Manhid.

Posted: April 29, 2009 in emo, Life, usapang lovelife

Wala akong balak magtagal sa internet ngayong araw na to, sinabi ko sa aking sarili habang nagche-check ng email. Pinasyalan ko ang tahanan ng mga aking mga kaibigan at nagbasa saglit pagkatapos ay nag comment at pagkatapos ay matutulog na sana.

Matutulog na sana nang biglan mag-ring ang pesteng SKYPE application.

Tinatawagan ako ng isang kaibigan na taga California. Ayoko sanang sagutin dahil madalas naman kaming nagte-text pero sa bandang huli ay nakonsensya rin ako at sinagot ang tawag.

Bago pa ako bumati ay ito na ang bungad nya agad, “You won’t fucking believe what I came across MY SPACE today!” sigaw nya.

Ang una kong naisip.. TAENA, may MY SPACE pa ba? Huminga lang ako ng malalim pero parang hindi naman nya hinihintay ang sagot ko dahil bigla syang nagsalita, “I sent it to your mail! Open it! Open it! Open your webcam so I can see how you take it! Dali! Dali!,” sabi nya.

“Taena mo ah! Kung makautos ka!” sigaw ko pabalik pero ang totoo ay naintriga rin ako sa kanyang sinasabi kung kaya’t binuksan ko ang webcam at nag- login ako sa aking email account, “Ano ba to?,” tanong ko kunwari ay hindi interesado.

Ngumiti lang sya sa webcam. Yung tipong demonyitang ngiti na para bang nagsasabing “SEE FOR YOURSELF, BITCH.”

“Ano na? Binuksan mo na?,” pangungulit nya.

“Saglet pwede? Nagda download pa eh. Pag porn to taena mamatay ka na,” nakasimangot kong sagot.

Ilang minuto pa ang aking hinintay at sumambulat sa akin ang ilang litrato ng aking nakaraan.

Hindi ako umimik. Tiningnan kong maigi ang mga litrato at napangiti.

“Isn’t it lovely? They celebrated their anniversary in Paris.” sabi ng kaibigan ko, ang tono nya ay nang-aasar.

“Oh ano naman? Maiinggit ako ganun?,” sarcastic ang tono ko.

“Hmmm.. not really. Hindi maiinggit.. It’s more on nanghihinayang,”  demonyitang ngiti ulit, “naisip mo ba kung nagkatuluyan kayo baka ikaw ang nandyan ngayon? Kung binigyan mo lang sya ng chance!,” tapos ay naningkit ang kanyang mga mata, hindi ko alam kung dahil sa naiinis sya o dahil sa tinatakot nya ako.

Napangiti ako.  “Tanga ka ba? Sympre naman nakakahinayang ang palampasin ang chance na makarating ng Paris, engot! At nakakainggit talaga ang magpunta dun para mag spend ng anniversary. Pero kahit kelan ay hindi ako nanghinayang na hindi kami nagkatuluyan.. thus- yan ang reason kung bakit hindi kami nagkaroon ng chance. Ilang beses ko ba tong ipapaliwanag sa yo?”

“Ewan ko sa yo! Babay na.. pinakita ko lang yan,” pagkatapos ay nawala na sya sa webcam at nag-offline.

Napahalakhak ako sa di malamang dahilan.  Ang totoo gusto ko pa syang magtagal ng konti para kamustahin ang mga bagay bagay sa aking ex dahil magkalapit lang sila ng bahay sa States.

Totoo.. gusto kong malaman kung kamusta na sya.  Minsan naisip ko pa nga siyang sulatan sa email pero dahil busy ako ay hindi ko na rin nagawa kahit minsan ang planong ito.

Kung nakita ko siguro ang mga litratong ito years ago, baka nakita nya pa sa akin ang mga reaksyong gusto nyang makita pero subali’t datapwa’t sa mga pagkakataong ito ay wala akong naramdaman kundi NOTHINGNESS.

Pagkatapos ay nalungkot ako sa isang banda….

Sa paraang hindi dahil sa hang-up.. kundi dahil sa isang katotohanang nakakalungkot lang talaga.

Nakakalungkot isipin na may isang taong minsan sa buhay mo ay nagpatigil ng iyong mundo…

Ngunit pagkalipas ng mahabang panahon ay naiwan siya sa mga alaala ng nakaraan.  Nilamon ng kawalan…

Hanggang siya ay nagmistulang pangalan na lang. ..

Haaaaaaaay.. buhay, nakakatawa… nakakasakit… nagpapatuloy ng hindi mo namamalayan.

Comments
  1. plaridel says:

    miarrrrrrmmmmarrra:

    haha! this post reminds me of the classic movie, when harry met sally, which is one of my favorites.

    in one of the scenes, sally became very upset when she heard that her ex was getting married.

    Sally: He just met her… She’s supposed to be his transitional person, she’s not supposed to be the ONE. All this time I thought he didn’t want to get married. But, the truth is, he didn’t want to marry me. He didn’t love me.
    Harry: If you could take him back now, would you?
    Sally: No. But why didn’t he want to marry me? What’s the matter with me?
    Harry: Nothing.
    Sally: I’m difficult.
    Harry: You’re challenging.
    Sally: I’m too structured, I’m completely closed off.
    Harry: But in a good way.
    Sally: No, no, no, I drove him away. AND, I’m gonna be forty.
    Harry: When?
    Sally: Someday.
    Harry: In eight years.
    Sally: But it’s there. It’s just sitting there, like some big dead end. And it’s not the same for men. Charlie Chaplin had kids when he was 73.
    Harry: Yeah, but he was too old to pick them up.

  2. hukombitay says:

    the past taunting you again huh?! nga pala wala akong lovelife, wala nga po… talagang absent ako sa blogging by choice dahil sa hindi mapaliwanag na mga bagay-bagay… hay… ayun… pero eto i’m updating my self… basa basa… so ano nga bang bago?

  3. soulful says:

    Nakakalungkot isipin na may isang taong minsan sa buhay mo ay nagpatigil ng iyong mundo…

    Ngunit pagkalipas ng mahabang panahon ay naiwan siya sa mga alaala ng nakaraan. Nilamon ng kawalan…

    haay, hayup ang pamatay na linya mo kellie! pinag-aralan mo ba to? hehehe

  4. walongbote says:

    sis grabe. natuwa ako sa usapan nyo. hehe. pero di ako nalungkot kc alam ko naman na you made a good choice. di porket wala ka sa paris ngayon, ay manghihinyang ka na na di mo xa binigyan ng chance. It’s not like that. May mga bagay kc talaga na di para satin.🙂

  5. enjoy says:

    oy kellie nasaan ka na? tahimik mo day…

  6. AC says:

    eto pa kelleh

    http://awefullworld.com/?p=2255

    taena kase tong si enjoy kung maka-tag kala mo wala ng bukas eh wahahaha!
    hoy enjoy! di ko na ginawa pa yung linsyak na sa bag at di ako nag-babag.. SAKO ang gamit ko papasok ng opis. minsan BAYONG. harhar

  7. AC says:

    wala kang shoutbox kaya dito na lang ateh

    http://awefullworld.com/?p=2250
    🙂

  8. nampotah naman oh! naguguluhan ako. maglagay ka kaya ng chat box noh kellie!? taena naman, lalo akong nabubulag eh.. haha!😆

    • enjoy says:

      ay nakow! di po ubra ang chat box dito sa WP. sa kasamaang palad ay naka-block ang javascript at flash at tanging html lang ang pasado.

      jologs! nyahaha!

  9. AC says:

    @enjoy: aling entry po? yung bago? na makabagbag ilong.. este damdamin?

    e kase… masyado malalim ang pinaghuhugutan…. usap na lang din tayo one time.. hehehe..🙂

    kaya ayoko tanggapin request mo sa yoville eh, baka pati ako maadik. harhar.

  10. enjoy says:

    putek! sobrang naadik na ko YoVille ng facebook at di ko namalayan na may bagong extra sa page mo kels. at si john llyod pa ha? [ah ndi ba? churi ü] kaya eto kahit nka mobile eh magkokoment ako…

    pang asar din yung friend mo noh. ang sarap gilitan ng leeg. hehe! joke lang… pero sa totoo lang imbiyerna kasi kung kelan nakalimot ka na eh saka ka naman binigyan ng rason para magmoment. kaasar (w/ matching stomp ng feet)

    AC: bukas na ko magkokomento dun sa entry mo ha. hanap muna ako ng diksyunaryo at dumugo ilong ko. dapat pala pati si pareng google kharap. hehehe!

  11. AC says:

    well, well, well… inggit ka lang ateh dahil di ka nakapuntang paris para magcelebrate ng anniversary. wahahha!

    at take note: may myspace pa ateh.. kaso lang panghook na lang yan ng mga teenbitch and manwhore… (ay sori po sa mga natamaan.. ayun lang naman ang pagkakaalam ko… accdg to: HE’s JUST NOT THAT INTO YOU whahahah!)

    talaga nga namang andaming multo ng kahapon… harharhar..

  12. AC says:

    BASE! wahahah!

    pero actually di ko pa nababasa… hahahha!

    maya ako magkocomment ng matino. harhar😆

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s