So there I was.. just last night.. minding my own business.

Swamped with work as usual…

till I came across some crappy boulder and snatched me out of reality.

Then another realization popped and the Holy Spirit shouted… “YOU’RE THE ONLY MUNDANE PERSON WHO LOVES TO HATE THE IDEA OF YESTERDAY BUT YOU F*CKEN BUY IT EVERY F*CKEN TIME!”

Oh well, paulit ulit na lang. Nakakasawa na.

Scenario: Malakas ang ulan sa labas. Lumabas ako at magyoyosi. May nakaharang sa may pintuan. Nagkatinginan kami ng mga kaibigan nya na kaibigan ko rin.  Nagkangitian.  Naghintay ng ilang minuto para maambunan. Naglakad ng slow motion, (cue: ang background music ay Victorian era hymn ng PRIDE AND PREJUDICE) nagpakiramdaman ng hininga habang naglalakad at magkakasalubong ang gilid ng mga balikat. Hindi nagtitinginan. Matitigas ang leeg na kunwari ay may abala sa pakikipag-usap sa kanya kanyang bitbit na mga kaibigan. Isang minuto nagpigil ng hininga nang tumayo sa kanyang harapan at nagbukas ng kaha ng sigarilyo. Shet walang laman! Naglakad pabalik ngunit hindi pa rin sya tinitingnan.. sa gitna ng madla, nagpanggap na hindi sya nakikita.. muling dumaan sa harapan nya, nakayuko at kunwari ay may kinakapa sa bulsa. Nang makalampas ay humirit si Margaritah….

M: Mare.. tinitingnan ka nya… (kinikilig)

Nagpigil ng damdamin.

K: Weh…

M: Asar naman to! San ba tayo pupunta?

K: Sa pantry.. bili ng yosi.

Pagbalik sa mausok na tagpuan.. muling dumaan sa harapan nya. Pumwesto sa di kalayuan, nakitawa kasama ang iba.  Tumayo ng matagal na parang kahapon lang. Tumayo kasama ang iba, nakatanaw sa malakas na pagbuhos ng ulan. Kinausap ang konsensya…

K: Isang tingin lang baket ayaw mo? Ang damot mo naman!

Ako: Hindi ba’t mas masaya kung iisipin kong tapos na ang lahat?

K: Eh pano kung hindi pa?

Ako: Eh paano kung OO at tiningnan ko sya? Di ba ang sabi mo.. hindi kinakain ang pride?

K: Hindi nga. Pero minsan db? Kinakain ng love ang pride?

Ako: This is not love. It’s something more awful than that.

K: Baket hindi mo subukang maligo sa ulan? Baka sakali lang… maanod ng tubig ulan ang nakaraan.

Ako: Maanod ang nakaraan… hmmm.. magandang idea yan. Paano kung pati ang buo kong pagkatao… sumama sa  nakaraan? Pagkatapos nun.. ano na?

K: Aaaaaaaaaaaahhhhh… so cheesyyyyyyyyyyy! Isang tingin lang baka malay mo.. magbago ang lahat.

Ako: Hindi na. Wag na.

Margaritah: Wala na umalis na! Naglakad na sa ulan! Bakit kasi hindi mo pinansin???!!

Hindi ako kumibo. Nagkunwaring nakatanaw sa kawalan. Naniniwalang sa sandaling tumila ang ulan.. titigil ang ikot ng mundo. .. nang mundo nya para sa akin.. at ang akin para sa kanya. Pero matapos ang walang humpay na pagbuhos ng bagyo, hindi tumila ang ambon. Hindi tumigil ang oras..

Naramdaman ko sa isang tabi kung saan ako nakatayo.. na sa pagkakataong umasa ako na titigil ang unos… mundo ko lang ang tumigil at ang sa kanya’y uminog ng mabilis habang ako’y nakatanaw sa malayo.

Haaay buhay… mas madrama talaga pag maulan!

Comments
  1. soulful says:

    hi! i’m back after a long hiatus. hehehe nagpapapansin uli.
    bakit nga mas senti tayo pag ulan? siguro kasi we can cry all we want. the rain hides the tears and its sound drowns out our sad voices…

  2. plaridel says:

    when it rains, it pours. kailangan may dala kang payong palagi. 🙂

  3. nampotek!!! naisip ko, di ba hanggang semana santa lang dapat ang ating drama at emo period!?😆 hihi!

  4. AC says:

    het akooooo.. basang basa sa ulan… woooooo! grabe mag-emo si ateh kellie oh!😛

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s