Isang malupet na SIKRETO.

Posted: September 1, 2009 in Life, miarmiar-isms

Lumaki ako sa kumbento.

JOKE!

Kung sino man ang naniniwala sa sinulat ko sa taas.. hindi ko kayo tunay na kaibigan. Hindi naman pang- telenovela ang buhay ko. At higit sa lahat hindi ako pulubi. At wala akong balak sundan ng pangalawang libro ang buhay ng pamilya Von Trap. (nasaan ka ng mga panahong pinilit ka ng Lola mo na panuorin ang THE SOUND OF MUSIC kahit na gusto mong maglaro ng jolens sa ilalim ng bahay nyo??)

Kanina habang nagla lunch sa cafeteria, isang bagong kaibigan ang nagtanong.. “Anong ginagawa mo tuwing weekends? Sa tingin ko kasi nanuood ka ng concert, nagba blog sa harapan ng Starbucks o di kaya ay nasa lugar na hip and cool.. where are all the cool people are.”

Patuloy lang ako sa pag ngasab ng wheat bread.. ng mga wheat bread at halaman na ipinabaon ng aking butihing inay. Ngumiti ako at napailing.

Salamat at mukha akong cool and all.

“Malabo ang sinasabi mo,” pagsisimula ko. “Hindi ako gumagala pag weekends. Sa bahay lang ako. Nagbe bake ng kung ano ano o kaya ay gumagawa ng mga bagay bagay out of junk.”

Sa pakiwari ko.. gusto nyang mahimatay. Nang magkasapul ang aming mga mata, parang gusto nyang sampalin ko sya nang napakalakas.  Ngunit, “Totoo??” yun lang ang kanyang nasabi.

‘Totoo.. I’m a scrapbook person.” sabi ko nang pabulong dahil baka magtatakbo palabas ng cafeteria ang mga katabi namin sa lamesa at magsisigaw ng “ABOMMMMIIIIINATIOOOOOOOOOOON!”

Grabe.

O, hindi ka rin naligaw ng blogsite.  Entry ko talaga ang binabasa mo. Matapos ng mga ibang kalokohan at kadramahan na naisulat ko sa aking “MY LITTLE SPACE IN THE WORLD” na kilala sa iba bilang blog spaces, ay malamang iisipin mo rin na hindi ako ang tipo na CRAFTY person. Pero nabanggit ko naman na ARTSY ako. Ang taong artsy kailangan marunong mag-scrap book lalo na kung tamad kang mag-drawing. Kung sasabihin ko pa ang ibang pinagkaka-abalahan ko sa tuwing dinadalaw ako nang pagkabagot ay malamang kitilin mo na ang buhay ko. Hindi ko na babanggitin ang aking epiko ng aking mga BAKING DISASTERS at baka ako mismo ang tumapos ng sarili kong buhay. Kahapon lang habang gumagawa ng aking paboritong vanilla cupcakes ay umusok ang pipitsuging mixer at napilitan akong haluin ang pinaghalo-halong ingredients ng 116 times hanggang sa tubuan ako ng kulani sa kili kili. Pumasok tuloy akong nakataas ang dalawang kamay habang nakasakay sa motor. Leche.

Sa aming bahay ay may maliit akong studio (ipo-post ko sana ang pictures pero hindi ako makakuha ng maayos na anggulo dahil sa peste kong braso. Nanginginig sa tuwing susubukan kong kumuha ng magandang anggulo. Kaya next time na lang. Kapag magaling na sa pasma. Para lang talaga akong nag thread mill nang nakadapa.)

Anyways, ang studio ko sa nasabing bahay ay maliit lang ngunit dito nagaganap ang lahat ng creative thinking. Minsan naisip ko, kailangan kong pumunta sa spot na ito ng aming bahay para makapag-isip ng maayos. Sa ibang lugar? Hindi ako inaabot ng signal. Weird. Dito at sa kubeta. Dito ako dinadalaw ng aking malikot na imahinasyon.

Pero nakakainis lang.. dahil ang nasabing istudyo ay malapit sa kusina. Kaya madalas kaysa minsan, ang paper cutter ko ay ginagamit pang-hiwa ng sitaw, kalabasa at repolyo. Nag-eenjoy ang nanay ko dito. Pare-parehas lang daw kasi ng sukat. Sa  mga mas malupit na araw.. ginagamit ito sa baking ng aking magaling na utol. Nakakaiyak.

Pero ganunpaman, kahit suntok sa buwan.. sa lahat ng mga bagay kasama ang aking personalidad.. AKO AY ISANG CRAFTY PERSON. ART ANGEL. SCRAP JUNKIE.. or whatever you call it.

at ako ay proud.. dahil…

Apo ako ng lolo ko.🙂

Comments
  1. AC says:

    dugong-dugo ang ilong ko ate dito sa entry mo. haha!

    ART ANGEL ka naman talaga. because literature is considered as ART. e since KWENTOTERA ka (wag kang malisyosa inaka), e di ARTISTA ka nga. ART ANGEL kako. hahahaha!

    sya tama na pambobola. magsulat ka pa uleeeettt!!!😆 vitamins ko tong blog mo eh.😉

    • @AC: kung ako ay isang maituturing na angel.. ang pakpak ko ay pahina ng libro..

      para may sense.. dapat may book spine sa gitna. at ang aking sandata ay ginormous MONGOL #2…

      hindi kaya maging mascot ako ng national bookstore??

      nakakatakot.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s