OFFLINE.

Posted: January 23, 2010 in daot, emo, ironic endings, iskrip ng bujay ni Drama Queen, miarmiar-isms

Minsan.. mahirap maging bato. Yung tipong aarte ka na parang hindi ka apektado pero sa loob eh kanina pa panay tulo ang dugo. Kulang na lang kung minsan eh humikbi ang mga internal organs mo dahil imbes na ipakita mo sa labas na nasasaktan ka eh.. sa loob mo kinikimkim ang lahat ng gusto mong sabihin, sila ang naapektuhan— thus the internal bleeding.

At dahil dyan.. hayaan nyong i-quote ko ang isa sa mga sinabi ng kaibigan kong itago na lang naten sa pangalang PIPO… ang sabi nya ay.. EVERYBODY HURTS SOMETIMES. Hindi naman nya sinabi yan ng diretso.. nabasa ko lang sa post nya sa FACEBOOK. Hindi nga rin ako nag comment eh.. ni-like ko lang.

For some weird reason.. dumarating talaga sa punto na masasaktan ka ng hindi mo inaasahan.. yung tipong… sa sobrang galit mo eh sisigaw ka ng YOU FUCKEN GROW SOME BALLS, KUYA! sabay talikod at takbo ng mabilis habang tumutulo ang mga luha…dahil fan ka ng telenovela at ng BOYS OVER FLOWERS eh kelangan mo talagang gawin yan. Mas makulay naman talaga ang buhay kung may drama. Pero minsan ang DRAMA.. nakakairita at nakakamatay.

Hindi ko pa  naman ginagawa yan. Wala pa akong eksenang ginawa sa buhay ko na pwedeng manalo sa MAALALA MO KAYA. Man, para masali ang istorya mo dun.. kelangan talaga yung tipong hardcore drama.. yung mga tagpong pag isinadula na eh tipong isang baryo ng mga aswang ang mata-tats.

NADA. ZILCH.WALA.

Pero.. katulad ngayon eh nakapatay ang telepono ko. Sa malamang, nakapatay yan hanggang Linggo. Dahil.. unang una…

..ayoko ng hung up ngayong weekend…

..ayoko nang masaktan ka pa kasi kung magte text ka.. sigurado magre-reply ako. Pag nag reply ako, AASA KA. Pag hindi ako nag reply..magmimiscol ka at malalaman mong naka-on ang phone ko tapos masasaktan ka. Tapos magi-guilty ako.. tapos maba-badtrip ako dahil guilty ako.. anaknampucha.. eh di mabuti pa na patay na lang ang cellphone. Para walang drama.. at para hindi rin ako makontak ng boss ko.

..ayoko ng small talk. Para saan ang small talk? Kelangan kong basahin sa bawat linya mo na YOU CARE? Huwaw, kuya! Ano ko READER BETWEEN THE LINES? Kung gusto mo ako.. gusto mo ako.. kung ayaw mo.. wag mo akong tawagan or wag ka na rin mag text para sabihin ang mahiwagang tanong of the day.. MUSTA? BUSY? Ilang beses mo na akong kinakamusta sa isang araw at ganun pa rin ang sagot ko sa yo. OK LANG. Eh ikaw OK KA LANG DIN BA? Tigilan na naten ang small talk.. sasabihin mo lang na gusto mo akong makausap dahil nami-miss mo ako.. o gusto mo akong makasama.. madali lang yun. Hindi mo na kelangan sayangin ang oras nateng dalawa.

..HINDI MO AKO DIARY. Hindi mo ako kelangan i-text pagkagising mo at pag matutulog ka na. Hindi ko kelangan malaman kung anong ginawa mo sa buong magdamag at kung sino ang mga kasama mo. Sasabihin mo lang na iniisip mo ako kaya mo ako tini-text.. hindi rin mahirap yun. Eh di sana nasimulan na ang landian.. hindi yung sume-segway ka pa ng mga HOW’S YOUR DAY..KAMUSTA ANG WEEKEND?. Echoserong palaka ka.

..Hindi ako asset ng pulis. Ganito lang kasimple kung gusto mong malaman kung ano ang ginawa ko buong araw, “Hi. I was thinking of you the whole day. Nagseselos na nga ako kasi baka sino na yung mga ka-text mo dyan. Where are you, sweetie?” Ganyan ang normal na palitan ng text messages ng mga taong may SOMETHING SPECIAL. Skip the bullshit. It’s really boring me.

..hindi ako tanungan ng mga taong nawawala. Pwede bang sabihin mo sa close friend nateng dalawa na kung may gusto sya sa yo eh.. kayong dalawa ang mag usap? Problema nyong dalawa yan. Wag nyo akong idamay. Sa araw araw na ginawa ng Diyos eh palagi na lang tayong may hang up na tatlo. Kung hindi tayo pwedeng palaging magkasabay at magkaroon ng alone time together, aba eh.. kuya, hindi ako fan ng threesome. Kung nagde date kayo nuon at wala akong pakialam, baket kailangan maapektuhan sya kung tayo na ang close ngayon? Magkakaibigan tayo.. hindi naman pwedeng ako na lang palagi ang SOUND BOARD nya. Kung lalake ka.. gagawa ka ng paraan. HINDI AKO. Kung may past kayo wag na sana nya akong isama sa pag-reminisce kasi hindi naman ako malamig na bangkay at hindi rin ako halamang buhay ngunit walang pakiramdam.

Yan lang naman ang drama ko ngayon. Sympre nasasaktan din ako nung sinilip ko yung cellphone ko bago ko pinatay..

Ang sabi mo.. I’m home. Happy weekend po.

Pagkatapos ng 30 minutes.. nag txt ka ulet.

“Di ka pa ba nakakauwi?  Concern lang naman….”

Well, Kuya.. kanina pa ko sa bahay.

Pero sa Monday ko na lang ikukwento na nakauwi ako.

Dahil ngayong weekend.. walang signal sa Pandacan ang GLOBE.

And for the next two days.. I am temporarily signing off.

Comments
  1. AC says:

    Ahahahah! Parang binabasa ko lang yung YM conversation natin nung minsan ah. Hehehe. At speyshal mention pa si Pipo. May sense din pala si ungas maski konte. ahahha😆

  2. BlueBayTuna says:

    wahahaha, pinapakita pa ba sayo kung pano sila maglandian?

    lol, alam na..

  3. well.. ang masasabi ko lang… minsan sa buhay ng isang babae..

    eh may mamimeet talaga silang….

    LALAKENG HITAD!

    kung maglandi lang… ang lakas maka high school!

  4. BlueBayTuna says:

    heheheh, halata nga po na di kayo close eh.

    Kung ganyan yung text nya, ibig sabihin tinatantya nya pa kung gaano kalalim yung tubig. Ayaw nya siguro lumangoy agad.

    Alam ko kasi lalake din ako, at minsan ginagawa ko rin yan. Nyahahahah..

  5. BlueBayTuna says:

    uy, si ate…

    Tinamaan ako dito.

    Parang katulad ako yung dini describe mo ah. Maraming pasakalye. Hahaha.

    But most of the time naman, sa mga di ko pa ganon ka kilala na girl. Minsan kasi kailangan pang may intro para di ma soplak.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s