Happy Ending.

Posted: April 26, 2009 in Life, miarmiar-isms

Alas otse ng gabi ang pinakahihintay na reunion. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, ang reunion na ito ay maraming beses nang naudlot na para bang hinihintay ang pagkakataon kung kailan ako makakadalo. Ang unang dahilan kung bakit ako pumunta ay dahil gusto kong makita ang mga taong minsan sa buhay ko ay nakasama ko sa isang classroom. Ang pakiramdam ko ay habang nilalandas ang daan papasok ng venue ay bumabalik ako sa nakaraan. Ang pinakihihintay na recess time.. lunch time at foundation day.. ang mga bagay na ito ang unang pumasok sa aking isipan.

Natuwa ako.

Ang pangalawang dahilan.. malalaman nyo rin sa kwentong ito.

Dumating ako ng mag-isa. Wala akong nakuhang text message na nagsasabing “SABAY TAYO, HATID NA KITA, PAANO KA PUPUNTA MAG-ISA?”. Well, hindi naman ako pilay. Oo tanga ako sa direksyon pero para saan pa ang taxi? Ang una kong nakita ay mga kaklase kong hindi ko na matandaan ang pangalan. Ang mga natatandaan ko lang ay yung mga kasama ko mula elementarya hanggang high school.

Nakita ko si NDS at sya ang una kong nilapitan dahil siya lang ang nakakausap ko nang mga nakaraang araw. Umupo ako sa table nya. Hindi ko inusisa pa kung sino sino ang mga nasa ibang table. Hindi naman ako tatakbo para sa konsehal, baket pa? Ang reunion na ito ay hindi pormal. Walang entrance fee at sa bahay lang ng isang kaklase kong uhugin ang venue. Maraming tao na hindi ko rin kilala sa totoo lang, mga bitbit ng kung sino sinong skwater na hindi makaalis ng bahay ng mag-isa. Kumaway sa akin ang iba kong kakilala pero hindi naman nila maiwanan ang mga kausap nila na mga kaklase ko din dati. Pero sympre ang entry na ito ay hindi naman para sa kanila kaya’t ano pang silbi nang pagbanggit ko sa kanila kung hindi naman ito ang gusto nyong malaman? Magsasayang lang ako ng ispasyo.

Umupo ako sa tabi ni NDS na nuon ay may mga katabi ring tropa nya nung elementary kami.

NDS: Mag isa ka lang?

K: Yep. Mukha lang akong dalawa pero mag-isa lang ako.

NDS: Hahahaha. Hindi ah. Grabe ka naman. Ok nga eh, payat ka sa suot mo.

K: Salamat, huh? Kuha mo nga akong tubig (pabiro kong utos)

Kumuha naman ang uto-uto dahil sinalinan nya ako ng tubig sa baso mula sa isang pitsel na sobrang cliche na sa mga reuniong gaya nito.

Klasmeyt extra na nakasuot ng maong na parang SPANDEX: Kellieeeeeee… laki mo na!

Klasmeyt extra na may malaking headband ala GOSSIP GIRL: Nag change ka na sobra. Nakikita ko yung profile mo sa FRIENDSTER tapos parang di ako makapaniwala ikaw na yun.

Aba ateh.. ano naman ang gusto mong palabasin? Na mukha na akong tao ngayon? At hindi na ako kasing itim ni Bale? Kung makapag comment ka parang matino ang headband na suot mo ah! Dahil first time lang nila akong nakita… pinigilan ko ang humirit. Ito ay para sa ikabubuti ng organizer para hindi naman masayang sa wala ang kanyang pinaghirapan na kami ay tipunin at lasingin sa impluwensya ni San Miguel ng gabing iyon. Sa madaling salita, pinigilan ko ang aking sarili para sa ikabubuti ng lahat kahit na gustong gusto kong tukuyin ang spandex at headband na nauso pa nung panahon ng Martial Law.

NDS: Kilala mo pa yun? (tinuro nya ang isang babaeng palaging kinukuhang MUSE nung elementary pa lang kami. Kilalang kilala ko ang babaeng yun dahil karibal ko sya sa atensyon ni #2 noong unang panahon)

Kung hindi lang madilim ang venue ay sa malamang na nakita niyang naningkit ang aking mga mata nang makita ko si 2 na katabi ni MUSE at nag uusap na masayang masaya na para bang sila lang ang tao sa sanlibutan.

Naalala kong bigla ang mga text messages na natanggap ko ng mga nakaraang araw, “SLEEP WELL,” “I WANT TO SEE YOU IN THE MORNING,” “CAN WE HAVE COFFEE AFTER YOUR SHIFT?,” “HOW’S YOUR BRUISES? MAYBE WE SHOULD GO TO THE DOCTOR FOR A CHECK UP,” “ARE YOU EATING WELL?,” “EM I FREAKING YOU OUT?,” At iba pang mga pagkakataong nag-effort sya para lang makita ako. Pero sa isang banda ay kinalma ko ang aking sarili dahil ang totoo naman ay magkaibigan lang kami at wala kaming ginawang nagsasabing tinawid namin ang konsepto ng higit pa sa magkaibigan.

Bumaling ako kay NDS.

K: Oo naman. Kilalang kilala ko kaya yun. Super crush ni 2 yun db? Kahit na nung nagtransfer yun nung elementary pa lang tayo eh pangalan nya na ang palaging sinusulat ni 2 sa mga slumbook nung mga kaklase nateng mahilig maglaro ng dyakiston. (sabi ko pagkatapos ay pinunasan ang pawis sa aking ilong.. yeeeeeeeees! may dala akong pocket tissue ngayon)

NDS: Hahahahaha! Nakakatawa naman yung description mo. Natatandaan mo pa yun?

K: HAHHAHAHHAHA.. sympre meron akong naitabi na slumbook.

NDS: Kainis naman to.. baket di mo dinala?

K: Aba eh baket ano ba to? Pagpupulong ng mga kamag-anakang namatayan sa gera?

NDS: Hahahaha.

Klasmeyt extra na nakasuot ng maong na parang SPANDEX:ย  BEEER! One for you.. (abot ng bote sa akin), one for me… (lagok sa bote nya).. one for him (abot kay NDS ng bote)

K: GOW GOW POWER RANGERS! (sigaw ko dahil hindi ko na kayang palampasin pa ang kanyang spandex na humahapit sa buo nyang pagkalalaki) At dahil naman lasing na sya ay hindi nya na naintindihan ang mga sinabi ko bagkus ay tumalikod at nagtatalon kasama ang iba pa naming mga klasmeyts na nuon ay nasa impluwensya na ng alak.

Natawa ako sa sinabi ko at halos mabitawan ni NDS ang bote ng alak na kanyang hawak hawak dahil walang humpay syang tumatawa. Ipinatong nya ang kanyang braso sa silyang aking inuupan. Hmmmm.. si kuya ay umi-istayl na parang nasa sinehan lang kami. Dahil sa komportable naman ako kay NDS at kahit minsan ay hindi ko sya naisipan ng mga bagay na makamundo, ay nagdesisyon akong isandal ang aking likuran sa silyang aking inuupuan habang lumalagok ng bote ng San Mig light.

NDS: Ambilis ng panahon grabe.. dati pumupunta lang ako sa bahay nyo para maghatid ng notes. (tumigil na sya sa pagtawa at hawak na hawak na nya ang bote ng San Mig Light na para bang hinahanda ang sarili sa entrada ng pagkukuwento ng kanyang buhay, greatest dream, goals in life at iba’t iba pang usapin na madalas mapag usapan sa mga reuniong kagaya lang nito)

K: Honga! Tuli ka na ngayon, buuuuuuuuuy! (alam kong hindi ko dapat hinirit yan ngunit may mga pagkakataong sadyang lumalabas sa ating mga bibig ang mga bagay na nakalimutang iproseso ng ating mga utak)

NDS: Ano ka! Tuli na ko bago pa kita maging klasmeyt no!.. ay.. (isip pa si kuya) Oo! Tuli na ko nun, ang yabang mo ah! (sabay kurot sa balikat ko)

Naks! One point para kay NDS. Zero. Nada. Zilch. Para kay 2. Marami syang nakwento habang ako naman ay lumalagok ng alak.

Minsan ay napapatingin ako sa pwesto ni 2 na nuon ay nakikipagkwentuhan pa rin sa grupo nila MUSE. Napansin kong hindi sya umiinom at wala syang hawak na kahit ano sa kanyang kamay maliban sa cellphone sa kanang kamay. Naisip ko sa gitna ng pagkukwento ni NDS ng kanyang lablayp.. ano bang nangyari? Sa mga lumipas na araw na palagi kaming magkausap sa cellphone at text..lumipas ang kahapon na bigla na lang syang hindi nagparamdam at ako naman ay hindi rin nagtext, ganun naman ang magkaibigan di ba? Kailangan ko bang magpaliwanag? Baket kailangan? Umasa ba akong ite text nya ako at sabay kaming pupunta dito? Hindi naman dapat ganun di ba? Pero baket parang sa liit ng venue na ito ay parang biglang lumaki ang mundo at hindi man lang kami nagkatamaan ng paningin para iparamdam na nakita namin ang isa’t-isa? Bakit kailangan na mainis ako sa kanya kung kausap niya si MUSE? Naiinis nga ba ako o naghahanap lang ng atensyon? Paano kung sa kabila ng lahat ng mga napag-usapan namin ay ako lang pala ang nakakaramdam ng ganito? Kailan ko ba magagamit ang mga linya ni Sharon Cuneta sa pasan ko ang daigdig?

Joke lang…

Dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin at kung ano ang tama kong maramdaman ay minabuti ko na lang makinig kay NDS at lumagok ng isa pang bote ng alak. Paano nga kung ako lang ang nagbigay ng kulay sa mga bagay na natural lang nyang ginagawa sa mga kaibigan nyang babae? Paano kung nalulungkot lang sya at ako lang ang gusto nyang kausapin ng mga lumipas na araw? Walang ano ano ay nainis ako sa aking sarili dahil katulad ng maraming beses na nangyari sa buhay ko.. nag-assume na naman ako ng walang humpay. Peste, bulong ko sabay tayo. Nakalimutan kong nagku kwento pala si NDS at para lang syang napaso ng sigarilyo ng bigla akong tumayo.

NDS: San ka punta?

K: Dun (turo ko sa kumpulan ng mga umiinom kong kaklase, mukha kasing nagtitimpla sila ng hard drinks.. sa kabila ng aking pag-iisip ng mga bagay na hindi ko mahugutan ng sagot ay naisip ko pa ring baka lumaki ang tyan ko kung beer lang ang aking lalagukin)

NDS: Samahan kita. (sabi nya, tumayo rin. Aba gusto nya pa talaga sigurong ituloy ang telenobela ng buhay nya)

K: Tara (hinawakan ko sya sa braso habang naglalakad)

Klasmeyt extra na nakasuot ng maong na parang SPANDEX: (sinalubong nya kami na may hawak na jigger sa kamay) Ma—ca—raegg! (sigaw nya sabay yakap sa akin) Nandito ka pala! Kanina ka pa? (basag na si Kuya pero humu-humor pa rin)

NDS:ย  You’re uber drunk. Kaya mo pa ba mag-drive? (concern ang boses)

Klasmeyt extra na nakasuot ng maong na parang SPANDEX: Taena naman ako pa???! Maaaaaaaan.. I’m the shit, man! (slur nya)

K: Bayaan mo sya (bulong ko kay NDS) Huwag mong hipuin ang kanyang pantalon at baka lusubin tayo ng mga kaibigan ni Professor X.

Klasmeyt extra na nakasuot ng maong na parang SPANDEX: (hindi nya naririnig ang lahat ng pandadaot ko dahil nang matapos nya akong yakapin ay tinutuklap nya ang label ng San Mig Light sa kanyang bote): Oh pare! Si Kellie ah.. di yan uuwi ng hindi umiinom ng 9 shots pota! Ihain nyo na yan!(marahan nya akong tinulak sa kumpulan ng mga klasmeyts naming nag-iingay sa pagdating ko habang hinahanda ang 9 shots)

K: Powtek, walang tulakan, Shaider! (sabi ko kay SPANDEX klasmeyt dahil nakasuot ako ng stilettos) O ano na? 9 shots? Takte.. tagal na rin akong di nakakainom nyan! Bring it on, baby! (mabigat na rin ang ulo ko ng mga sandaling yun, hindi ko nga alam kung yan talaga ang sinabi ko o puro mura lang habang kinokotongan ko silang lahat)

Lahat ng mga sunog baga in CHORUS: GOW GOW GOW! (sigaw nila nang damputin ko ang jigger at simulan ang unang shot)

K: Para sa ating lahat! (sigaw ko naman sabay palakpak silang mga lasinggerong tirador ng shoktong. Dinampot ko ang pangalawang shot) para sa mga teacher nating TIBO na ngayon ay tibo pa rin (sabi ko matapos lagukin ang pangalawang shot) Para sa lahat ng mga klasmeyts nateng tumae at umihi sa salawal nila habang may klase, TAENA NYO FRIENDS! (sigaw ko ulet matapos ang pangatlong shot) para kay Manong Jaimeng ngo ngo na hanggang ngayon ay ngo ngo pa rin ngunit may pamilya na! (nagtatawanan ang lahat at nag iingay habang nilalagok ko ang pang apat na shot) Para kay Mang Roger na mula noon hanggang ngayon ay photographer pa rin ng school naten, Manong Roger para sa yo to kung nasan ka man (hiyawan ulet ang mga ungas sa panlima kong shot) Para sa lahat ng mga pakeng shet kong MATH TEACHERS! (slur ko habang tinatapos ang pang anim) Para..

Hindi ko natuloy dahil may humawak ng kamay ko nang itataas ko na ang pang-pito kong shot. Hindi ako lumingon at tinabig ko ang kamay ni NDS. Hinawakan nya ulet ang braso ko at hinawi ang buhok sa aking mukha, lumingon na ako para sawayin sya at para sabihing gumawa sya ng sariling eksena para bumenta sa mga sunog baga. Lahat ng espiritu ng alak ay parang biglang sumingaw sa aking katawan. Hawak hawak ni 2 ang braso ko.

2: Kel, you might throw up, please. (bulong nya)

Klasmeyt extra na nakasuot ng maong na parang SPANDEX: Wui, relasyon? Bayaan mo sya, tol. Kaya nya yan.. si Kellie pa pinaiyak nga ako nyan dati nung tinago nya yung Coleman ko.

Nagtawanan ang lahat. Ngumiti lang si 2 sa kanilang lahat pero pasimpleng tumingin sa kin.

2: Kel, let’s go (bulong nya ulet)

K: Wait lang.. May ARTS CLUB pa! (sabi ko marahan na tinatanggal ang kamay nya sa braso ko) saka yung mga kadete.. saka yung–

Klasmeyt extra na nakasuot ng maong na parang SPANDEX: Si Manong Orly na nagbebenta ng FUNCHUM sa canteen! (pagtutuloy ni SPANDEX boy)

K: Oo nga! (sigaw ko tinataas na ang pampitong shot)

2: Last na yan.. last na yan, huh?(bulong nya ulet) Baket ba pinabayaan mo tong ganito? (naiinis nyang tanong kay NDS na nasa tabi nya na nuon ay nakikitawa lang sa mga klasmeyts kong nagpapainom ng 9 shots)

K: Ano ka ba, nagawa ko na to dati saka ano ba? May Book Lover’s Club pa!

2: Fuck, Kel. Is this how you want to play it? (naiinis nyang tanong pero mahinang mahina lang ngunit dinig na dinig ko sa kabila ng umaalingawngaw na ingay ng aming mga kaklase)

Klasmeyt extra na nakasuot ng maong na parang SPANDEX:ย  Tsong, dalawa na lang pare. Bayaan mo na sya.

2: Hindi pare, ihahatid ko kasi to eh. (sarcastic na sya. Kinabahan ako.)

K: Oh wait, wait.. nahihilo na ko.. mamaya ulet. (inabot ko ang jigger kay SPANDEX boy)

Wala naman masyadong nakapansin ng eksena na to maliban sa mga malalapit naming kaklaseng nasa kumpulan na nuon ay lasing na lasing na at walang pakialam sa mundo. Lumakad ako palayo, nakahawak sya sa braso ko.Aba naman sympre pa, malaki akong babae ngunit marunong din akong mag-inarte, huwag nyo akong husgahan.

K: Baket ba? Paano mo ko nakita? Eh hindi naman kita nakita kanina ah! Nasan ka ba? (naiinis kong tanong)

2: (binitiwan nya ang braso ko) Hindi mo ko nakita kasi si NDS ang una mong nilapitan… pero ikaw kitang kita ko. (pabalang ang tono nya habang muling hinahawi ang buhok sa aking mukha pero hindi ako tinitingnan)

Hinalughog ng aking mga mata ang paligid. Nagulo ulet ang buhok ko pero dead-ma lang. Hinanap ko si MUSE pero hindi ko nakita. Tumingin ako sa kanya.

K: Eh potek. So ngayon nilalapitan mo ko dahil wala ka nang kinakalantari? (naiinis kong tanong, aba napanood nyo na ba ang commercial ng San Mig Light ni Dingdong Dantes at Marianne Rivera? Itong-ito lang yun!)

2: (kumunot ang noo) What the hell are you talking about? (tanong nya sa ken hawak ulet sa braso ko)

K: Fuck, 2. Let’s not do this. Stop acting like this. I’m not your girlfriend. (napipikon kong sagot, isusunod ko sana ang mga salitang BITIWAN MO AKO! pero parang gumagawa naman kami ng porn kaya naisip ko na wag na lang sabihin)

Klasmeyt extra na may malaking headband ala GOSSIP GIRL: Wui guys (out of fucking nowhere, siningit sya ni GOD sa eksenang ito) are you guys ok? May food pa dun.(turo sya sa di kalayuan)

2: (pinilit ngumiti pero hawak pa rin ang braso ko) We’re fine. We better get going anyways, to get coffee.

COFFEE BA KAMO?? AYOKO!AYOKONG BUMALIK SA ULIRAT.

Klasmeyt extra na may malaking headband ala GOSSIP GIRL: (tango lang) Ah, ok. (bumaling sya sa kin) You look wasted, girl. Coffee ka na nga.

MUSE: Uwi na kayo? (isa pa to, bigla ring sumulpot hindi ko alam kung san nanggaling. Ngumiti sya sa ken pero si 2 talaga ang tinatanong nya)

2: Yeah. (smiles) She needs coffee. O nga pala you guys know each other? (tingin sya sa ken tapos kay MUSE)

MUSE: I can’t remember you. I transferred kasi nung Grade 3 ako eh. What’s your name nga? (coniotic nyang tanong)

K: Errr.. (nag-iisip ang lasing) Valentina. (sagot ko sabay smile)

Natawa si 2 pero dahil hindi naman alam ni Muse ang pangalan ko ay tumango lang sya.

MUSE: Eh baket uuwi ka na? (tanong nya ulet kay 2) You’re not going to wait for that.. sino nga that girl? Kellie? Natigilan ako sabay napakunot noo kay 2.

2: (smiles) Actually, this is Kellie (hinawakan nya ang kamay ko pero hindi sya nakatingin sa akin kay MUSE pa rin) Sorry, she’s a bit drunk.

Tumawa si MUSE.

MUSE: Ah, ok.

Pumalag ako sa holding hands moment namin at ngumiti kay MUSE.

K: Sorry, I’m Kellie. (sabay inabot ko ang kamay nya at nakipag shake hands) It’s really nice to see you again. Akala ko kasi if I say another name, you’ll object. Turns out you really don’t know me.(palusot lang to dahil ang totoo hilong hilo na ako at parang sobrang surreal ng paligid)

MUSE: (naguguluhan na mukha) Ah, ok. (ateh.. yan lang talaga ang dialogue mo sa scenariong ito?)

2: She’s really funny and smart when she’s in her right mind (sabi nya kay MUSE at muling hinawakan ang kamay ko pero hindi pa rin nakatingin sa kin) Anyway, we better go. I have to drop her home.

MUSE: (smile) You better. Nice seeing you, Kellie, (saglit nya akong tiningnan at tapos ay bumaling na kay 2) You too. Text text na lang.

2: Ok. Ingat ka. (pagkatapos ay tumalikod na si MUSE at naiwan kaming nakatayo malapit sa gate na may karatulang nakasabit: KEEP THE DRIVEWAY OPEN)

K: Alam mo.. kung aalalayan mo ang taong lasing.. hindi sa kamay ang hawak. (tumingin ako sa kamay naming dalawa)

2: Alam ko. Pero hindi naman kita hinahawakan sa kamay dahil lasing ka.

K: Oh baket? Dini-display mo ba ko sa crush mo dati? (nahiya ako pagkatapos sabihin yan pero mas nakakahiya naman kung sisigaw ako ng PANAGUTAN MO AKO, OH BABY!)

2: Let’s not do this here. (marahan nya akong hinila, hindi pa rin binibitawan ang aking kamay palabas ng gate)

Hindi ako kumibo. Walang nagsasalita hanggang makarating kami sa sasakyan nya. Pinagbuksan nya ako ng pintuan. At nang makaupo ako ay tiningnan nya ako sabay dumukwang at sinit-beltan ako na para bang mababasag ako kapag sinubukan kong huminga ng mga 2%. Sinarado nya ang pinto pagkatapos ay umakyat sa driver’s seat. Binuksan nya ang makina. Napapikit ako sa hilo. Hindi pa rin kami nagkikibuan. Nagsimula syang magmaneho.

K: You don’t really have to do this. I can go home from here. (sabi ko, inaayos ang mahigpit na seatbelt)

2: Shut up, Kel. You’re driving me crazy. (sabi nya nakatingin sa kalyeng nasa aming harapan)

K: No, you shut up. Paanong crazy? Is it because of how I acted kanina? (nararamdaman kong umaakyat ang lahat ng ininom ko sa aking lalamunan)

2: No. Stop it. You’re not making any sense. (nakatingin pa rin sa kalye)

Hindi ko rin maintindihan kung baket ang batuhan namin ng mga salita ay parang naghihigitan lang kami ng tali sa magkabilang dulo.

K: Alam mo ang bastos naten. Hindi man lang tayo nagpaalam dun sa nag-organize. (sabi ko out of the blue dahil yan ang unang pumasok sa isip ko)

Napangiti sya habang nagda drive.Nalungkot ako. Naisip ko, ganito kaya sya sa girlfriend nya? Hindi ume-effort pero sobrang sarap nyang tingnan. (Sympre naman, may tama na ako ng alcohol. Ano pa ba ang ini-expect nyong iisipin ko)

2: I just want to get you out of there. I can’t stand seeing other guys around you. (Hindi talaga ako maganda pero sa mga sandaling yun ay nagmo moment akong kamukha ko si Marianne Rivera.. at no! Hindi ako fan ni Mariane Rivera.Nag left turn sya sa may malapit na Starbucks paglabas ng village)

K: Talaga bang pagkakapehin mo ako? Naniniwala ka ba dun? Na magiging sober ako after drinking coffee?

2: Oo, pero mas gusto kong maniwala na kasama kita ngayon at makakausap kita ng matino (sabay hininto nya ang kanyang sasakyan sa may parking lot) Wag kang bababa, hintayin mo akong buksan ko ang pintuan.

K: Baket? May wheelchair ba sa likod ng pick up mo?

2:(napailing) Ganito ka ba talaga? Iniingatan kita. Ayokong madapa ka pagbababa mo. Alam mo kasi medyo mataas yung sampahan ng sasakyan ko.. napansin mo ba? (sarcastic sya habang tinatanggal nya ang seatbelt nya)

K: Ah, ok. Thanks, huh? (sarcastic din ako)

2: You’re welcome, 9 shots. (seryoso pa rin talaga sya pagkatapos ay lumabas na sya ng sasakyan at binuksan ako ng pintuan)

K: Hi (sabi ko, nakangiti nang pagbuksan nya ako ng pintuan) Yung seatbelt ko ikaw rin magtatanggal, sir? (pang aasar ko lalo)

2: (nakatingin sa ken) O sige, tanggalin mo. (hindi pa rin ngumingiti)

Sinubukan kong tanggalin pero ayaw magkalas ng fucking shit na seatbelt. Nararamdaman ko ang pawis sa aking ilong. Naiinis akong tumingin sa kanya.

K: Eh ano ba kasing ginawa mo dito? Hindi naman to ganito nung last week ah! (pagrereklamo ko)

2: Oh ano? Tatanggalin ko ba o dito ka na lang? (papalapit sya sa akin)

K: Tanggalin mo, pakshet. (angil ko sa kanya)

2: (lumapit at dumukwang sa harapan ko) Alam mo kasi nagpalit ako ng seatbelt, (sabi nya habang tinatanggal, naaamoy ko ang pabango nya) dahil nung last time na hinatid kita, napansin kong maluwag at ayokong may mangyari sa yo habang nasa loob ka ng sasakyan ko, ayan! (mabilis syang lumayo sa ken nang makalas nya ang seatbelt)

Nakahinga ako ng malalim. Nagkatinginan kami.

2: (inabot nya ang kamay para alalayan ako pababa) O, hindi kita girlfriend, miss, pero gusto ko lang na makababa ka ng hindi ka nalalaglag kaya pwede ko bang hawakan ang kamay mo? (pero inabot ko na ang kamay nya bago pa sya makatapos sa kanyang pagsasalita)

K: Salamat. Napakasaya ko. (sabi ko nang makaapak ang aking mga paa sa sahig ng kalye sa wakas)

Binitiwan nya ang kamay ko at naglakad kami papasok ng Starbucks. Nang makarating kami sa lugar ng mga barista ay katulad pa rin ng dati, nagpapa-cute ang mga babae sa harapan nya at katulad pa rin ng dati inorder nya ang madalas naming binibili ng mga nakalipas na araw. Naghintay kami saglit pagkatapos ay lumabas na.

All smiles pa rin ang mga babaeng haliparot sa paligid pati na ang mga ibang babaeng nakapila at umoorder ng kape. Gusto kong uminom ng kape sa labas habang nagyoyosi pero dahil sa wala syang imik ay sinundan ko lang sya papasok ng sasakyan. Katulad ng madalas na nangyayari, sinumulan muli namin ang litanya ng pagpanik panaog sa kanyang sasakyan. Tahimik naming hinigop ang aming mga kape. Bumabalik na ang aking ulirat at sa aking pakiramdam ay nararamdaman nya na unti unti akong sinisingawan ng espiritu ng alak sa aking katawan.

2: Ok ka na ba? (tanong nya pero muli, nakatingin sa kawalan)

K: (hinga ng malalim. shet hindi na nga ata ako lasing) I guess. I guess ok na ko.

2: Pwede na tayong mag usap ng hindi ka galit?

K: Hindi naman ako galit eh. Naiinis lang ako baket ganito tayo.

2: (napangiti) Magulo? Yun ba yun?

K: Siguro. (higop ng kape)Ang weird mo kasi eh. Akala ko kasi db? Ok tayo? Friends ganun. Pero baket all of a sudden parang may off sa ating dalawa?

2: (tagal sumagot hindi ko alam kung dahil ba sa inuubos nya ang kape nya o dahil sa wala syang maisagot) May off naman talaga eh. Parehas natin nararamdaman yun eh. Wait lang, may kasabay ka ba pumunta dun kanina?

K: (iling) Mag isa lang ako. Akala ko kasi sabay tayo eh pero hindi mo naman ako sinabihan so I guess baka may importante kang pinuntahan.

2: Wala akong importanteng pinuntahan. To be honest, ayoko talagang tumuloy. Pero nakakompormiso na.. so tumuloy na ko. Nasaktan akong bigla. Naramdaman kong tumaas ang lahat ng dugo ko sa ulo.

K: So dapat pala hindi na matutuloy tong usapan na-plano nateng pag-uusap. Ganun pala eh, tingnan mo nga naman.. naniwala akong seryoso kang gusto mo akong kausapin. Dapat sinabi mong joke para tumawa ako. (ngumisi ako at napailing)

2: (seryoso syang tumingin sa kinauupuan ko) Ang problema kasi sa yo, Kel. Mahilig kang mag-assume ng mga bagay na against lagi sa yo. Palaging ikaw. Palaging masama laban sa yo. Palaging ganun.. (sabay tingin sa kawalan)

K: Eh kung hindi mo ipapaliwanag, hindi ko maiintindihan. Ang hirap kasi sa yo, you always leave me hanging.

2: Ayokong tumuloy, fine. (napahawak sya sa manibela) Ayoko kitang kausapin dahil natatakot ako. Natatakot ako na mawawala ka kasi ganun naman db? Hindi mo kayang mag take ng chance dahil natatakot ka, so sa bandang huli, hindi pa rin ako ang pipiliin mo. Ayokong marinig. Ayokong i-confirm. Gusto kong matapos ang araw na to na hindi kita nakikita kahit na it’s driving me crazy not to see you.. dahil alam ko pag nagkita tayo ngayon.. ito na ang last. (sabay hugot sya ng malalim na hininga)

K: (napailing ako) Binabato mo sa akin ang sitwasyon mo. Wag kang ganyan. Di ba may girlfriend ka rin? Naisip mo ba kung anong nararamdaman ko? (ito na ang simula ng pagbuhos ng umaapaw kong emosyon)

2: (nakakapit sa manibela hindi ko alam kung nasan na ang kape nya) This might sound really bad. This might really freak you out but this is the truth. I broke up with her after Easter. Hindi ko sinabi sa yo dahil hindi mo ko tinanong kahit kelan, ayokong sabihin sa yo until now dahil ayokong magkaroon ng speculations na iniwan ko sya for another girl. Its going to hurt me that people might think that I dumped her for another person, pero ganun talaga eh, hindi ko kayang i-control yung mga ganung bagay. I wish I can but I can’t. There are other issues bigger than that why we broke up, Kel and I’m sorry but I will not discuss anything about her because I respect her. She was once a special person in my life. And for what its worth, I will still break up with her kahit hindi tayo nagkita. Nagkataon lang talaga, that when we reached the end of the line.. nagkataon lang na nakita kita. (tumingin sya sa kin na parang naghahanap ng confirmation na naiinitindihan ko ang lahat ng sinabi nya pero at that point of time iba ang naglalaro sa aking isipan kaya hindi ko nagawang ipakita sa kanya ang understanding na hinahanap nya)

K: Great. Rebound? (tanong ko, naiinis)

2: No, God, no. Hindi ako ganun. (nakita ko na nasaling sya sa sinabi ko dahil grabe ang bakas ng objection sa mukha nya) Wala akong naging ibang babae, siya lang. Hindi ako nagco-commit kung hindi ko nakikita na long term. It’s a waste of time, don’t you think?

K: Pinag-isipan mo ba lahat ng sinabi mo bago mo ko kinausap ng ganito?

2: Every god forsaken day, Kel. Inisip ko pero hindi naman nare-rehearse yung feelings di ba? Not until you get to the point that you have to cross the bridge. I’m saying all of these because I don’t want you to feel pressured that you have to return something back. Wala akong hinihintay na kapalit. (humarap na sya sa kin, ipinatong ang kamay sa ulunan ng upuan na aking inuupan) Alam ko maghihintay ako sa wala pero paano ko malalaman na wala kung hindi ko susubukan na hintayin ka?

K: (napailing ako ulet) Ayokong mapagod ka. Ayokong ilagay kita sa ganitong sitwasyon. Ayoko nang may naghihintay sa kin dahil hindi ko alam kung san matatapos.. o kung matatapos pa. Ayoko kitang saktan.. ayokong magkaroon ka ng mahabang hang-up sa kin and most of all, I don’t want to go through all of these again with you telling me that I lead you on.

2: (hinga ng malalim) I know that you’ll say that. Alam ko kasi diretso ka talagang mag-isip and I admire you for that but please, Kel, wag mo naman bigyan ng ending kung ano ang dapat kong maramdaman.

K: Ayoko tong sabihin sa yo dahil alam ko masasaktan ka at malulungkot ako. Pero wala kang hihintayin sa kin, 2. I’m sorry. I wish I can say it in another way na hindi kita masasaktan pero gagawin ko to dahil ayokong saktan ka in the long run. We can be together, we can still see each other.. pwede naman yun db? Dahil may paraan pero at the end of the day, I still belong to someone else. And I don’t want to put you through all of that. Unfair. (parang nauupos akong kandila habang sinasabi ko yan)

2: (tumango sya) I know. I know.

K: I’m really really sorry.

2: Don’t say that as if you are saying goodbye.

K: Are you telling me that after everything that you heard, you still want us to be friends? Its a long process, 2. You can’t just leave this all behind and act as if nothing happened.

2: Baket ikaw ang nagdidikta ng dapat kong gawin? You don’t know everything, Kel. Hindi mo alam ang lahat. (Kailangan talaga may translation sa dulo? Pero sympre hindi ko na yan sinabi dahil nalulungkot ako.)

K: You just don’t deserve me.

2: You don’t have to say all of that. I know where you’re going. It’s clear.. it has always been clear from the start. You don’t need to finish everything that you have to say. I get you, Kel. Hinawakan ko ang kamay nya.

K: This will pass. It will get easier as time—-

Hindi ko natuloy dahil bigla nya akong hinalikan. Tumigil ang mundo ko, ang pakiramdam ko nagulo ang aking train of thoughts nang panandalian. I pulled away.

2: I know that you are ending this. But I like to end it this way… in my mind, I’d like to believe that we have our happy ending. Kahit saglit lang.

Magsasalita sana ako pero binuksan nya na ang makina. Hindi ko na tinuloy dahil gusto ko syang bigyan ng happy ending sa saglit na nagkasama kami.

Ayoko nang dagdagan pa ang mga GRAY AREA sa buhay ko. Ayokong muli akong lamunin ng kalungkutang hindi mo maiintindihan hangga’t hindi mo naramdaman. Ayoko na ng mga ganung moments.. ayoko nang maghintay sa mga pagkakataong mananatiling isang SUNTOK SA BUWAN.

AT higit sa lahat… ayokong maghintay sa mga bagay na mananatiling WHAT IF lang… o sa mga bagay na alam mong malabo pero walang pagod mong hinahanapan ng paraan para iyong maabot.

Ayoko nang mapagod ulit.

At pinakahigit sa lahat… Ayokong iparamdam sa iba ang mga bagay na katulad ng ganito.

Natapos ang gabing yun na hindi na kami muling nagsalita pa. Hinawakan ko ang kanyang kamay hanggang sa marating namin ang aking bahay. Bago ako bumaba ay niyakap ko sya ng mahigpit at sinabi kong palagi syang mag-iingat. Wala syang sinabi maliban sa subukan ko raw maglakad ng hindi nadadapa dahil sa tuwing nasasaktan ako ay nag-aalala sya.

Ito na ang huling entry ko para kay #2.

Dahil sa kabila ng mga nakakatuwang nangyari sa aming dalawa, pag ibinaba na ang telon ng aming munting dula-dulaan… all we’ll ever have are chances.

Hindi ko na sya muling babangitin sa blog na ito dahil ito lang ang tanging paraan na alam ko para matupad ang aming HAPPY ENDING.

Comments
  1. muymuy says:

    happy ending.

    …pero bakit pagkatapos kong basahin bakit parang nanghihinayang ako at mas gusto ko pa ng mas happy pero walang ending…

    …nga pala ang haba ng kwento ah pro nakakakilig…para akong nagbabasa ng tagalog pocketbook..hehehhe

  2. AC says:

    labo ng mga reply nito di mo malaman kung sino sinasagot. harharhar๐Ÿ˜†

  3. AC says:

    kellie!!!!!!!! ameshu na! hihi๐Ÿ˜‰

  4. plaridel says:

    if you feel for #2, why not give him a chance? make him #1. if something is worth fighting for, i believe, it’s worth taking the risk. of course, you may get burned in the process. but the opposite may happen, too. you may end up living happily ever after.

  5. Ian says:

    takteng entry to, may halong kilig at panghihinayang.

    ang kulay ng lablayp mo mare!

  6. Drama queen says:

    Binalikan ko ang lahat ng aking naisulat kay 2 at naisip kong baka nga sya ang the perfect guy…sa ngayon.
    Pero naisip kong madalas kaysa minsan ay nadadala tayo sa mga panandaliang emosyon na dumudurog sa buo nating pagkatao sa bandang huli…hindi nman dahil sa takot akong mag take ng chance..
    Naisip ko lang na mali ang kumapit sa isang pagkakataon na magulo at higit sa lahat..naisip kong hindi ko kayang maghintay..
    lalo na sa isang lalakeng parang sa umpisa pa lang ay napaka-perfect na. There’s just something off.Hindi ko maipaliwanag at ayokong subukan.

    at sympre nman,magkukwento din ako sa aking lablayp sa piling ng aking boypren…

    napaka surreal ng mga pangyayari nung sabado at kung hindi ko kaagad naisulat ang mga pagpapalitan ng aming linya ay sa malamang nakalimutan ko na agad ang mga ito.

    salamat sa pagdaan!๐Ÿ˜‰

  7. soulful says:

    siyempre aside kay shaider at sa mga power rangers na nabanggit mo dito at natawa ako ng labis, kellie naman! wag naman ganito ang ending ng story. bitin e. pero hanep ang mga linya. saan mo nakuha yang mga yan?

    anyway, agree ako kay hukombitay. pwede bang yung bf mo naman ang ikwento mo para maintindihan namin kung bakit binitawan mo si 2? in our minds kasi parang nabuild-up mo nang husto si 2 na parang siya na yung perpektong lalake sa buhay mo. at please lang wag mo ulit gawing biro na bf mo si lloydie. nakakapag-isip ako nang hindi mabuti. hehehe.

  8. thenocturnal says:

    kellie, pla, i need your email address, may private post ako =p

  9. thenocturnal says:

    iba ibang emosyon ang naramdamn ko sa blog na to, grabeh.

    “K: Powtek, walang tulakan, Shaider!

    Hindi ko natuloy dahil may humawak ng kamay ko nang itataas ko na ang pang-pito kong shot. Hindi ako lumingon at tinabig ko ang kamay ni NDS. Hinawakan nya ulet ang braso ko at hinawi ang buhok sa aking mukha, lumingon na ako para sawayin sya at para sabihing gumawa sya ng sariling eksena para bumenta sa mga sunog baga. Lahat ng espiritu ng alak ay parang biglang sumingaw sa aking katawan. Hawak hawak ni 2 ang braso ko.”
    – mga panalong linya, lmao.

    pero shet, i felt so sad in the end, damang-dama ko sister… di ko alam kung anong irereact ko after reading the ending… *sigh

  10. enjoy says:

    bigla kong naalala si ex-jowa ko. pakengshet! hahaha!

    bakit ba ganyan ang mga buset na yan? pag nakipag-break sila sa mga gf nila, sasabihin nilang merong mas malalim na dahilan at hindi dahil sa 3rd party. yun mga linya ni 2, narinig ko na lahat kay ex-jowa. buset!

    hay naku, ayokong pag-isipan ng masama si 2. and i also don’t want to play nice dahil hindi naman talaga ako matino. may naalala lang talaga ako. hehehe!

    mabuti na rin na pinag-kape ka muna niya dahil baka bigla kang mapa-I DO kung hinayaan mong bangag ka๐Ÿ˜€

    • @ Enjoy: hay nako ateh.. sinabi mo.. isang tao lang siguro talaga ang gumawa ng script ng lahat ng lalake!

      ilang beses ko na rin narinig yan! Kakaloka!

      • enjoy says:

        tandaan mo ang walang kamatayang “everything happens for a reason”

        kung hindi man ngayon, marahil ay sa susunod na lifetime kayo muling pagtatagpuin. ahaha! o di ba? pero ok na rin at natapos na ang story ni 2. at least magkakaroon na ng chance ang ibang lalake sa mundo sa pahina ni MIARMARA. hahaha!
        ๐Ÿ˜€

  11. AC says:

    KELLIE….๐Ÿ˜ฆ

    Ayoko nang dagdagan pa ang mga GRAY AREA sa buhay ko. Ayokong muli akong lamunin ng kalungkutang hindi mo maiintindihan hanggaโ€™t hindi mo naramdaman. Ayoko na ng mga ganung moments.. ayoko nang maghintay sa mga pagkakataong mananatiling isang SUNTOK SA BUWAN.

    AT higit sa lahatโ€ฆ ayokong maghintay sa mga bagay na mananatiling WHAT IF langโ€ฆ o sa mga bagay na alam mong malabo pero walang pagod mong hinahanapan ng paraan para iyong maabot.

    Ayoko nang mapagod ulit.

  12. AC says:

    Napangiti sya habang nagda drive.Nalungkot ako. Naisip ko, ganito kaya sya sa girlfriend nya? Hindi ume-effort pero sobrang sarap nyang tingnan. (Sympre naman, may tama na ako ng alcohol. Ano pa ba ang ini-expect nyong iisipin ko) – TANGINA NAMAN SA LINYA PARE. nakakalalake ka na ah?? bwahahha.๐Ÿ˜†

    2: (seryoso syang tumingin sa kinauupuan ko) Ang problema kasi sa yo, Kel. Mahilig kang mag-assume ng mga bagay na against lagi sa yo. Palaging ikaw. Palaging masama laban sa yo. Palaging ganun.. (sabay tingin sa kawalan) – ETO PA ATEH!!!! parang nagbabasa lang ako ng messages sa fone ko ah. taena ka!

  13. AC says:

    ate, unang-una.. anong oras ba talaga reunion nyo? alas-OTSE? ano ba yun? OTSO na sinamahan ng ONSE? labo mo man. haha!๐Ÿ˜€

    “Pero sa isang banda ay kinalma ko ang aking sarili dahil ang totoo naman ay magkaibigan lang kami at wala kaming ginawang nagsasabing tinawid namin ang konsepto ng higit pa sa magkaibigan.” – pasalamat ka na lang ateh

    baket ba napakapakialamero nyang si #2? e gusto mo mag-inom eh pakialam ba nya? hmp. mga lalake talaga.. nangingialam.. pag sila naman na pinakialam mo kala mo naman mga kriminal tayong mga babae. hmphmphmp! (sori tsong, buraot lang hehehe) SANA ATEH DINUMIHAN MO NA LANG DIN SYA!!! bwahahah! joooke! (shet man im soooo fuckin buraots.. diba obvious? haha)

  14. hukombitay says:

    hindi ito happy ending. ending lang siguro talaga kasi di ka na magsusulat pa ng tungkol sa kanya.

    pwede magrequest, sana maipakilala mo naman ang boyfriend mo sa blog na ito. para maiba ang love story na aming aabangan… kung okay lang naman sayo ah…

    pero ang last ko lang masasabi ay ‘ang haba ng hair mo’

    napasigaw ako ng HUWAG
    sabay balikwas sa aking kama
    nagising ako mula sa isang panaginip
    pilit ko inaalala ang mga kaganapan sa panaginip na yon
    pero wala na kong maalala
    sabay pinunasan ko ang pawis kong malamig sa aking noo
    matapos ay bumalik na ko sa pag-akap ng aking unan
    at humiga sa aking malambot na kama
    matapos ay pumikit na ko
    nagpakalunod sa kawalan ng alaala
    na sana mapanaginipan ko ulit siya
    baka sakaling hindi niya na ko iiwan
    kahit sa panaginip man lang

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s