Thoughts on MOVING FORWARD. Alien Invasion and the likes..

Posted: May 12, 2009 in emo, Life, miarmiar-isms

Isang gabing madilim at umuulan..

Nag-iinom sa terasa nila B matapos ang ilang linggong hindi pagkikita.

Kinalikot nya ang aking cellphone.

B: Baket Jacob Black ang pangalan ko dito? (tanong sabay tungga ng San Mig light)

K: (hithit ng yosi) Hindi ko alam.

B: (inabot sa ken ang cellphone) Palitan mo. Hindi ko kilala si Jacob Black.

K: (kinuha ang cellphone at nilapag sa isang tabi) Ikaw nga si Jacob Black, tanga.

B: Baket Jacob Black? Sino ba yun?

K: (buntong hininga) Huwag mo nang itanong. Pero kung gusto mo talagang malaman, pahihiramin kita ng libro ng Twilight Saga.

B: (nagliwanag ang mukha) Huwaw! Ito ba yung super hot vampire na pinag-uusapan nung mga officemates ko?

K: (buntong hininga) Si Edward Cullen yun, tanga!

Panandaling katahimikan.

B: (nakasimangot) Baket hindi ako si Edward Cullen?

K: Baket bampira ka ba?

B: Aaaah.. so normal na tao si Jacob Black?

K: Hindi.

B: Eh ano? (curious ang mukha)

K: Werewolf.

B: Taena ka pala eh.

K:(nainis) Uwi na nga ako.

B: Uwi ka.. wala kang kwentang kainuman.

K: Hindi mo ko pipigilan?

B: I’m so freakin tired. (seryoso)

K: Huwaw! (tonong pang-aasar) Baket? Drama King?

B: Hindi nga, seryoso ako, Kel. Baket ganun? Nakita ko ex ko eh and I sort of feel bad about her. Or maybe.. I felt bad about everything.. of how we end up.. of why we’re not together anymore.. alam mo yun? Do you get me?

K: (saglit na nanahimik) Sinong ex mo ba ang tinutukoy mo? Yung kawayan na may isang dakot na kulot na buhok sa ulo nya?

B: Hahahahaha. Taena mu. Oo sya! Tagal din namin nun no?

K: Oo naman. Pero baket ka nag iinarte?

B: (napailing sabay tungga ng bote ng beer) Tsk.. hindi naman yun eh.ย  I don’t feel anything towards her anymore.. I mean I still do care for her but not in a way that I care for my present girl. You know what I’m saying? It’s like feeling weird all of a sudden that we’re talking in the same room but she doesn’t have power over me. Gets mo?

K: (buntong hininga sabay dantay ng ulo sa balikat ni B) Haaay.. yeah I know. I know what you mean.ย  First things first, naniniwala ka ba sa ALIEN INVASION?

B: (tulak sa ulo ko) Pakyu. Seryoso naman ako! Ginaganyan ba kita pag nagda drama ka?

K: (yakap ng mahigpit kahit ayaw nya) Seryoso ako, tanga! Isipin mo parehas lang din yan eh. Nag iinarte ka ng ganyan kasi nagbago na ang lahat sa inyo. Kumbaga, matapos ang lahat ng mga I LOVE YOU, YOU MEAN THE WORLD TO ME at kung ano ano pang palitan ng pang- romansang dialogues nyo dati ay nagtataka ka kung baket nang magkita kayo eh parang napakalayo nyo sa isa’t – isa. Yung tipong nakatingin ka sa parehong tao pero panlabas lang ang nakikita mo.. hindi mo na nararamdaman yung dati. Kumbaga, wala nang bugso ng emosyon. Naisip mo ba? Walang matinong explanation kung baket nag eevolve ang emotions ng mga tao? Kung bakit sa isang saglit eh tipong nafo fall out of love at naiinlove tayo sa iba? Naisip mo bang may posibilidad na sa gitna ng iyong mahimbing na pagtulog eh nadakip ka ng mga UFO at na-altered ang iyong buong pagkatao? Pwede db? Mas madali.. mas madaling isipin na ganun na lang kesa mag-isip ka ng mga bagay na masakit… yung mga dramang.. I’m not good enough.. blah blah blah…

B: (tumayo at nagpagpag ng buong katawan) Ano ba! Taena kung makapulupot ka naman!

K: (smile sabay sindi ng panibagong yosi) Taena.. andami nung in-explain ko ah. Wala kang na gets?

B: Meron! Pero yang dibdib mo naramdaman ko, leche. Lumayo ka nga ng konti! Uupo ako.

K: (umusog pakanan) O ayan! Ang arte mo. Bakla ka ba?

B: (umupo sa tabi ko) Hindi! At lalong hindi kita mamanyakin, huwag kang feeling!

K: Ang arte mo, kino comfort ka na nga eh.

B: (seryoso ulet) So ang tinutumbok mo, yung taong dati kong minahal, wala na ganun? Kinuha na ng mga aliens?

K: Para maging masaya ka.. isipin mo sumama na lang siya kay E.T.

B: (seryoso, lagok ng bote) Ganito ka ba mag-isip pag nasasaktan ka? Na yung taong minahal mo dati wala na? At hindi na babalik?

K: (Cross legged sabay lagok ng Jack Daniels) Hindi. Mas masarap isipin na ang lahat ng tao sa buhay ko ay may expiration date. Yung tipong kahit gusto ko pang kainin eh talagang hindi aabot sa nakalaan na petsa.. yung tipong alam ko na kapag kinain ko pa ay malalason at pwede kong ikamatay. Pagkatapos ng expiration date, hindi ko na pinipilit pa.. kumbaga sa paningin ko.. kahit gustong gusto ko pa syang itago, alam kong hindi na pwede.. dahil sya ay PANIS na. At yun.. ganun.. kaya mabilis akong nakaka move on. Mas madali yun di ba?

B: Eh potah, san nanggaling yung mga aliens?

K: Sa ken din. Pero ibinibigay ko na ang opinyon kong yan sa ‘yo. Ang weird kasi eh. Kaya sa ‘yo na lang. (hithit ng yosi)

B: (buntong hininga) Pwede ba, Kellie, umuwi ka na? Nakakainis kang kausap, solid.

K: (nagtataka) Ayaw mo ng aliens? O sige… papalitan natin.. how about yung–

B: Umuwi ka na, leche!

K: (lapit ulit sabay yakap) Baket ba ang sungit sungit mo? May sense naman db? May sense yung ALIEN INVASION.. ano ba!

B: (malalim na malalim na buntong hininga) Haaaaaaaay.. naku. Juskulord, baket ba naimbento ang mga alienssssss????!!! (tanong sa kawalan)

K: Cheer up, it’s just a phase. Inom na lang tayo…

B: Do I have a fuckin’ choice???!!

Minsan.. hindi kailangang seryoso ka sa mga pananaw sa buhay. Kung pinaglalaruan ka ng tadhana, baket hindi pwedeng paglaruan mo rin ito?

Comments
  1. Ishda says:

    “kahit gustong gusto ko pa syang itago, alam kong hindi na pwede..”

    haay. nakakalungkot naman ‘tong thought na ganito..

  2. enjoy says:

    mukhang na-invade din ako ng alien dati ah. hahaha! magandang motivation yang expiration date. wag lang sana abuting ng expiration date ang pag-aasawa mo sa kakaisip mong mag-eexpire din ang mga lalaki sa buhay mo๐Ÿ˜†

    welcome back kels๐Ÿ™‚

  3. ang pamosong linya na EXPIRATION DATE. isa lang naman ang wish ko, ang di ako abutin ng expiration date… seryoso.. kung anuman un…

  4. AC says:

    e di maglaro na lang tayo lahat.

    at magdumi ng magdumi!

    DUMI! DUMI! DUMI!

    hehehe…

    pero in fairview, i like this line:

    Mas masarap isipin na ang lahat ng tao sa buhay ko ay may expiration date. Yung tipong kahit gusto ko pang kainin eh talagang hindi aabot sa nakalaan na petsa.. yung tipong alam ko na kapag kinain ko pa ay malalason at pwede kong ikamatay. Pagkatapos ng expiration date, hindi ko na pinipilit pa.. kumbaga sa paningin ko.. kahit gustong gusto ko pa syang itago, alam kong hindi na pwede.. dahil sya ay PANIS na. At yun.. ganun.. kaya mabilis akong nakaka move on. Mas madali yun di ba?

    sana mapanis na silang lahat sa totoong buhay. waheheh!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s