Ang pagtatapos.

Posted: April 10, 2009 in emo, Life, miarmiar-isms

Mula pagkabata hanggang ngayon… ayoko ng Semana Santa.

Hindi ko maiisip ang sinabi kong yan kung hindi pa ako napilit kaninang umaga ng aking tita na dumalo sa prusisyon ng DAAN NG KRUS.

Gusto kong isipin na ang mga nangyari kanina ay ang huling pangyayaring magwawakas sa isang linggong drama ng aking buhay. Ang totoo.. galit ako sa drama. Pero may mga pagkakataong kagaya nang sa ngayon na hindi ko kayang takasan.. kahit gustong gusto ko. Kung kaya’t sa aking mga kaibigang nagbabasa sa aking tahanan.. humihingi ako ng mahabang pasensya dahil mukhang mahaba ang post na ito. Pangako… susubukan kong huwag nang ulitin ito.

Ang Unang Istasyon: ANG HULING HAPUNAN

Umuwi akong nagugutom.. sa totoo lang. Kaya ako umuwi ng maaga ay dahil sa walang bukas na kainan ang pwede kong puntahan. Sa Cubao, isang kainan lang ang bukas. At hindi ako kumakain sa nasabing fast food place dahil minsan na akong na food poison dun. Nagpaalam ako sa aking mga kaibigan at dali daling sumakay ng taxi, kumukulo ang tyan at nasasabik sa pagkaing nakahanda sa aming bahay (kung ano man yun).

Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko ang aking tita na naghihintay sa akin. Aba eh, agad akong inabutan ng STATION OF THE CROSS booklet at nag utos na magpalit ako ng damit at aalis na kami.Β  Wala akong nagawa, bumenta sa akin ang mga salitang, “Minsan ka na lang nagdadasal ngayon. Ano na ang mangyayari sa kaluluwa mo?” Bigla kong naisip ang kaluluwang si Casper na lungkot na lungkot sa isang tabi na gayunpaman kahit isa syang multo ay nabansagan siyang THE FRIENDLY GHOST dahil wala syang kaibigan. Ayokong maging ganun… kaya naman nagbihis ako.

Pangalawang Istasyon: SA HALAMANAN NG GETSAMANI

Agad kong tinawagan ang kaibigan kong si B na nuon ay nautusang magwalis ng kanilang bakuran.

AKO: Dadaan ako dyan.. kailangan nakabihis ka. Alis tayo.

B: Saan punta?

AKO: Station of the Cross.

B: AYOKO! IKAW NA LANG.

AKO: Minsan ka na lang nagdadasal ngayon. Ano na ang mangyayari sa kaluluwa mo? (Inisip kong kung bumenta sa akin.. maari rin itong bumenta sa iba.)

B: Gago. Hindi ako katoliko. Hindi yan uubra sa aken.

Nakalimutan ko. Protestante pala tong kausap ko. Pero …..

AKO: Eh ano naman? Baket wala bang kaluluwa mga protestante?

B: Meron. Pero ayoko nga sumama sa yo. Ang init init.

AKO: Minsan na nga lang tayo magkasama, ayaw mo pa. Sige na nga.. ako na lang. (sabi ng malungkot kong boses)

B: OO na! Nakakabwiset ka talaga.. yang mga guilt trip mo. Alam mo naman…. haaaaaaaay.. oo na magbibihis ako, wait lang!

AKO: Yehey! (sigaw ko) I love you, B!

B: Lul. Babay. (naiinis nyang boses at binabaan ako ng telepono)

Dinaanan namin syang nakatayo sa labas ng kanilang garden, nakasimangot ngunit napangiti nang makita ang aking tita na kamukha ni Ms. Tapia. Kung hindi mo ba naman pipilitin na ngumiti sa harapan ng uber taray intimidating kong tiyahin, aba eh..ewan ko na lang kung anong klaseng tao ka.

Ikatlong Istasyon: SI HESUS AY DINALA SA HUKUMAN NI PILATO

Kagaya ng mga nakalipas na taon, ang pamayanan ng Pandacan ay nagtipon tipon sa harap ng simbahan ng Sto. Nino. Gusto kong himatayin, sa gitna ng init ng araw ay para lang kaming nagwe welga laban sa TUTION FEE INCREASE. Nagkukumpulan ang aming mga katawan sa lilim ng acacia tree. Ang lahat ng tao ay may panyo maliban sa akin.

B: Ano ba naman to. (sabi nya habang nagpupunas ng pawis) O – (inabot nya ang panyo sa akin)

Ako: Wag na may pawis mo na yan. (sabi ko sabay pahid ng pawis ng ilong sa kwelyo ng aking TSHIRT)

B: Ambabuy mo, solid.

Ako: Wag ka nga–

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil may kumalabit sa akin. Napatingin kami ni B sa likod. Hindi naman ako masyadong nagulat nang makita ko si NDS dahil sa totoo lang nakita ko ang tatay nya nung papatawid pa lang kami ng kalye patungong simbahan. Sumagi sa aking isip na baka nandito ang buo nyang pamilya at tama ako. Naisip ko rin na isa sa mga organizers ang tatay nya… at tumpak na naman ako. Hindi ko naman yan tinanong sa kanya, feeling ko lang na tama ako. Sa halip na itanong yan sa kanya ay pinakilala ko na lang si B.

Ako: Sino kasama mo?

NDS: Family ko. Wala kang pasok? (tumingin sya kay B na nuon ay kinakausap ang isa sa mga kaibigan ng tiyahin ko na unti unting natutunaw ang make up sa sobrang pawis tapos ay tumingin na sya sa akin), nakita ko yung ibang mga klasmeyts naten ah. Nakita mo si (pangalan ni #2), nakita ko siya kanina eh. Sabi nya bibili lang sya ng tubig sa 7-11.

Panandaliang nanigas ang mga daliri ko sa paa. Huwaw, naman! Ang bait talaga ni Bro. Akalain mong sa mga panahong kailangan kong magpenitensya ay talagang naisip nya na mas bonggang-bongga kung nanduon si #2?

Ako: Hindi eh. Hindi ko sya nakita.

Tumango lang si NDS. Nagsisimula nang umusad ang madla. Sumunod kami. Nasa tabi ko pa rin si B at ngayon ay taimtim nang nagbabasa ng booklet pang- STATION OF THE CROSS. Nasa kabilang gilid ko si NDS.

NDS: Next week na yung reunion. Punta ka? (mahina nyang tanong)

AKO: Hindi (naglalakad ng mabagal dahil napakabagal ng manang sa unahan namin) kasal kasi ng pinsan ko eh. Sa Batangas ako. (lumulutang ang isip ko dahil nai-excite akong makita si #2)

NDS: Ah ok. Sayang naman. Bakit–

Hindi nya rin natuloy ang kanyang sasabihin dahil may kumalabit din sa kanya. Napatingin kami sa likuran. Nanlumo ako ngunit buong pwersa kong pinilit ang aking sarili na ngitian ang kaharap ko.

Nagtama ang aming paningin. Ngumiti sya at panandaliang tumama ang aking paningin sa babaeng kanyang ka-holding hands. Ngumiti sya sa akin pagkatapos ay bumaling ako sa harap at napakapit kay B na nuon ay bising-busy na nagbabasa pa rin ng booklet.

Nagkatinginan kami pagkatapos ay napakunot ang kanyang noo.

B: Naiinitan ka ba? (tanong nya parang naghahanap ng maagawan ng payong)

Ako: Hindi.

B: Ok. O eto lagay mo sa ulo mo.. baka kutuhin ka. (pinatong nya ang kanyang panyo sa aking bumbunan at tuloy lang sa pagbabasa)

Kasabay kong huminto ang madla sa paglalakad. Narating na namin ang pang-apat na istasyon. Narating ko na ang katapusan ng kahibangang ito.

Ika-apat na Istasyon: ANG PAGHAMPAS KAY HESUS AT PAGPATONG NG KORONANG TINIK

#2: Kel, water? (kinalabit nya ako at inabot ang mineral water na alam kong para sa kanya pero binibigay nya sa akin)

Napalingon si B sa kanya. Sa gitna ng pagdadasal ng katekista ay pinakilala ko sya kay B. Nagtunguan lang sila.

Tiningnan ako ni B at alam ko na meron syang gustong itanong pero yumuko sya ulet sa booklet. Tumingin ako ulet sa likod, kay #2 na nuon ay may kahawakang kamay pa rin. Hindi sya nakatingin sa akin. Pinagbubuksan nya ng mineral water ang girlfriend nya. Awtomatiko akong napa-igkas paharap at hinawakan ang kamay ni B.

B: Aray, ano ba!(mahina nyang sigaw sa aking tenga. Mabuti na lang talaga at nakahanap ng tropa ang tita kong madasalin sa banda roon at kung hindi ay baka nasutsutan na kaming dalawa dahil kanina pa kami nag-uusap)

Ako: Sorry. Nauuhaw kasi ako eh. (bulong ko pabalik)

B: Eh tanga ka, baket hindi mo kasi kinuha yung mineral water ni Mamang Pogi sa likod. Nauuhaw na rin ako eh. (Gusto ko lang liwanagin na ang tono ni B ay hindi kinikilig habang sinasabi nya ang mga katagang MANONG POGI sa halip ang tono nya ay may bahid ng pang-aasar)

Hindi ko sya pinansin. Dahil wala akong mapagsabihan ng nagpupuyos kong damdamin ay dinukot ko ang aking cellphone at nagsimulang mag-text. Tatlo sa mga kaibigan ko ang pinadalhan ko ng mensahe at sabay sabay silang nag-reply.

NDS: Oi, magdasal ka. (sabi nya, hinahawakan ang braso ko dahil nakatutok ako sa cellphone) Baka madapa ka, Kel.

Ako: Hindi naman. Sanay ako ng ganito, don’t worry. (ngiti ko sabay baling ulet sa celfon)

B: Ateh, prusisyon to. Huwag kang maglandi. (bulong nya ulet pero nakatingin sa booklet)

#2: Excuse me, bro (kinalabit nya ako pero nakatingin kay B sabay abot ng kandila)

Pagka abot nya wala syang tinitingnan maliban sa nilalakaran nilang dalawa ng girlfriend nya.

B: Sisindihan na ba to? Now na? (tanong nya sa akin, naghahanap ng lighter)

Ako: Hindi mamayang gabi pa (sagot ko kinakapa ang lighter sa aking bulsa)

B: Weh? (seryoso ang mukha nya)

Ako: Tanga mo. Sympre ngayon na..

B: Sorry ah. Protestante ako eh. Lighter nga! (medyo malakas na ang boses nya ngayon dahil napansin nyang wala masyadong tao ang sumasabay sa paglalakad namin)

Ako: (nadukot ko ang lighter sa bulsa sa likod ng aking pantalon) O! Sindihan mo rin yung sa ken. (naramdaman kong nalaglag ang cigarette case ko nang bigla akong maglakad. Tinalikuran ko si B para pulutin ang cigarette case. Saglit akong dumukwang para abutin pero dalawang kamay ang nakita kong pumulot nang nalaglag kong bagay. Nagkatinginan kaming tatlo. Nagpaubaya si #2, pinabayaan nyang kunin ni NDS ang fucking cigarette eksenador case. Nakita kong inabot ulet ng GF nya ang kamay nya para sa naudlot na holding hands moment. Lumakad sila. Naiwan kaming dalawa ni NDS nang bahagya. Nagulat si B nang makitang nauuna syang maglakad habang nagkakandahirap magsindi ng dalawang kandila. Huminto sya sa gitna ng kalye para maabutan namin.)

NDS: Ang likot mo. Lagot ka pag nakita ka ng Tita mo. (kilala ni NDS ang tita ko dahil madasalin din ang tatay nya)

B: O anong part na ng MAHALIN MO AKO MAKISIG NA LALAKI ang na-miss ko? (bulong nya sa akin nang mag-vibrate ang celfon ni NDS sa kanyang bulsa) Kel, naman. Irespeto mo naman ang pagpapakasakit ni Hesukristo.

NDS: Wait lang, tinatawag ako ni Papa. Ako na raw susunod na magli lead ng prayer. Excuse me. (sabi nya kay B na nuon ay pinipilit pa ring buksan ang kandila na pilit na pinapatay ng hangin)

Nang makarating na si NDS sa harapan, muling huminto ang madla. Panandalian akong natigilan, tahimik na nakatitig sa dalawang taong magkahawak ang kamay sa aking harapan at taimtim na nananalangin.

Ikalimang Istasyon:Β  ANG PAGTANGGAP SA KRUS

Umaalingawngaw ang boses ni NDS sa kalsada. Hindi ako tumitingin sa harapan. Nakatingin lang si B sa kawalan na wari mo’y nag-iisip kung ano ang kanyang napasok.

B: Baket ka ba sumama dito? Ang init solid.

Ako: Eh sabi ni Tita masusunog daw ang kaluluwa ko sa impyerno pag di ako sumama. (sagot ko nakatingin sa likod ng marami, maliban lang sa dalawang taong sobrang lapit na sa akin)

Lumingon si #2 pero hindi lumingon ang GF nya.

#2: Nakakatawa yung boses ni NDS. Nanginginig pa talaga (sinasabi nya ito habang kinakapa kung basa na ng pawis ang likod ng girlfriend nya) Andito ka kasi eh. Kinakabahan tuloy yung tao. (pang aasar nya) Did you put something on? Sunblock? Matututusta ka dito.

Ako: (nakangiti pero nararamdaman kong unti unting bumibigat ang ulo ko) Hindi eh. Pero ok lang yan, summer naman eh. Saka wala na akong ita-tan pa.

B: O! (inabot nya ang kandila sa akin na pinatay nya na lang dahil hindi masindi-sindihan)

#2: Ay oo nga pala (parang may biglang naalala sabay marahan nyang kinalabit ang katabi nya) Hun, si Kellie — elementary classmate ko. Kellie, si (pangalan ng GF nya na nakalimutan ko ulet kaya hindi ko ma-type) GIRLFRIEND ko.

Nagngitian kami.

Ako: Hi.

Sya: Hello. (tapos humarap na ulet sa mga rebulto ni Jesus Christ sa di kalayuan).

Lumakad na ang madla.

NDS: Mapayapang hinarap ni Hesus ang mga tiisin at hirap. Ipanalangin natin na malampasan din natin nang mapayapa ang anumang tiisin sa buhay at huwag mawalan ng pag-asa. Dasalin natin ang AMA NAMIN at isang ABA GINOONG MARIA.

Naglalakad sila sa kabila nang panandaliang paghinto ng aking mundo.

Ikaanim na Istasyon: ANG PAGKASUBASOB NI JESUS

Sa gitna ng aming paglalakad ay nag-ring ang cellphone ni B. Nakabalik na si NDS sa aking tabi. Mukhang may after shock pa ang pagdadasal nya dahil hindi sya masyadong nagsasalita.

Napatigil kami saglit dahil may nadaanan kaming bahay na nagbibigay ng malamig na tubig. Mayroon ng isang kumpol ng mga tao ang umiinom ng tubig.

Katabi ko na ulet si B.

B: Uwi na muna ko. Si Mama may inuutos. Ok ka lang dito?

Tiningnan ko sya ng matagal.

B: O sige na. Babalikan kita promise. Seryoso kelangan ako ni Mama.

Nakatingin pa rin ako sa kanya.

Boses: Kellie??!!

Napalingon ako. Nagulat ako nang makita ang may-ari ng boses.

B: CARL PARE! (boses ni B, obviously nagulat din sya. Itago na lang naten sya sa pangalang Carl. Pero tatawagin ko syang C ngayon para hindi aksyado sa space. Nagyakapan sila. Yung machong yakapan.)

C: Kamusta?!

B: Man, ok lang. Kelan ka pa dumating?

#2: Kel, baket huminto kayo? (hindi ko alam kung saan sya nanggaling pero biglang nasa likuran namin sya kasama pa rin ang GF nya)

C: Oh, God! Ang laki mo na—sweetie! (si C, bumaling sa ken tapos kinurot ang pisngi ko)

Ok sige.. medyo marami nang characters pero ipapaliwanag ko kung sino si C. Si C ay isang sakristan na super ultimate crush ko nung gradeschool ako. Mas matanda sya sa min ni B ng mga 2 taon. Ka-schoolmate nya si B nung highschool pero nag-migrate sya sa States pagdating nya ng Kolehiyo.Β  Natapos nya ang kursong medisina sa States. Halos nasisilaw ako sa puti nya sa gitna ng arawan. Nakasuot sya ng T-SHIRT na nagsasabing isa syang volunteer MEDIC sa eksenang ito.

Sasagutin ko sana si #2 pero namalayan kong wala na sya sa aking harapan at naglalakad na kasama si NDS. Masyado akong natuwa sa muling pagkikita namin ni C.

B: Tol, una na muna ko. Tatapusin mo ba to?

C: Teka lang, dude. Dein ka naman katoliko baket ka andito?

B: Hinila ako neto. (tinuro nya ako na nuon ay nakapila sa linya ng namamalimos ng tubig)

C: Sige, dude. Ako bahala kay Kels.

Umalis si B. Matapos akong makainom ng isang drum ng tubig ay tuloy ang lakad. Katabi kong naglalakad si C na nuon ay walang tigil ang kurot sa aking pisngi sa tuwing may pagkakataon para huminto. Namamanhid na ang kaliwang pisngi ko pero naisip ko ok lang. Sorry po, Jesus.

Sa wakas naman ay nanahimik na kami. Nagbabasa na si C ng booklet na inabot ni B sa kanya. Sa hindi inaasahang pagkakataon, inabutan pa rin namin sila NDS. Sabay sabay na silang tatlong naglalakad ngayon. Huminto ako saglit para tupiin ang laylayan ng aking pantalon. Naiinitan na ako.

C: Anong nangyari dyan sa paa mo?

Walang ano ano ay napatingin si #2 sa amin. Tumingin sa paa ko pagkatapos sa akin na parang naghihintay ng paliwanag.

Ako: I tripped on something and fell down the stairs. (sabi ko tuloy pa rin sa pagtupi ng pantalon)

C: Lika nga! (yumuko sya at tiningnan ang pasa sa binti ko, saglit nyang hinawakan) Is it hurting?

Ako: Medyo. Pero ok lang yan. Malayo yan sa bituka.

C: (napangiti) Gosh, you’re such a klutz. Hindi ka pa rin nagbabago.

Lumingon ulet si #2 at nagkatinginan kami. Hindi sya ngumiti sa halip ay hinawakan nya sa baywang ang GF nya sa gitna ng kanilang paglalakad.

Ikapitong Istasyon: TINULUNGAN SI HESUS NI SIMON CIRINEO

Dahil inis na inis ako ay tuloy ako sa pagte text.

C: Kel! (hinila nya ako sa gilid dahil muntik akong malusot sa open manhole) Huwag ka kasing mag-text.

Tumingin si #2 sa akin. Umiling tapos ay bumalik sa pagdadasal. Tinawag si C ng mga kasama nya. May aleng nahihilo sa likod.

C: I’ll be back. Wait lang…(hinawakan nya ang baywang ko tapos umalis)

Tumango lang ako, diretso pa rin sa pagte text. Nasa likod nila ako nang biglang huminto ang GF ni #2. Huminto rin si #2 at nagtanong kung ok lang si girl. Nilampasan ko sila. Text pa rin. Wag na nila sana akong abutan.

Nadala ako sa pagte-text. Tumitingin tingin ako sa paligid sabay baling ulet sa celfon. Nag-iingat naman talaga ako. Nakakahiya namang madapa. Napangiti ako. Baket ko ba inaagawan ng moment si Lord?

“Kel!,” naramdaman ko ang hangin sa harapan ko. Muntik akong mahagip ng pedicab. Yung ale sa tabi ko OA makasigaw.

Naramdaman ko rin ang mahigpit na hawak ni #2 sa braso ko. May mga ilang tao ang napatingin ngunit tuloy pa rin ang dasalan.

#2: Kapag meron pang nangyari sa yo at wala ako dito.. ewan ko na lang. (bulong nya, hindi nakangiti. Sarcastic)

Agad kong tiningnan ang GF nya. Magkausap sila ni NDS pero bigla syang lumingkis kay #2.

GF: Ang init. Uwi na tayo.

Hindi ko hinintay ang sagot ni #2. Lumakad na ko. Wala akong kasabay. Kapag nadaanan ko ang bahay namin.. uuwi na rin ako. Ayoko ng nararamdaman ko. Gusto kong mag-isip kung baket ganito ang pakiramdam ko.

Umuwi na sila hanggang matapos ang dasalan ay hindi ko na sila nakita. Si NDS lang ang kasama ko. Bumalik ulet kami sa simbahan ng matapos na ang napakahabang STATION OF THE CROSS na yan. Nagbigay sila ng makakain. Pero hindi ako pumila. Tumayo ako sa lilim ng Acacia Tree at nagdrama… NOBODY LOVES ME BUT THE ACACIA TREE.. natatawa kong binubulong sa aking sarili. Si NDS ay nag-aasist magbigay ng pagkain sa di kalayuan.

“Kel!,” hindi ako lumingon. Bakit ba ayaw akong tantanan ng taong ito? Hindi ako mahilig mag-assume na tao pero kung palagi syang ganito paano ako hindi mag-aassume? Sabihin mo kung paano dahil hindi ko alam ang sagot.

Ayoko nang makipag usap sa kanya pero hindi naman ako umalis sa kinatatayuan ko hanggang sa tuluyan nya akong maabutan.

#2: I’m sorry. I had to walk her home. She’s not well. (nakatingin sya sa pasa ko sa paa) Paano ka namang nadapa?

Ako: Hindi ko alam. Uwi na ko oi. Ang inet. Pupunta pa ko palengke. (hindi naman talaga ako pupunta ng palengke pero yun ang una kong nasabi)

#2: Baket? (tanong nya ipinagbubukas ako ng mineral water na hawak nya) Baket pupunta ng palengke? Ano bibilin mo?

Ako: Tinapay. (sagot ko, binababa ang tupi ng aking pantalon)

#2: Ano ba yan! Ako na! ( umupo sya at binaba ang pantalon ko) Ang laki ng pasa mo. Naman. Di ka nag-iingat.

Gusto ko syang sipain.

Ako: Oh ayan, nakababa na. Uwi na ko. Babay.

#2: Wait, ano ka ba? Ang init. Saka baket ka pa pupunta ng palengke? May commisary naman malapit dito, samahan kita. I want to ask you something.

Ako: (curious) Bukas ba yun ngayon?

#2: Hindi ko alam. Baka. Pero hanap tayo ng iba pag sarado.

Ako: Wag na. Uwi na lang ako. (sabi ko sabay abot ng mineral water)

#2: Hatid kita. (lakad sya kasabay ko.)

Sa pakiramdam ko hindi ito matatapos kung hindi ko sya pagbibigyan kaya pumayag ako. Pero alam naman nateng lahat na nagdadahilan lang ako.

Pagsakay ng kotse nya. Walang nagsasalita. Malapit na kami sa may amin ng i-park nya ang sasakyan malapit sa bahay nila B.

Ako: Oh baket? (tanong ko, confused)

#2: May naalala ako.. (smiles) Black shirt, KEEP THE PEACE ang nakasulat, black jeans… red chucks…

Ako: Huh?

#2: (saglit na tumingin, nakangiti pa rin) Yun ang suot mong damit nung makita kita 2 years ago sa may simbahan. Alas otso ng gabi. Right wing.

Flabbergasted.

Ako: Ano ngayon?

#2: Wala. Never mind. (ini-start nya ang makina)

Ako: Dito na lang ako bababa.

#2: Baket? Ayoko. (hinila nya ako ng akmang bubuksan ko ang pinto) Sa inyo na.

Hindi ako kumibo. Nag drive sya hanggang makarating sa harap ng bahay namin. Ngumiti ako.

Ako: Dito na ako. Ingat ka.

#2: (tumigin sa kin, seryoso) Yung bruise mo para mawala, try to put ice on it or something. I wouldn’t know since I’m not a doctor but I hope that helps. And do me a favor, ok? Pwede bang mag-text ka kapag nasa loob ka ng bahay or somewhere safe or whatever. Muntik ka na kanina ah. Naiinis ako sa yo.

Ako: (seryosong nakatingin sa kanya, nanghihina) Ok. Ingat ka.

Bumaba ako at hindi lumingon.

Matapos akong magbihiis ay binuksan ko ang computer. Tumunog ang aking cellphone.

Kel, did I freak you out today? – #2

Reply ako. YES.

Ilang minuto nag-reply sya.

#2: I THINK SO TOO. I’m sorry. It’s probably the heat talking. Nakakainis kasi that guy you’re with today, yung medic guy. He’s so phony. San mo ba nakilala yun?

K: Old friend.

#2: It’s not too late for us to be good friends naman db? I mean, I haven’t seen you for years but I really want us to be close that’s why I’m so protective of you. I hope I didn’t look like a complete idiot while doing that. That’s what I’ve been meaning to ask kanina but I chickened out because you looked pissed at something.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

K: Great.πŸ™‚ Where are you now?

#2: Here in Pandacan. (Pangalan ng GF) is not feeling well.

K: You guys look good together. I’m sure she’s a great girl.

#2: She is. I’m sure magkakasundo kayo. She’s a klutz din. Yung ang una kong napansin sa kanya. Haha.

K: Hehe. Anyway, I’m off to bed now. Be safe.

#2: I know. You look awfully tired. Try to stay in one piece the next time I see you ok? And.. NO TEXTING WHILE WALKING OR DRIVING OK?

Hindi na ko nag-reply.

May pagkakataong kahit anong gawin kong pagpapaliwanag para itama ang mali ay pilit kong hinahanapan ng tama ang mali dahil sa mga panahong sinusunod ko ang dikta ng aking kukote ay unti-unti akong natutunaw sa tuwing iniiwasan ko ang mga bagay na alam kong sa simula pa lang ay ubod ng sakit na.

May mga sandali sa buhay ng isang tao na hindi nya maipaliwanag kung ano ang dapat nyang maramdaman sa isang sitwasyon na kayang ipaliwanag ng kanyang kukote pero nahihirapang tanggapin ng kanyang puso.

Hindi ako naniniwala sa ganyan dati..

Pero biglang bigla sa isang iglap… nandito ako ngayon.

Hinahanapan ng tamang dahilan ang mga bagay na alam kong hindi ko dapat simulan.

Hindi ako ang ipinako sa krus…

Pero sa ngayon…Β  parang ganun na rin.

Taenang drama… ayaw matapos tapos!

Comments
  1. AC says:

    hoy! magupdate ka nga!!!!!!!!!!!

  2. kellie!!! mukha kang babae dito sa bago mong avatar. hahaha!πŸ˜›

  3. AC says:

    ako alien kase pabago2 nga ichura ko. wahahha

  4. enjoy says:

    @AC:
    nampating! ako pa nasisi. sige nga magbilangan tayo ng mukha dito sa page ni kellie. ang decent nga ng mga comments ko :angel:

  5. @nocturnal: minsan feeling ko kaya mahirap akong mag let go ay dahil sa naalala ko ang bawat detalye ng mga mada dramang tagpo ng aking buhay.
    Camera na lang talaga ang kulang at sine na ito!
    Pero sana minsan ay meron ding direktor na sisigaw ng “cut!”paminsan minsan nang naitatama nman ang bawat mali sa mga eksenang basag na hindi na maitatama pa!
    At gusto ko mang tapusin ang station of the cross…pero wla na akong makwento at napagod na ako!nyahahhahaha!

  6. thenocturnal says:

    grabeh naman to, parang OGAG moment… nakakapraning, of all days pa talagang sa holy week pa ngyari… anung kadramahan nyang si #2? o_o Para tong eksena sa isang teleserye haup.. LOL… natagalan ako bago basahin, akala ko aabout pa ng pinakahuling istasyon hahaha pero amaze ako, talagang napakadetalyado, sabagay kung skn rin ngyri yan, iisipin ko naging makasalanan ako at pinaparusahan ako.. susmiyo…

  7. AC says:

    magsulat ka na nga ulet.

    naman wala na ko mabasang abgod ito sa blog mo kundi mga bastusan na batuhan nyo ng comment ni enjoy. sana magsulat ka naman ULIT ng INSPIRING. bwahahha! as if!πŸ˜›

    wahahhahaha!

  8. AC says:

    @enjoy: opo, madalas ako magkamali ng send. kaya madalas nakakahiya ako. hahaha. kaya nga ba tamad na tamad ako magtext eh. wahahaha!

  9. enjoy says:

    @AC: eto lang ang masasabi ko sa maling komento mo….
    BWAHAHAHAHA!

    malamang madalas ka rin ma-wrong send sa sms noh? ahihihi!

  10. AC says:

    ay potaena mali pa ko ng comment, ngayon ko lang narealize. para kay kellie pala yun, di sayo enjoy. wahahah! im sooooooooooooo bulag!

  11. AC says:

    @enjoy: santa ako talaga. santa-santita.. haha!

  12. AC says:

    @enjoy: nagsisimula sa L? nagtatapos sa E? may O at V?

    LEVOGUE ba yang sinasabi mong bumibigay ka sa tawag? hihi..πŸ˜‰

    nang-aakit kase ako sa YM tsong. naghihintay na may magtanggal ng tali sa aking balikat. Wahahahaha!

    joke lang anu ka ba! hahaha!πŸ˜‰

  13. enjoy says:

    @AC & Kellie:
    Ang lalaswa niyong dalawa! Mukha pa naman kayong mga santa tpos… susmio!

    *enjoy w/ halo over her head*
    πŸ˜†

  14. AC says:

    @kellie; baket mas matatag ka kapag walang regla? ahahahaa. kakaiba ka yata. ako mas matatag kapag may regla. wahahahha!

    kadire tong linya mo pare. maghunos dili ka nga. wahaha

    • @AC: mare, pag may red china ako….malayo ang mga kagimbal gimbal na emo moments. kaya ko naman nasabi yan….

      pero pag malapit na…

      nanghihina ako.. at bumibigay sa tawag ng….

      alam mo na…

      LOVE.πŸ˜‰

  15. AC says:

    @enjoy: birds of the same feather make a good feather duster.
    pwede din birds of the same feather have the same balls.

    ikaw ba may balls? hihi

  16. enjoy says:

    @AC:
    alangya ka! nag-beach ka?! aba eh malay ko bang naglalagalag ang byuti mo dun? ang buong akala ko ay kaulayaw mo ang mga ninja geese mo all the time. sus! kung alam ko lang eh di sana bumisina muna ako… teka *honk… honk* ayan ha. don’t wori kasi may isang bitch din dito sa SG na kasalakuyang lumalagare ngayon sa harap ng PC. nyahaha!

    sabi nga “bitches of the same feather, flock together”πŸ˜†

    @KELLIE:
    “babaeng.. ubod ng LANDI..mahina kung minsan, ngunit matatag sa mga pagkakataong walang regla.”

    amf! di ko kinaya to! PROMISE!!! hahaha!

  17. AC says:

    haaaaaaaaaaaaaaayyyyyyy..

    ALCOHOL + PHONE = DANGER

    ayun yun eh. tae!

    buti na lang mapagmahal ang mga TURKEY sa probinsya kaya nagenjoy ako. harhar. di kase ako napadpad sa manukan ng tyuhin ko e. kukuha sana ako ng 3 tsaka ko padala sayo kellie jan sa pandacan. wahaha! buhay ha..πŸ˜›

  18. AC: hayup! aba, nalalaglag na naman ako. oist in fairness, naisalba ko ang bruhilda na itoh.. kung di ba naman tinamaan ng sapak tong lolah mong itoh eh, kung ano2x na lang ang napipindot sa telepono. ayun, kakaeaster sunday lang, kakabuhay lang ni Bro, may pumaslang na ulit sa kanya sa ngalan ng “pagsisinungaling.” hahaha!πŸ˜› peace kels!

    kels: kamusta ang nagppalpitate? hahaha!πŸ˜† ayos na ba? kumalma na?!πŸ˜‰

    In fairview, dami ng (mis)adventure ang mga telepono naten… gawa kaya tayo ng chronicle nito?! wala lang…πŸ™‚

    YM Mode ever! yahoo!

    • @duchess: salamat, kapatid!πŸ™‚ ako ay nag hang kanina at mabuti na lang ay nasalo mo ako ng bonggang-bongga!πŸ™‚

      kumalma na mare… pinasukan ko ng VALIUM.πŸ™‚ Bwahahahahaha.

  19. AC says:

    sa totoo lang ansaket ng mata ko sa pagod, puyat at dahil sadyang malabo sya. pero gusto ko magcomment talaga dito. wahaha.

    @enjoy: taena nagpapatama ka??? pakalat2 din ako sa beach kaya eto, mukang pwet na ng kaldero ang kutis ko. hahah!

    @kellie: hoy gaga di ako nakipaglaro sa mga manok. pabo lang. as in TURKEY ba ateh. chuchal ako eh. hihi. sige mag-igiban kayo ng lakas ni duchess, tingnan ko lang kung hanggang saan ka tumagal dun sa baliw na yun. wahahhaha.

    @duchess: PEACE pare!πŸ˜€

    • @ AC: HANGTAPANG mo tsong…

      alam mo ba minsan natatakot ako na baka hindi ako makarating ng langit? Kasi kung magugunaw na ang mundo at kailangan ng mga taong sumakay sa HOLY SPIRIT para maisalba ang sangkatauhan…

      pakiramdam ko.. baka lang… (katok sa dingding) baka mamatay na ako sa pagsampa pa lang…

  20. soulful says:

    i agree with AC. tingin ko may malisya si #2. ano yung “i really want us to be close”? friendship? e friends na nga kayo. ano pa hinahanap niya? kalaro ng gf niya? sabihin mo marami raw nag-aabang sa kwento nyo kaya dapat klaruhin na niya intensyon niya at nabibitin kami. ayan galit na ako. hehhee.

    • @ soulful: gusto kong isipin na ang labistori namin ay napaka SURREAL. Hindi ko alam kung ano ang kanyang tinutumbok dahil sympre ayoko naman mag-assume.. pero ang siste nang mabasa ko ulet ang aking sinulat ay para ngang ganun ang patutunguhan..

      ngunit subali’t datapwa’t… mag uusap kami ulet sa April 25, sabado… at dito na magkakaroon ng linaw ang lahat.

      Sympre naman ipo-post ko ang mga pangyayari dahil isa akong….

      babaeng.. ubod ng LANDI..mahina kung minsan, ngunit matatag sa mga pagkakataong walang regla.

      Sorry bastos. Nyahahahhahaha.

  21. @AC:hayuf sa pagsuporta sa damdaming emo,mabuhay ka!taena hinahanap kita ateh..si duchess ang humigop ng lahat ng damdamin ko..tinulungan nya pa talaga akong bumuo ng sentences na isasagot kay #2 sa pagte text!
    Maligayang pagbabalek,kapatid!natutuwa ako na hindi ka nadapa habang nagkukumahog pauwing maynila…ngunit isa kang traydor sa pakikipaglaro sa mga manok.wag ganun!

    @Enjoy: minsan parang sobra sobra na ang paninisi naten sa ateng mga puso dahil bukod sila ang walang humpay na nagpa pump ng dugo sa ateng mga puso..ay sila na lang ang lagi nating sinisi pag tayo’y lumalablayp at nasasaktan.si mother lily,charo santos at helen vela ang mga salarin!shet.

    umpisa na nman ang pagiging YM ng page ko!namiss ko toooooooooo!sige lang mga friends..wag mahihiya!

  22. enjoy says:

    @AC:

    ahahaha! kasi naman ang bitches nagkalat sa beach eh…

    sabagay, may pagka-bitch din ako :bandit:

  23. AC says:

    @enjoy: gaga, di ikaw yan. basta lang. kung sino lang ang tamaan. nyahahah!πŸ˜›

  24. enjoy says:

    mukhang talagang nagamit mo ng husto ang iyong semana santa ha. kahit sa gitna ng prusisyon at bisita iglesya eh hirap pa rin ng puso ang na-experience mo. kaya tuloy madalas masisi ang puso dahil sa mga ganitong nag-uumapaw na emosyon. buti na lang at nauso ang blogging dahil kung hindi, malamang ay namatay na tyo sa sakit ng puso.

    dyaske kasing mga lalaki yan eh… ayw tayong tantanan! aheksπŸ˜€

    @AC:
    “kesa naman sa mga taong kung makahirit na panay emo na lang daw.. walang basagan ng trip! at least totoo. at least di plastik.”

    mukhang may pinaghuhugutan yan girl ah… teka, ako ba yan? ahehehe!

    HAPPY EASTERπŸ™‚

  25. AC says:

    at salamat dahil nakuha mo pa ako itext at guluhin ang pagmumuni-muni ko at pakikipaglaro sa mga manok sa probinsya. haha! at nung time na yon kating-kati na ko takbuhin ang maynila at buksan ang computer ko at basahin etong entry mo. harhar.

    pero alam mo, sa tingin ko……

    may malisya sayo si #2. wahaha!πŸ˜›

  26. AC says:

    “Hinahanapan ng tamang dahilan ang mga bagay na alam kong hindi ko dapat simulan.”

    — winner!

    di talaga matatapos ang emo trip natin. dahil kung wala nun, wala din saysay ang blog na ito. o ang blog ko. o ang blog nila. ano pa nga ba ang mas magandang topic sa mundo kundi emosyon. lalo na at ganito. pasalamat ka, TAO ka at may pakiramdam.

    kesa naman sa mga taong kung makahirit na panay emo na lang daw.. walang basagan ng trip! at least totoo. at least di plastik.

    ayaw ko ng mga plastik.

    kaya ikaw ay gusto ko dahil ikaw ay TUNAY (ewan ko lang ang mga parte ng katawan mo wahahaha joke!)

  27. AC says:

    magappapansin muna ako bago ako magcomment ng matindi! wahahahahah! ang dami ko kelangan basahin! waaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhh!πŸ˜€

  28. plaridel says:

    one of jane austen’s characters once noted that one loves the longest when all hope is gone. anung malay mo, your story may have a happy ending.

  29. kels, tsong, pare, mare, pards etc. anong matinong masasabi ko sayo?! eh noong 2araw lang ang nakaklipas, isa ka sa umaalo sa akin?
    may mga bagay talaga na sadyang di natin maintindihan, at siguro, kailanman ay di na maiintindihan. sadyang parte lang sila ng buhay natin. un lang un. at oo, meron magsasabi na “mali” or “tama” pero ang importante lang naman eh, kung makakatulong ang mga bagay2x sa pagkatao mo. kung itong pangyayaring to ay nagdudulot ng pakiramdam na dapat di mo maramdaman, ito ay dahil makakatulong to sa paghubog ng iyong pagkatao. di mo kailangan intindihin, kailangan mo lang harapin at lampasan.
    di ko alam kung may sense ba tong mga pinagsasabi ko, pero itoh na talaga, seryosohan, umiyak ka kaya?! bwakanangpakshet, cge ka, liliparin ka nyang lumulubo mong ulo, bahala ka… hihi!πŸ˜›

    • @ Duchess: yellow friend! sorry ngayon lang ako nag-reply.. ako ay nagliwaliw at pumunta kung saan upang ag soul searching…

      ngunit hindi ko nakita ang aking soul. nyahahahhaπŸ™‚

      Salamat sa pag-alo.. ako ay ok na.πŸ™‚ tapos na ang dramang ito!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s