The Breakdown.

Posted: April 4, 2009 in emo, Life, miarmiar-isms

DISCLAIMER: Ang entry na ito ay puno ng drama. Kung ayaw mo sa drama.. huwag mong basahin, please!๐Ÿ™‚

———————————————————————————————————————————————————————————-

Sa pagkakaalam ko maayos naman ang gising ko kagabi. Katulad ng dati, kumain ako, naligo, nag-ayos, sumakay ng cab at bumaba sa bakuran ng opisina. Kagaya ng dati ang araw ko ay punong-puno ng mga bagay na paulit ulit kong ginagawa sa loob ng 3 taon.

Natapos ang araw. Sumakay ako ng cab pauwi. Nilamon ako ng kalungkutan sa paraang hindi ko maipaliwanag. Basta ang alam ko, sinabihan ko ang taxi driver na imbes sa bahay namin tumuloy ay sa Robinson Otis ang aking destinasyon. Pagbaba ko ng sasakyan, dumiretso ako ng Starbucks. Nag order ng dalawang Java Chip Frappucino, naghintay saglit pagkatapos ay tuluyang lumabas. Sa hindi malaman na kadahilanan ay minabuti kong umupo sa katapat na bangketa ng bakanteng upuan sa labas ng Starbucks.ย  Tiningnan ako ng mamang guard pero hindi ko pinansin. Ilang saglit pa ay tinawagan ko ang matalik kong kaibigan na itago na lang natin sa pangalang B (hindi yan si Beyonce o si Blair Waldorf ng Gossip Girl, naisip ko lang na gamitin ang letrang B dahil ayokong pangalanan ang mga taong parte ng aking buhay sa sulating nababasa ng madla. Unfair.)

“Hello?,” halatang bagong gising sya o nasa kalagitnaan ng masarap na pagtulog.

Hindi ako sumagot. Siguro kasi hindi ko alam kung saan magsisimula.

“Kel,” pagsisimula nya, “asan ka?” boses inaantok pa rin.

“Robinson’s Otis. Starbucks,” sagot ko sa gitna ng malalim na pagbunot ng hininga.

“Be there in 10 minutes. Huwag kang aalis dyan.” sabi nya at naputol na ang linya.

Halos kinse minutos akong naghintay. Sa dalawang gilid ko ang kape ng Starbucks, nakatulala sa kawalan. Pumara ang sasakyan nya sa harapan ko, nakababa ang bintana, tiningnan nya ako saglit.

“Sakay na.” sabi nya at binuksan ang pintuan. Parang robot, sumunod ako at inabot sa kanya ang baso ng kape.

“Sorry.” bulong ko nang makasakay ng kotse.

Hindi sya umimik, mukhang talagang naistorbo ang gising. “Seatbelt, please” sabi nya at nang hindi ako gumalaw ay siya ang dumukwang at nagkabit ng seatbelt.

“Saan tayo?,” tanong nya.

“Paco Park.” sagot ko.

Ilang minuto ang lumipas ay nakapasok kami sa loob ng park matapos magbayad ng entrance fee. Kagaya ng dati, umupo kami sa aming spot, sa aming mga kamay hawak pa rin ang venti cup ng Starbucks.

ang aming ispat

ang aming ispat

Nagbukas ako ng yosi. Naghikab sya. Umiyak ako.

Walang nagsasalita. Pinabayaan nya lang ako. Nang basang basa na ang aking mukha ay tumingin sya sa akin. Tiningnan ko sya at napangiti. Tamad na tamad nyang kinuha ang aking ulo at sinubsob sa kanyang dibdib. Umiyak ako ng umiyak at nagpunas ng luha sa kanyang T-shirt na katulad ng dati ay amoy fabric freshener pa rin.

“Namaaaaaaaaaaaaaaan, Kellie, eh. Bago tong T-shirt ko eh. Baket ba kasi hindi ka nagdadala ng panyo sa tuwing iiyak ka ng ganyan? 15 years ka nang ganyan eh!” naiinis nyang pagrereklamo habang tinataboy ang aking buhok sa kanyang mukha.

Ako: B, I just feel so fucken empty. (sabi ko umiiyak pa rin)

B: (buntong hininga) Yeah, yeah.. I’ve heard that before.

Ako: (inangat ang ulo at pinalo sya sa dibdib) Taena hindi ka naman nakikinig eh!

B: (habang tintingnan ang basa nyang dibdib) Eh pota, umiyak ka lang naman eh. May sinabi ka ba? Diyos ko naman, Kellie! Yung damit ko basang basa. Ang aga aga naligo ako ng malamig na tubig. Ang aga aga ang drama drama mo.(sandali nya akong tinitigan pagkatapos ay bumaling ulet sa kanyang T-Shirt) Tingnan mo oh! Dumikit yung make-up mo.. yak kadiri ka naman eh!

Uminom ako ng kape pero muntik kong maibuga dahil mainit.

B: Hahahahhaa. Ano ka ba! (pumalahaw ang halakhak nya sa paligid ngunit nang makita nyang hindi ako tumawa ay biglang sumeryoso ang kanyang mukha at tumingin sa kanyang T-shirt pagkatapos ay sa ‘kin) T-shirt pa? (pag-aalangan nyang tanong.)

Ako: Ibuhos ko sa ‘yo to eh! Bakit ka ba tumatawa? (sabi ko nagsisimulang umiyak matapos ang ilang saglit na hindi pagtulo ng luha)

Nag ring ang telepono nya. Sumenyas syang saglit lang at lumayo. Pagbalik nya ay kalmado na ako at hinihipan ang kape.

Ako: Sino yun? (pag iisyoso ko habang pinagmamasdan ang pagpatay nya ng cellphone.)

B: Si (pangalan ng GF nya) ginigising ako kasi po may lakad kami ngayong umaga. (pagkatapos ay nilagay nya na sa kanyang bulsa)

Ako: May lakad pala kayo eh. Sige iwanan mo na ko dito.

B: (napailing sabay higop ng kape) Sa loob ng 15 years na magkaibigan tayo.. sabihin mo nga kung kelan kita iniwan ng ganyan ka? Ikaw ang dahilan kung baket ako bumagsak ng Psychology nung college tayo dahil late akong nagigising sa tuwing ganyan ka sa gabi. Leche.

Ako: May bago akong crush (kininilig kong pagsisimula)

B: Haaaaaay nakooo.. sabi ko na nga ba eh. Let me guess ang lalakeng ito ang dahilan kung baket ka ganyan na naman.

Ako: Kelangan ba sa tuwing iiyak ako, lalake ang dahilan? Hindi no! This is about LIFE and LIVING my dreams. (nalulukot na naman ang mukha ko)

B: (mahina akong binatukan) Umayos ka nga. Mukha kang tanga.

Ako: Minsan naisip ko wala akong kwentang tao. Iniiwanan ako ng mga taong mahal ko.. hanggang ngayon andito pa rin ako. Naisip mo ba nung nag break kami ni Alex dati.. naisip mo ba kung baket sya lumayo? Kung baket lumayo rin si — after months of knowing me.. kung baket lahat ng minamahal ko iniiwan lang nila ako tapos after a while malalaman ko may iba na. Gusto kong malaman kung anong problema sa kin. Gusto kong malaman baket palagi akong nawawalan pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung baket. There’s something wrong with me, B. And I need to know what or I’ll end up screwing my life all over again, the same way I did a thousand times ago. ( habang sinasabi ko to ay sige lang ako sa paghithit ng yosi.)

B: (nire ready ang kanyang T-shirt) Kel, naman. Maraming beses na naten tong pinag-usapan di ba? Ok, unang una hindi ka iniwan ni Alex. Alam naman ng buong mundo kung gano ka kamahal nung tao. Pangalawa yung isang lalaking sinasabi mo.. sa totoo lang hindi ko alam ang sagot. Pero naisip mo rin ba.. na baka hindi ka iniiwan? Baka ikaw ang lumalayo. Naisip mo ba kahit isang beses lang.. na nilayuan ka dahil sa tuwing kasama ka nila.. they feel so fucken worthless. That everytime you are with them, you make them feel that you deserve better? That they feel so wrong for you because you outshine them. Naisip mo ba yun? Minsan kasi its not always about you.. I know. I know because I’m a guy. (pagtatapos nya, hinahawi ang buhok sa aking mukha)

Lalo akong napaiyak. Hindi ko alam kung nakabuti ang lahat ng sinabi nya pero naramdaman ko ang biglang pagbugso ng emosyon, huli na nang aking mapigilan, nakita na kami nang mangilan ngilang turistang Koreano na nagpapa picture sa krus ni Rizal na nuon ay pumopose pa ng peace sign. Natigilan sila at lumayo pagkatapos ay parang nagbulungan na may babaeng moret ang ngumangawa at nagyoyosi sa di kalayuan.

Ako:ย  Sabi nya.. sabi nya.. move on. Move on, Kel. But I don’t know where to go. I just don’t know where to fucken go.

B: Sabi nino? (tanong nya, confused)

Ako: Lahat sila! Ano ba! (sigaw ko sabay subsob sa dibdib nya)

B: Dahan- dahan naman, putangena. Ano ba? Hindi ako panyo. (pagrereklamo nya ulet pero naramdaman ko ang kamay nya sa aking ulo, inaamoy ang buhok ko) Amoy ka na yosi. Grabe ang lakas mo magyosi.

Iyak pa rin ako ng iyak. Alam ko sobrang exagerrated pero sobrang nakakagaan ng loob. Halos dalawang taon na rin mula nung umiyak ako ng ganito. Sa totoo lang hindi ko naman din talaga alam kung baket ako umiiyak basta bigla na lang akong napahagulgol at ginagawa ko sya ng paulit ulit dahil masarap sa pakiramdam.

Ako: B, I just feel so empty. (sabi ko umiiyak pa rin sa dibdib nya)

B: (hinga ng malalim) It’s just a phase. Everyone is entitled to that feeling at some point of their stressed life. Ano ba kasi ang pinaggagawa mo these past days?

Ako: Work. Sleep. Work. It’s so fucken monotonous. Ayoko na. Ayoko na talaga.

B: (hands still running through my hair) Kel, please naman o. Please tumigil ka na. Nahihirapan ako pag nakikita kitang ganito eh. I’m running out of ways to make you feel better. I know how you feel.. minsan ganyan din ako eh.. pero hindi naman ako humahagulgol ng ganyan. Sobrang drama queen mo naman eh. I hate seeing you this way. You are a strong person.. it really breaks my heart to see you like this… every fucken time. Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot eh.

Totoo naman ang lahat ng sinabi nya. Siya lang talaga ang natatakbuhan ko sa mga ganitong pagkakataon. Wala ng iba. Wala pang ibang taong nakakakita sa akin na mag-breakdown ng ganito. Siya lang. Siya lang palagi. Kung minsan yung boypren ko. Pero minsan merong pagkakataon na may mga bagay na kay B ko lang kayang sabihin, I can get away with it without the fear of being judged.

Ako: I’m sorry. I’m so sorry. Ikaw lang kasi eh.

B: Ok, ok. I understand, saglit naman dito naman sa kabilang part pwede? (tinutukoy nya ang kanyang T-shirt na ngayon ay pwede mo nang pigain sa sobrang basa.)

Natawa ako at nang tingnan ko sya ay parang nabunutan sya ng tinik sa kanyang dibdib.

Ako: Sorry naman. Ang yabang mo!

B: Eh para ka kasing gago. (naghubad sya ng T-shirt at binaliktad ito sabay suot ulet) Oh ayan, game. (sabi nya at naiinis na sinubsob ang ulo ko sa dibdib nya)

Nagpumiglas ako.

Ako: Ayoko na. Leche. Hindi ka marunong rumespeto ng moment.

B: Eh tingnan mo naman.. yung T-shirt ko me lipstick mo pa, animal. (naiinis nyang tinuro ang bakat ng lipstick mark sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib)

Nagpunas ako ng luha. Humigop ako sa kape nya.

B: Ano ba! Meron ka naman ah! (inagawย  nya sa kamay ko)

Ako: Ang damot neto! (sabay hampas sa balikat nya, natatawa)

B: Lika nga rito! (bigla nyang sinusob ang ulo ko sa kanyang dibdib, naramdaman kong nakapatong ang kanyang baba sa bandang bumbunan ko) Remember this, ok? No one in this world has the right to look down on you. For me, you are perfect the way you are. You don’t need to change anything, ok? Kapag may nagpa iyak pa sa yo ng ganito.. huwag ka nang magpapakita sa kin at baka abangan ko na naman sa labas ng bahay nila. (natawa sya, siguro naalala nya yung ginawa nyang pag-aamok sa ex ko nang isang beses akong ihatid sa harapan ng bahay namin at nadatnan ko syang naghihintay sa akin sa may gate) Kel, it’s really pointless. Sobrang pointless. (pagpapatuloy nya) You are one of the greatest girls in my life after my mum, sympre and sometimes after my girlfriends…hahahahahaha.. but you have a special place in my heart, I’m sure ganun din yung ibang boys. Pero hindi sa lahat nang pagkakataon pwede mo silang pagsabay-sabayin, ok? (tapos ay naramdaman kong hinalikan nya ang aking noo) O magpunas ka na nga, ang dungis dungis mo na!

After that I felt a lot better. Tiningnan ko sya, pagkatapos ay hinila ang laylayan ng T-Shirt nya.

Ako: Say it.. say it.. please?? (pagmamakaawa ko)

Napailing sya at napabuntong hininga.

B: Ok. Ok. Teka lang, wait. Yung T-shirt ko!ย  (kumuha ng bwelo sabay nagseryoso ng mukha at tumingin sa akin) Kel, you’re hot. A lot of guys are killing each other just to spend time with you. I’m so lucky to have you. I love you. (nakasimangot nyang pagtatapos)

Ako: Say it! Say it like you mean it! (utos ko, naiiyak ulet.)

Naiinis syang nagkamot ng ulo at humigop ng kape.

B: Namaaaaaaaaaan! (nagseryoso sya ng mukha) Bwisit ka talaga. Argh.. ikaw lang talaga ang tarantadong nagpapasabi sa ken ng ganyan, leche.

Ako: Sasabihin mo ba o hindi!?! (naiiyak ang boses ko)

B: Teka lang naman! (hinila nya ang laylayan ng t-shirt nya sa kamay ko) Ok, game.. (inulit nya ulet ang sinabi nya sa itaas pagkatapos ay napailing sabay higop ng kape.) Ok ka na? Ok na yun? (tanong nya, nakakunot noo)

Ako: Ilakas mo! (pinadyak ko ang kaliwang paa ko, natatawa)

B: Kel, naman. Umuwi na tayo. Tara na! (pagmamakaawa nya, sinisipat ang oras sa aking relo) late na ko sa usapan namen.

Ako: So mas may importante na sa yo, ganun? (pagtataray ko)

Napairap sya.

B: O sige, 30 minutes pa. Kokotongan kita dyan eh.

Ako: Hahahahahahha. Joke lang. Tara na. Ok na ko. (tumayo ako at hinila ko sya sa pagkakaupo)

B: Taena, saglet! (tumayo sya at hinawakan ang aking kamay. Tumingin sa ken saglit pagkatapos ay hinalikan ako sa noo.) Get some rest, ok? Just call me anytime, magbabaon na lang ako ng T-shirt.

Sabay kaming naglakad ng tumatawa. Magkahawak kamay at pa sway sway pa.. para lang nung 15 years old pa lang kami pagkatapos mamitas ng isang baldeng makopa sa kanilang bakuran.

Haaaaaaaaaaaay nako, B. Ano bang gagawin ko pag nawala ka?

You just hold my hand when everything seems to fall apart…

And automatically…

I just feel a hell lot better.

I love you.. my bestfriend. Advance Happy Birthday!๐Ÿ™‚

Comments
  1. AC says:

    @kellie: taena ka, oo di ko na kelangan ng bolpen at ngipin ko pa lang parang shark na! wahaha!

    ndi naman noh, grabe ka. ang iniisip namin e after holy week. ngayon nga eh magpapamiss ako dahil uuwi ako sa aking mahal na probinsya. ay sows wala ako internet access dun. waaaaaahhh. matagal ako mawawala. hmmm… 5 days? nyahahah! gudlak to me. yun na ang abstinence ko. hehehe

    • @ AC: siguradong pagbalik mo ay uulanin ako ng comments. Paghahandaan ko yan. At sana nawa’y sa iyong pagbabalik ay maliwanag na ang lahat at naisantabi mo na ang tot na pwede kang pumasok sa kumbento. Wag ganun, ateh!๐Ÿ™‚

  2. Drama Queen says:

    @ elizhia: salamat sa pagbisita. Please drop youg link so that I can add you in my blogroll as well.๐Ÿ™‚

    @ soulful: salamat sa babala. Ngunit gayunpaman, ang pagiging bayolente naming tatlo ay napapanahon.. nyahahaha. Hindi na kelangan ng bolpen.. dahil may mga ngipin naman kami! Nyahahahahha.. salamat sa mulingpagdaan, soul!๐Ÿ™‚

    @AC and Duchess: Hindi naman kaya magmukha tayong hudyong tatlo? Linggo ng pagtitika ngunit toma ang iniisip naten! Tara!๐Ÿ™‚

  3. AC says:

    @duchess: yes ma’am, opo eto nag-iisip na.

    o sinong sasama? hehehhee.

  4. oo nga… sa totoong buhay, habang sinusulat ko to, wala ng narramdaman ang mga kamay ko. ung ulo ko, parang lobo na ata. wala lang. dadamay ko lang kayo. AC, tara na, pls?!

  5. AC says:

    @soulful: mukang di lang simpleng inuman ang kelangan namin ni duchess ngayon. mukang kelangan namin ng isang matinding getaway. tsaka kame magpapakalango. hahah!๐Ÿ˜€

  6. elizhia says:

    I really dont know kung ano mararamdama ko sa entry na ito,parang nagbalik sa akin yung time na nagkaron din ako ng friend pero nagka inlaban naman kami,he became my boy friend, pero di rin nagtagal.Minsan mas maganda pa nga na magkaibigan nalang kayo at dadamayan ka kahit anong oras kaysa sa magkaron ng ibang kahulugan ang pagiging magkaibigan nyo.Thanks kellie for sharing…..add kita ha…

  7. soulful says:

    @ Kellie, AC, Duchess: pag mag-iinuman kayo wag na wag kayong magdadala ng mga matutulis na bagay kahit na ballpen. mahirap na baka ano pa maisipan nyo. hehehe.

  8. Drama Queen says:

    @AC and DUCHESS: chill lang…lilipas din yan.
    @Agidz: salamat sa pagbisita!ok lang yan..we all feel down sometimes but somewhere out there..there’s one person that’s bound to comfort you one way or another.

  9. agidz says:

    ang sarap naman basahin,,,,hihihihi na meron nagcocomfort sau wen u’re feeling empty how i wish meron din akong taong ganyan na matatakbuhan,,, sobra ako nadala sa blog mo ganyang ganyan din ang sitwasyon ko ngayon..๐Ÿ˜ฆ

  10. AC says:

    taena ka duchess! wag mong pangunahan ang nararamdaman ko ngayon at ako ay may kakaibang sentimyento na naman! wahahah! tangena di na naubos bwiset! hehehe๐Ÿ˜›

  11. taena… di na ako nakabalik sa pag-online. kasi ung taong nagdudulot ng sobra sobrang sakit sa puso ko ay parang asin at suka at alcohol. wala akong kalaban laban.๐Ÿ˜ฆ
    tama si AC, inuman na lang (at nararamdaman ko na ubos na talaga ang anesthesia nya sa katawan, ginupo na naman ng pag-ibig).
    AC, ganyan talaga pag kaibigan mo, talgang, ilalaglag ka hanggang kusa kang magising.

  12. AC says:

    o kellie, sabay biglang kanta sa singing bee.. im lucky im in love with my bestfriend.. lucky to have been where i have been.. lucky to be coming home again..

    muka na ko gago. maghapon magdamag lang nakabukas page mo dito sa computer ko.

  13. enjoy says:

    suerte nung t-shirt ha, may dampi na ng cheek at lips mo. hehehe! pero suerte ka rin kay B. ako din dati may bestfriend na guy. kaya lang puro intriga inabot namin nun. napagkamalan pa kaming mag-jowa. kalaunan, nadiscover ko, isa pala syang “mhin”. hahaha!

    • @ Enjoy: nyahahahahha.. masarap magkaroon ng bespren na guy..may mga dawson’s creek moments pa yan. nyahahahha. I think sa bawat bestfriend coed relationship eh normal lang talaga yung ganun.

      pero sympre uulitin ko ulet ang sinabi ko kay duchess at AC… ang pagbe bespren ng lalaki ay pana-panahon lang… kung malamig.. aba eh ipagpabukas muna! Nyahahaha๐Ÿ™‚

  14. @ ALEAHKIM: alam mo yung tawag sa mga lalakeng ganyan??? LEADING… seryoso. peksman. Testing the waters kumbaga! Mabuti na lang at matalino ka! *clap*clap

    @ AC: kung ano ano ang sinasalin mo kay duchess eh.. ayan tuloy kung ano ano na rin sya ngayon!

    sabay sabay tayong i-celebrate ang WORLD AIR DAY mamayang gabi. hold your breath from 9:30 – 10:30 pm… to conserve air.

    TARA!

  15. AC says:

    @aleahkim: biglang nawala ang anesthesia sa katawan at puso ko nung mabasa ko itong post na ito ni kellie. taena naman kase e. isang entry lang naubos ang balde2ng anesthesia. sabay sinalinan ko pa ng konti si duchess at ang mga iba pa nilang kaibigan, ako ang source nila ng anesthesia.

    kaya eto. ako na ngayon ang luhaan. wala na pansangga eh.

  16. aleahkim says:

    may mga UFO talagang kelangan iflush sa toilet… WAHHH sino ba kasi gusto ng drama diba? TAMA WORLD PMS DAY NGA ITO…

    hoy AC, paturok naman ng anaesthesia dyan… ung puso ko natutunaw nanaman, kailangan na ata espalto…

  17. Nortehanon says:

    seryosong-seryoso kong inihanda ang sarili ko sa pagbabasa ng post mo na ito dahil nakita ko ngang mahaba-habang basahin. At feel na feel ko naman ang drama sa umpisa…hanggang dumating sa part na ito:

    “โ€œNamaaaaaaaaaaaaaaan, Kellie, eh. Bago tong T-shirt ko eh. Baket ba kasi hindi ka nagdadala ng panyo sa tuwing iiyak ka ng ganyan? 15 years ka nang ganyan eh!โ€”

    At ako’y humagalpak na sa katatawa simula sa part na yan hehehe.

    You are so blessed for having B in your life. Hmn, mababait kasi yata ang mga taong nagsisimula sa B ang pangalan nyahahaha.

    Enjoy your weekend, Kellie.

  18. AC says:

    @kellie: e sya naman nagumpisa ng malisya at pagnanasa na yan eh. ako e bato naman pagdating sa ganyan. pwede bang magrewind na lang at bumalik sa nakaraan kung saan ang buhay ay tahimik lang at walang bumabagabag sa aking isip at puso..

    anyways, salamat sa laging pakikinig sa aking mga basagan moments kellie. seryoso yan. tae ka. mag-inom tayo minsan at nang malaman mo kung gaano ako mag-emo pag lasing ako at baka masabihan din kita ng aylabyu! wahahah!

  19. AC says:

    ang problema ko. yung blogsite ko eh “conjugal” property namin ni adonis. ihahanda ko na sarili ko kapag nakapagonline sya ulet at kalkalin yun at mabasa ang mga emo ko dun. kaya nga yung iba may password eh. kase di na nya alam password. pero di naman ako basta2 makapaglipat bahay kase bukod sa dami ko ililipat eh paid pa yung blog ko. next time gawa din ako ng bago. yung malayo ako sa kanyang mapanuring mga mata. hay.๐Ÿ˜ฆ

  20. AC says:

    @duchess: walang ganon.. nasira nga singing prowess ko kagabi dahil sa mga hinayupak nating kaibigan na walang gnawa kundi ilaglag ako nung ako ay kumanta ng “tonight, i’d give in”

    bwiset lang. sakto daw kase yung song. kaso bglang nagbago ang ihip ng hangin…

    at kame ay sabay na napakanta na lang habang magkaakbay ng “im ready this time, i know that im no longer undecided.. i dont wanna be a fool wondering.. what might have been…”

    @kellie: haaaaaaay. can i just have him forever like the way you do with your B?๐Ÿ˜ฆ

    • @ AC: at kame ay sabay na napakanta na lang habang magkaakbay ng โ€œim ready this time, i know that im no longer undecided.. i dont wanna be a fool wondering.. what might have beenโ€ฆโ€sana ay nag holding hands kayo at pa sway sway pa….

      “@kellie: haaaaaaay. can i just have him forever like the way you do with your B?๐Ÿ˜ฆ ” – eh pano naman mangyayari yan eh umaapaw ka ng pagnanasa at malisya! bakla ka!๐Ÿ™‚

  21. AC says:

    shet kellie…. may naaalala ako…
    pinaiyak mo ko peste ka! ayan na ayan na ang aking luhaaaaaaaaaa!!!
    kakasabi ko lang kanina sayo sa YM na panay anesthesia na ko sa puso dba? wala na, wala na.. dahil sa entry mo na to napatulo na lang bigla luha at uhog ko. pakyu!๐Ÿ˜ฆ

  22. @ Duchess : huwag mong salingin at baka ngumawa yan! Nyahahahhaa๐Ÿ™‚

  23. ay ne, wag ung pusa ang sundan mo, ung mga jeep… hahaha! seryoso na to… ano ba meron sa araw na to… taena naman oh… long weekend pa naman…
    AC: ano ka na jan… pers taym kang late… hahah! lumabas lang kayo ni daddi kagabi… hmmm… anong mapa nagawa mo!?๐Ÿ˜›

  24. AC says:

    shet. nahuli ako sa pagcomment. what happened to me?????
    nagagawa nga naman ng fag-ebeg.. panira ng moment sa blogosphere. bwiset. teka mamaya ako magkocomment ng SERYOSO. harhar

  25. aleahkim says:

    hayan, ako to LOL, nglabas ako ng drama. HAY SARAP. =]

  26. what’s with our entries? puno tayo ng drama ngayon at lumbay ah. kellie, pag ako inaabutan ng ganyang klaseng lungkot, nilalakad ko ang kahabaan ng ultra hanggang bahay namin. minsan may luhang tumutulo, pero kadalasan, nasa loob ang pagiyak. ung tipong gusto ko ng ipasok ang kamay ko sa lalamunan ko kasi gusto ko na lang kamutin ung masakit na mahapdi na makirot dun sa loob…
    at tama ka, ang hirap magkaroon ng impression na “strong, independent and courageous” tayo na babae, kasi no one bothers to ask if we’re okay. no one bothers to care, PERIOD.
    may sense ba tong pinagsasabi ko? di ko alam. ang alam ko lang, sobrang pagod ako ngaun. para akong nauupos na kandila o sigarilyo. alam ko, may silbi ako. alam ko un. pero gusto ko lang naman, may mag-alaga sa akin at iaffirm na “may silbi” nga ako sa buhay nya… nyeta! alak!

    • @ Duchess: very well said!

      pasensya hindi ko kayang maglakad mula Cubao hanggang bahay namen. Baka humagulgol ako dahil sa kanto pa lang ng Araneta ay naliligaw na ako.๐Ÿ˜ฆ Alam mo naman.. kapag nagligaw ako ng pusa.. sya ang susundan ko pabalik ng bahay namin at sa malamang ako ang naligaw!

      Phew! Yosi. Toma. Alak. Laslas. Dugo! Wuhoooooooooo… shet๐Ÿ˜ฆ

  27. soulful says:

    pansin ko nga rin mga taken yung mga nice guys na yan. ang masaklap pa nyan, the best ones are TAKEN AND GAY. how else can you explain guys na wala naman gf pero takot sa commitment? langya! hehee.

  28. soulful says:

    malapit na talaga akong ma-inggit kellie. di naman sana ako inggitera by nature pero bakit ba ang dami mong kakilala lang nice guys? pa-share naman o. hehe.
    but seriously, don’t ever feel that there’s something wrong with you. we are all wired differently and if people can’t seem to accept you for who you are, then it was their mistake to come in to your life in the first place. whether they admit it or not, you attracted them because of who you are — lock, stock, and barrel.
    o ayan ha! pinatulan ko na ang drama mo. hehehe.

    • @ Soulful: I soooooooo love you.๐Ÿ™‚ salamat, it made me feel a lot better talaga.. Sabi nga ng kaibigan ko.. HORMONES lang yan. Inabutan ka lang sa taxi. taena. Pero seriously, you can’t help to feel this way sometimes. Yung parang feeling na you are striving so hard to make a difference but you end up feeling so fucken insignificant.๐Ÿ˜ฆ

      siguro naisip ng Diyos na paligiran ako ng mga mababaet na lalake dahil kung hindi baka maging isa akong sociopath! Lolz. Pero most of the times, napapansin ko lang.. all the good ones are either gay or taken.

      haaaaaaaaaaay life! sobrang mean and harsh minsan!๐Ÿ˜ฆ

  29. thenocturnal says:

    u just gave me an idea, irerevamp ko nga ung dapat original blogsite ko, haha,,

    • @ nocturnal: tama yan, dude. Subukan mo lang.. blogs are supposed to be a form of release.๐Ÿ™‚ Yung nakakapag kwento ka ng walang fear of being judged.. o kung meron mang judgement who cares? It’s your life after all.๐Ÿ™‚

      dali dali! Hihintayin ko.๐Ÿ™‚

  30. thenocturnal says:

    haha inadd narin kita, susmaryosep kung ung mga “friends” ko lang, di alam ung blog ko, siguro nakapagdrama narin ako ng ganyan… andming mong blogs na sobrang nakakarelate ako, lalo na ung feel empty shit.. the worst feeling in the world…

    -.-”

    • @ nocturnal: kayo kayo lang ang nakakaalam ng blogsite ko eh. Feeling ko kung alam din ng mga friends ko yung blogsite ko.. hindi rin ako makaka -emote ng ganito. Ang problema kasi.. masyado tayong strong…

      we are strong enough that no one bothers to ask if we’re ok.

      nakakaloka. Nilalabasan ako ng tears sa bumbunan.๐Ÿ˜ฆ

  31. thenocturnal says:

    ” Minsan naisip ko wala akong kwentang tao. Iniiwanan ako ng mga taong mahal ko.. hanggang ngayon andito pa rin ako. Naisip mo ba nung nag break kami ni Alex dati.. naisip mo ba kung baket sya lumayo? Kung baket lumayo rin si โ€” after months of knowing me.. kung baket lahat ng minamahal ko iniiwan lang nila ako tapos after a while malalaman ko may iba na. Gusto kong malaman kung anong problema sa kin. Gusto kong malaman baket palagi akong nawawalan pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung baket…. And I need to know what or Iโ€™ll end up screwing my life all over again, the same way I did a thousand times ago. ( habang sinasabi ko to ay sige lang ako sa paghithit ng yosi.)”

    My life in your one paragraph. Apir.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s