Archive for September, 2009

Isang araw sa loob ng aking silid ay nag-materialize si SADAKO.

S: Tuuuubiiiig…tuuuubiiiig… (gumagapang sa aking paanan, Sadako-style)

K [Inabot ang bote ng Absolute drinking water (Viva sana ang bibilhin ko pero mas naisip ko mas kontrobersyal ang ABSOLUTE)] Wui! Madumi dyan, gurl. Tayo ka dyan!

S: (Nakasalampak pa rin sa sahig habang inaabot ang bote ng mineral water at dali-dali itong nilagok ng walang ano-ano) Aaaah… shet. It’s been a while.

K: (Nagkamot ng ulo) Yosi, gusto mo?

S: Lights ako, mare. (Dahan-dahang tinuro ang kaha ng Marlboro Menthol) Menthol ka? No thanks. Magkaka sore-throat ako.

K: Eh hindi ka naman nagsasalita, sore throat ka dyan!

S: (Nalungkot) Sabagay. Hindi nga pala ako nagsasalita sa mga flicks ko. Sige, pa-menthol na nga.

K: (abot ng yosi at lighter sa kausap) Oh. Ayaw mo talaga tumayo dyan?

S: 9Dedma, abot ng yosi) Hiraaaaaaam… sa Diyoooos ang ating buhaaaay.. (Sindi ng lighter) …sinoooo ang paaag — SHET! (umusok at nangamoy buhok ang kwarto ko) Tangenang buhok ‘to! Lagi na lang!

K: (Nagbubugaw ng usok) Lalabas ka naman pala sa balon mo, hindi ka man lang nagpasabi.

S: (Dedma ulet) Let’s have some fuun.. this beat is sick.. I wanna take a ride on your disco sticcck. I wannna kissss you but–

K: (Nabigla) Wow! Idol mo rin si Lady Gaga?

S:  Aye, hardcore sya man!

K: OO asteg fashion statement nya.

S: (tumawa ng mahinhin) Hihi. Parehas kami ng suot na tangga, gurl.

K: Weh?! Wild!

S: Gusto mo makita? (unti-unting tinataas ang putikan na saya na may lumot lumot pa)

K: Huwag! (sigaw ko)

S: Ok (binaba nya) I’m your biggest faaaan.. I’ll follow you unti you love me… pappa.. pappa..

K & S: (in chorus) papparazziiiii! Yeah!

S: Wuhoooo! Ang luwang luwang sa labas ng balon! (tinaas ang dalawang kamay sa sobrang galak)

K: Wow, kasing haba ng buhok mo sa underarms yung buhok mo sa ulo)

S: (hithit ng yosi) Duh.  Ano sa tingin mo kung baket ang lago-lago ng buhok ko on-screen? Akala mo buhok sa ulo lan yun lahat? You’re so easy. Pantay-pantay yan lahat. Buhok sa kili kili , sa ilong, bigote at kilay. Ikaw na makulong sa balon. (sarcastic)

K:  Sorry naman. Sobrang boring nga siguro dun sa loob.

S: Aye. Pero steady lang may weed naman sa loob eh. Smoke lang ng shit, man.  I stopped using my phone since hindi naman naabot ng signal, Globe kasi yung line eh. SMART ka ba, dude?

K: Wow, my cellphone ka?  Lupet ah. (namamangha)

S: Ginagagago mo ba ko? (nagpagpag ng upos ng sigarilyo)

K: Hindi tsong.. nagulat talaga ako.  Saan ka nakakuha ng cellphone?

S: Duh, hindi ako pulubi. May magulang ako. Binubuksan nila yung balon occasionally. Kagaya ngayon, magpapasko na! I love Christmas! Fan ako ni Santa Claus!

K: Lupet ah.

S: True dat, foo.

K: On a serious note, alam mo hindi ko talaga maisip kung baket THE RING ang title ng pelikula mo. Wala naman akong nakitang singsing dun kahit isa.

S: (nag-isip saglit) Ako rin eh. Pero mas catchy na rin yung title na yun kesa naman THE WELL o kaya THE HAIR. Whatchatink?

K: Pero alam mo ah, with your emergence- astig nauso na yung mga ASIAN horror stories adaptation sa Hollywood. Bilib ako sa ‘yo. Isa ka nang historical icon.

S: Naman! (nagyayabang na tono) the hair, the move and all that. Hear-hear! Alam mo ba.. I just want to educate the people.. alam mo bang ang istorya ko ay inspired sa isang children hit song? In a very twisted way, that is. Hindi totoong nag-originate ako sa Japan.

K: Weh?! Totoo? (nagdududang boses)

S: Aba eh kung mahilig pala akong magbiro sana nag-comedy na lang ako! Pesteng buhay to.. ano patatapusin mo ba ko?

K: Sorry.. sorry. Sige go.

S: (nag ayos ng sarili) Eto yan.. makinig ka. Jacccck (nasamid) and Jiiilll (nakakatakot na boses, pabagal) went up the hill to fetch a pail of water… Jack fell down and broke his head and died the minute afteeeer..

K: (kinilabutan) Huy! Wag mo naman akong takutin.

S: Tonta! Hindi pa ako tapos..

K: (naiiyak) Sige go lang.

S: Aheeem.. San na nga ako?

K: Died the minute after. (pabulong)

S: Ok game. (inayos ulet ang sarili) Then up got Jill and weeeent to hill,  and drowned herself in laughter.  Huwag na natin isama yung la-la-la-la-la kasi masyadong masaya.  So Jack and Jill went up the hill, patay na si Jack nito (bulong nya) to fetch a pail of water, but Jack died there up the hill so Jill went home to Mother (pagtatapos nya)… tapos ayun nagalet sya sa akin tapos kinulong nya ko sa balon on the hill. Shet, gurl. Nae-emo ako.

K: (marahang tinapik sa balikat si Sadako) Sorry, gurl. I didn’t know. Di bale, sikat ka naman eh. At least db? Mas sikat ka naman ke Lady Gaga. Pa-picture naman. Remembrance lang, please.

S: Ok. Pero ayoko nang naka-peace sign ah. It’sss such a cliche.

K: Promise hindi.

S: Ayt. Bilisan mo gurl, I gotta bounce na rin.

K: Ok. Sige.. 1.. 2… 3

from freakynews.com

Eat your heart out, Lady Gaga! (image googled from freakynews.)

Advertisements

There was once an old town, I don’t know where but probably in the Visayan region where tales of big tree like creatures exist.

Along with it,  there were speculations that the main existence of these creatures are connected with a powerful anting-anting that holds great wonders.  The town folks have tried different approaches and strategies to get hold of this anting anting but no one can get passed by this big tree guarded by a ginormous KAPRE.

And so here’s how  the three brothers get into the picture.  The first attempt to get the anting anting was made by the first brother but was not able to make his way back home. Few years had passed and still there was not a single sign of the first brother. In a desperate attempt to possess the said powerful anting-anting, the second brother journeyed to the woods but like what happened to the first one,  he was not able to come back home. The third brother waited in what seemed like an eternity until finally he decided to follow his two forgotten brothers, with the same longing to get hold of the powerful anting anting.

After three days of a quest full of perils, the third brother stood upfront a big oak tree and in it sat the mythical creature with its bloodshot raging eyes.

” I came here to defeat you,” the third brother said with all the courage left in his heart.  The monster mounted from the tree to take a closer look to his challenger. It was then that the third brother realized that the anting-anting was just dangling beneath the monster’s chest.  After what seemed like hours, they battled in the woods until finally the thrid brother succeeded in killing the monster.  In his hands, he got hold of the powerful anting-anting, his head drowning in the momentum of his victory. In an attempt to prove his glory, he planned to cut the head of the monstrous beast to take it with him.  As he cut the head of his opponent, a strange thing happened.  He shouted in agony as his body slowly transformed into the creature he just killed.

In a quick moment, he became the monster. The anting anting etched in his chest.. he crawled into his resting place.. waiting for the next challenger that will end his misery.

Posted: September 5, 2009 in dysfunctional family, Life, miarmiar-isms

asd;kfhdlkjsagfasdlkgfasdlmbc.zXKbv;gsadigf[yorw[khfa’lkdsfh;asdkjbvzC><XMBvZXCKLF;eyt[weyirfaSJFC;ADLJGFALSKJDBVZCmxbVzcmbV;SAKDJGFAS;EYIT[EWQOUAS;LJF;LADHFKADS;KHFADL;KHF;ADSLHFKASD

-Kellie, naglilinis ng keyboard.

Sorry! 😀

U: Kellie.. Kellie.. pwede bang.. i-tag kita sa Facebok?

K: Huh? Sige lang.. may bayad ba yun?

U: Eh kaso gusto kita i-tag na IN A RELATIONSHIP eh.

K: Sige tag kita as feelingero. Ina ka.

U: Baket wala ba tayong relasyon? Friends naman tayo db?

K: Baket.. tanga ka ba? Mongoloid? O ingrone sa paa?

U: Grabe, ang sakit mo magsalita. Wala na.. masaya lang naman ako pag nakikita kita eh. Sana kahit sa Facebook lang magkatotoo ang aking mga pangarap.

K: Stalker! Pulubi! Feelingero! Magnanakaw!

U: Hoy, anong stalker, feelingero, magnanakaw! Tito mo ‘to gago. Baket ba walang sumasagot ng telepono sa bahay? Sabihin mo nga sa lola mo tatawag ako.

K: Hehe.  Next time papakilala po kayo pag nag-tetext kayo. Akala ko kasi kung sino na eh.

U: Next time.. wag kang mag rereply pag hindi mo kakilala nagte text sa yo. Hindi ka man lang nag HU U? Maluwang na talaga turnilyo mo sa utak.

K: Whatever. Tumawag ka na raw sabi ni lola.

U: Ok. Don’t text back!

Isang malupet na SIKRETO.

Posted: September 1, 2009 in Life, miarmiar-isms

Lumaki ako sa kumbento.

JOKE!

Kung sino man ang naniniwala sa sinulat ko sa taas.. hindi ko kayo tunay na kaibigan. Hindi naman pang- telenovela ang buhay ko. At higit sa lahat hindi ako pulubi. At wala akong balak sundan ng pangalawang libro ang buhay ng pamilya Von Trap. (nasaan ka ng mga panahong pinilit ka ng Lola mo na panuorin ang THE SOUND OF MUSIC kahit na gusto mong maglaro ng jolens sa ilalim ng bahay nyo??)

Kanina habang nagla lunch sa cafeteria, isang bagong kaibigan ang nagtanong.. “Anong ginagawa mo tuwing weekends? Sa tingin ko kasi nanuood ka ng concert, nagba blog sa harapan ng Starbucks o di kaya ay nasa lugar na hip and cool.. where are all the cool people are.”

Patuloy lang ako sa pag ngasab ng wheat bread.. ng mga wheat bread at halaman na ipinabaon ng aking butihing inay. Ngumiti ako at napailing.

Salamat at mukha akong cool and all.

“Malabo ang sinasabi mo,” pagsisimula ko. “Hindi ako gumagala pag weekends. Sa bahay lang ako. Nagbe bake ng kung ano ano o kaya ay gumagawa ng mga bagay bagay out of junk.”

Sa pakiwari ko.. gusto nyang mahimatay. Nang magkasapul ang aming mga mata, parang gusto nyang sampalin ko sya nang napakalakas.  Ngunit, “Totoo??” yun lang ang kanyang nasabi.

‘Totoo.. I’m a scrapbook person.” sabi ko nang pabulong dahil baka magtatakbo palabas ng cafeteria ang mga katabi namin sa lamesa at magsisigaw ng “ABOMMMMIIIIINATIOOOOOOOOOOON!”

Grabe.

O, hindi ka rin naligaw ng blogsite.  Entry ko talaga ang binabasa mo. Matapos ng mga ibang kalokohan at kadramahan na naisulat ko sa aking “MY LITTLE SPACE IN THE WORLD” na kilala sa iba bilang blog spaces, ay malamang iisipin mo rin na hindi ako ang tipo na CRAFTY person. Pero nabanggit ko naman na ARTSY ako. Ang taong artsy kailangan marunong mag-scrap book lalo na kung tamad kang mag-drawing. Kung sasabihin ko pa ang ibang pinagkaka-abalahan ko sa tuwing dinadalaw ako nang pagkabagot ay malamang kitilin mo na ang buhay ko. Hindi ko na babanggitin ang aking epiko ng aking mga BAKING DISASTERS at baka ako mismo ang tumapos ng sarili kong buhay. Kahapon lang habang gumagawa ng aking paboritong vanilla cupcakes ay umusok ang pipitsuging mixer at napilitan akong haluin ang pinaghalo-halong ingredients ng 116 times hanggang sa tubuan ako ng kulani sa kili kili. Pumasok tuloy akong nakataas ang dalawang kamay habang nakasakay sa motor. Leche.

Sa aming bahay ay may maliit akong studio (ipo-post ko sana ang pictures pero hindi ako makakuha ng maayos na anggulo dahil sa peste kong braso. Nanginginig sa tuwing susubukan kong kumuha ng magandang anggulo. Kaya next time na lang. Kapag magaling na sa pasma. Para lang talaga akong nag thread mill nang nakadapa.)

Anyways, ang studio ko sa nasabing bahay ay maliit lang ngunit dito nagaganap ang lahat ng creative thinking. Minsan naisip ko, kailangan kong pumunta sa spot na ito ng aming bahay para makapag-isip ng maayos. Sa ibang lugar? Hindi ako inaabot ng signal. Weird. Dito at sa kubeta. Dito ako dinadalaw ng aking malikot na imahinasyon.

Pero nakakainis lang.. dahil ang nasabing istudyo ay malapit sa kusina. Kaya madalas kaysa minsan, ang paper cutter ko ay ginagamit pang-hiwa ng sitaw, kalabasa at repolyo. Nag-eenjoy ang nanay ko dito. Pare-parehas lang daw kasi ng sukat. Sa  mga mas malupit na araw.. ginagamit ito sa baking ng aking magaling na utol. Nakakaiyak.

Pero ganunpaman, kahit suntok sa buwan.. sa lahat ng mga bagay kasama ang aking personalidad.. AKO AY ISANG CRAFTY PERSON. ART ANGEL. SCRAP JUNKIE.. or whatever you call it.

at ako ay proud.. dahil…

Apo ako ng lolo ko. 🙂