SABOG

Posted: May 15, 2009 in Life, miarmiar-isms

Nangyari na ba sa ‘yo ang nagyari sa akin nung isang araw?

Yung tipong kakapasok mo pa lang ng opisina ay nagmamadali kang makarating sa cubicle mo, gulo-gulo ang buhok, pawisan ang ilong, hawak ang cellphone sa kabilang kamay, nakasukbit ang bag sa braso, sa kaliwang kamay hawak ang pampagising na kape ng Starbucks at magnetic badge, kumakaripas ng lakad sa hallway dahil malalaglag ang yosi sa side pocket at hindi mo alam kung paano mo pupulutin kung sakaling malaglag.. nang biglang makasalubong mo ang iyong ultimate crush at binati ka nya ng HOW’S IT GOING?? at sumagot ka ng.. “^%!???$#&**?!!!” na para bang may sense pa ang tilaok ng manok kesa sa sinabi mo. At talagang pag na decode mo ang WEBDINGS FONT ng Microsoft word eh malalaman mong mas may kabuluhan pa ang bawat characters kesa sa untintelligible sound na sinagot mo sa iyong dream guy.

Pwes, kung hindi pa yan nangyari sa yo.. sa akin ay nangyari na. At hindi ako proud. Pero dahil ayokong mapahiya ay wala akong nagawa kundi magpatuloy sa paglalakad na para bang mas tanga sya at hindi nya naintindihan ang sinabi ko. Kung baket ba naman kasi.. sa tuwing magku krus ang landas namin ay ang dungis dungis ko. Pero hindi bale, pang aalo ko sa sarili, may next time pa naman.  Kung ano ang inisip nya sa akin nung araw na iyon, ipinapasa-Diyos ko na lang.

Isang beses narinig ko sa lasingerong boy namin, “Ang taong gumigising ng maaga ay maraming gagawin…kung ayaw mong maraming gawin eh gumising ka ng tanghali,” Ito ang dahilan kung bakit isang araw ay hindi na sya nagising.

Hindi naman ako gumigising ng maaga.. lagi nga akong late. Pero marami pa rin akong ginagawa. Hindi ko alam kung baket.

Isang araw naisip ko.. mas mabuti pa ang mabuhay sa panahon ng REIGN OF FIRE, ERAGON O KAYA LORD OF THE RINGS, gigising ka sa normal na araw, magtatanim ng kamatis, magtatago sa mga dragons at puno, makikipaglandian sa mga hobbits, mag-aani ng kamote, itatago ang ring kay Gollum at kay MATA pagkatapos ay sasakay sa malaking boat kasama si Gandalf.  Hindi ba’t napakasimple ng pamumuhay? Magtatago at kakain pagkatapos matutulog.

Wala kang babayarang bills ng MERALCO, GLOBE, DSL at hindi uso ang BODY SHOP. Ligo lang sa batis ang kaharap at ikaw ay isa nang kaakit akit na HOBBIT. Walang CAB, MRT, JEEP, BUS, PEDICAB at KOTSE. Maglalakad ka lang o di kaya ay mag-aalaga ng kabayo, kambing, baka, camel, rabbit, kangaroo at kung ano ano pang hayop na vegetarian pagkatapos ay solb ka na sa means of transportation. Kung ikaw ay sadyang matapang ay pwede ka rin mag-alaga ng POLAR BEAR na katulad nung sa GOLDEN COMPASS mas mabilis, mas asteg at mas malaki ang space.. ngunit maari mong ikamatay.

Ngunit sympre sa ayaw at sa gusto ko, iba ang era na aking kinabibilangan. Kung kaya naman ay kailangan kong magpunyagi sa ngalan ng salapi, pagkain, contact lens solution, petroleum jelly, Marlboro menthol at kung ano ano pang mga anik anik na nagpapahaba ng buhay nating lahat.

Hindi ko alam kung baket ganito ako mag isip ngayon.

Hindi kaya’t nakidnap ako isang gabi ng mga gumagalang aliens sa tabi tabi???

Comments
  1. Karen says:

    heehee natuwa ako sa pagbasa…mababaw lang talaga ang kaligayahan ko…i’m easily amused heehee…wala na akong masabi awts yun lang *bow*

  2. […] nga ni Kellie sa kanyang entry, mas mabuti pa raw ang mamuhay noon sa panahon ng mga hobbits kasama si Frodo at Gandalf, simple […]

  3. enjoy says:

    mukhang may hang-over ka pa nung sinulat mo ito ah. sabog ka nga… sabog sa pffft…🙂

  4. Drama queen says:

    @ac:naisip ko lang pagkagising ko at nang mabasa ko ang post na ito….
    Naisip kong kailangan ko nang magpa-rehab!shet.

  5. AC says:

    uminom ka na ng gamot mo ateh. mukang inaatake ka na naman. hehe.
    may nalalaman ka pang tilaok ng manok jan eh takot ka naman sa manok.😛

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s