BASAG.

Posted: April 23, 2009 in daot, Life, miarmiar-isms

Gusto kong magpasalamat sa mga kaibigan kong mahilig tumambay sa aking blogsite.

Humihingi ako ng paumanhin sa aking mahabang pananahimik. Ang buhay lablayp ko ngayon ay pansamantalang huminto sa isang sulok ng katahimikan. Ako ngayon ay nabubuhay para mag-trabaho lamang. Tanong nga ng kaibigan kong minsan ko lang nakikita ngunit madalas nagpaparamdam, “Kellie, wala ka na namang emosyon? Aba eh.. good news! Ibig sabihin nyan tapos na ang PMS moments mo. Inuman na to!”

Unang una, matagal akong hindi nakapagsulat dahil nadadalas ang aming mga reuniong pangka mag-anak.Β  Malapit na kasing tumulak ang aking pinsan sa abente-otso upang magtrabaho at magpunyagi bilang isang NARS sa bansang Europa. At dahil birhen pa ang pinsan ko, (yun ang sabi nya), isang linggo akong nanalangin na sana nawa ay hindi sya maialay sa mga aswang ng London. Sympre pa, mawawala ba naman sa mga reunion na ito ang mga tiyahin na mahilig manita ng mga nag-iingay na pamangkin ngunit halata namang malakas syang tumawa sa tuwing naglalaro ng mahjong. At ang mga lola na tipong dudunggulin ka ng kamay kapag nakalimutan mong manuhan. At ang mga cool na cool kong mga tiyuhin na kung pumorma ay parang si Michael J. Fox lang sa BACK TO THE FUTURE. Lahat sila ay present. Lahat sila ay nagtatanong.. “Kamusta na ang NOBYO mo?”, “Nasaan na ang bata mo?”, “Kailan ka lalagay sa tahimik?,” at kung ano ano pang mga katanungan na tumutukoy ng siglong kanilang kinalakihan. Gusto ko nga itanong sa isa sa mga uncles ko kung nanunuod pa rin sya ng BOLD pero baka hindi pa rin sya nakaka get over kay MACGYVER kaya hindi ko na sya binalak tanungin pa dahil mauuwi na naman ang lahat sa usapang NUTRIBAN, WONDER WOMAN, KNIGHT RIDER, BAYWATCH at HIGHLANDER.

SA KASAL NG ISANG DULONGBINTI

SA KASAL NG ISANG DULONGBINTI

Nanaginip ka na ba na nalulunod ka sa umaapaw na papel at ink cartridge? Ito ang pangalawang dahilan kung bakit matagal akong hindi nakapagsulat.Β  Nanaginip ako na hinahabol ako ng isang MANSTER KOKONGBAN sa sobrang pagsubsob ko sa trabaho. Halos wala na akong oras sa lahat ng bagay. Nagdidikit dikit na ang buhok ko sa sobrang stress. Alam kong masama ang ginagawa ko, ngunit katulad lang din ng usapang lablayp, may mga pagkakataon talagang kakainin ang oras mo ng trabaho na halos wala ka ng lakas na mag-emote at mag-isip ng ibang bagay maliban sa pagtulog. Sa sobrang stressed ko nung Lunes ay sinubukan kong matlog sa aming sleeping quarters ngunit sa kasamaang palad ay pinalibutan ako ng dalawang gigantic whales na kung maghilik ay parang namamayagpag na steamboat lang sa karagatan, kung kaya naman ay minabuti kong tumayo na lang at magtrabaho ulit, ayoko na kasing managinip pa muli na hinahabol ako ni Kingkong.

Ang pangatlong dahilan ay pagiging abala sa pag-aayos ng mga papeles. Marami kasi akong requirements na kailangang isumite para sa isang planong matagal ko nang inaasam na magkakatotoo. Kung ano ito.. saka ko na sasabihin.

Sa sabado ay magkikita kami ni Number 2 para dumalo ng isang class reunion. Hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari pero ipinapangako kong isusulat ko ang lahat ng aking matatandaan sa araw ng Sabado. Wala akong planong lumihis pakaliwa dahil sa totoo lang ay masaya naman ako talaga sa kung anong buhay meron ako ngayon. May mga bagay lang talagang kailangang present ka pag nagtatapos dahil isa itong pagpapatunay na ang lahat ng bagay na nangyayari ngayon ay totoo. Gusto ko lang klaruhin na ang pakikipagkita ko sa nasabing tao ay para sa kanya at hindi para sa akin. Hindi rin ako nagpapaliwanag dahil guilty ako, hindi ako mahilig magpaliwanag sa mga bagay na minsan ay ako lang ang nakakaintindi, ngunit sa pagkakataong ito ay gusto kong magpaliwanag dahil ayokong dumihan ang pangalan ng isang taong nakasama ko ng 9 na taon. Hindi ko kasi kilala lahat ang pumapasyal sa tahanan kong ito kung kaya naman ay alam kong posible na isa sa kakilala ng boypren ko ay maaring mabasa ang isa sa mga entries kong tumutukoy kay #2.

Ang buhay ay sadyang mahiwaga kung kaya’t natural lang na umaapaw ito ng mga bagay na hindi natin kayang ipaliwanag, kung kaya naman sa mga taong hindi ako maintindihan, isa lang ang maipapayo ko… HUWAG. May mga bagay na hindi mo dapat intindihin dahil may mga emosyong mas matimbang sa nararating ng ating mga diwa.

May mga bagay na sadyang hindi dapat ipinaliliwanag dahil sa sandaling hanapan mo ito ng tamang kasagutan.. ang lahat ng bagay ay sadyang.. parang nagiging mali.

Kung kaya naman ay huwag nyo na lang intindihin ang lahat ng aking pinagsasabi.. dahil sa mga sandaling ito.. ang utak ko ay sadyang…

LUTANG.

Comments
  1. AC says:

    kellehhh nasan ka???!!😦

  2. gudang says:

    hayyy. bago lang ba ko dito? o matagal ka lang talagang nawala ? either way,πŸ˜€ hmmm… bsta kahit anung mangyare, 2.50 pa din ang kwekwek samen! go girl. kaya mo yan!πŸ˜€ hehee.. what’s lutang? is that float? sumthing like that? huh? heheehe. wla lang !πŸ˜€ ge! PEACE AND LOVE❀

  3. AC says:

    PS:

    oo sinasaniban ako ni Anna Lashengera dahil kagabi naisipan kong mag-inom sa tabi-tabi lang. Maaga ako pumuslit sa bwiset na opisina at 5:30 pa lang ng hapon nasa inuman na ko at lumalaklak ng tequila sunrise mag-isa.

    handa na sana akong tirahin ang isang pitsel na juniper na inorder ko.. ngunit, datapwat, subalit…

    lumitaw si Duchess at sinabing wag ako magpadagit sa mga thundercats! harhar!πŸ˜€

  4. AC says:

    ako din LUTANG.

    at di na kelangan magpaliwanag. walang basagan ng trip.

    at alam kong di ka guilty. pak dem ol!

    uuuy alam ko yang inaayos mong requirements ah. goodluck!πŸ˜‰

  5. AC says:

    akala mo naman sya may MATINONG PICTURE!

    hoy magising ka nga sa katotohanan. kita mo kasama mo pamilya mo pero ichura mo muka kang bangag. bwahhaha! adik!

    ayos ah “gow gow gow” ka kay nocturnal jan, nakikita ko sayo si cris eh. hahaha!πŸ˜€

    @kellie at enjoy: alam nyo bang ang ichura ng blog ko dati ay all black. as in madilim na parang sinasapian ng demonyo.. hanggang sa sya ay naging light blue at umayos na sa paningin kase maayos na mood ko e.

    potangena eto ngayon ako na DRAMA QUEEN.

    kellie, hanggang dito sa page mo may pulis. napakakontrobersyal ko talaga. bwiset. sana isinama mo na sa batangas ng maialay sa mga aswang. tsk.

    • Drama queen says:

      Tsk…tsk…its all in the mind,ac!tatagan mo ang loob mo at manalig ka na pagdating ng bukas..ang araw ay sisikat din.
      Ang sabi nga ng science..ang lahat ng tao ay nalulungkot,nasasaktan at nade depress ng 12 minutes lang..anything longer than 12 mins is…SELF INFLICTED.

  6. @enjoy: powtek.. kaya naten to! GIRLPOWER! ako na si Buttercup wala nang eepal! NyahahhahahahaπŸ™‚

    tinaob nyong lahat ang pagiging drama queen ko ah!

  7. enjoy says:

    bangag ka lang kels kaya LUTANG ang feeling mo. hhehee! ganyan talga ang mga artista. dahil andito ka sa blogosperyo at itinakda mo nang malaman ng sangkatauhan ang iyong talambuhay, ikaw na ngayon ay isang public property. mag-explain ka man, kung makitid ang utak ng mga bumabasa ng post mo, gud luck na lang kung pakikinggan ka db?

    pero that’s the spice of life. hindi exciting pag walang kumokontra sa ating kasiyahan. malungkot din dun sa bahay ko… pati na rin kay AC.

    damay-damay na😦

  8. @nocturnal: hello! hello!πŸ™‚ namiss ko kayong lahat… bayaan mo lilipas din ang stress… gow gow gow! taubin mo ang mga exams mo, ateh!

  9. thenocturnal says:

    kellieeee, namiss ko mga post mo =[ stress na stress n ko sa exams ko and blog mo at ni AC ang aking refuge =[

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s