Archive for April, 2009

Manhid.

Posted: April 29, 2009 in emo, Life, usapang lovelife

Wala akong balak magtagal sa internet ngayong araw na to, sinabi ko sa aking sarili habang nagche-check ng email. Pinasyalan ko ang tahanan ng mga aking mga kaibigan at nagbasa saglit pagkatapos ay nag comment at pagkatapos ay matutulog na sana.

Matutulog na sana nang biglan mag-ring ang pesteng SKYPE application.

Tinatawagan ako ng isang kaibigan na taga California. Ayoko sanang sagutin dahil madalas naman kaming nagte-text pero sa bandang huli ay nakonsensya rin ako at sinagot ang tawag.

Bago pa ako bumati ay ito na ang bungad nya agad, “You won’t fucking believe what I came across MY SPACE today!” sigaw nya.

Ang una kong naisip.. TAENA, may MY SPACE pa ba? Huminga lang ako ng malalim pero parang hindi naman nya hinihintay ang sagot ko dahil bigla syang nagsalita, “I sent it to your mail! Open it! Open it! Open your webcam so I can see how you take it! Dali! Dali!,” sabi nya.

“Taena mo ah! Kung makautos ka!” sigaw ko pabalik pero ang totoo ay naintriga rin ako sa kanyang sinasabi kung kaya’t binuksan ko ang webcam at nag- login ako sa aking email account, “Ano ba to?,” tanong ko kunwari ay hindi interesado.

Ngumiti lang sya sa webcam. Yung tipong demonyitang ngiti na para bang nagsasabing “SEE FOR YOURSELF, BITCH.”

“Ano na? Binuksan mo na?,” pangungulit nya.

“Saglet pwede? Nagda download pa eh. Pag porn to taena mamatay ka na,” nakasimangot kong sagot.

Ilang minuto pa ang aking hinintay at sumambulat sa akin ang ilang litrato ng aking nakaraan.

Hindi ako umimik. Tiningnan kong maigi ang mga litrato at napangiti.

“Isn’t it lovely? They celebrated their anniversary in Paris.” sabi ng kaibigan ko, ang tono nya ay nang-aasar.

“Oh ano naman? Maiinggit ako ganun?,” sarcastic ang tono ko.

“Hmmm.. not really. Hindi maiinggit.. It’s more on nanghihinayang,”  demonyitang ngiti ulit, “naisip mo ba kung nagkatuluyan kayo baka ikaw ang nandyan ngayon? Kung binigyan mo lang sya ng chance!,” tapos ay naningkit ang kanyang mga mata, hindi ko alam kung dahil sa naiinis sya o dahil sa tinatakot nya ako.

Napangiti ako.  “Tanga ka ba? Sympre naman nakakahinayang ang palampasin ang chance na makarating ng Paris, engot! At nakakainggit talaga ang magpunta dun para mag spend ng anniversary. Pero kahit kelan ay hindi ako nanghinayang na hindi kami nagkatuluyan.. thus- yan ang reason kung bakit hindi kami nagkaroon ng chance. Ilang beses ko ba tong ipapaliwanag sa yo?”

“Ewan ko sa yo! Babay na.. pinakita ko lang yan,” pagkatapos ay nawala na sya sa webcam at nag-offline.

Napahalakhak ako sa di malamang dahilan.  Ang totoo gusto ko pa syang magtagal ng konti para kamustahin ang mga bagay bagay sa aking ex dahil magkalapit lang sila ng bahay sa States.

Totoo.. gusto kong malaman kung kamusta na sya.  Minsan naisip ko pa nga siyang sulatan sa email pero dahil busy ako ay hindi ko na rin nagawa kahit minsan ang planong ito.

Kung nakita ko siguro ang mga litratong ito years ago, baka nakita nya pa sa akin ang mga reaksyong gusto nyang makita pero subali’t datapwa’t sa mga pagkakataong ito ay wala akong naramdaman kundi NOTHINGNESS.

Pagkatapos ay nalungkot ako sa isang banda….

Sa paraang hindi dahil sa hang-up.. kundi dahil sa isang katotohanang nakakalungkot lang talaga.

Nakakalungkot isipin na may isang taong minsan sa buhay mo ay nagpatigil ng iyong mundo…

Ngunit pagkalipas ng mahabang panahon ay naiwan siya sa mga alaala ng nakaraan.  Nilamon ng kawalan…

Hanggang siya ay nagmistulang pangalan na lang. ..

Haaaaaaaay.. buhay, nakakatawa… nakakasakit… nagpapatuloy ng hindi mo namamalayan.

Advertisements

Happy Ending.

Posted: April 26, 2009 in Life, miarmiar-isms

Alas otse ng gabi ang pinakahihintay na reunion. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, ang reunion na ito ay maraming beses nang naudlot na para bang hinihintay ang pagkakataon kung kailan ako makakadalo. Ang unang dahilan kung bakit ako pumunta ay dahil gusto kong makita ang mga taong minsan sa buhay ko ay nakasama ko sa isang classroom. Ang pakiramdam ko ay habang nilalandas ang daan papasok ng venue ay bumabalik ako sa nakaraan. Ang pinakihihintay na recess time.. lunch time at foundation day.. ang mga bagay na ito ang unang pumasok sa aking isipan.

Natuwa ako.

Ang pangalawang dahilan.. malalaman nyo rin sa kwentong ito.

Dumating ako ng mag-isa. Wala akong nakuhang text message na nagsasabing “SABAY TAYO, HATID NA KITA, PAANO KA PUPUNTA MAG-ISA?”. Well, hindi naman ako pilay. Oo tanga ako sa direksyon pero para saan pa ang taxi? Ang una kong nakita ay mga kaklase kong hindi ko na matandaan ang pangalan. Ang mga natatandaan ko lang ay yung mga kasama ko mula elementarya hanggang high school.

Nakita ko si NDS at sya ang una kong nilapitan dahil siya lang ang nakakausap ko nang mga nakaraang araw. Umupo ako sa table nya. Hindi ko inusisa pa kung sino sino ang mga nasa ibang table. Hindi naman ako tatakbo para sa konsehal, baket pa? Ang reunion na ito ay hindi pormal. Walang entrance fee at sa bahay lang ng isang kaklase kong uhugin ang venue. Maraming tao na hindi ko rin kilala sa totoo lang, mga bitbit ng kung sino sinong skwater na hindi makaalis ng bahay ng mag-isa. Kumaway sa akin ang iba kong kakilala pero hindi naman nila maiwanan ang mga kausap nila na mga kaklase ko din dati. Pero sympre ang entry na ito ay hindi naman para sa kanila kaya’t ano pang silbi nang pagbanggit ko sa kanila kung hindi naman ito ang gusto nyong malaman? Magsasayang lang ako ng ispasyo.

Umupo ako sa tabi ni NDS na nuon ay may mga katabi ring tropa nya nung elementary kami.

NDS: Mag isa ka lang?

K: Yep. Mukha lang akong dalawa pero mag-isa lang ako.

NDS: Hahahaha. Hindi ah. Grabe ka naman. Ok nga eh, payat ka sa suot mo.

K: Salamat, huh? Kuha mo nga akong tubig (pabiro kong utos)

Kumuha naman ang uto-uto dahil sinalinan nya ako ng tubig sa baso mula sa isang pitsel na sobrang cliche na sa mga reuniong gaya nito.

Klasmeyt extra na nakasuot ng maong na parang SPANDEX: Kellieeeeeee… laki mo na!

Klasmeyt extra na may malaking headband ala GOSSIP GIRL: Nag change ka na sobra. Nakikita ko yung profile mo sa FRIENDSTER tapos parang di ako makapaniwala ikaw na yun.

Aba ateh.. ano naman ang gusto mong palabasin? Na mukha na akong tao ngayon? At hindi na ako kasing itim ni Bale? Kung makapag comment ka parang matino ang headband na suot mo ah! Dahil first time lang nila akong nakita… pinigilan ko ang humirit. Ito ay para sa ikabubuti ng organizer para hindi naman masayang sa wala ang kanyang pinaghirapan na kami ay tipunin at lasingin sa impluwensya ni San Miguel ng gabing iyon. Sa madaling salita, pinigilan ko ang aking sarili para sa ikabubuti ng lahat kahit na gustong gusto kong tukuyin ang spandex at headband na nauso pa nung panahon ng Martial Law.

NDS: Kilala mo pa yun? (tinuro nya ang isang babaeng palaging kinukuhang MUSE nung elementary pa lang kami. Kilalang kilala ko ang babaeng yun dahil karibal ko sya sa atensyon ni #2 noong unang panahon)

Kung hindi lang madilim ang venue ay sa malamang na nakita niyang naningkit ang aking mga mata nang makita ko si 2 na katabi ni MUSE at nag uusap na masayang masaya na para bang sila lang ang tao sa sanlibutan.

Naalala kong bigla ang mga text messages na natanggap ko ng mga nakaraang araw, “SLEEP WELL,” “I WANT TO SEE YOU IN THE MORNING,” “CAN WE HAVE COFFEE AFTER YOUR SHIFT?,” “HOW’S YOUR BRUISES? MAYBE WE SHOULD GO TO THE DOCTOR FOR A CHECK UP,” “ARE YOU EATING WELL?,” “EM I FREAKING YOU OUT?,” At iba pang mga pagkakataong nag-effort sya para lang makita ako. Pero sa isang banda ay kinalma ko ang aking sarili dahil ang totoo naman ay magkaibigan lang kami at wala kaming ginawang nagsasabing tinawid namin ang konsepto ng higit pa sa magkaibigan.

Bumaling ako kay NDS.

K: Oo naman. Kilalang kilala ko kaya yun. Super crush ni 2 yun db? Kahit na nung nagtransfer yun nung elementary pa lang tayo eh pangalan nya na ang palaging sinusulat ni 2 sa mga slumbook nung mga kaklase nateng mahilig maglaro ng dyakiston. (sabi ko pagkatapos ay pinunasan ang pawis sa aking ilong.. yeeeeeeeees! may dala akong pocket tissue ngayon)

NDS: Hahahahaha! Nakakatawa naman yung description mo. Natatandaan mo pa yun?

K: HAHHAHAHHAHA.. sympre meron akong naitabi na slumbook.

NDS: Kainis naman to.. baket di mo dinala?

K: Aba eh baket ano ba to? Pagpupulong ng mga kamag-anakang namatayan sa gera?

NDS: Hahahaha.

Klasmeyt extra na nakasuot ng maong na parang SPANDEX:  BEEER! One for you.. (abot ng bote sa akin), one for me… (lagok sa bote nya).. one for him (abot kay NDS ng bote)

K: GOW GOW POWER RANGERS! (sigaw ko dahil hindi ko na kayang palampasin pa ang kanyang spandex na humahapit sa buo nyang pagkalalaki) At dahil naman lasing na sya ay hindi nya na naintindihan ang mga sinabi ko bagkus ay tumalikod at nagtatalon kasama ang iba pa naming mga klasmeyts na nuon ay nasa impluwensya na ng alak.

Natawa ako sa sinabi ko at halos mabitawan ni NDS ang bote ng alak na kanyang hawak hawak dahil walang humpay syang tumatawa. Ipinatong nya ang kanyang braso sa silyang aking inuupan. Hmmmm.. si kuya ay umi-istayl na parang nasa sinehan lang kami. Dahil sa komportable naman ako kay NDS at kahit minsan ay hindi ko sya naisipan ng mga bagay na makamundo, ay nagdesisyon akong isandal ang aking likuran sa silyang aking inuupuan habang lumalagok ng bote ng San Mig light.

NDS: Ambilis ng panahon grabe.. dati pumupunta lang ako sa bahay nyo para maghatid ng notes. (tumigil na sya sa pagtawa at hawak na hawak na nya ang bote ng San Mig Light na para bang hinahanda ang sarili sa entrada ng pagkukuwento ng kanyang buhay, greatest dream, goals in life at iba’t iba pang usapin na madalas mapag usapan sa mga reuniong kagaya lang nito)

K: Honga! Tuli ka na ngayon, buuuuuuuuuy! (alam kong hindi ko dapat hinirit yan ngunit may mga pagkakataong sadyang lumalabas sa ating mga bibig ang mga bagay na nakalimutang iproseso ng ating mga utak)

NDS: Ano ka! Tuli na ko bago pa kita maging klasmeyt no!.. ay.. (isip pa si kuya) Oo! Tuli na ko nun, ang yabang mo ah! (sabay kurot sa balikat ko)

Naks! One point para kay NDS. Zero. Nada. Zilch. Para kay 2. Marami syang nakwento habang ako naman ay lumalagok ng alak.

Minsan ay napapatingin ako sa pwesto ni 2 na nuon ay nakikipagkwentuhan pa rin sa grupo nila MUSE. Napansin kong hindi sya umiinom at wala syang hawak na kahit ano sa kanyang kamay maliban sa cellphone sa kanang kamay. Naisip ko sa gitna ng pagkukwento ni NDS ng kanyang lablayp.. ano bang nangyari? Sa mga lumipas na araw na palagi kaming magkausap sa cellphone at text..lumipas ang kahapon na bigla na lang syang hindi nagparamdam at ako naman ay hindi rin nagtext, ganun naman ang magkaibigan di ba? Kailangan ko bang magpaliwanag? Baket kailangan? Umasa ba akong ite text nya ako at sabay kaming pupunta dito? Hindi naman dapat ganun di ba? Pero baket parang sa liit ng venue na ito ay parang biglang lumaki ang mundo at hindi man lang kami nagkatamaan ng paningin para iparamdam na nakita namin ang isa’t-isa? Bakit kailangan na mainis ako sa kanya kung kausap niya si MUSE? Naiinis nga ba ako o naghahanap lang ng atensyon? Paano kung sa kabila ng lahat ng mga napag-usapan namin ay ako lang pala ang nakakaramdam ng ganito? Kailan ko ba magagamit ang mga linya ni Sharon Cuneta sa pasan ko ang daigdig?

Joke lang…

Dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin at kung ano ang tama kong maramdaman ay minabuti ko na lang makinig kay NDS at lumagok ng isa pang bote ng alak. Paano nga kung ako lang ang nagbigay ng kulay sa mga bagay na natural lang nyang ginagawa sa mga kaibigan nyang babae? Paano kung nalulungkot lang sya at ako lang ang gusto nyang kausapin ng mga lumipas na araw? Walang ano ano ay nainis ako sa aking sarili dahil katulad ng maraming beses na nangyari sa buhay ko.. nag-assume na naman ako ng walang humpay. Peste, bulong ko sabay tayo. Nakalimutan kong nagku kwento pala si NDS at para lang syang napaso ng sigarilyo ng bigla akong tumayo.

NDS: San ka punta?

K: Dun (turo ko sa kumpulan ng mga umiinom kong kaklase, mukha kasing nagtitimpla sila ng hard drinks.. sa kabila ng aking pag-iisip ng mga bagay na hindi ko mahugutan ng sagot ay naisip ko pa ring baka lumaki ang tyan ko kung beer lang ang aking lalagukin)

NDS: Samahan kita. (sabi nya, tumayo rin. Aba gusto nya pa talaga sigurong ituloy ang telenobela ng buhay nya)

K: Tara (hinawakan ko sya sa braso habang naglalakad)

Klasmeyt extra na nakasuot ng maong na parang SPANDEX: (sinalubong nya kami na may hawak na jigger sa kamay) Ma—ca—raegg! (sigaw nya sabay yakap sa akin) Nandito ka pala! Kanina ka pa? (basag na si Kuya pero humu-humor pa rin)

NDS:  You’re uber drunk. Kaya mo pa ba mag-drive? (concern ang boses)

Klasmeyt extra na nakasuot ng maong na parang SPANDEX: Taena naman ako pa???! Maaaaaaaan.. I’m the shit, man! (slur nya)

K: Bayaan mo sya (bulong ko kay NDS) Huwag mong hipuin ang kanyang pantalon at baka lusubin tayo ng mga kaibigan ni Professor X.

Klasmeyt extra na nakasuot ng maong na parang SPANDEX: (hindi nya naririnig ang lahat ng pandadaot ko dahil nang matapos nya akong yakapin ay tinutuklap nya ang label ng San Mig Light sa kanyang bote): Oh pare! Si Kellie ah.. di yan uuwi ng hindi umiinom ng 9 shots pota! Ihain nyo na yan!(marahan nya akong tinulak sa kumpulan ng mga klasmeyts naming nag-iingay sa pagdating ko habang hinahanda ang 9 shots)

K: Powtek, walang tulakan, Shaider! (sabi ko kay SPANDEX klasmeyt dahil nakasuot ako ng stilettos) O ano na? 9 shots? Takte.. tagal na rin akong di nakakainom nyan! Bring it on, baby! (mabigat na rin ang ulo ko ng mga sandaling yun, hindi ko nga alam kung yan talaga ang sinabi ko o puro mura lang habang kinokotongan ko silang lahat)

Lahat ng mga sunog baga in CHORUS: GOW GOW GOW! (sigaw nila nang damputin ko ang jigger at simulan ang unang shot)

K: Para sa ating lahat! (sigaw ko naman sabay palakpak silang mga lasinggerong tirador ng shoktong. Dinampot ko ang pangalawang shot) para sa mga teacher nating TIBO na ngayon ay tibo pa rin (sabi ko matapos lagukin ang pangalawang shot) Para sa lahat ng mga klasmeyts nateng tumae at umihi sa salawal nila habang may klase, TAENA NYO FRIENDS! (sigaw ko ulet matapos ang pangatlong shot) para kay Manong Jaimeng ngo ngo na hanggang ngayon ay ngo ngo pa rin ngunit may pamilya na! (nagtatawanan ang lahat at nag iingay habang nilalagok ko ang pang apat na shot) Para kay Mang Roger na mula noon hanggang ngayon ay photographer pa rin ng school naten, Manong Roger para sa yo to kung nasan ka man (hiyawan ulet ang mga ungas sa panlima kong shot) Para sa lahat ng mga pakeng shet kong MATH TEACHERS! (slur ko habang tinatapos ang pang anim) Para..

Hindi ko natuloy dahil may humawak ng kamay ko nang itataas ko na ang pang-pito kong shot. Hindi ako lumingon at tinabig ko ang kamay ni NDS. Hinawakan nya ulet ang braso ko at hinawi ang buhok sa aking mukha, lumingon na ako para sawayin sya at para sabihing gumawa sya ng sariling eksena para bumenta sa mga sunog baga. Lahat ng espiritu ng alak ay parang biglang sumingaw sa aking katawan. Hawak hawak ni 2 ang braso ko.

2: Kel, you might throw up, please. (bulong nya)

Klasmeyt extra na nakasuot ng maong na parang SPANDEX: Wui, relasyon? Bayaan mo sya, tol. Kaya nya yan.. si Kellie pa pinaiyak nga ako nyan dati nung tinago nya yung Coleman ko.

Nagtawanan ang lahat. Ngumiti lang si 2 sa kanilang lahat pero pasimpleng tumingin sa kin.

2: Kel, let’s go (bulong nya ulet)

K: Wait lang.. May ARTS CLUB pa! (sabi ko marahan na tinatanggal ang kamay nya sa braso ko) saka yung mga kadete.. saka yung–

Klasmeyt extra na nakasuot ng maong na parang SPANDEX: Si Manong Orly na nagbebenta ng FUNCHUM sa canteen! (pagtutuloy ni SPANDEX boy)

K: Oo nga! (sigaw ko tinataas na ang pampitong shot)

2: Last na yan.. last na yan, huh?(bulong nya ulet) Baket ba pinabayaan mo tong ganito? (naiinis nyang tanong kay NDS na nasa tabi nya na nuon ay nakikitawa lang sa mga klasmeyts kong nagpapainom ng 9 shots)

K: Ano ka ba, nagawa ko na to dati saka ano ba? May Book Lover’s Club pa!

2: Fuck, Kel. Is this how you want to play it? (naiinis nyang tanong pero mahinang mahina lang ngunit dinig na dinig ko sa kabila ng umaalingawngaw na ingay ng aming mga kaklase)

Klasmeyt extra na nakasuot ng maong na parang SPANDEX:  Tsong, dalawa na lang pare. Bayaan mo na sya.

2: Hindi pare, ihahatid ko kasi to eh. (sarcastic na sya. Kinabahan ako.)

K: Oh wait, wait.. nahihilo na ko.. mamaya ulet. (inabot ko ang jigger kay SPANDEX boy)

Wala naman masyadong nakapansin ng eksena na to maliban sa mga malalapit naming kaklaseng nasa kumpulan na nuon ay lasing na lasing na at walang pakialam sa mundo. Lumakad ako palayo, nakahawak sya sa braso ko.Aba naman sympre pa, malaki akong babae ngunit marunong din akong mag-inarte, huwag nyo akong husgahan.

K: Baket ba? Paano mo ko nakita? Eh hindi naman kita nakita kanina ah! Nasan ka ba? (naiinis kong tanong)

2: (binitiwan nya ang braso ko) Hindi mo ko nakita kasi si NDS ang una mong nilapitan… pero ikaw kitang kita ko. (pabalang ang tono nya habang muling hinahawi ang buhok sa aking mukha pero hindi ako tinitingnan)

Hinalughog ng aking mga mata ang paligid. Nagulo ulet ang buhok ko pero dead-ma lang. Hinanap ko si MUSE pero hindi ko nakita. Tumingin ako sa kanya.

K: Eh potek. So ngayon nilalapitan mo ko dahil wala ka nang kinakalantari? (naiinis kong tanong, aba napanood nyo na ba ang commercial ng San Mig Light ni Dingdong Dantes at Marianne Rivera? Itong-ito lang yun!)

2: (kumunot ang noo) What the hell are you talking about? (tanong nya sa ken hawak ulet sa braso ko)

K: Fuck, 2. Let’s not do this. Stop acting like this. I’m not your girlfriend. (napipikon kong sagot, isusunod ko sana ang mga salitang BITIWAN MO AKO! pero parang gumagawa naman kami ng porn kaya naisip ko na wag na lang sabihin)

Klasmeyt extra na may malaking headband ala GOSSIP GIRL: Wui guys (out of fucking nowhere, siningit sya ni GOD sa eksenang ito) are you guys ok? May food pa dun.(turo sya sa di kalayuan)

2: (pinilit ngumiti pero hawak pa rin ang braso ko) We’re fine. We better get going anyways, to get coffee.

COFFEE BA KAMO?? AYOKO!AYOKONG BUMALIK SA ULIRAT.

Klasmeyt extra na may malaking headband ala GOSSIP GIRL: (tango lang) Ah, ok. (bumaling sya sa kin) You look wasted, girl. Coffee ka na nga.

MUSE: Uwi na kayo? (isa pa to, bigla ring sumulpot hindi ko alam kung san nanggaling. Ngumiti sya sa ken pero si 2 talaga ang tinatanong nya)

2: Yeah. (smiles) She needs coffee. O nga pala you guys know each other? (tingin sya sa ken tapos kay MUSE)

MUSE: I can’t remember you. I transferred kasi nung Grade 3 ako eh. What’s your name nga? (coniotic nyang tanong)

K: Errr.. (nag-iisip ang lasing) Valentina. (sagot ko sabay smile)

Natawa si 2 pero dahil hindi naman alam ni Muse ang pangalan ko ay tumango lang sya.

MUSE: Eh baket uuwi ka na? (tanong nya ulet kay 2) You’re not going to wait for that.. sino nga that girl? Kellie? Natigilan ako sabay napakunot noo kay 2.

2: (smiles) Actually, this is Kellie (hinawakan nya ang kamay ko pero hindi sya nakatingin sa akin kay MUSE pa rin) Sorry, she’s a bit drunk.

Tumawa si MUSE.

MUSE: Ah, ok.

Pumalag ako sa holding hands moment namin at ngumiti kay MUSE.

K: Sorry, I’m Kellie. (sabay inabot ko ang kamay nya at nakipag shake hands) It’s really nice to see you again. Akala ko kasi if I say another name, you’ll object. Turns out you really don’t know me.(palusot lang to dahil ang totoo hilong hilo na ako at parang sobrang surreal ng paligid)

MUSE: (naguguluhan na mukha) Ah, ok. (ateh.. yan lang talaga ang dialogue mo sa scenariong ito?)

2: She’s really funny and smart when she’s in her right mind (sabi nya kay MUSE at muling hinawakan ang kamay ko pero hindi pa rin nakatingin sa kin) Anyway, we better go. I have to drop her home.

MUSE: (smile) You better. Nice seeing you, Kellie, (saglit nya akong tiningnan at tapos ay bumaling na kay 2) You too. Text text na lang.

2: Ok. Ingat ka. (pagkatapos ay tumalikod na si MUSE at naiwan kaming nakatayo malapit sa gate na may karatulang nakasabit: KEEP THE DRIVEWAY OPEN)

K: Alam mo.. kung aalalayan mo ang taong lasing.. hindi sa kamay ang hawak. (tumingin ako sa kamay naming dalawa)

2: Alam ko. Pero hindi naman kita hinahawakan sa kamay dahil lasing ka.

K: Oh baket? Dini-display mo ba ko sa crush mo dati? (nahiya ako pagkatapos sabihin yan pero mas nakakahiya naman kung sisigaw ako ng PANAGUTAN MO AKO, OH BABY!)

2: Let’s not do this here. (marahan nya akong hinila, hindi pa rin binibitawan ang aking kamay palabas ng gate)

Hindi ako kumibo. Walang nagsasalita hanggang makarating kami sa sasakyan nya. Pinagbuksan nya ako ng pintuan. At nang makaupo ako ay tiningnan nya ako sabay dumukwang at sinit-beltan ako na para bang mababasag ako kapag sinubukan kong huminga ng mga 2%. Sinarado nya ang pinto pagkatapos ay umakyat sa driver’s seat. Binuksan nya ang makina. Napapikit ako sa hilo. Hindi pa rin kami nagkikibuan. Nagsimula syang magmaneho.

K: You don’t really have to do this. I can go home from here. (sabi ko, inaayos ang mahigpit na seatbelt)

2: Shut up, Kel. You’re driving me crazy. (sabi nya nakatingin sa kalyeng nasa aming harapan)

K: No, you shut up. Paanong crazy? Is it because of how I acted kanina? (nararamdaman kong umaakyat ang lahat ng ininom ko sa aking lalamunan)

2: No. Stop it. You’re not making any sense. (nakatingin pa rin sa kalye)

Hindi ko rin maintindihan kung baket ang batuhan namin ng mga salita ay parang naghihigitan lang kami ng tali sa magkabilang dulo.

K: Alam mo ang bastos naten. Hindi man lang tayo nagpaalam dun sa nag-organize. (sabi ko out of the blue dahil yan ang unang pumasok sa isip ko)

Napangiti sya habang nagda drive.Nalungkot ako. Naisip ko, ganito kaya sya sa girlfriend nya? Hindi ume-effort pero sobrang sarap nyang tingnan. (Sympre naman, may tama na ako ng alcohol. Ano pa ba ang ini-expect nyong iisipin ko)

2: I just want to get you out of there. I can’t stand seeing other guys around you. (Hindi talaga ako maganda pero sa mga sandaling yun ay nagmo moment akong kamukha ko si Marianne Rivera.. at no! Hindi ako fan ni Mariane Rivera.Nag left turn sya sa may malapit na Starbucks paglabas ng village)

K: Talaga bang pagkakapehin mo ako? Naniniwala ka ba dun? Na magiging sober ako after drinking coffee?

2: Oo, pero mas gusto kong maniwala na kasama kita ngayon at makakausap kita ng matino (sabay hininto nya ang kanyang sasakyan sa may parking lot) Wag kang bababa, hintayin mo akong buksan ko ang pintuan.

K: Baket? May wheelchair ba sa likod ng pick up mo?

2:(napailing) Ganito ka ba talaga? Iniingatan kita. Ayokong madapa ka pagbababa mo. Alam mo kasi medyo mataas yung sampahan ng sasakyan ko.. napansin mo ba? (sarcastic sya habang tinatanggal nya ang seatbelt nya)

K: Ah, ok. Thanks, huh? (sarcastic din ako)

2: You’re welcome, 9 shots. (seryoso pa rin talaga sya pagkatapos ay lumabas na sya ng sasakyan at binuksan ako ng pintuan)

K: Hi (sabi ko, nakangiti nang pagbuksan nya ako ng pintuan) Yung seatbelt ko ikaw rin magtatanggal, sir? (pang aasar ko lalo)

2: (nakatingin sa ken) O sige, tanggalin mo. (hindi pa rin ngumingiti)

Sinubukan kong tanggalin pero ayaw magkalas ng fucking shit na seatbelt. Nararamdaman ko ang pawis sa aking ilong. Naiinis akong tumingin sa kanya.

K: Eh ano ba kasing ginawa mo dito? Hindi naman to ganito nung last week ah! (pagrereklamo ko)

2: Oh ano? Tatanggalin ko ba o dito ka na lang? (papalapit sya sa akin)

K: Tanggalin mo, pakshet. (angil ko sa kanya)

2: (lumapit at dumukwang sa harapan ko) Alam mo kasi nagpalit ako ng seatbelt, (sabi nya habang tinatanggal, naaamoy ko ang pabango nya) dahil nung last time na hinatid kita, napansin kong maluwag at ayokong may mangyari sa yo habang nasa loob ka ng sasakyan ko, ayan! (mabilis syang lumayo sa ken nang makalas nya ang seatbelt)

Nakahinga ako ng malalim. Nagkatinginan kami.

2: (inabot nya ang kamay para alalayan ako pababa) O, hindi kita girlfriend, miss, pero gusto ko lang na makababa ka ng hindi ka nalalaglag kaya pwede ko bang hawakan ang kamay mo? (pero inabot ko na ang kamay nya bago pa sya makatapos sa kanyang pagsasalita)

K: Salamat. Napakasaya ko. (sabi ko nang makaapak ang aking mga paa sa sahig ng kalye sa wakas)

Binitiwan nya ang kamay ko at naglakad kami papasok ng Starbucks. Nang makarating kami sa lugar ng mga barista ay katulad pa rin ng dati, nagpapa-cute ang mga babae sa harapan nya at katulad pa rin ng dati inorder nya ang madalas naming binibili ng mga nakalipas na araw. Naghintay kami saglit pagkatapos ay lumabas na.

All smiles pa rin ang mga babaeng haliparot sa paligid pati na ang mga ibang babaeng nakapila at umoorder ng kape. Gusto kong uminom ng kape sa labas habang nagyoyosi pero dahil sa wala syang imik ay sinundan ko lang sya papasok ng sasakyan. Katulad ng madalas na nangyayari, sinumulan muli namin ang litanya ng pagpanik panaog sa kanyang sasakyan. Tahimik naming hinigop ang aming mga kape. Bumabalik na ang aking ulirat at sa aking pakiramdam ay nararamdaman nya na unti unti akong sinisingawan ng espiritu ng alak sa aking katawan.

2: Ok ka na ba? (tanong nya pero muli, nakatingin sa kawalan)

K: (hinga ng malalim. shet hindi na nga ata ako lasing) I guess. I guess ok na ko.

2: Pwede na tayong mag usap ng hindi ka galit?

K: Hindi naman ako galit eh. Naiinis lang ako baket ganito tayo.

2: (napangiti) Magulo? Yun ba yun?

K: Siguro. (higop ng kape)Ang weird mo kasi eh. Akala ko kasi db? Ok tayo? Friends ganun. Pero baket all of a sudden parang may off sa ating dalawa?

2: (tagal sumagot hindi ko alam kung dahil ba sa inuubos nya ang kape nya o dahil sa wala syang maisagot) May off naman talaga eh. Parehas natin nararamdaman yun eh. Wait lang, may kasabay ka ba pumunta dun kanina?

K: (iling) Mag isa lang ako. Akala ko kasi sabay tayo eh pero hindi mo naman ako sinabihan so I guess baka may importante kang pinuntahan.

2: Wala akong importanteng pinuntahan. To be honest, ayoko talagang tumuloy. Pero nakakompormiso na.. so tumuloy na ko. Nasaktan akong bigla. Naramdaman kong tumaas ang lahat ng dugo ko sa ulo.

K: So dapat pala hindi na matutuloy tong usapan na-plano nateng pag-uusap. Ganun pala eh, tingnan mo nga naman.. naniwala akong seryoso kang gusto mo akong kausapin. Dapat sinabi mong joke para tumawa ako. (ngumisi ako at napailing)

2: (seryoso syang tumingin sa kinauupuan ko) Ang problema kasi sa yo, Kel. Mahilig kang mag-assume ng mga bagay na against lagi sa yo. Palaging ikaw. Palaging masama laban sa yo. Palaging ganun.. (sabay tingin sa kawalan)

K: Eh kung hindi mo ipapaliwanag, hindi ko maiintindihan. Ang hirap kasi sa yo, you always leave me hanging.

2: Ayokong tumuloy, fine. (napahawak sya sa manibela) Ayoko kitang kausapin dahil natatakot ako. Natatakot ako na mawawala ka kasi ganun naman db? Hindi mo kayang mag take ng chance dahil natatakot ka, so sa bandang huli, hindi pa rin ako ang pipiliin mo. Ayokong marinig. Ayokong i-confirm. Gusto kong matapos ang araw na to na hindi kita nakikita kahit na it’s driving me crazy not to see you.. dahil alam ko pag nagkita tayo ngayon.. ito na ang last. (sabay hugot sya ng malalim na hininga)

K: (napailing ako) Binabato mo sa akin ang sitwasyon mo. Wag kang ganyan. Di ba may girlfriend ka rin? Naisip mo ba kung anong nararamdaman ko? (ito na ang simula ng pagbuhos ng umaapaw kong emosyon)

2: (nakakapit sa manibela hindi ko alam kung nasan na ang kape nya) This might sound really bad. This might really freak you out but this is the truth. I broke up with her after Easter. Hindi ko sinabi sa yo dahil hindi mo ko tinanong kahit kelan, ayokong sabihin sa yo until now dahil ayokong magkaroon ng speculations na iniwan ko sya for another girl. Its going to hurt me that people might think that I dumped her for another person, pero ganun talaga eh, hindi ko kayang i-control yung mga ganung bagay. I wish I can but I can’t. There are other issues bigger than that why we broke up, Kel and I’m sorry but I will not discuss anything about her because I respect her. She was once a special person in my life. And for what its worth, I will still break up with her kahit hindi tayo nagkita. Nagkataon lang talaga, that when we reached the end of the line.. nagkataon lang na nakita kita. (tumingin sya sa kin na parang naghahanap ng confirmation na naiinitindihan ko ang lahat ng sinabi nya pero at that point of time iba ang naglalaro sa aking isipan kaya hindi ko nagawang ipakita sa kanya ang understanding na hinahanap nya)

K: Great. Rebound? (tanong ko, naiinis)

2: No, God, no. Hindi ako ganun. (nakita ko na nasaling sya sa sinabi ko dahil grabe ang bakas ng objection sa mukha nya) Wala akong naging ibang babae, siya lang. Hindi ako nagco-commit kung hindi ko nakikita na long term. It’s a waste of time, don’t you think?

K: Pinag-isipan mo ba lahat ng sinabi mo bago mo ko kinausap ng ganito?

2: Every god forsaken day, Kel. Inisip ko pero hindi naman nare-rehearse yung feelings di ba? Not until you get to the point that you have to cross the bridge. I’m saying all of these because I don’t want you to feel pressured that you have to return something back. Wala akong hinihintay na kapalit. (humarap na sya sa kin, ipinatong ang kamay sa ulunan ng upuan na aking inuupan) Alam ko maghihintay ako sa wala pero paano ko malalaman na wala kung hindi ko susubukan na hintayin ka?

K: (napailing ako ulet) Ayokong mapagod ka. Ayokong ilagay kita sa ganitong sitwasyon. Ayoko nang may naghihintay sa kin dahil hindi ko alam kung san matatapos.. o kung matatapos pa. Ayoko kitang saktan.. ayokong magkaroon ka ng mahabang hang-up sa kin and most of all, I don’t want to go through all of these again with you telling me that I lead you on.

2: (hinga ng malalim) I know that you’ll say that. Alam ko kasi diretso ka talagang mag-isip and I admire you for that but please, Kel, wag mo naman bigyan ng ending kung ano ang dapat kong maramdaman.

K: Ayoko tong sabihin sa yo dahil alam ko masasaktan ka at malulungkot ako. Pero wala kang hihintayin sa kin, 2. I’m sorry. I wish I can say it in another way na hindi kita masasaktan pero gagawin ko to dahil ayokong saktan ka in the long run. We can be together, we can still see each other.. pwede naman yun db? Dahil may paraan pero at the end of the day, I still belong to someone else. And I don’t want to put you through all of that. Unfair. (parang nauupos akong kandila habang sinasabi ko yan)

2: (tumango sya) I know. I know.

K: I’m really really sorry.

2: Don’t say that as if you are saying goodbye.

K: Are you telling me that after everything that you heard, you still want us to be friends? Its a long process, 2. You can’t just leave this all behind and act as if nothing happened.

2: Baket ikaw ang nagdidikta ng dapat kong gawin? You don’t know everything, Kel. Hindi mo alam ang lahat. (Kailangan talaga may translation sa dulo? Pero sympre hindi ko na yan sinabi dahil nalulungkot ako.)

K: You just don’t deserve me.

2: You don’t have to say all of that. I know where you’re going. It’s clear.. it has always been clear from the start. You don’t need to finish everything that you have to say. I get you, Kel. Hinawakan ko ang kamay nya.

K: This will pass. It will get easier as time—-

Hindi ko natuloy dahil bigla nya akong hinalikan. Tumigil ang mundo ko, ang pakiramdam ko nagulo ang aking train of thoughts nang panandalian. I pulled away.

2: I know that you are ending this. But I like to end it this way… in my mind, I’d like to believe that we have our happy ending. Kahit saglit lang.

Magsasalita sana ako pero binuksan nya na ang makina. Hindi ko na tinuloy dahil gusto ko syang bigyan ng happy ending sa saglit na nagkasama kami.

Ayoko nang dagdagan pa ang mga GRAY AREA sa buhay ko. Ayokong muli akong lamunin ng kalungkutang hindi mo maiintindihan hangga’t hindi mo naramdaman. Ayoko na ng mga ganung moments.. ayoko nang maghintay sa mga pagkakataong mananatiling isang SUNTOK SA BUWAN.

AT higit sa lahat… ayokong maghintay sa mga bagay na mananatiling WHAT IF lang… o sa mga bagay na alam mong malabo pero walang pagod mong hinahanapan ng paraan para iyong maabot.

Ayoko nang mapagod ulit.

At pinakahigit sa lahat… Ayokong iparamdam sa iba ang mga bagay na katulad ng ganito.

Natapos ang gabing yun na hindi na kami muling nagsalita pa. Hinawakan ko ang kanyang kamay hanggang sa marating namin ang aking bahay. Bago ako bumaba ay niyakap ko sya ng mahigpit at sinabi kong palagi syang mag-iingat. Wala syang sinabi maliban sa subukan ko raw maglakad ng hindi nadadapa dahil sa tuwing nasasaktan ako ay nag-aalala sya.

Ito na ang huling entry ko para kay #2.

Dahil sa kabila ng mga nakakatuwang nangyari sa aming dalawa, pag ibinaba na ang telon ng aming munting dula-dulaan… all we’ll ever have are chances.

Hindi ko na sya muling babangitin sa blog na ito dahil ito lang ang tanging paraan na alam ko para matupad ang aming HAPPY ENDING.

BASAG.

Posted: April 23, 2009 in daot, Life, miarmiar-isms

Gusto kong magpasalamat sa mga kaibigan kong mahilig tumambay sa aking blogsite.

Humihingi ako ng paumanhin sa aking mahabang pananahimik. Ang buhay lablayp ko ngayon ay pansamantalang huminto sa isang sulok ng katahimikan. Ako ngayon ay nabubuhay para mag-trabaho lamang. Tanong nga ng kaibigan kong minsan ko lang nakikita ngunit madalas nagpaparamdam, “Kellie, wala ka na namang emosyon? Aba eh.. good news! Ibig sabihin nyan tapos na ang PMS moments mo. Inuman na to!”

Unang una, matagal akong hindi nakapagsulat dahil nadadalas ang aming mga reuniong pangka mag-anak.  Malapit na kasing tumulak ang aking pinsan sa abente-otso upang magtrabaho at magpunyagi bilang isang NARS sa bansang Europa. At dahil birhen pa ang pinsan ko, (yun ang sabi nya), isang linggo akong nanalangin na sana nawa ay hindi sya maialay sa mga aswang ng London. Sympre pa, mawawala ba naman sa mga reunion na ito ang mga tiyahin na mahilig manita ng mga nag-iingay na pamangkin ngunit halata namang malakas syang tumawa sa tuwing naglalaro ng mahjong. At ang mga lola na tipong dudunggulin ka ng kamay kapag nakalimutan mong manuhan. At ang mga cool na cool kong mga tiyuhin na kung pumorma ay parang si Michael J. Fox lang sa BACK TO THE FUTURE. Lahat sila ay present. Lahat sila ay nagtatanong.. “Kamusta na ang NOBYO mo?”, “Nasaan na ang bata mo?”, “Kailan ka lalagay sa tahimik?,” at kung ano ano pang mga katanungan na tumutukoy ng siglong kanilang kinalakihan. Gusto ko nga itanong sa isa sa mga uncles ko kung nanunuod pa rin sya ng BOLD pero baka hindi pa rin sya nakaka get over kay MACGYVER kaya hindi ko na sya binalak tanungin pa dahil mauuwi na naman ang lahat sa usapang NUTRIBAN, WONDER WOMAN, KNIGHT RIDER, BAYWATCH at HIGHLANDER.

SA KASAL NG ISANG DULONGBINTI

SA KASAL NG ISANG DULONGBINTI

Nanaginip ka na ba na nalulunod ka sa umaapaw na papel at ink cartridge? Ito ang pangalawang dahilan kung bakit matagal akong hindi nakapagsulat.  Nanaginip ako na hinahabol ako ng isang MANSTER KOKONGBAN sa sobrang pagsubsob ko sa trabaho. Halos wala na akong oras sa lahat ng bagay. Nagdidikit dikit na ang buhok ko sa sobrang stress. Alam kong masama ang ginagawa ko, ngunit katulad lang din ng usapang lablayp, may mga pagkakataon talagang kakainin ang oras mo ng trabaho na halos wala ka ng lakas na mag-emote at mag-isip ng ibang bagay maliban sa pagtulog. Sa sobrang stressed ko nung Lunes ay sinubukan kong matlog sa aming sleeping quarters ngunit sa kasamaang palad ay pinalibutan ako ng dalawang gigantic whales na kung maghilik ay parang namamayagpag na steamboat lang sa karagatan, kung kaya naman ay minabuti kong tumayo na lang at magtrabaho ulit, ayoko na kasing managinip pa muli na hinahabol ako ni Kingkong.

Ang pangatlong dahilan ay pagiging abala sa pag-aayos ng mga papeles. Marami kasi akong requirements na kailangang isumite para sa isang planong matagal ko nang inaasam na magkakatotoo. Kung ano ito.. saka ko na sasabihin.

Sa sabado ay magkikita kami ni Number 2 para dumalo ng isang class reunion. Hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari pero ipinapangako kong isusulat ko ang lahat ng aking matatandaan sa araw ng Sabado. Wala akong planong lumihis pakaliwa dahil sa totoo lang ay masaya naman ako talaga sa kung anong buhay meron ako ngayon. May mga bagay lang talagang kailangang present ka pag nagtatapos dahil isa itong pagpapatunay na ang lahat ng bagay na nangyayari ngayon ay totoo. Gusto ko lang klaruhin na ang pakikipagkita ko sa nasabing tao ay para sa kanya at hindi para sa akin. Hindi rin ako nagpapaliwanag dahil guilty ako, hindi ako mahilig magpaliwanag sa mga bagay na minsan ay ako lang ang nakakaintindi, ngunit sa pagkakataong ito ay gusto kong magpaliwanag dahil ayokong dumihan ang pangalan ng isang taong nakasama ko ng 9 na taon. Hindi ko kasi kilala lahat ang pumapasyal sa tahanan kong ito kung kaya naman ay alam kong posible na isa sa kakilala ng boypren ko ay maaring mabasa ang isa sa mga entries kong tumutukoy kay #2.

Ang buhay ay sadyang mahiwaga kung kaya’t natural lang na umaapaw ito ng mga bagay na hindi natin kayang ipaliwanag, kung kaya naman sa mga taong hindi ako maintindihan, isa lang ang maipapayo ko… HUWAG. May mga bagay na hindi mo dapat intindihin dahil may mga emosyong mas matimbang sa nararating ng ating mga diwa.

May mga bagay na sadyang hindi dapat ipinaliliwanag dahil sa sandaling hanapan mo ito ng tamang kasagutan.. ang lahat ng bagay ay sadyang.. parang nagiging mali.

Kung kaya naman ay huwag nyo na lang intindihin ang lahat ng aking pinagsasabi.. dahil sa mga sandaling ito.. ang utak ko ay sadyang…

LUTANG.

Ang pagtatapos.

Posted: April 10, 2009 in emo, Life, miarmiar-isms

Mula pagkabata hanggang ngayon… ayoko ng Semana Santa.

Hindi ko maiisip ang sinabi kong yan kung hindi pa ako napilit kaninang umaga ng aking tita na dumalo sa prusisyon ng DAAN NG KRUS.

Gusto kong isipin na ang mga nangyari kanina ay ang huling pangyayaring magwawakas sa isang linggong drama ng aking buhay. Ang totoo.. galit ako sa drama. Pero may mga pagkakataong kagaya nang sa ngayon na hindi ko kayang takasan.. kahit gustong gusto ko. Kung kaya’t sa aking mga kaibigang nagbabasa sa aking tahanan.. humihingi ako ng mahabang pasensya dahil mukhang mahaba ang post na ito. Pangako… susubukan kong huwag nang ulitin ito.

Ang Unang Istasyon: ANG HULING HAPUNAN

Umuwi akong nagugutom.. sa totoo lang. Kaya ako umuwi ng maaga ay dahil sa walang bukas na kainan ang pwede kong puntahan. Sa Cubao, isang kainan lang ang bukas. At hindi ako kumakain sa nasabing fast food place dahil minsan na akong na food poison dun. Nagpaalam ako sa aking mga kaibigan at dali daling sumakay ng taxi, kumukulo ang tyan at nasasabik sa pagkaing nakahanda sa aming bahay (kung ano man yun).

Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko ang aking tita na naghihintay sa akin. Aba eh, agad akong inabutan ng STATION OF THE CROSS booklet at nag utos na magpalit ako ng damit at aalis na kami.  Wala akong nagawa, bumenta sa akin ang mga salitang, “Minsan ka na lang nagdadasal ngayon. Ano na ang mangyayari sa kaluluwa mo?” Bigla kong naisip ang kaluluwang si Casper na lungkot na lungkot sa isang tabi na gayunpaman kahit isa syang multo ay nabansagan siyang THE FRIENDLY GHOST dahil wala syang kaibigan. Ayokong maging ganun… kaya naman nagbihis ako.

Pangalawang Istasyon: SA HALAMANAN NG GETSAMANI

Agad kong tinawagan ang kaibigan kong si B na nuon ay nautusang magwalis ng kanilang bakuran.

AKO: Dadaan ako dyan.. kailangan nakabihis ka. Alis tayo.

B: Saan punta?

AKO: Station of the Cross.

B: AYOKO! IKAW NA LANG.

AKO: Minsan ka na lang nagdadasal ngayon. Ano na ang mangyayari sa kaluluwa mo? (Inisip kong kung bumenta sa akin.. maari rin itong bumenta sa iba.)

B: Gago. Hindi ako katoliko. Hindi yan uubra sa aken.

Nakalimutan ko. Protestante pala tong kausap ko. Pero …..

AKO: Eh ano naman? Baket wala bang kaluluwa mga protestante?

B: Meron. Pero ayoko nga sumama sa yo. Ang init init.

AKO: Minsan na nga lang tayo magkasama, ayaw mo pa. Sige na nga.. ako na lang. (sabi ng malungkot kong boses)

B: OO na! Nakakabwiset ka talaga.. yang mga guilt trip mo. Alam mo naman…. haaaaaaaay.. oo na magbibihis ako, wait lang!

AKO: Yehey! (sigaw ko) I love you, B!

B: Lul. Babay. (naiinis nyang boses at binabaan ako ng telepono)

Dinaanan namin syang nakatayo sa labas ng kanilang garden, nakasimangot ngunit napangiti nang makita ang aking tita na kamukha ni Ms. Tapia. Kung hindi mo ba naman pipilitin na ngumiti sa harapan ng uber taray intimidating kong tiyahin, aba eh..ewan ko na lang kung anong klaseng tao ka.

Ikatlong Istasyon: SI HESUS AY DINALA SA HUKUMAN NI PILATO

Kagaya ng mga nakalipas na taon, ang pamayanan ng Pandacan ay nagtipon tipon sa harap ng simbahan ng Sto. Nino. Gusto kong himatayin, sa gitna ng init ng araw ay para lang kaming nagwe welga laban sa TUTION FEE INCREASE. Nagkukumpulan ang aming mga katawan sa lilim ng acacia tree. Ang lahat ng tao ay may panyo maliban sa akin.

B: Ano ba naman to. (sabi nya habang nagpupunas ng pawis) O – (inabot nya ang panyo sa akin)

Ako: Wag na may pawis mo na yan. (sabi ko sabay pahid ng pawis ng ilong sa kwelyo ng aking TSHIRT)

B: Ambabuy mo, solid.

Ako: Wag ka nga–

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil may kumalabit sa akin. Napatingin kami ni B sa likod. Hindi naman ako masyadong nagulat nang makita ko si NDS dahil sa totoo lang nakita ko ang tatay nya nung papatawid pa lang kami ng kalye patungong simbahan. Sumagi sa aking isip na baka nandito ang buo nyang pamilya at tama ako. Naisip ko rin na isa sa mga organizers ang tatay nya… at tumpak na naman ako. Hindi ko naman yan tinanong sa kanya, feeling ko lang na tama ako. Sa halip na itanong yan sa kanya ay pinakilala ko na lang si B.

Ako: Sino kasama mo?

NDS: Family ko. Wala kang pasok? (tumingin sya kay B na nuon ay kinakausap ang isa sa mga kaibigan ng tiyahin ko na unti unting natutunaw ang make up sa sobrang pawis tapos ay tumingin na sya sa akin), nakita ko yung ibang mga klasmeyts naten ah. Nakita mo si (pangalan ni #2), nakita ko siya kanina eh. Sabi nya bibili lang sya ng tubig sa 7-11.

Panandaliang nanigas ang mga daliri ko sa paa. Huwaw, naman! Ang bait talaga ni Bro. Akalain mong sa mga panahong kailangan kong magpenitensya ay talagang naisip nya na mas bonggang-bongga kung nanduon si #2?

Ako: Hindi eh. Hindi ko sya nakita.

Tumango lang si NDS. Nagsisimula nang umusad ang madla. Sumunod kami. Nasa tabi ko pa rin si B at ngayon ay taimtim nang nagbabasa ng booklet pang- STATION OF THE CROSS. Nasa kabilang gilid ko si NDS.

NDS: Next week na yung reunion. Punta ka? (mahina nyang tanong)

AKO: Hindi (naglalakad ng mabagal dahil napakabagal ng manang sa unahan namin) kasal kasi ng pinsan ko eh. Sa Batangas ako. (lumulutang ang isip ko dahil nai-excite akong makita si #2)

NDS: Ah ok. Sayang naman. Bakit–

Hindi nya rin natuloy ang kanyang sasabihin dahil may kumalabit din sa kanya. Napatingin kami sa likuran. Nanlumo ako ngunit buong pwersa kong pinilit ang aking sarili na ngitian ang kaharap ko.

Nagtama ang aming paningin. Ngumiti sya at panandaliang tumama ang aking paningin sa babaeng kanyang ka-holding hands. Ngumiti sya sa akin pagkatapos ay bumaling ako sa harap at napakapit kay B na nuon ay bising-busy na nagbabasa pa rin ng booklet.

Nagkatinginan kami pagkatapos ay napakunot ang kanyang noo.

B: Naiinitan ka ba? (tanong nya parang naghahanap ng maagawan ng payong)

Ako: Hindi.

B: Ok. O eto lagay mo sa ulo mo.. baka kutuhin ka. (pinatong nya ang kanyang panyo sa aking bumbunan at tuloy lang sa pagbabasa)

Kasabay kong huminto ang madla sa paglalakad. Narating na namin ang pang-apat na istasyon. Narating ko na ang katapusan ng kahibangang ito.

Ika-apat na Istasyon: ANG PAGHAMPAS KAY HESUS AT PAGPATONG NG KORONANG TINIK

#2: Kel, water? (kinalabit nya ako at inabot ang mineral water na alam kong para sa kanya pero binibigay nya sa akin)

Napalingon si B sa kanya. Sa gitna ng pagdadasal ng katekista ay pinakilala ko sya kay B. Nagtunguan lang sila.

Tiningnan ako ni B at alam ko na meron syang gustong itanong pero yumuko sya ulet sa booklet. Tumingin ako ulet sa likod, kay #2 na nuon ay may kahawakang kamay pa rin. Hindi sya nakatingin sa akin. Pinagbubuksan nya ng mineral water ang girlfriend nya. Awtomatiko akong napa-igkas paharap at hinawakan ang kamay ni B.

B: Aray, ano ba!(mahina nyang sigaw sa aking tenga. Mabuti na lang talaga at nakahanap ng tropa ang tita kong madasalin sa banda roon at kung hindi ay baka nasutsutan na kaming dalawa dahil kanina pa kami nag-uusap)

Ako: Sorry. Nauuhaw kasi ako eh. (bulong ko pabalik)

B: Eh tanga ka, baket hindi mo kasi kinuha yung mineral water ni Mamang Pogi sa likod. Nauuhaw na rin ako eh. (Gusto ko lang liwanagin na ang tono ni B ay hindi kinikilig habang sinasabi nya ang mga katagang MANONG POGI sa halip ang tono nya ay may bahid ng pang-aasar)

Hindi ko sya pinansin. Dahil wala akong mapagsabihan ng nagpupuyos kong damdamin ay dinukot ko ang aking cellphone at nagsimulang mag-text. Tatlo sa mga kaibigan ko ang pinadalhan ko ng mensahe at sabay sabay silang nag-reply.

NDS: Oi, magdasal ka. (sabi nya, hinahawakan ang braso ko dahil nakatutok ako sa cellphone) Baka madapa ka, Kel.

Ako: Hindi naman. Sanay ako ng ganito, don’t worry. (ngiti ko sabay baling ulet sa celfon)

B: Ateh, prusisyon to. Huwag kang maglandi. (bulong nya ulet pero nakatingin sa booklet)

#2: Excuse me, bro (kinalabit nya ako pero nakatingin kay B sabay abot ng kandila)

Pagka abot nya wala syang tinitingnan maliban sa nilalakaran nilang dalawa ng girlfriend nya.

B: Sisindihan na ba to? Now na? (tanong nya sa akin, naghahanap ng lighter)

Ako: Hindi mamayang gabi pa (sagot ko kinakapa ang lighter sa aking bulsa)

B: Weh? (seryoso ang mukha nya)

Ako: Tanga mo. Sympre ngayon na..

B: Sorry ah. Protestante ako eh. Lighter nga! (medyo malakas na ang boses nya ngayon dahil napansin nyang wala masyadong tao ang sumasabay sa paglalakad namin)

Ako: (nadukot ko ang lighter sa bulsa sa likod ng aking pantalon) O! Sindihan mo rin yung sa ken. (naramdaman kong nalaglag ang cigarette case ko nang bigla akong maglakad. Tinalikuran ko si B para pulutin ang cigarette case. Saglit akong dumukwang para abutin pero dalawang kamay ang nakita kong pumulot nang nalaglag kong bagay. Nagkatinginan kaming tatlo. Nagpaubaya si #2, pinabayaan nyang kunin ni NDS ang fucking cigarette eksenador case. Nakita kong inabot ulet ng GF nya ang kamay nya para sa naudlot na holding hands moment. Lumakad sila. Naiwan kaming dalawa ni NDS nang bahagya. Nagulat si B nang makitang nauuna syang maglakad habang nagkakandahirap magsindi ng dalawang kandila. Huminto sya sa gitna ng kalye para maabutan namin.)

NDS: Ang likot mo. Lagot ka pag nakita ka ng Tita mo. (kilala ni NDS ang tita ko dahil madasalin din ang tatay nya)

B: O anong part na ng MAHALIN MO AKO MAKISIG NA LALAKI ang na-miss ko? (bulong nya sa akin nang mag-vibrate ang celfon ni NDS sa kanyang bulsa) Kel, naman. Irespeto mo naman ang pagpapakasakit ni Hesukristo.

NDS: Wait lang, tinatawag ako ni Papa. Ako na raw susunod na magli lead ng prayer. Excuse me. (sabi nya kay B na nuon ay pinipilit pa ring buksan ang kandila na pilit na pinapatay ng hangin)

Nang makarating na si NDS sa harapan, muling huminto ang madla. Panandalian akong natigilan, tahimik na nakatitig sa dalawang taong magkahawak ang kamay sa aking harapan at taimtim na nananalangin.

Ikalimang Istasyon:  ANG PAGTANGGAP SA KRUS

Umaalingawngaw ang boses ni NDS sa kalsada. Hindi ako tumitingin sa harapan. Nakatingin lang si B sa kawalan na wari mo’y nag-iisip kung ano ang kanyang napasok.

B: Baket ka ba sumama dito? Ang init solid.

Ako: Eh sabi ni Tita masusunog daw ang kaluluwa ko sa impyerno pag di ako sumama. (sagot ko nakatingin sa likod ng marami, maliban lang sa dalawang taong sobrang lapit na sa akin)

Lumingon si #2 pero hindi lumingon ang GF nya.

#2: Nakakatawa yung boses ni NDS. Nanginginig pa talaga (sinasabi nya ito habang kinakapa kung basa na ng pawis ang likod ng girlfriend nya) Andito ka kasi eh. Kinakabahan tuloy yung tao. (pang aasar nya) Did you put something on? Sunblock? Matututusta ka dito.

Ako: (nakangiti pero nararamdaman kong unti unting bumibigat ang ulo ko) Hindi eh. Pero ok lang yan, summer naman eh. Saka wala na akong ita-tan pa.

B: O! (inabot nya ang kandila sa akin na pinatay nya na lang dahil hindi masindi-sindihan)

#2: Ay oo nga pala (parang may biglang naalala sabay marahan nyang kinalabit ang katabi nya) Hun, si Kellie — elementary classmate ko. Kellie, si (pangalan ng GF nya na nakalimutan ko ulet kaya hindi ko ma-type) GIRLFRIEND ko.

Nagngitian kami.

Ako: Hi.

Sya: Hello. (tapos humarap na ulet sa mga rebulto ni Jesus Christ sa di kalayuan).

Lumakad na ang madla.

NDS: Mapayapang hinarap ni Hesus ang mga tiisin at hirap. Ipanalangin natin na malampasan din natin nang mapayapa ang anumang tiisin sa buhay at huwag mawalan ng pag-asa. Dasalin natin ang AMA NAMIN at isang ABA GINOONG MARIA.

Naglalakad sila sa kabila nang panandaliang paghinto ng aking mundo.

Ikaanim na Istasyon: ANG PAGKASUBASOB NI JESUS

Sa gitna ng aming paglalakad ay nag-ring ang cellphone ni B. Nakabalik na si NDS sa aking tabi. Mukhang may after shock pa ang pagdadasal nya dahil hindi sya masyadong nagsasalita.

Napatigil kami saglit dahil may nadaanan kaming bahay na nagbibigay ng malamig na tubig. Mayroon ng isang kumpol ng mga tao ang umiinom ng tubig.

Katabi ko na ulet si B.

B: Uwi na muna ko. Si Mama may inuutos. Ok ka lang dito?

Tiningnan ko sya ng matagal.

B: O sige na. Babalikan kita promise. Seryoso kelangan ako ni Mama.

Nakatingin pa rin ako sa kanya.

Boses: Kellie??!!

Napalingon ako. Nagulat ako nang makita ang may-ari ng boses.

B: CARL PARE! (boses ni B, obviously nagulat din sya. Itago na lang naten sya sa pangalang Carl. Pero tatawagin ko syang C ngayon para hindi aksyado sa space. Nagyakapan sila. Yung machong yakapan.)

C: Kamusta?!

B: Man, ok lang. Kelan ka pa dumating?

#2: Kel, baket huminto kayo? (hindi ko alam kung saan sya nanggaling pero biglang nasa likuran namin sya kasama pa rin ang GF nya)

C: Oh, God! Ang laki mo na—sweetie! (si C, bumaling sa ken tapos kinurot ang pisngi ko)

Ok sige.. medyo marami nang characters pero ipapaliwanag ko kung sino si C. Si C ay isang sakristan na super ultimate crush ko nung gradeschool ako. Mas matanda sya sa min ni B ng mga 2 taon. Ka-schoolmate nya si B nung highschool pero nag-migrate sya sa States pagdating nya ng Kolehiyo.  Natapos nya ang kursong medisina sa States. Halos nasisilaw ako sa puti nya sa gitna ng arawan. Nakasuot sya ng T-SHIRT na nagsasabing isa syang volunteer MEDIC sa eksenang ito.

Sasagutin ko sana si #2 pero namalayan kong wala na sya sa aking harapan at naglalakad na kasama si NDS. Masyado akong natuwa sa muling pagkikita namin ni C.

B: Tol, una na muna ko. Tatapusin mo ba to?

C: Teka lang, dude. Dein ka naman katoliko baket ka andito?

B: Hinila ako neto. (tinuro nya ako na nuon ay nakapila sa linya ng namamalimos ng tubig)

C: Sige, dude. Ako bahala kay Kels.

Umalis si B. Matapos akong makainom ng isang drum ng tubig ay tuloy ang lakad. Katabi kong naglalakad si C na nuon ay walang tigil ang kurot sa aking pisngi sa tuwing may pagkakataon para huminto. Namamanhid na ang kaliwang pisngi ko pero naisip ko ok lang. Sorry po, Jesus.

Sa wakas naman ay nanahimik na kami. Nagbabasa na si C ng booklet na inabot ni B sa kanya. Sa hindi inaasahang pagkakataon, inabutan pa rin namin sila NDS. Sabay sabay na silang tatlong naglalakad ngayon. Huminto ako saglit para tupiin ang laylayan ng aking pantalon. Naiinitan na ako.

C: Anong nangyari dyan sa paa mo?

Walang ano ano ay napatingin si #2 sa amin. Tumingin sa paa ko pagkatapos sa akin na parang naghihintay ng paliwanag.

Ako: I tripped on something and fell down the stairs. (sabi ko tuloy pa rin sa pagtupi ng pantalon)

C: Lika nga! (yumuko sya at tiningnan ang pasa sa binti ko, saglit nyang hinawakan) Is it hurting?

Ako: Medyo. Pero ok lang yan. Malayo yan sa bituka.

C: (napangiti) Gosh, you’re such a klutz. Hindi ka pa rin nagbabago.

Lumingon ulet si #2 at nagkatinginan kami. Hindi sya ngumiti sa halip ay hinawakan nya sa baywang ang GF nya sa gitna ng kanilang paglalakad.

Ikapitong Istasyon: TINULUNGAN SI HESUS NI SIMON CIRINEO

Dahil inis na inis ako ay tuloy ako sa pagte text.

C: Kel! (hinila nya ako sa gilid dahil muntik akong malusot sa open manhole) Huwag ka kasing mag-text.

Tumingin si #2 sa akin. Umiling tapos ay bumalik sa pagdadasal. Tinawag si C ng mga kasama nya. May aleng nahihilo sa likod.

C: I’ll be back. Wait lang…(hinawakan nya ang baywang ko tapos umalis)

Tumango lang ako, diretso pa rin sa pagte text. Nasa likod nila ako nang biglang huminto ang GF ni #2. Huminto rin si #2 at nagtanong kung ok lang si girl. Nilampasan ko sila. Text pa rin. Wag na nila sana akong abutan.

Nadala ako sa pagte-text. Tumitingin tingin ako sa paligid sabay baling ulet sa celfon. Nag-iingat naman talaga ako. Nakakahiya namang madapa. Napangiti ako. Baket ko ba inaagawan ng moment si Lord?

“Kel!,” naramdaman ko ang hangin sa harapan ko. Muntik akong mahagip ng pedicab. Yung ale sa tabi ko OA makasigaw.

Naramdaman ko rin ang mahigpit na hawak ni #2 sa braso ko. May mga ilang tao ang napatingin ngunit tuloy pa rin ang dasalan.

#2: Kapag meron pang nangyari sa yo at wala ako dito.. ewan ko na lang. (bulong nya, hindi nakangiti. Sarcastic)

Agad kong tiningnan ang GF nya. Magkausap sila ni NDS pero bigla syang lumingkis kay #2.

GF: Ang init. Uwi na tayo.

Hindi ko hinintay ang sagot ni #2. Lumakad na ko. Wala akong kasabay. Kapag nadaanan ko ang bahay namin.. uuwi na rin ako. Ayoko ng nararamdaman ko. Gusto kong mag-isip kung baket ganito ang pakiramdam ko.

Umuwi na sila hanggang matapos ang dasalan ay hindi ko na sila nakita. Si NDS lang ang kasama ko. Bumalik ulet kami sa simbahan ng matapos na ang napakahabang STATION OF THE CROSS na yan. Nagbigay sila ng makakain. Pero hindi ako pumila. Tumayo ako sa lilim ng Acacia Tree at nagdrama… NOBODY LOVES ME BUT THE ACACIA TREE.. natatawa kong binubulong sa aking sarili. Si NDS ay nag-aasist magbigay ng pagkain sa di kalayuan.

“Kel!,” hindi ako lumingon. Bakit ba ayaw akong tantanan ng taong ito? Hindi ako mahilig mag-assume na tao pero kung palagi syang ganito paano ako hindi mag-aassume? Sabihin mo kung paano dahil hindi ko alam ang sagot.

Ayoko nang makipag usap sa kanya pero hindi naman ako umalis sa kinatatayuan ko hanggang sa tuluyan nya akong maabutan.

#2: I’m sorry. I had to walk her home. She’s not well. (nakatingin sya sa pasa ko sa paa) Paano ka namang nadapa?

Ako: Hindi ko alam. Uwi na ko oi. Ang inet. Pupunta pa ko palengke. (hindi naman talaga ako pupunta ng palengke pero yun ang una kong nasabi)

#2: Baket? (tanong nya ipinagbubukas ako ng mineral water na hawak nya) Baket pupunta ng palengke? Ano bibilin mo?

Ako: Tinapay. (sagot ko, binababa ang tupi ng aking pantalon)

#2: Ano ba yan! Ako na! ( umupo sya at binaba ang pantalon ko) Ang laki ng pasa mo. Naman. Di ka nag-iingat.

Gusto ko syang sipain.

Ako: Oh ayan, nakababa na. Uwi na ko. Babay.

#2: Wait, ano ka ba? Ang init. Saka baket ka pa pupunta ng palengke? May commisary naman malapit dito, samahan kita. I want to ask you something.

Ako: (curious) Bukas ba yun ngayon?

#2: Hindi ko alam. Baka. Pero hanap tayo ng iba pag sarado.

Ako: Wag na. Uwi na lang ako. (sabi ko sabay abot ng mineral water)

#2: Hatid kita. (lakad sya kasabay ko.)

Sa pakiramdam ko hindi ito matatapos kung hindi ko sya pagbibigyan kaya pumayag ako. Pero alam naman nateng lahat na nagdadahilan lang ako.

Pagsakay ng kotse nya. Walang nagsasalita. Malapit na kami sa may amin ng i-park nya ang sasakyan malapit sa bahay nila B.

Ako: Oh baket? (tanong ko, confused)

#2: May naalala ako.. (smiles) Black shirt, KEEP THE PEACE ang nakasulat, black jeans… red chucks…

Ako: Huh?

#2: (saglit na tumingin, nakangiti pa rin) Yun ang suot mong damit nung makita kita 2 years ago sa may simbahan. Alas otso ng gabi. Right wing.

Flabbergasted.

Ako: Ano ngayon?

#2: Wala. Never mind. (ini-start nya ang makina)

Ako: Dito na lang ako bababa.

#2: Baket? Ayoko. (hinila nya ako ng akmang bubuksan ko ang pinto) Sa inyo na.

Hindi ako kumibo. Nag drive sya hanggang makarating sa harap ng bahay namin. Ngumiti ako.

Ako: Dito na ako. Ingat ka.

#2: (tumigin sa kin, seryoso) Yung bruise mo para mawala, try to put ice on it or something. I wouldn’t know since I’m not a doctor but I hope that helps. And do me a favor, ok? Pwede bang mag-text ka kapag nasa loob ka ng bahay or somewhere safe or whatever. Muntik ka na kanina ah. Naiinis ako sa yo.

Ako: (seryosong nakatingin sa kanya, nanghihina) Ok. Ingat ka.

Bumaba ako at hindi lumingon.

Matapos akong magbihiis ay binuksan ko ang computer. Tumunog ang aking cellphone.

Kel, did I freak you out today? – #2

Reply ako. YES.

Ilang minuto nag-reply sya.

#2: I THINK SO TOO. I’m sorry. It’s probably the heat talking. Nakakainis kasi that guy you’re with today, yung medic guy. He’s so phony. San mo ba nakilala yun?

K: Old friend.

#2: It’s not too late for us to be good friends naman db? I mean, I haven’t seen you for years but I really want us to be close that’s why I’m so protective of you. I hope I didn’t look like a complete idiot while doing that. That’s what I’ve been meaning to ask kanina but I chickened out because you looked pissed at something.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

K: Great. 🙂 Where are you now?

#2: Here in Pandacan. (Pangalan ng GF) is not feeling well.

K: You guys look good together. I’m sure she’s a great girl.

#2: She is. I’m sure magkakasundo kayo. She’s a klutz din. Yung ang una kong napansin sa kanya. Haha.

K: Hehe. Anyway, I’m off to bed now. Be safe.

#2: I know. You look awfully tired. Try to stay in one piece the next time I see you ok? And.. NO TEXTING WHILE WALKING OR DRIVING OK?

Hindi na ko nag-reply.

May pagkakataong kahit anong gawin kong pagpapaliwanag para itama ang mali ay pilit kong hinahanapan ng tama ang mali dahil sa mga panahong sinusunod ko ang dikta ng aking kukote ay unti-unti akong natutunaw sa tuwing iniiwasan ko ang mga bagay na alam kong sa simula pa lang ay ubod ng sakit na.

May mga sandali sa buhay ng isang tao na hindi nya maipaliwanag kung ano ang dapat nyang maramdaman sa isang sitwasyon na kayang ipaliwanag ng kanyang kukote pero nahihirapang tanggapin ng kanyang puso.

Hindi ako naniniwala sa ganyan dati..

Pero biglang bigla sa isang iglap… nandito ako ngayon.

Hinahanapan ng tamang dahilan ang mga bagay na alam kong hindi ko dapat simulan.

Hindi ako ang ipinako sa krus…

Pero sa ngayon…  parang ganun na rin.

Taenang drama… ayaw matapos tapos!

Isa pang CHICKENJOY!

Posted: April 9, 2009 in Life, miarmiar-isms

Logo ng Blogspot.. pero kebs lang.

Logo ng Blogspot.. pero kebs lang.

“Accept everything about yourself–I mean everything, You are you and that is the beginning and the end–no apologies, no regrets.”

-Clark Moustakas, Humanity Expert

Maraming maraming salamat sa bagong award… It’s not enough to let you guys know how grateful I am to have known all of you. Stay being real.. it’s the thin line that separates us from all the others.

At eto na ang aking picture. Basag na basag ako nyan. Kung sino man ang kasama ko nang gabing yan.. hindi ko na matandaan.. mabuti na lang at na picture-an ko rin sila at nalaman kong kami kami pala ang magkakasama. Kung paano ako nakauwi… salamat na lang sa nag-uwi sa akin.. Ikaw ang dahilan kung baket nakakapag-blog pa ako. Lolz.

OO na.. eto na.. saglet lang naman.. eto na nga eh..

red hot drunk

red hot drunk

The Rules:

1. Take a Photo or install one now .
2. Do not change clothes,do not trim the hair, the main image is to be captured (we want to see the real you…he..he..) .
3. Post a picture that is in edit.
4. Post these instructions (required).
5. Tag people to show appreciation to them that touch your heart because of their friendly attitude (required).

At sympre ang sabi ko nga.. tayo tayo lang ang magkikita sa Championship:

1. AC

2. Duchess

3. Hukombitay

4. Soulful

5. Ang Nocturnal

6. Enjoy

Oh-a. Ita tag ko sana si Chris yung helper ni AC dahil fan nya rin ako.. pero naisip ko.. bastusan naman kung Friendster account nya ang ilalagay ko sa link.

Nyahahahha!

angel

I’m tired…

I’m tired of asking people how they are.. when I feel like shit inside.

I’m tired of comforting others when I myself felt lost.

I’m tired of explaining so that people can understand better..

I’m just so tired of waiting… of waiting in vain.

I’m tired of hurting people without me knowing..

I’m tired of saying things will be ok when it hasn’t been like that since you came..

I’m exhausted of finding the answers to feelings left unsaid…

I’m tired of hollow laughters, yes.. but you never really care.

I’m tired of waiting for you to look at my way,

I’m tired of dressing up so that you will stare..

I’m so tired of the things that you and I will never be..

I’m so tired of believing of thoughts that’s you and me.

I lurk in the shadows and I see you there…

I waited for the rain, standing bare…

For tears that’s been exhausted..

And words left unsaid..

I’m tired of standing here..

For a chance that was never there.

-Excerpt from The Lost Diary of A Self Confessed Drama Queen, 04/08/09, Holy Wednesday

-Drunk, Dazed and Confused.

The Breakdown.

Posted: April 4, 2009 in emo, Life, miarmiar-isms

DISCLAIMER: Ang entry na ito ay puno ng drama. Kung ayaw mo sa drama.. huwag mong basahin, please! 🙂

———————————————————————————————————————————————————————————-

Sa pagkakaalam ko maayos naman ang gising ko kagabi. Katulad ng dati, kumain ako, naligo, nag-ayos, sumakay ng cab at bumaba sa bakuran ng opisina. Kagaya ng dati ang araw ko ay punong-puno ng mga bagay na paulit ulit kong ginagawa sa loob ng 3 taon.

Natapos ang araw. Sumakay ako ng cab pauwi. Nilamon ako ng kalungkutan sa paraang hindi ko maipaliwanag. Basta ang alam ko, sinabihan ko ang taxi driver na imbes sa bahay namin tumuloy ay sa Robinson Otis ang aking destinasyon. Pagbaba ko ng sasakyan, dumiretso ako ng Starbucks. Nag order ng dalawang Java Chip Frappucino, naghintay saglit pagkatapos ay tuluyang lumabas. Sa hindi malaman na kadahilanan ay minabuti kong umupo sa katapat na bangketa ng bakanteng upuan sa labas ng Starbucks.  Tiningnan ako ng mamang guard pero hindi ko pinansin. Ilang saglit pa ay tinawagan ko ang matalik kong kaibigan na itago na lang natin sa pangalang B (hindi yan si Beyonce o si Blair Waldorf ng Gossip Girl, naisip ko lang na gamitin ang letrang B dahil ayokong pangalanan ang mga taong parte ng aking buhay sa sulating nababasa ng madla. Unfair.)

“Hello?,” halatang bagong gising sya o nasa kalagitnaan ng masarap na pagtulog.

Hindi ako sumagot. Siguro kasi hindi ko alam kung saan magsisimula.

“Kel,” pagsisimula nya, “asan ka?” boses inaantok pa rin.

“Robinson’s Otis. Starbucks,” sagot ko sa gitna ng malalim na pagbunot ng hininga.

“Be there in 10 minutes. Huwag kang aalis dyan.” sabi nya at naputol na ang linya.

Halos kinse minutos akong naghintay. Sa dalawang gilid ko ang kape ng Starbucks, nakatulala sa kawalan. Pumara ang sasakyan nya sa harapan ko, nakababa ang bintana, tiningnan nya ako saglit.

“Sakay na.” sabi nya at binuksan ang pintuan. Parang robot, sumunod ako at inabot sa kanya ang baso ng kape.

“Sorry.” bulong ko nang makasakay ng kotse.

Hindi sya umimik, mukhang talagang naistorbo ang gising. “Seatbelt, please” sabi nya at nang hindi ako gumalaw ay siya ang dumukwang at nagkabit ng seatbelt.

“Saan tayo?,” tanong nya.

“Paco Park.” sagot ko.

Ilang minuto ang lumipas ay nakapasok kami sa loob ng park matapos magbayad ng entrance fee. Kagaya ng dati, umupo kami sa aming spot, sa aming mga kamay hawak pa rin ang venti cup ng Starbucks.

ang aming ispat

ang aming ispat

Nagbukas ako ng yosi. Naghikab sya. Umiyak ako.

Walang nagsasalita. Pinabayaan nya lang ako. Nang basang basa na ang aking mukha ay tumingin sya sa akin. Tiningnan ko sya at napangiti. Tamad na tamad nyang kinuha ang aking ulo at sinubsob sa kanyang dibdib. Umiyak ako ng umiyak at nagpunas ng luha sa kanyang T-shirt na katulad ng dati ay amoy fabric freshener pa rin.

“Namaaaaaaaaaaaaaaan, Kellie, eh. Bago tong T-shirt ko eh. Baket ba kasi hindi ka nagdadala ng panyo sa tuwing iiyak ka ng ganyan? 15 years ka nang ganyan eh!” naiinis nyang pagrereklamo habang tinataboy ang aking buhok sa kanyang mukha.

Ako: B, I just feel so fucken empty. (sabi ko umiiyak pa rin)

B: (buntong hininga) Yeah, yeah.. I’ve heard that before.

Ako: (inangat ang ulo at pinalo sya sa dibdib) Taena hindi ka naman nakikinig eh!

B: (habang tintingnan ang basa nyang dibdib) Eh pota, umiyak ka lang naman eh. May sinabi ka ba? Diyos ko naman, Kellie! Yung damit ko basang basa. Ang aga aga naligo ako ng malamig na tubig. Ang aga aga ang drama drama mo.(sandali nya akong tinitigan pagkatapos ay bumaling ulet sa kanyang T-Shirt) Tingnan mo oh! Dumikit yung make-up mo.. yak kadiri ka naman eh!

Uminom ako ng kape pero muntik kong maibuga dahil mainit.

B: Hahahahhaa. Ano ka ba! (pumalahaw ang halakhak nya sa paligid ngunit nang makita nyang hindi ako tumawa ay biglang sumeryoso ang kanyang mukha at tumingin sa kanyang T-shirt pagkatapos ay sa ‘kin) T-shirt pa? (pag-aalangan nyang tanong.)

Ako: Ibuhos ko sa ‘yo to eh! Bakit ka ba tumatawa? (sabi ko nagsisimulang umiyak matapos ang ilang saglit na hindi pagtulo ng luha)

Nag ring ang telepono nya. Sumenyas syang saglit lang at lumayo. Pagbalik nya ay kalmado na ako at hinihipan ang kape.

Ako: Sino yun? (pag iisyoso ko habang pinagmamasdan ang pagpatay nya ng cellphone.)

B: Si (pangalan ng GF nya) ginigising ako kasi po may lakad kami ngayong umaga. (pagkatapos ay nilagay nya na sa kanyang bulsa)

Ako: May lakad pala kayo eh. Sige iwanan mo na ko dito.

B: (napailing sabay higop ng kape) Sa loob ng 15 years na magkaibigan tayo.. sabihin mo nga kung kelan kita iniwan ng ganyan ka? Ikaw ang dahilan kung baket ako bumagsak ng Psychology nung college tayo dahil late akong nagigising sa tuwing ganyan ka sa gabi. Leche.

Ako: May bago akong crush (kininilig kong pagsisimula)

B: Haaaaaay nakooo.. sabi ko na nga ba eh. Let me guess ang lalakeng ito ang dahilan kung baket ka ganyan na naman.

Ako: Kelangan ba sa tuwing iiyak ako, lalake ang dahilan? Hindi no! This is about LIFE and LIVING my dreams. (nalulukot na naman ang mukha ko)

B: (mahina akong binatukan) Umayos ka nga. Mukha kang tanga.

Ako: Minsan naisip ko wala akong kwentang tao. Iniiwanan ako ng mga taong mahal ko.. hanggang ngayon andito pa rin ako. Naisip mo ba nung nag break kami ni Alex dati.. naisip mo ba kung baket sya lumayo? Kung baket lumayo rin si — after months of knowing me.. kung baket lahat ng minamahal ko iniiwan lang nila ako tapos after a while malalaman ko may iba na. Gusto kong malaman kung anong problema sa kin. Gusto kong malaman baket palagi akong nawawalan pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung baket. There’s something wrong with me, B. And I need to know what or I’ll end up screwing my life all over again, the same way I did a thousand times ago. ( habang sinasabi ko to ay sige lang ako sa paghithit ng yosi.)

B: (nire ready ang kanyang T-shirt) Kel, naman. Maraming beses na naten tong pinag-usapan di ba? Ok, unang una hindi ka iniwan ni Alex. Alam naman ng buong mundo kung gano ka kamahal nung tao. Pangalawa yung isang lalaking sinasabi mo.. sa totoo lang hindi ko alam ang sagot. Pero naisip mo rin ba.. na baka hindi ka iniiwan? Baka ikaw ang lumalayo. Naisip mo ba kahit isang beses lang.. na nilayuan ka dahil sa tuwing kasama ka nila.. they feel so fucken worthless. That everytime you are with them, you make them feel that you deserve better? That they feel so wrong for you because you outshine them. Naisip mo ba yun? Minsan kasi its not always about you.. I know. I know because I’m a guy. (pagtatapos nya, hinahawi ang buhok sa aking mukha)

Lalo akong napaiyak. Hindi ko alam kung nakabuti ang lahat ng sinabi nya pero naramdaman ko ang biglang pagbugso ng emosyon, huli na nang aking mapigilan, nakita na kami nang mangilan ngilang turistang Koreano na nagpapa picture sa krus ni Rizal na nuon ay pumopose pa ng peace sign. Natigilan sila at lumayo pagkatapos ay parang nagbulungan na may babaeng moret ang ngumangawa at nagyoyosi sa di kalayuan.

Ako:  Sabi nya.. sabi nya.. move on. Move on, Kel. But I don’t know where to go. I just don’t know where to fucken go.

B: Sabi nino? (tanong nya, confused)

Ako: Lahat sila! Ano ba! (sigaw ko sabay subsob sa dibdib nya)

B: Dahan- dahan naman, putangena. Ano ba? Hindi ako panyo. (pagrereklamo nya ulet pero naramdaman ko ang kamay nya sa aking ulo, inaamoy ang buhok ko) Amoy ka na yosi. Grabe ang lakas mo magyosi.

Iyak pa rin ako ng iyak. Alam ko sobrang exagerrated pero sobrang nakakagaan ng loob. Halos dalawang taon na rin mula nung umiyak ako ng ganito. Sa totoo lang hindi ko naman din talaga alam kung baket ako umiiyak basta bigla na lang akong napahagulgol at ginagawa ko sya ng paulit ulit dahil masarap sa pakiramdam.

Ako: B, I just feel so empty. (sabi ko umiiyak pa rin sa dibdib nya)

B: (hinga ng malalim) It’s just a phase. Everyone is entitled to that feeling at some point of their stressed life. Ano ba kasi ang pinaggagawa mo these past days?

Ako: Work. Sleep. Work. It’s so fucken monotonous. Ayoko na. Ayoko na talaga.

B: (hands still running through my hair) Kel, please naman o. Please tumigil ka na. Nahihirapan ako pag nakikita kitang ganito eh. I’m running out of ways to make you feel better. I know how you feel.. minsan ganyan din ako eh.. pero hindi naman ako humahagulgol ng ganyan. Sobrang drama queen mo naman eh. I hate seeing you this way. You are a strong person.. it really breaks my heart to see you like this… every fucken time. Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot eh.

Totoo naman ang lahat ng sinabi nya. Siya lang talaga ang natatakbuhan ko sa mga ganitong pagkakataon. Wala ng iba. Wala pang ibang taong nakakakita sa akin na mag-breakdown ng ganito. Siya lang. Siya lang palagi. Kung minsan yung boypren ko. Pero minsan merong pagkakataon na may mga bagay na kay B ko lang kayang sabihin, I can get away with it without the fear of being judged.

Ako: I’m sorry. I’m so sorry. Ikaw lang kasi eh.

B: Ok, ok. I understand, saglit naman dito naman sa kabilang part pwede? (tinutukoy nya ang kanyang T-shirt na ngayon ay pwede mo nang pigain sa sobrang basa.)

Natawa ako at nang tingnan ko sya ay parang nabunutan sya ng tinik sa kanyang dibdib.

Ako: Sorry naman. Ang yabang mo!

B: Eh para ka kasing gago. (naghubad sya ng T-shirt at binaliktad ito sabay suot ulet) Oh ayan, game. (sabi nya at naiinis na sinubsob ang ulo ko sa dibdib nya)

Nagpumiglas ako.

Ako: Ayoko na. Leche. Hindi ka marunong rumespeto ng moment.

B: Eh tingnan mo naman.. yung T-shirt ko me lipstick mo pa, animal. (naiinis nyang tinuro ang bakat ng lipstick mark sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib)

Nagpunas ako ng luha. Humigop ako sa kape nya.

B: Ano ba! Meron ka naman ah! (inagaw  nya sa kamay ko)

Ako: Ang damot neto! (sabay hampas sa balikat nya, natatawa)

B: Lika nga rito! (bigla nyang sinusob ang ulo ko sa kanyang dibdib, naramdaman kong nakapatong ang kanyang baba sa bandang bumbunan ko) Remember this, ok? No one in this world has the right to look down on you. For me, you are perfect the way you are. You don’t need to change anything, ok? Kapag may nagpa iyak pa sa yo ng ganito.. huwag ka nang magpapakita sa kin at baka abangan ko na naman sa labas ng bahay nila. (natawa sya, siguro naalala nya yung ginawa nyang pag-aamok sa ex ko nang isang beses akong ihatid sa harapan ng bahay namin at nadatnan ko syang naghihintay sa akin sa may gate) Kel, it’s really pointless. Sobrang pointless. (pagpapatuloy nya) You are one of the greatest girls in my life after my mum, sympre and sometimes after my girlfriends…hahahahahaha.. but you have a special place in my heart, I’m sure ganun din yung ibang boys. Pero hindi sa lahat nang pagkakataon pwede mo silang pagsabay-sabayin, ok? (tapos ay naramdaman kong hinalikan nya ang aking noo) O magpunas ka na nga, ang dungis dungis mo na!

After that I felt a lot better. Tiningnan ko sya, pagkatapos ay hinila ang laylayan ng T-Shirt nya.

Ako: Say it.. say it.. please?? (pagmamakaawa ko)

Napailing sya at napabuntong hininga.

B: Ok. Ok. Teka lang, wait. Yung T-shirt ko!  (kumuha ng bwelo sabay nagseryoso ng mukha at tumingin sa akin) Kel, you’re hot. A lot of guys are killing each other just to spend time with you. I’m so lucky to have you. I love you. (nakasimangot nyang pagtatapos)

Ako: Say it! Say it like you mean it! (utos ko, naiiyak ulet.)

Naiinis syang nagkamot ng ulo at humigop ng kape.

B: Namaaaaaaaaaan! (nagseryoso sya ng mukha) Bwisit ka talaga. Argh.. ikaw lang talaga ang tarantadong nagpapasabi sa ken ng ganyan, leche.

Ako: Sasabihin mo ba o hindi!?! (naiiyak ang boses ko)

B: Teka lang naman! (hinila nya ang laylayan ng t-shirt nya sa kamay ko) Ok, game.. (inulit nya ulet ang sinabi nya sa itaas pagkatapos ay napailing sabay higop ng kape.) Ok ka na? Ok na yun? (tanong nya, nakakunot noo)

Ako: Ilakas mo! (pinadyak ko ang kaliwang paa ko, natatawa)

B: Kel, naman. Umuwi na tayo. Tara na! (pagmamakaawa nya, sinisipat ang oras sa aking relo) late na ko sa usapan namen.

Ako: So mas may importante na sa yo, ganun? (pagtataray ko)

Napairap sya.

B: O sige, 30 minutes pa. Kokotongan kita dyan eh.

Ako: Hahahahahahha. Joke lang. Tara na. Ok na ko. (tumayo ako at hinila ko sya sa pagkakaupo)

B: Taena, saglet! (tumayo sya at hinawakan ang aking kamay. Tumingin sa ken saglit pagkatapos ay hinalikan ako sa noo.) Get some rest, ok? Just call me anytime, magbabaon na lang ako ng T-shirt.

Sabay kaming naglakad ng tumatawa. Magkahawak kamay at pa sway sway pa.. para lang nung 15 years old pa lang kami pagkatapos mamitas ng isang baldeng makopa sa kanilang bakuran.

Haaaaaaaaaaaay nako, B. Ano bang gagawin ko pag nawala ka?

You just hold my hand when everything seems to fall apart…

And automatically…

I just feel a hell lot better.

I love you.. my bestfriend. Advance Happy Birthday! 🙂