Archive for July, 2009

on losing and letting go.

Posted: July 10, 2009 in Life, miarmiar-isms

Miss you Lolo

There’s no word that can describe the sadness that envelopes my wholeness today.

I figured, maybe because I look strong on the outside that no one bothers to ask if I’m ok.

Nagmano ako sa lola ko ngayong umaga. Pagkatapos umakyat ako na parang robot sa taas.. habang binabaybay ang hagdanan pataas ay saka ko lang naisip. Wala na akong mamanuhan sa taas. Natigilan ako sa kahabaan ng hagdanan, hindi nagpahalata sa aking lola ngunit pinagmasdan nya ako na para bang alam nya ang dapat kong gagawin.  Nagtama ang aming paningin nang panandalian pagkatapos ay napayuko ako at tinungo ang aking silid.

Para sa isang taong nabuhay kasama ang isang taong nagpalaki, nagmahal at umaruga sa yo.. masakit isipin na nagsisimula na ang mga araw kung kailan hindi ko na sya maari pang kausapin muli. Hindi ko na maririnig ang mga nakakatawang hirit.. ang pumapalahaw na tawanan na umaalingawngaw sa buong kabahayan. Ang mga masasayang araw nang tugtugan tuwing Linggo na para bang lumipas nang hindi ko namalayan.. ang mga tarantadong paalala na punong-puno ng pagmamahal.

Tuloy ang ikot ng mundo. Ang istasyon ng radyo ngayong linggo ay hindi magsasarado. Tuloy ang tugtugan ngunit kulang ng isang tagapakinig.

Namulat ako isang araw at aking naisip..  ang bawat tao sa mundo ay nagpapaalam. Hindi dahil gusto nilang umalis.. kundi dahil hanggang dun na lang.  Ito na ang pinakamasakit na bagay sa mundo.. ANG MAGMAHAL NG MGA ALAALA.

Mga alaalang naiwan ngunit may kabuluhan.

Hindi tumitigil ang pagpatak ng aking mga luha sa gitna ng dilim ng aking malamig na silid.  Tuloy ang ikot ng mundo.. ang tugtugan sa radyo pero ang sa akin nang yumao si Lolo ay panandaliang napako sa mga alaala ng nakaraan.

Alam kong hindi na tayo magkikita.. o magkakaroon ng pagkakataon nang kagaya ng dati. Alam kong hindi ko na maririnig ang mga bagay na nagpatawa at humubog sa buo kong pagkatao..

Alam kong wala ka na..

Pero ang lahat ng iniwan mo.. nandito lang at itinago ko. Ang lahat ng mga pangaral, paalala at pagmamahal.. hindi ko makakalimutan.

Maraming maraming salamat, Lolo. Hindi ko nasabi kahit kailan pero sana ay naramdaman mo..

Mahal na mahal kita Lolo ko. 🙂

Advertisements

The saddest day.

Posted: July 5, 2009 in Life, miarmiar-isms

Ricardo Concepcion Tejada

Ricardo Concepcion Tejada

January 20, 1927 – July 02, 2009

Moon River, wider than a mile,
I’m crossing you in style some day.
Oh, dream maker, you heart breaker,
Wherever you’re going I’m going your way.
Two drifters off to see the world.
There’s such a lot of world to see.
We’re after the same rainbow’s end–
Waiting ’round the bend,
My huckleberry friend,
Moon River and me.

-Moon River

Henry Mancini, Breakfast at Tiffany’s

This will always be our song, Lolo. I know you’re kicking ass wherever you may be.. pulling some hilarious jokes and nasty comments together with God.

Or maybe in some alternate universe or dimension as you always say these past days when I put you to sleep..

But then I hope you remember our good times together because no matter how strong I look on the outside..

You know better inside.. I will never be whole again.

Have a safe journey.

I love you.. and I always will.