The Door Chronicles. – THE MUCH AWAITED POST.

Posted: April 2, 2009 in Life, miarmiar-isms, the door chronicles, usapang lovelife

Gusto kong simulan ang entry na ito sa pamamagitan ng isang tanong :

“Nagkagusto ka na ba sa isang taong nabubuhay lamang sa iyong ilusyon?”

Yung tipong kilala  mo sya pero hindi ka nya kilala sa mundong ibabaw. Kumbaga sa comics, ikaw ang nakakaalam ng ending nyong dalawa dahil ikaw ang writer. Hindi pa naman nangyayari ito sa akin…. ngayon lang.

Gusto kong ipamukha sa inyong lahat na hindi ko talaga siya gusto nung una. Siya yung tipo ng taong nakikita mo lang araw-araw ngunit hindi mo napagtuunan ng pansin dahil ang mundo mo ay umiikot sa ibang bagay na walang kinalaman sa kanya.  Nakilala mo lang dahil sa mga kwento ng ibang taong araw araw mong nakakasalimuha. Napagmasdan mo ng mabuti isang beses dahil sa katabi mong walang takot na nagsasalaysay ng mga bagay na kanyang gagawin sakaling mabigyan sya ng pagkakataong makulong silang dalawa sa elevator. Sinipat mo rin isang beses at sinabi mo sa iyong sarili, HINDI KO SYA TYPE. .. hanggang sa dumating ang isang pagkakataon na nagdikit ang inyong mga braso nang magkasabay kayong magbukas ng pintuan. Nagbukas kayo ng pintuan ng maraming beses.. nagtagpo ang inyong mga mata at ngumiti ang inyong mga labi. Ito na ang simula… ang simula ng aking.. THE DOOR CHRONICLES.

Tagpuan:  Smoking Area.

Props: Lighter, yosi at mga taong chain smokers.

Madalas nagtatagpo ang aming landas sa Smoking Area. Meron syang group of friends.. meron din ako. Tatawagin ko syang WILL sa di malamang dahilan, wag mo nang itanong kung baket,  mas gusto ang screen name na yan kesa DOORMAN. (kapag naiisip ko kasi ang salitang DOORMAN ay naalala ko yung manong na naghahatid ng perang DOOR TO DOOR sa bahay namin. Naka get up ng maong na jacket at pantalong tinahi nung dekada ‘8O at rubber shoes na parang pam-P.E. Ayokong ganyan ang image na dadapo sa inyong mga kukote sa tuwing ikukwento ko sya sa blog ko. Kaya makuntento na lang kayo sa WILL. Ok?) Anyway, dito kami madalas nagbabatuhan ng mga casual smiles at casual HELLOs, yung tipong alam mong pwede nyang sabihin sa kahit kaninong kakilala nya. Pero hindi nya ako kilala. Hindi kami na-introduce kahit kailan.

Isang beses ng ako lang mag-isa ang nagyoyosi ay nakita ko syang pakalat kalat sa smoking area. Sa aking palagay,  kung isa ka sa mga sunog baga ay malalaman mong naghahanap sya ng kakilalang masisindihan. Tinitingnan ko lang sya, hindi ako lumalapit. Nagtagpo ang aming mga paningin at parang sa telenobela ligaw hits lang.. ay bigla syang lumapit at nagtanong.. “Can I borrow your lighter?”

Ako naman si Kellie, ubod ng landi, ay tumango at pinagbuksan sya ng lighter. Mahangin nun kung kaya’t napadukwang sya sa akin at tinaas ang kanyang jacket para hindi mahanginan ang pabugso-bugsong sindi ng aking lighter na may litrato ng babaeng nakahubad. Mga ilang beses kong sinubukan.. at ilang beses nyang kiniskis (promise lighter ang pinag-uusapan dito) ng biglang umapoy ito at nasunog ang kanyang pilikmata.  Kung masusunog ba ang pilikmata mo sa ngalan ng yosi, ok lang ba? Kung may babaeng nakatayo sa harapan mo at pinahiram ka ng flame thrower na nagkukunwaring lighter, hindi ka ba magagalet? Parehas kaming napa-igkas. Ako dahil kinakabahan.. siya dahil wala na syang pilikmata.

Ako: I’m so sorry.

W: That’s ok. No biggie. (sabay smile)

Nakatayo kaming dalawa ng matagal. Wala akong masabi.. wala akong magawa. Naubos ang yosi, hindi kami nakapag-usap. Umakyat sya, kasunod ako. Pinagbuksan nya ako ng pintuan at naglakad sa mahabang hallway ng tahimik at walang kibo.

Tagpuan: Hallway

Props: Dingding na kulay orange at magnetic door malapit sa clinic.

Nag-iisip ako ng malalim. Marami akong iniisip. Tinatanong ang sarili kung anong regalo ang ibibigay sa bestfriend kong si Jay na malapit na ang birthday. Sa kahabaan ng hallway ito lang ang aking iniisip:  BIRTHDAY.. BIRTHDAY.. PAGKAIN.. BIRTHDAY.. PAGKAIN.. BIRTHDAY…

Naglalakad. Naglalakad. Naglalakad na parang tanga.

Natapos akong magyosi sa baba at umakyat ng hagdanan. Naglalakad na parang zombie, nag-iisip ng murang regalong mukhang mamahalin. Tinapat ko ang ID sa magnetic door. Tuuuuuuuuut.. ang sabi ng door. Papasok na ako ng biglang mapansin ko syang nasa likod ko at papasok rin sa nasabing pinto. Kanina nya pa kaya ako pinagmamasdan habang naglalakad? Hindi ko alam.

Pinagbuksan ko sya ng pintuan.. muling nagtama ang aming mga mata. Ngumiti syang parang nanunukso at ang sabi nya, “Thank you…”

Caught off guard…

Ang sabi ko ay..

“HAPPY BIRTHDAY.”

Napangiti sya habang hawak ang pinto. Nakatingin sa aking mga mata at ang braso ay nasa aking ulunan. “What?,” tanong nya.

“You’re welcome,” bulong ko sabay biglang pasok ng isang pintuan.

“Oh, mam. Anong ipapa-check mo?,” ang tanong ng nurse.

Hindi ko pinansin at lumabas ako ng clinic. Nasa likod na nya ako ngayon. Ampotaenang hallway, napakahaba! Tinapat nya ang ID sa huling pintuang aming papasukan. Ilang hakbang na lang at malapit na ako. Inisip kong hindi nya ako nararamdaman. IMBISIBOL AKO. HUWAG KA NANG LUMINGON. Ngunit huminto sya at hinintay ako.

Wala kong nagawa kundi ngumiti. Pinapasok nya ako sa loob. Nang makapasok ako ay muli ko syang tiningnan. Nakangiti sya.

“THANKS,” ang sabi ng boses na kahawig ng kay REY LANGIT. Huwag kang malito. Boses ko yan. Nagulat ako. Kung bakit ganun ang modulation, hindi ko alam ang sagot.

Ngumiti na naman siya. “Is everything ok?,” sabay sarado ng pinto.

Hindi na ako sumagot at ngumiti na lang.. dahil baka sa pagkakataong ito ay hindi na ako labasan ng normal ng boses kundi tilaok ng manok.

Gusto kong abutin ng lawak ng aking isipan kung baket pumapalpak ako sa mga pagkakataong kami lang dalawa. Madalas kaysa minsan sa tuwing sasagi sya sa aking isipan ay kung saan saan ako napapadpad ng aking malikot na imahinasyon. . kahapon lang ay naisip kong nagpo-propose sya sa akin. At para naman akong tangang kinikilig mag-isa.

Sa tuwing titingnan ko sya sa malapitan, pakiramdam ko napakalayo nya. Hindi nya ako kilala ngunit sa aking panaginip ay na-meet ko na ang kanyang parents. Oo alam ko… creepy.

Alam ko namang wala akong chance sa kanya. Kumbaga sa mga ligaw hits, “He’s way too out of my league,” ngunit isang beses ng maka-kwentuhan ko ang mga haliparot kong kaibigan ay nalaman kong hindi ako nag-iisa. Ampotanginang crush ko… PILA BALDE ito. Nagulat ako ng isang beses nang mabanggit sa akin ng isa kong kakilala ang mga ginawa nya para lang maka-iskor kay Will. Kinaibigan nila ang driver, alam nyo ba yun? Kapag nalaman na raw nya kung saan nakatira si Will ay aabangan nya raw sa labas ng bahay at magkukunwaring nagtitinda ng Sampaguita.

Kung alam ko lang nung simula pa na ganito sila kadesperado, hindi ko na sana sinayang ang mga moments naming dalawa. Nakakatuwang isipin ng mga sandaling nasunog ko ang kanyang pilikmata ay maraming babae ang ibubuwis ang kanilang buhay para magkaroon lang ng mga pagkakataong katulad ng sa akin.

Pero naisip ko..

Kung mag-krus ang aming landas ulet at mabigyan ng tamang oras para kilalanin ang isa’t-isa..

Ano na pagkatapos?

Kung pagbubuksan nya ako ng pinto sa isa pang pagkakataon…

Papasok ba ako?

Ayokong magsalita ng tapos dahil ayokong subukin ako ng tadhana kaya’t ngayon ay mas madaling isipin na ang lahat ng pintuan ay nakabukas…

At ako ang magdi- desisyon kung saan ako papasok.

Comments
  1. enjoy says:

    @AC: hindi. lector siya at ako naman kolektor. haha! ndi noh. basta yun na yun! wag na natin i-elaborate mshado at baka mahagilap ng totoong jowa ko itong comment na to. aheks! naku lagot tayo kay kellie nito. ginawa nating ym itong page niya. ikaw talaga AC o… hehehe!

  2. AC says:

    @enjoy: hmmmm.. madre ka? at sya ay pari? ahihihi…😉

  3. enjoy says:

    oo nga pala, wala na rin sa apac yung ex ko. halos sabay kami nagresign last quarter ng 2008🙂

  4. enjoy says:

    ala na ko kontak sa ex ko. ktatapos nia lng ako ibreak. hahaha! ako pa iniwan db? ang saya! sabagay ndi nmn tlga karapat dpat na ituloy pa ung sa min. mgagalit ang langit. haha! o ayn AC may idea kn s likaw ng bituka ko ha. hahaha!

    how i sometimes wish na d na lng ako npunta ng apac. mas mrami kc kming memories dun together. waaa! eto na naman ako… reminiscing na naman. hahaha! oi i-link na kita pra mdaling masubaybayan ang replies mo sa comment ko.😀

  5. enjoy says:

    @AC:

    pating ka AC! muntik na kong mahulog sa upuan ah. buset na damontres yun? san lupalop ba nanggaling yun at di alam na MANILA ang ingles ng MAYNILA?!?! buset! hahaha!

    @kellie:

    pating! kilala mo si ralph?!? naku ayawan na! hahaha! baka kilala mo pa si jowalito ko. wag mo ko kuwento kay ralph. mukhang na-praning sa amin dati yun nung jowa ko. hahaha!

    • @ Enjoy: nyahahhahaha.. don’t worry. Walang makakaalam.. as in. Hindi rin nila alam na may blog ako dahil pag nabasa nila ang mga entries ko… maloloka silang lahat ng bonggang bongga. Sobrang hindi ako ganito sa personal.. tanong mo pa sa ex mo.. seryoso. Malamang kilala rin ako nun at napakaliit lang ng floor namin!

      Nyahahhahaha!🙂

  6. AC says:

    @kellie: tange di ako nagdudumi. inspirational to! wahahah!
    @enjoy: meron dumating na adik. at sabi sa kin ganito:

    lalake: hey madam! wer u from?
    ako: manila
    lalake: what?
    ako: manila
    lalake: what country?
    ako: manila!
    lalake: what country again?
    ako: tangina! sinabi na ngang maynila eh!
    lalake: ay ganun ba, kala ko foreigner ka.

    wahahaha! antanga ko kase e dapat pala sinabi ko PILIPINAS. haha. country pala kase tinatanong e MANILA ako ng MANILA. haha!😀

  7. enjoy says:

    @AC:
    linsyak! kht nkamobile tlgang npapa-comment ako ha.

    so may dumating bang ‘aga’ o si bentong yung nakita mo? hehehe.

  8. AC says:

    napakanta tuloy ako bigla.. love begins with one haller…. haller puka beach! (nagpunta ko dati dun mag-isa lang ako feeling ko ako si anne curtis tapos kumakanta ko ng ONE HALLER) hahahhaa

  9. enjoy says:

    BCBS? bgong accnt b un? humana at ung pnanggalingan lng nung jowa ko dati ang alm ko e (pro d k na alm ngaun. hehe). si ralph somethng ang TL. hehe.

    bkt nmn pantasya lng? malay m nmn. mraming relatnshp ang nagcmula s ‘hello’🙂

  10. AC says:

    erratum: taena ayan oh sabi ko pa “souldful”.. sori soulful ha.. bulag ako eh wahaha

  11. AC says:

    inaantok pa ko pero gusto ko magcomment
    @souldful: di men’s mag binabasa ko e. haha! babae po ako ate, di lang halata. hehee. tsaka yung mga ganung moment na naiisip ko e tamang narinig ko lang sa tabi2.. kase po konserbatib ako. hihi ;(

    @kellie: ayan na unti2 na lumalabas ang iyong pagkatao. wahahahha! inom daw tayo nila shorty minsan. hahaha😉

  12. soulful says:

    halik sabay takbo? parang magnanakaw na rin anoh? try mo nga magpost ng pic nya at baka pwedeng makipila na rin ako. hihihi.

    • @soulful: Nyahahahhaha.. sinend ko na ata yung pic nya kay AC at Duchess. ipapakita ko sa yo yung pic pero i add mo muna ako sa YM.. nyahahahaha.. may mga haliparot akong kaibigan na nagkakalkal ng blog ko at baka tuksuhin nila ako sa office. Mabubulgar ako.. hahahaha.🙂

      kelliecroft@yahoo.com

      Add na! Maghapon magdamag na kaming nagcha chat nila AC. Lolz.🙂

  13. soulful says:

    hahaha! natawa naman ako. bagong version ba to sa “pagsusunog ng kilay”? kaso pag nagsunog ka ng kilay, ibig sabihin masipag ka. yung sayo “pagsusunog ng pilikmata” at ng sa iba pa, ibig sabihin nun malandi ka. nyahaha!
    @AC: na-overdose ka ba sa kababasa ng men’s magazine? haha!

    • @ soulful: kung hindi ko nga lang siya nirerespeto eh baka hinalikan ko yung mata nya matapos kong sunugan ng pilikmata. taena kasi eh. Nakaka starstruck minsan eh. Nyahahhaha.

  14. Its just so freakin’ sad…

    haaaaaaay…

    oh well.. better luck next time.

    Sino na nga ang susunod?🙂

  15. Sassy Girl says:

    Lonely? Aww…paramihan ng moments with Will?

  16. AC says:

    @kellie: bwahahahah! wala na ko bangs. humaba na hurr ko e. LITERALLY and FIGURATIVELY. you know what i mean. wahahahah!

    di pa ko nakakapagpagupit. footspa pa pala. kase yung paa ko muka nang muka ko, fanget. ahihi😉

  17. pasensya at tsaka ung title/link, d ko magets baket eh.. at bilang impatient, eh nipabayaan ko na.

  18. enjoy says:

    habang binabasa ko itong entry mo, i can’t help but imagine the premises of apac again. hay, andaming nabuong love story dun… baka yan na ang start niyo ni DOORMAN, este, WILL…
    😆

    • @ ENJOY: ang lablayp namin ni Will ay mananatiling pantasya lamang. Nyahahaha… seryoso.

      Nakasalubong ko sya kanina at bigla syang humirit… “Hello.. Mrs. (apelyido ng dati kong naka date sa office) Takte! ka badtrip!😦

      Nakakainis di ba???!!! Gustong gusto ko sya all the while pero sa tuwing nakikita nya pala ako eh alam nya ang past lablayp ko…

      I was branded… naku naman… wala na ang mysterious effect ko sa kanya. Kilala na nya ako! Shet.

  19. enjoy says:

    1st-timer… hihihihi!

    hmm, APAC ha… dati ka na ba dun? publishing ako galing. pero may mangilan-ngilan na kakilala sa healthcare kasi may shinota ako dun. hahaha!

    parang narinig ko na name mo before. HR ka ba dun?

  20. @AC: naman. may bangs ka rin ano baaaaaaaaaa!

  21. Drama Queen says:

    @SASSY GIRL: namaaaaaaaan, girl. kelangan talaga isalaysay mo sa comment ang mga inumit kong moments na yan???!!! tamaaaaaa naaaaaaaa… oo na. kadiri ako. TORPE. TYOPE. HIGH SCHOOL!

    Margie, I’m lonely…..

  22. Sassy Girl says:

    Ahahaha! I forgot to mention, yung malakas na kalabog matapos nyong magsalubong ng mata sa 1 inch na strip na yun dahil sa taranta mo..akala ko nalaglag sa upuan si lady! Takte ka..

  23. Sassy Girl says:

    Ah ganun? Bakit may cut? Asan na yun eksenang nagsalubong ang mga mata niyo dun sa 1 inch na un-frosted portion ng glass panel?? At yung mala-Julius Babao na ‘welcome’ nung sya naman ang pnagbuksan mo ng pinto???

  24. AC says:

    ay ay ay ay.. sana ako din may mabastos! wahahah!
    tara, babuyin daw natin yung page ni soulful. maiba naman. bwahahah!

    naks, may avatar ka ah. the bangs!😉

  25. Drama queen says:

    @AC: alam mo bang nang sinulat ko ang post na ito ay umaapaw ako ng emosyon?pagkalito,panghihinayang,pagkalungkot at pag-asa…ngunit nag comment ka at nawala lahat ang emosyon na yan..sa halip ay napalitan ng isang kahindik hindik na eksena sa megaporn video!
    Bakit ka ganyan,ateh?!

    natatawa rin sa ken ang kaibigan kong si sassy girl at high school moments lang daw ako!

    at sympre naman…talagang kras ko sya..kahit kelan hindi ko sya hinipuan dahil nirerespeto ko sya…

    in short…LAHAT sila maliban sa kanya ay binastos ko! Nyahahahahaha…makatulog na nga!

  26. AC says:

    at para ka naman karinderya nyan na open sa lahat ng gusto kumain. asows!😛
    kung ako sayo pinantay ko na, sinunog ko na din yung kabilang pilikmata para fair dba? wahhehheee.
    naniniwala akong kras mo sya talaga, kase natatameme ka sa kanya. dahil kung tamang landi at LEVOGUE lang yan ay malamang sa malamang ineng nakaiskor ka na jan maski haplos lang sa dulo ng daliri. harharharhar

    bak to hayskul ka ba ineng?😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s