag 30.

#2: Tara na. Ang init dito. (pero kahit sinabi nya yun eh mukhang hindi naman sya pinagpapawisan)

Sinugod namin ang venue. At sa totoo lang ang eksena dun ay parang sa pelikula lang, yung eksenang nakikipagsiksikan yung mga tao para tingnan ang mga nakpaskil na papel sa bulletin board, nagbabasa ng mga pangalan ng mga taong nakaligtas sa gera.

Dalawang mama ang nakabantay sa gate.

NDS: Hello, kuya. (sabi kay kuya #1)

#2: Hello, kuya. (sabi kay kuya #2)

Ako:  Hello po. (sabi ko sa kanilang dalawa.)

Mukhang nakilala ang dalawa kong kasama dahil agad kaming nakapasok. Pumikit ako saglit nang makapasok kami sa loob, naghihintay ng lumilipad na bote ng mineral water mula sa mga taong nakapila sa labas.

#2: Are you ok? (tanong nya sa akin, inaalalayan akong makaakyat ng hagdanan)

NDS: Upo na lang muna kayo saglit dito. (sabi nya ng marating namin ang tuktok ng hagdanan. May mga nakahilerang upuan sa gilid at may mga taong nakaupo) Kuha lang ako ng form nating tatlo.

#2: Ok. (pinaupo nya ako sa isang bakanteng upuan pero tumayo sya dahil binigay nya ang isa pang bakanteng upuan sa isang matandang kakarating lang.) Shit, ang init. (sabi nya nakatayo sa harap ko.. luminga linga sya at nakakita ng folder malapit lang sa amin.  Lumapit sya at kinuha, tiningnan nya muna kung merong nakalagay sa loob at nang wala namang sumita sa kanya nang kanyang damputin ay lumapit sya ulit sa akin. Pinagpag nya ito saglit at inabot sa akin.)

Ako: Papaypayan ba kita? (tanong ko nakangiti.)

#2: Hahaha. Hindi. Ikaw magpaypay.  I’m sure naiinitan ka na.

Ako: Grabe, oo. (paypay ako. Nakikisandal din sa akin yung matandang katabi ko para abutan ng hangin.)

#2: Nay, (tanong nya sa katabi ko) Mag-isa lang po kayo?

Manang Extra: Oo anak. Galing kasi ako ng Samar magpapa-rehistro ako ulit dito. Transferration. (sabi nya ng malakas)

Hinintay kong magkatinginan kami at mapangiti. Pero hindi nangyari. Tumango lang sya. May boses na tumatawa sa aking isipan.. TRANSFERRATION DAW, ATE! TAWA KA BILIS! Tiningnan ko si #2 na nuon ay sinisipat ang paligid, mukha namang narinig nyang maigi yung sinabi nung aleng extra, naintindihan nya ba?

#2: Kel, (baling nya sa akin) Water? May water sa car. Kunin ko lang.

NDS: Wui, tubig muna kayo. (bigla syang dumating at inabutan kami ng tig-isang mineral water.)

#2: Wui, thanks. (inabot nya ang dalawang bote at binigay sa akin ang isa. Walang ano ano ay inabot nya ang isang bote sa katabi kong manang. Ang swerte naman ng aleng to. Akalain mong sumisingit lang sya sa eksenang ito ay naabutan pa sya ng isang malamig na bote ng tubig pantawid uhaw?)

Bakas ang pagtataka sa mukha ni NDS.

NDS: Kilala mo? (tanong nya kay #2)

Manang Extra: Hindi. Salamat, iho. (sabay lagok ng Mineral Water) Nandito lang kasi ako para sa TRANSFERRATION. (pagpapamukha nya ulet, nagmamalaki pagkatapos makainom ng tubig)

Nagkatinginan kami ni NDS at napangisi. Napansin kami ni #2.

#2: Nay, TRANSFER po ang tawag dun. (sabi nya sa matanda habang inaabot ang folder sa kamay ko at nagpaypay, una sa kanya.. tapos puro sa kin na.)

Manang Extra: Ganun din yun, iho. Basta naiintindihan ng lahat.

Kita mo na… wag ka kasing nange-nge-alam! sabi ko sa sarili ko. Tiningnan namin ni NDS si #2. Nakangiti lang siya sa manang. No offense, none taken.

NDS: Nay, may form na kayo? (tanong nya)

Manang Extra: Kelangan ba ng form?

#2: Opo, nay.

NDS: Kuha ko po kayo.(talikod sabay lakad palayo)

Manang Extra: Naku salamat.

#2: Kel, kunin ko lang yung mineral water sa CAR. May pen ka na? Black ballpen, huh?

Ako: Nyak. Blue yung ballpen ko. Kelangan ba black?

#2: Isa lang yung pen ko eh.  Share na lang tayo. O, (inabot nya sa akin ang parker pen nya) fill up mo na tapos hintayin na lang kita pagbalik ko.

Ako: Ok.

Umalis na siya.

Manang Extra: Anak, sino ba sa dalawa dun ang nobyo mo? (sympre inaasahan ko nang itatanong ito sa akin ni Manang Extra, sa katunayan mukhang kanina nya pa gustong itanong. Binigyan pa talaga sya ng moment  ni Lord.)

Ako: (napangiti) Wala po. Mga kaibigan ko lang po yun. Mga kaklase ko nung elementary.

Manang Extra: Nako! Talaga? Mabuti naman at nagkita pa kayong tatlo dito. Hoy, ah. Kahit sino ang piliin mo dun, ok lang sa ken. Ang gu-gwapo. Ambabaet pa. (sabay hampas sa likod ko.)

Putangina, nay! Dahan dahan at may diperensya ang spinal cord ko! At saka baket naman sasama ang loob nyo kung hindi ko mapili ang isa sa kanila? Eh unang-una, hindi ko alam ang pangalan nyo.  Hindi naman tayo magkamag anak. Pangalawa, extra lang kayo sa scene na ito.. baket may ganyang mga dialogue? Pero sympre hindi ko naman yan sinabi sa kanya bagkus ay ngumiti lang ako na parang nakasuot ng saya ni Maria Clara.

Ako: Naku, nay. Kaibigan ko lang po ang mga yun. Saka yung isa po dito kanina sa harap ko may GF na po yun.

Manang Extra: Eh GF lang pala eh. Hindi naman asawa. Kaya pa yan. (kung sino man ang sumusulat ng script ng buhay ko, maari bang i-omit nyo ang linyang ito? Narinig ko na to ng maraming beses sa mga kainuman ng tatay ko, pwede ba??? At saka KAYA YAN.. ano to? EXAM?)

Naisip ko kung makikipagtalo ako kay Manang Extra ay hindi ko matatapos ang pagsagot ng form. Pabayaan na lang natin sya.

Manang Extra: Pero anak huh? Gow ka talaga dun sa nakasalamin. Mukhang napaka-simpatiko eh. Pero ok din naman yung isa, mukhang mabait din kahit mas gwapo sya dun sa nakasalamin. Kahit sino anak basta kung saan ka sa tingin mo ay liligaya. (sabi nya pa habang lumalagok ng tubig)

Nakayuko pa rin akong nagsasagot ng form pero nararamdaman ko ang tingin ng mga taong malapit sa amin. Sa sobrang lakas ba naman magkwento nitong katabi ko eh parang narinig na ng boyfriend kong natutulog sa Sta. Ana ang ginagawa ko ngayon.

Halos sabay dumating si NDS at #2. Inabot ni NDS ang form kay nanay at lumuhod sya sa harapan ko. Medyo nagulat ako pero dead-ma lang, parang eksena lang ito sa I PROPOSE.

NDS: Ang init no? (tanong nya sa akin pero saglit ko lang syang tiningnan at nagpatuloy sa pagsagot ng form)

Lumapit si #2. Hindi ko nakita pero naramdaman ko.

#2: Tol, nakakangawit yang posisyon mo ah. Kuha ka kaya ng upuan. (naramdaman kong kinuha nya ang folder sa aking tagiliran at pinaypayan ako)

NDS: O nga eh. Wait lang (sabi ni NDS at umalis na naman sya)

#2: Init, grabe. San ka after nito?

Ako: House lang. Pero punta muna ko Robinson Otis. Bili ako ng book.

#2: Wui, pupunta din ako dun. May ipapaayos ako sa Mr. Quickie.

Manang Extra: Anak, ano bang ilalagay ko dito? (tanong nya kay Number 2)

Matutuwa ba ako o magagalit? Hindi ko alam.. sasagutan ko muna ang form kung saan tinatanong ang middle name ng aking tatay.

Bumalik si NDS na may bitbit  na dalawang upuan. Agad na kinuha ni Number 2 ang isang upuan at nilagay sa aking kanan, si NDS ay pumuwesto sa aking kaliwa. Tinuturuan pa rin ni #2 si Manang Extra.

NDS: San ka after nito? (tanong nya sa akin)

#2: Punta kami ng Robinson Otis, tol. (sagot nya pero nakatingin pa rin sa form ni Manang Extra)

Ako: Yeah. Bili ako ng book. Eto naman pupunta ng Mr. Quickie. (tiningnan ko si #2 pero habang nagpapaliwanag pa rin kung ano ang dapat isagot ni Manang Extra sa isang tanong sa bahagi ng form)

Hindi na sumagot si NDS. Nagsagot na rin sya ng form.

Ako: San ka after nito? (tanong ko kay NDS dahil natapos na akong magsagot ng form. Nagtuturo pa rin si #2 pero tumingin sya saglit sa akin tapos balik sya ulet sa pagdi-discuss na parang sampung beses nya nang naipaliwanag pero naguguluhan pa rin si Manang Extra kung anong isasagot nya sa YEARS OF STAY in the MUNICIPALITY)

NDS: House lang. Or somewhere else. Nagdo drawing ka pa ba? Alam mo ok mag sketch dun sa PACO PARK. Mag-drawing ka naman kasama ko, nakakaaliw kasi mag-relax dun eh.

#2: Kel, tapos ka na sa pen ko?

Ako: Ay, oo. (inabot ko sa kanya ang parker pen nya. Nagsimula na syang magsagot ng form)

#2: (kay NDS) Ang dami naman palang pages nito. Hassle ang init.

Ako: Saan ba yung washroom dito?

NDS: Tara, dun. Samahan kita. Tapos na ko.

#2: Ang bilis mo naman. Patingin nga. (kinuha nya ang form kay NDS at tiningnan ang bawat page.)

Tumayo ako.

Ako: San ba?

NDS: Dun sa dulo. (patayo na rin sya)

#2: Eto pare, (sabay turo sa isang column) Nakalimutan mong pirmahan. (bumaling sya sa akin) Dun daw sa dulo. If you can’t hold it, punta ka na agad.

Tumalikod ako habang may pinipirmahan si NDS. Hindi naman talaga ako naiihi, gusto ko lang huminga ng malalim.

#2: Tol, papayagan kaya akong mag-rehistro dito? (sunod nyang tanong kay NDS. )

Natapos akong mag-washroom ng walang sumusunod sa akin. Pagbalik ko doon wala na si NDS at wala na rin ang aming mga forms pati yung kay Manang Extra.

Ako: O anong nangyari?

#2: Dinala na niya yung form dun. Papa-picture na lang tayo. That part kelangan natin pumila baka magalit yung mga tao. Are you ok? Gusto mo water pa?

Ako: I’m ok. (umupo ako sa tabi nya habang pinagmamasdan si Manang Extra na sumesenyas ng OK.) Kinabahan ako, (sabi ko kay #2) akala ko hindi ko na makikita yung washroom.

#2: Bakit? Sa dulo lang daw ah.

Ako: Oo nga pero hindi halata na may pintuan dun. Ang dilim.

#2: Ok lang yan. Nakahinga nga ako ng maluwag nung nakita kitang hindi nadadapa papalapit dito eh. Natatandaan mo ba.. sobrang lampa mo dati. (ngiti sya)

Ako: Oo na. Huwag mong ilakas.

#2: O (inabot nya ang panyo nya sa akin) pawis na pawis ka na.

OO na!! Hiyang hiya na ako! Tama naaaaaaa….

Inabot ko naman ang panyo nya at deadma lang ako sa pagpunas ng pawis. Nakakaramdam ako ng pangagati sa mukha. Naku naman! Ngayon pa ako tutubuan ng rash. Ganito ako pag pinagpapawisan. Kinamot ko ang baba ko pataas at sa katangahan ay sumabit ang mahaba kong kuko sa aking labi.  Mahina akong napamura.

Bumalikwas si #2 mula sa pagkakaupo. Kausap nya nun ang mahaderang manang extra. Nagdudugo ang labi ko.

#2: Hala.

Ako: Sorry. Naduguan yung panyo mo.

#2: Ano ba yan. Ganyan ka ba palagi? Patingin nga (tinanggal nya ang kamay ko sa aking baba at tiningnan ang labi ko) Ang laki, Kel. Bakit ka kasi nagpapahaba ng kuko? (pinupunasan nya ng kulay brown nyang panyo ang aking labi) Ayan. (pinunasan nya rin ang pawis ko sa ilong. Taena, nanliliit na ako sa hiya)

NDS: Oh anong nangyari? Uuy, dugo. (bigla syang dumating OUT OF NOWHERE)

Manang Extra: Lagyan mo ng asukal.

Eh saan naman kukuha ng asukal, aber?!

NDS: Meron ata dun kina Papa. Check ko. May mini-pantry dun sa kabilang kwarto.  (Umalis sya ulet)

#2: Eto may nailcutter ako. (binunot nya ang susi ng kanyang kotse at may nailcutter nga sya!) Gupitin mo na yang kuko mo.

Ako: Ayoko nga. Alam mo bang matagal kong pinahaba to??

#2: Akin na nga! (nakasimangot nyang kinuha ang kamay ko at walang ano ano ay pinutulan nya ang aking kuko!)

Ako: Hooooy.. wag masyadong maikli.

NDS: Eto. (may bitbit na jar ng asukal) Lagyan natin. (kinuha nya ang isang kamay ko at pinasok sa jar pagkatapos ay nilagay nya ang aking kamay sa aking bibig) Meron pa dito, (sabi nya at sya na mismo ang naglagay ng asukal sa bibig ko)

Ano ba ito? Make-over ba to? Nakita ko si Manang na ngumingiti sa isang sulok at tinuturo si #2. Leche.

#2: Akin na yung isa (sabi nya) yung isang kamay mo.

Tiningnan ko ang mga daliring pinutulan nya ng kuko. Ayan! Kamay lalake na ako. Pudpod na pudpod ampotah.

Ako: Hoooooy.. wag mo naman masyadong gupitan…(pagmamakaawa ko)

#2: (saglit na tingin sa akin ng nakasimangot) Eh anong gusto mo? Makalmot mo ang sarili mo pag natutulog ka?

Natapos ang isang oras at nakuhanan naman kami ng picture. Nasa likod ko si#2 nang magpapa-thumbmark na ako. Siguro nababagalan sya sa akin kaya nya kinuha ang kamay ko at idiniin sa ink sabay tatak sa form ko habang nakahawak sa aking thumb. Tiningnan kami nang mamang nag-aassist.

Nagta-thumbmark sya ng mag-ring ang aking telepono.  Si boypren nagtatanong kung nasaan ako.  Sinabi ko kung nasaan ako. Inutusan nya akong umuwi agad ng bahay dahil nabili nya na ang librong dapat ay bibilhin ko. Tinanong ko kung nasaan sya, ang sabi nya nasa opisina na raw sya pero idinaan nya ang libro sa bahay.

NDS: O san nga kayo ulet? (tanong nya habang naglalakad kami sa hallway)

#2: Rob Otis.

Ako: Ay hindi na pala ako pupunta dun. Nabili na nung BF ko yung librong dapat bibilin ko.

Silence.

#2: Ako na lang pala ang pupunta.  Sa– (nag ring ang phone nya. Lumayo sya sa amin.)

NDS: Pupunta ka ba sa reunion?

Ako: Di ko alam. San ba yun?

#2: Hindi na rin pala ako pupunta ng Rob kelangan kong umuwi. May lagnat pa rin si (binanggit nya ang pangalan ng GF nya pero nakalimutan ko na kaya hindi ko ma-type) O pano, pare? We better get moving. (nakalabas na kami ng hallway) Hatid ko pa si Kellie.

Ako: Wag na. Maglalakad na lang kami ni NDS. Malapit lang naman kami eh.

#2: Oo nga pero God knows kung sa anong gulo ka naman masasangkot ngayon.

NDS: Tol, baka kelangan mo na pumunta dun sa GF mo. Ok na kami ni Kellie.

#2: Hatid ko na kayo.

NDS: Eh walking distance ka lang naman dito db? Hindi mo na kelangan tanggalin yang kotse mo sa parking lot eh.

#2: Gusto nyo bang maglakad sa arawan? Pinagpapawisan na nga to. (turo nya sa akin)

NDS: Dadaan pa ako ng 7-11 eh may bibilin pa ko.

#2:  O sige. Hatid ko muna si Kel. (sabi nya may bakas ng pagmamadali sa kanyang mukha)

Ako: Alam nyo.. ok lang ako. Kaya kong maglakad.

#2: Pumasok ka na nga. (binuksan nya ang pinto ng pick up at walang ano ano ay napasunod nya ako.)

NDS: (nakangiti) O sige na nga mauna na kayo. Sige tol, ingat. (nag shake-hands sila at kumaway sa akin si NDS)

#2: Kaw rin. O pano, sa reunion huh?

NDS: (tango lang sya) Ingat.

Pumasok na si #2 sa loob ng kotse at binuksan ang aircon.

Ako: Kawawa naman si NDS. Baket kasi ayaw mo akong paglakarin. Ok naman ako maglakad.

#2: Sus, kalalakeng tao nun eh. Ok lang yun. Saka teka lang bakit ka naawa? Crush mo yun nooooo?? Yiheeeee…

Ako: Lul, hindi.

#2: Hahahahaha. Oo kaya.

Nagmamaneho na sya.

Ako: Hindi no. Natutuwa lang ako at nakita ko sya.

#2: Ako rin naman eh. Pero hindi kita kayang paglakarin sa arawan. Nadudurog ang puso ko (pang-aasar nya habang tumatawa)

Ako: Ewan ko sa yo. Oh nandito na ako.

Sinabi ko naman di ba? Malapit lang ang bahay namin? Talagang malapit lang.

#2: Oo nga. Psst.. oi. Sa reunion huh?

Ako: Ewan ko. Bahala na.

#2: Eto cellphone number nung organizer.. si ano—  kilala mo yun db? (kinuha nya ang kamay ko at sinulat ang number ng organizer habang nakatingin sa cellphone nya.) Oh ayan, pumunta ka, miss.

Ako: Matapos mong pudpurin ang kuko ko eh sinulatan mo naman ang kamay ko! Ano ba yan!

#2:  Hahahaha. (dumukwang sya at binuksan ang pintuan, naramdaman ko na ang hininga nya sa pisngi ko) Oh ayan, miss.. ingat sa pagbaba.

Ako: (bumaba na dahil bumibusina ang pesteng jeep sa likuran namin.) Thanks!

Ngumiti lang sya. “Ingat ka lagi.” sabi nya at sinarado ko na ang pintuan ng kanyang sasakyan.

Minsan gusto kong maniwala sa Destiny. Pero pakiramdam ko naman sa tuwing maniniwala ako sa FATE at DESTINY eh parang nagbabasa lang ako ng libro ni Nicholas Sparks. Wala akong balak na maging romance writer, novelist o maski magsulat ng A PURPOSE DRIVEN LIFE. Kung anong gusto kong isulat.. hindi ko rin alam.

Ngunit sa hindi maiiwasang pagkakataon, sa mga nakaraang araw ay wala akong ibang makwento kundi ang past, present at future lovelife ko. Sa katunayan hindi ko masasabing maari siyang maihelara sa LOVE CATEGORY, madalas kaysa minsan mas naiisip kong nasa category ako ng TRAGIC STORY. Yung tipong documentary sa DISCOVERY CHANNEL na DESTROYED IN SECONDS… ganun ang pakiramdam ko sa tuwing babalikan ko ang mga kwentong lablayp ng aking nakaraan.

Kagaya na lang ngayon.

Siguro mas mabuti ang ganito. Kung ano pa ang nakalaan para sa aming dalawa. Ayoko nang malaman.

Ayokong umasa.

Dahil mahirap simulan ang mga bagay na mukhang magulo sa umpisa pa lang.

Hanggang sa muli. ….

Comments
  1. @soulful: nyahahahaha!🙂 eto naman masyadong jellible!🙂

  2. soulful says:

    hahaha! close na rin kayo ni cris ha kellie? =)
    oo nga pala…naisahan mo ko dun sa “Papalakad na kami ng may biglang tumawag sa pangalan nya. Napalingon kaming dalawa. Hulaan nyo kung sino ang may ari ng boses. Oo tama kayo! Si John Lloyd Cruz.” langya muntik na akong himatayin sa inggit buti na lang at binasa ko kaagad ang kasunod. hahaha.

  3. P.S.

    @hukombitay: nakaw naman.. talagang special mention ako sa comment mo dun kay AC ah. akalain mo yan.. pag iisipan ko nga.. baka sakaling yumaman ako sa pagsulat ng mga kilig moments na yan! Yeeeeeeees… mababasa na rin ako ni Cris.. yung helper nila AC.

  4. @ Elizhia: Thanks po. Lagay mo rin yung link mo para naman mabisita namin ang blogsite mo ng aking mga cute friends🙂 I’m sure you have a lot to write and I’m excited to read them all.🙂

    @soulful: sorry naman.. sabihin mo naman kasi kay BRO wag nya akong binibigla. For some weird reason, kahit gusto kong gawin, hindi ko na lang hiningi.. inisip ko na lang na kung sila ang hihingi.. baka sakali lang… MEANT TO BE.

    Eh ang siste.. IT’s MEANT TO BE THIS WAY. Pakers.😦

    @AC: EH sinubukan ko maglagay ng shoutbox.. hindi mapost post!! ano ba yaaaaaaaan…

    @Nocturnal: Sige lang add mo ko.. marami pang mga ganyang eksena sa mga susunod na posts. Lolz. Add rin kita..🙂

  5. soulful says:

    naman kellie e! di mo na naman kinuha number ni #2? at may NDS ka pa? sinayang mo lang prayers ko. alam mo kasi mas effective ang prayers ko kapag para sa ibang tao. tingnan mo kahit hindi ko pa hiningi kay Lord na magkita kayo ni #2 nagkita pa rin kayo. di mo rin naman kasi sinabi na gusto mo naka-gown ka pag nagkita kayo ulit.
    kunin mo na kasi number nila. may binigay si #2 na number ng organizer ng reunion di ba? dali! pasimple ka lang na itext yun at itanong kung ano number ng mga boylets mo. hehe. pero naiintindihan kita. mahirap nga humingi ng number kung di rin hiningi yung sayo. hmp! nabitin ako sa kwento mo.

  6. elizhia says:

    Hi pwede kang writter, galing ng pagkakasulat nakaka aliw. Na search kolang ang blog mo,first time ko kasing mag blog. Anyway mukhang interesting lahat ang mga kwento mo pero di kopa lahat nababasa. Anyway keep it up…

  7. […] ilong at jutax ko sa malalalim na salita mo. At dahil jan nahahasa ang aking pang-unawa. Ay sows! Kellie – aka Jane d Mango. Dahil sobrang kulit mo at pakiramdam ko nung nakachikahan na kita dito eh […]

  8. AC says:

    kellie, baket wala ka shoutbox para makapanggulo ko. may naapril fools day ako kagabi, advanced ng isang araw. hahaha! yes, tibo pala ko e! hihi

  9. thenocturnal says:

    pa-comment…

    “Minsan gusto kong maniwala sa Destiny. Pero pakiramdam ko naman sa tuwing maniniwala ako sa FATE at DESTINY eh parang nagbabasa lang ako ng libro ni Nicholas Sparks. Wala akong balak na maging romance writer, novelist o maski magsulat ng A PURPOSE DRIVEN LIFE. Kung anong gusto kong isulat.. hindi ko rin alam.”

    TINAMAAN KASI ako ng entry mo eh haup, lmao… sapol hangang buto? ma-add na nga kita sa list ko haha

  10. @AC and Duchess: sige tititngnan ko nga ang book na yan.

    pa plug lang…lumabas na pala ung pang limang libro ng kiko machine,ALab ng Puso sa Dibdib Mo’y Buhay ni Manix Abrera..nang matawa naman tayong lahat.hardcore kasi sa pagka-emo tong blog ko eh.

  11. AC!!! meron na, nabili ko na. sa fully booked sa power plant lang pala nagtatago tong librong to. hahaha! teka lang, ako din, minsan, gusto ko ding balikan mga kilig moments ko. kaso naiisip ko, everytime na meron akong ganun, i ruined it kasi mas umuobra ung sungay ko. di ko mapush back eh. hihihi! di ba, AC?!😛 (okay payn, YM mode ulit… )

  12. AC says:

    ah ayun na ang hinihintay kong HAPPY BIRTHDAY moment mo kellie. hahaha!😀

    hukombitay, yan talaga title ng book? nakow sige bibili din kame nyan ni duchess. kaso meron pa kameng pending na it’s called a break up because its broken tapos may starting over by john gray pa akowww.. awts!

    sori, ako walang masyadong kilig moments na maishare. panay bitterness lang. hahah!😀

  13. @hukombitay: hinahanap ko ngunit hindi ko makita.

  14. @hukombitay : Nyahahahhaha… I agree. saan mo naman nadiskubre ang libro na yan??! sabi ko nga wala akong hilig sa love story..natataon lang na nagsusulputan ang mga hindot na parang kabote.

    Gusto ko ngang itanong.. SINO BA ANG NAGSUSULAT NG SCRIPT NG BUHAY KO?????!!!! @!#$ Pwede ba??? Isa isa lang… wag naman kayong nambibigla.🙂

    anyway.. ang totoo marami akong collection ng kilig moments pero ang pagsulat nyan ay pana-panahon lang.. kasi iisipin ko pa kung paano ko tatanggalin yung mga moments na nakakakilig. tipong ok na sana ang lahat pero binati ko yung crush ko ng HAPPY BIRTHDAY ng isang beses syang mag HI sa akin. Hindi nya birthday sa totoo lang.. pero hindi ko rin alam kung baket ko sya sinabihan ng HAPPY BIRTHDAY. Nabigla ako. but thats another story… po post ko sya one of these days…

    nahuhumaling pa ako kay EDWARD NORTON.

  15. hukombitay says:

    damay mo rin si NDS sympre… and the rest of the booooooooooooooys mo… parang ang haba ng pila, tunay naman!. amp sakin meski un sekyu na bantay sa gate nakatulugan na ang paghihintay sa mga aakyat ng lugaw… ahahaha

  16. hukombitay says:

    ayoko manira ng moment, pero parang scripted na masyado ang lablyp mo… imbento mo na toh noh?!!! ang daya kasi eh… unfair! joke😛

    iba-iba talaga storya ng buhay ng bawat tao noh?! hanep…

    kung ako, ayoko ng mga past boys, dahil wala ako masyado nun, lalo pa un tipong knight in shining armor parang si #2 mo, pagtinopak ako ipapaclone ko na yan. paano pa pagka naging abogada ako, lalo na walang dumikit sakin na lalaki ng may malisya. badtrip lol

    speaking of kilig! for the past days ay nagagawa kong tumambay ng powerbooks bago ko umuwi at mayron ako bagong book na nabasa at ikaw kellie, AC at duchess ang aking mga naalala, “kilig factor – all it takes to fall in love is magic!” by willy fatal

    try niyo hanapin at basahin.. philippine publication siya

    daig niyo yun author sa kilig stories nyo eh, lalo ka na kellie. pwede mo na siya agawan ng libro. ikaw kaya gumawa nun volume 2. if i remember it correctly ay open siya sa contributions ng readers nya at ng general public. grabe.!!! magiging best seller yun for sure, panalo kaya ang kilig storie mo! ok yun mare, may royalties ka makukuha dun. uy isip-isip… pwdeng pwde dun ang moments w/ #2, ay kilig! hihihiihi

  17. AC says:

    teka nga, naisip ko bgla.. baket nga ba NDS?

  18. AC says:

    nasa Diyos ang AWA, nasa tao ang NGAWA. hehehe

  19. AC says:

    duchess, where’s my copy? harhar. hi kellie, YM mode again. wahahah!
    home alone ako nitong wikend kaya di ko mautusan si cris, nag-GREENBELT sila ng nanay ko. o dabah ang sosyal nya. ako lumabas ng bahay na parang bampira nung nasilayan ng araw at bumili ng yosi. haha!

    • @ AC: ang helper nyo kung makapag-lamyerda parang si Gretchen Baretto lang ah! Ganyan talaga ang epekto ng yosi sa dugo.. napapalabas ka kahit ayaw mo.. lolz.

      @duchess: tanga ko ba at hindi ko kinuha ang kanilang mga number kahit isa sa kanila? Ewan ko ba..pakiramdam ko kasi sobrang imposing kapag hiningi ko eh. Hindi naman nila hinihingi yung number ko.. siguro mukhang mabagal ako mag-text.. yung tipong pag nakita mo eh.. iisipin mo.. TECHNOLOGY RESISTANT ang taenang to. Bayaan mo sa tingin ko naman eh malakas din ako kay BRO… ipagdadasal kita. Minsan nakukuha dyan yan eh. Marami rin akong kakilalang WAITING IN VAIN pero ngayon WAITING NO MORE na sila.. darating din yan. Nasa Diyos ang AWA nasa tao ang GAWA.. o db? parang quote lang sa tambutso ng jeep.

  20. kamusta, ang haba ng hurr mo kapatid… ayaw kong maging bitter noh, pero naman! magbigay ka naman ng kahit isang lalaki jan… hahaha! (deprerada ang fotah..😛 )… pasensya, pag di na ako bitter, saka ako ccomment ng matindi.🙂

    CURRENT MODE: Reading “It’s Called a Break-up because it’s BROKEN” (habang nasa office. kamusta!)

  21. @ plaridel: Thanks, P!🙂 it means a lot coming from you. I will post some of my short stories in this blog in another page. I’m on the process of proof-reading because some of them were written 10 years ago or so. I am also rewriting them in Adobe before posting. Thanks Thanks!🙂

    To all : Maraming maraming salamat sa pagbabasa kahit parang kasing-haba sya ng biyahe mula Maynila hanggang Bicol.🙂

  22. plaridel says:

    mmiiiiaaarrrmarrra… you have the gift. this looks like reading a comic book without pictures. if you decide to be a writer, you’ll succeed.

  23. @ac: tol,utusan mo si cris na bumili ng yosi..sayang nman ang kanyang yellow short jumper kung hindi makikita ng madlang pipol.

    @muymuy:salamat sa pagbasa, muy!😉 si #2 po ung nakasalamin.actually,nung elementary kami si NDS ung palaging nakasalamin pero parang nagco-contacts na sya ngayon.honga eh,pag binasa ko ulet ung entry ko ang pakiramdam ko…ako si isabella swan-lake…nakanang!!lolz.

  24. muymuy says:

    ang haba pero naenjoy ko ang pagbabasa…

    ang haba ng hair mo…nasagasaan ata ng pick-up eheheh

    teka lang ha..sa sobrang haba nalito ako sa dalawang boylet sino ba dun yung sinasabing nakasalamin?

  25. AC says:

    sige ayos lang. mukang kelangan mo nga ng matinding paglalabas ng emosyon. at tangena naubusan pala ko ng yosi paano na ang wikend ko shet. napapayosi pa naman ako sa entry mo. hahah!

  26. […] na bagsak pa ang mata ko at talaga namang ang sakit ng ulo ko para magbasa nitong napakahabang ENTRY nya pero talagang nag-effort ako para basahin dahil hinintay ko naman talaga na isulat nya ito (at […]

  27. AC says:

    wala bang GF yang si NDS? tsaka baket naman ganyan si #2? lagi na lang paknight in shining armour ang epek pero butata namn lagi dahil may jowa. awwwww.

    eto panalo, peram ha post ko lang sa aking blog. hahaha.

    “Siguro mas mabuti ang ganito. Kung ano pa ang nakalaan para sa aming dalawa. Ayoko nang malaman.
    Ayokong umasa.
    Dahil mahirap simulan ang mga bagay na mukhang magulo sa umpisa pa lang.
    Hanggang sa muli. ….”

    bwahahhaha! sapul akow!!!
    o ayan kellie ha bangag na bangag na ako kakagaling ko lang sa aking DATE na sinasabi ko sayo nung mgka-YM tayo pero talagang binasa ko itong entry mo dahil hinintay ko nga ito na isulat mo eh. wahahha!😉

    • @AC: di ko alam kung kelan pa sya walang GF. Hindi kami masyadong nakapag-usap kasi palaging sumisingit yung Manang Extra at saka si #2.. palagi nyang kinakausap si NDS.

      sige lang post lang ng post! huwaw.. hindi ito yung pinapa-post mo sa aken actually pero ipo-post ko rin one of these days yung kinukwento ko sa yo sa YM.. masyado kasi akong na-overwhelm sa mga pangyayari kahapon.

  28. Sassy Girl says:

    Whoaaaaa..kelleh! Buti di ka tumambling noh? Diyosa ka, diyosa!!!

    • @sassy girl:sa sobrang overwhelmed ko kanina eh nakalimutan kong itanong kung baket sa PRC website lang lumabas ang pangalan nya ng isang gabing nagtangka tayong hanapin ang pangalan nya sa world wide web.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s