NENOK.

Posted: May 26, 2009 in emo, Life, miarmiar-isms

Binabasag ko ang aking panandaliang pananahimik kahit na pagod na pagod ako dahil nag-train ako ng 25 na tao ngayong araw.

Ok. Kung hindi mo kilala si Hayden Kho, Katrina Halili, Vicky Belo at Maricar Reyes.. aba eh.. kamusta naman ang planetang Mars?

Hindi ba’t sila ang laman ng usap usapan ng bawat balita sa TV, tabloids na binebenta ni Aling Seri sa kanto? At higit sa lahat clips nila ang naka-save sa cellphone ni Pareng Julius, Ate Fern, PSP ni Alex at mga kung ano ano pang links ni Estoy na kung saan na download ang kontrobersyal na sex video scandals. At oo, isama na rin natin ang infamous sexy dance na kung saan ay sumasayaw sila sa background ng CARELESS WHISPER na pinauso ni George Michael – ang mothership ng kabaklaan.

Sa kabila ng palitan ng kung ano ano mang opinyon mula sa Senado hanggang sa bahay ng kapitbahay nyo– isang  bagay ang gusto kong tukuyin. Hindi ang MORALIDAD. Pabayaan na nating si Bong Revilla at Miriam Defensor-Santiago at ang lola mo ang tumukoy sa isyu ng moralidad.

Sa isang banda.. isang punto ang gusto kong bigyan ng pansin. Mas personal. Mas may pulso.

Umaalingawngaw pa rin ang boses ni Rowena nang sabihin nya kaninang umaga habang ako ay nag-aalmusal ang mga katagang,“Kasi naman, kung alam na nilang may ka-relasyon yung tao, eh baket pinapatulan pa nila?” pagkatapos ay umayuda siya ng “anak, nasan na yung pambayad ng keybol mo?” Binigay ko sa kanya ang pambayad pero pilit ko pa rin hinahanapan ng sagot ang una nyang tanong.

Napakasimple.  Pero hindi ko kayang bigyan ng katanggap tanggap na sagot para ipamukha sa lahat na sa buhay ng isang tao ay walang tama at mali.  May mga bagay ka lang talagang ginagawa at hindi ginagawa.  Ang mga bagay na hindi mo ginagawa ay yung mga bagay na itinuro sa yo ng religion teacher mo nung bata ka pa at yung mga bagay na sa tingin mo ay hind kayang tanggapin ng lipunang may itinakdang set of norms na kailangan mong sundin dahil kung hindi ay sasabihin nilang ABNORMAL ka o di kaya ay SALOT.  Sa isang punto ng buhay mo may ginawa ka naman talagang hindi naayon sa norms na iyong kinalakihan pero dahil walang nakakaalam at hindi mo sinabi kahit sa bestfriend mo, ang siste, hindi ka masama. Normal ka kumbaga. Masunuring bata. Hindi ka pokpok dahil wala kang sex video. May respeto ka sa sarili mo.

I think my shit meter is going off the roof!

Anyway, wag na tayong lumayo.

May sagot ka na ba sa tanong ng nanay ko?

Pasintabi sa iba. Wala akong tinutukoy na partikular na indibwal.

Baket nga ba? Sapat ba ang mga keywords na MAYAMAN, GWAPO, MATALINO at MALAKI?

O di kaya eh yung mga gasgas na dahilan na, MALUNGKOT AKO-NANDYAN SYA, MALUNGKOT SYA-DUMATING AKO, MASAYA SYANG KASAMA, HINDI NYA MAHAL ANG GIRLPREN NYA- HIHIWALAYAN NYA RIN PARA SA KIN, NO STRINGS ATTACHED – LARO LANG- GAME SYA at FLING LANG TALAGA.

I think my shit-o-meter is going off the roof, you shit.

Naniniwala akong walang nangyayari sa isang relasyon kung talagang ayaw ng babae. Aminin mo.. sabihin mo nga kung pano, aber? Paano mangyayari ang isang bagay kung hindi mo pinahintulutang mahipuan ka? At nagpahipo ka.. at sinuklian mo ng walang humpay na landi hanggang sa paulit ulit na mangyari at wala ka nang kontrol kundi magpagamit ng paulit ulit kahit kasing linaw ng VIVA mineral water na ang lahat ay NO STRINGS ATTACHED nung simula pa lang. Hanggang sa dumating ang panahon na natagpuan mo ang iyong sariling umaasa sa wala.

Hindi ako nagagalet dahil may mga babaeng nakikipaglaro sa apoy kundi nagagalet ako sa mga babaeng umiiyak sa tuwing mapapaso sa kalagitnaan ng paglalaro nila ng apoy. Pagkatapos ay maghahanap ng kasagutan sa himpilan ni Dr. Love, Joe Mangga at sa kanlungan ng kanilang bespren. Naiinis ako dahil hindi sila responsable. Naiinis ako dahil sa bawat katangahang kanilang ginagawa ay dumadagdag ito sa klasipikasyon ng iba pang babaeng nabubuhay sa mundo. At nang dahil dito pare-parehas tayong nalalagyan ng LABEL sa noo. Isang halimbawa: ANG PILIPINA AY PUMAPATOL SA MGA TAONG PAGMAMAY-ARI NA NG IBA at sa MAY ASAWA BASTA GWAPO AT MAYAMAN ANG PAPATULAN.  Para na rin nilang sinabi na kumakabit tayong lahat sa pulis sa ngalan ng proteksyon. Ganun ka ba? Ako hindi ako ganun, pero dahil nabubuhay ako sa Pilipinas at Pilipina ako.. mananatili akong ganun sa paningin ng mga taong nakasungaw sa bintana kung saan ako ay natatanaw ng malayo.

Hindi ako perpekto. Hindi ako nabubuhay sa isang relasyon na malayo sa pagkakamali. Sa isang banda, naranasan ko rin ang makipagsalamuha sa mga babaeng pilit na nakikihati sa kung anong meron man ako. Kung maririnig mo ito sa unang pagkakataon o kung mangyayari man sa ‘yo, malamang ang unang reaksyon ay magagalit ka.. masasaktan at pagkatapos ay kung ano ano pang samu’t saring pakiramdam na hindi mo inaakalang posible pa lang maramdaman ng isang tao. Ngunit ang totoo, ang unang nasaling sa akin ay ang tinatawag kong EGO. Marahil sa ibang babae, nasasayahan sila sa tuwing makakaagaw sila ng boypren ng iba. Kumbaga EGO BOOSTER, dagdag sa haba ng hair, sabi nga ng mga kaibigan ko. Naniniwala ka bang may mabuting kahihitnatnan ang pagkaing-nakaw? Wag nating isama ang ibang aspeto kung saan nakakahigit ka sa inagawan mo, pag-usapan natin ang mga dahilan kung bakit nagnanakaw ka. At higit sa lahat, tukuyin natin ang mga dahilan kung baket pumayag ang isang taong lumagi sa bakod mo kahit nasa puder sya ng iba.  Madalas kaysa minsan, sa kahit anong haba pa ng mga oras na lumagi sila sa iyong bakuran, bago matapos ang araw.. bumabalik sila sa kung saan talaga sila nakatira. Hindi sa lahat ng pagkakataon, OO. Pero MADALAS GANUN.

May isang bagay kang dapat na minamahal ng lubos bago ka magmahal ng iba.

ANG SARILI MO.

Huwag kang aasa na iiwan ng isang tao ang isang babaeng minahal nila nung simula pa lang, lalo na kung nasa relasyon sila. Dahil ang totoo, hindi ganun kasimple ang lahat, hindi ganun kadali ang magpalit at hindi ka DOORMAT. May mga pagkakataong mahina tayo, hindi lang ang mga lalake, kundi tayong lahat pero hindi sapat ang katwiran na MAHINA ka o MAHINA sya para magsugal ng emosyon sa kawalan. Hindi ba’t palaging may mga rason ang mga lalake kung baket sila nangangaliwa? Yung ibang dahilan, may sense.. yung iba wala. Pero ang tanong.. anong dahilan mo para pumatol ka sa taong pagmamay-ari na ng iba? May sense ba ang sa ‘yo? Paano mo bibigyan ng kabuluhan kung sa umpisa pa lang ay mali ka na? Tatawa ka ba at sasabihin mo sa mga kaibigan mong.. “MAS MAGANDA KASI AKO…” , “HINDI AKO DEAD LOLA SA KAMA”, MAS MASAYA SYA SA AKIN”, “MAS MAGALING AKONG MAGMAHAL,”at kung ano ano pa? Naniniwala ka bang ang mga bagay na ito lang ang bumubuo sa depinisyon ng salitang RELASYON?

Paano kung paggising mo isang araw ay malaman mong totoo nga…

Na mas maganda ka..

Na mas magaling ka sa kama…

Na mas masaya sya sa yo..

Na mas minahal mo sya..

At wala ng iba pang dahilan…

Kundi… yun lang?

Kung kaya’t maghahanap siya ng iba… dahil para sa kanya…

YUN KA LANG.

WALA NG IBA PA.

MARAMI PANG IBA.. MARAMI PANG MAS MAGPAPASAYA SA KANYA.. MARAMING PANG MAGMAMAHAL NG LUBOS…

Paano ka magiging masaya kung lahat ng kung anong meron ka ay hindi sapat para sa kanya?

Naisip mo ba?

Na yan ang unang dahilan kung baket nang-iwan sya ng iba? Na sa kabila ng kaya mong ibigay ay..

HINDI NYA ALAM KUNG SAAN SYA MAGIGING MASAYA.

Sino ngayon ang mas tanga…

IKAW o SYA?

Ngayon alam mo na ang sagot…

SANA ALAM MO NA.

//

Comments
  1. muymuy says:

    nagkahindutan na dituuuuuuuu…buti na lang at napadaan ako dito..at nasupalpal ako sa entry ni kellie….hahahhahahaah

    UU na UU na madumi ako…naging mahina, naging shonga, naging manhid at kung anek anek pa…bakit sinu ba ang hindi???!!…dumadaan talga sa tao ang minsan nagkakamali, nadadapa pero ang importante dapat natuto sa pagkakamaling nagawa…pro bakit ganun parang wala naman akong pinagsisihan…masarap kayang magmahal…

  2. AC says:

    hmmm… RELAX ka lang pare. HB ka ah.. hehehe.. pero nahipo ako nitong entry mo ha. di nga ako nagpopost about it eh kase masyado na nakukulta utak ko. kaya sasagot na lang ako sayo. hehehe.

    magsasalita ako base lang sa pagiging obejctive ko ateh ha, hindi ako nagmamalinis o nagpapakarighteous dahil minsan sa buhay ko ay nagdudumi din ako. hekhek.

    1. hindi ako naniniwalang hindi alam ni katrina na may camera. baket? kase mukang hindi naman tago yung camera, stable pa nga eh di naman gumagalaw. tsaka mukang hindi naman celfone ang pinangkuha.. may videocam o digicam kaya si hayden na sinlaki lang ng microchip para di mapansin ni katrina? hindi katulad nung kay maricar na kita mong may pintong nakaharang. pwedeng alam ni katrina, pwedeng hinde. pero kung alam nya, malamang gumagawa na lang sya ng palusot para kahit paano ay makuha nya ang simpatya ng sangkatauhan.

    2. ako ay hindi righteous. nagkaroon na din ako ng relasyon kung saan ako ay may kahati, at ako ay nagtagumpay dahil sa akin sya napunta. masama diba? pero di ko masisi ang sarili ko, kahit anong iwas gawin ko ganun talaga nangyari. tao lang. oo masama, hindi patas. pero nangyari na. ang lesson na lang dito, kung gagawa ka ng kalokohan siguraduhin mo lang na kaya mo pangatawanan ang consequence at wag ka iiyak-iyak sa harap ng TV na para bang hindi mo ginusto ang nangyari.

    3. “Naniniwala akong walang nangyayari sa isang relasyon kung talagang ayaw ng babae. Aminin mo.. sabihin mo nga kung pano, aber? Paano mangyayari ang isang bagay kung hindi mo pinahintulutang mahipuan ka?” – tumpakka dito ate. wag mong sisihin si adan lang kunga lam mo sa sarili mo na maski ikaw ay pinahamak ang sarili mo. mabuti pang manahimik ka na lang kesa hugasan ang duming nagawa mo.

    4. ” NO STRINGS ATTACHED nung simula pa lang. Hanggang sa dumating ang panahon na natagpuan mo ang iyong sariling umaasa sa wala.” – at some point in our lives umasa din tayo. na baka sakali may mabago. o baka may magandang patunguhan. na balang-araw sasaya din kayo. walang masama sa pag-asa.. ang dapat lang, sana may hangganan.. kung singlabo na ng tubig ng ilog pasig ang future at mas mataas na sayo ang sakit at pagtitiis na nararanasan mo.. yun ang tama na. pero hindi masama ang UMASA. wag lang sobra.

    5. “MAS MAGANDA KASI AKO…” , “HINDI AKO DEAD LOLA SA KAMA”, “MAS MASAYA SYA SA AKIN”, “MAS MAGALING AKONG MAGMAHAL,” – naniniwala ako na sa pag-ibig walang dahilan. walang dahilan kung baket mahal mo sya, o mas mahal mo ang isa.. nangyayari na lang yan.. di porke mas maganda ka sa orihinal na jowa o mas magaling ka sa kama ay MAHAL ka na nya. may mga pangangailangan ang tao.. kung may kakulangan man ang taong minamahal nya na napupunan mo.. yun ay maliwanag na PANGANGAILANGAN lang at wala ng iba. iba ang MAHAL KITA DAHIL KELANGAN KITA sa KELANGAN KITA DAHIL MAHAL KITA. pag mahal mo, mahal mo.. wala ng rason2.. basta masaya ka lang. yun lang siguro ang pamantayan ko dun.

    haaaaaaaaayy.. dumugo ang ilong ko kellie. hahah!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s