BAD ROMANCE.

Posted: January 28, 2010 in buhay call center, iskrip ng bujay ni Drama Queen, miarmiar-isms

When:  This week.

Where: Yosihan.

Setting:  Kasama ang isang yosi buddy.

D: Tsong.. umamin ka nga.. meron ba kayo ni Z?

K: Tsong.. umamin ka rin..me gusto ka ba sa ken at gusto mong malaman kung meron kami ni Z?

D: Wow. Sige wag mo na sabihin. Isa kang malaking FEELING eh.

K: Wag ka nga magsalita ng ganyan.. para kang bading.

D: Oh sige. So anong SCORE?

K: Walang score. Taena ano ko basketball player?

D: I can feel the love in the air, tsong. I can smell it entering my nostrils.

K: Propaganda lang ng Valentine’s Day yang naamoy mo.

D: Good to know.. you didn’t change a bit. Because if you start talking about how love can make your knees weak and all that shit with that gooey eyes look on your face.. taena. That will be so FREAKY.

K: Yeah thanks. Happy halloween din sa yo. Taena ano bang palagay mo sa ken? Hindi ko na-experience ang love-love na yan???

D: Na-experience mo naman, for sure. Pero sigurado ang ending lagi eh nagtatapos sa RA~RA~RA~RARA…

K: (natawa) RA~RA~RARARA..

D&K: WANT YOUR BAD ROMANCE! Hahahahahahahhahaa!

D: Ikaw kasi eh.. nananakit ka lang eh.

K: Nah. I refuse to believe that people get hurt by LOVE unintentionally. It’s just a matter of choice.. of things that you do and you don’t do.. of what to expect and not to expect.. of setting your boundaries.

D: Naks! Mukhang nakarami ka ng episodes sa GREY’S ANATOMY ah!

K: Ulul!

D: Well.. unsolicited piece of advice. Just be careful. …

K: ……

D: Walang punchline, tsong. Yun lang talaga. Pero sige.. for what it’s worth.. naging crush kita dati.

K: Yeah, I know. You don’t have to confess now. It’s so pathetic.

D: Huwaw! Ibang level ka, ateh! Itanong mo sa ken ngayon kung baket hindi na kita crush. BILIS! NANGAGATI AKONG SABIHIN!

K: Dahil ba malaki yung paa ko? (curious)

D: Ang sabi ko itanong mo! Wag mong hulaan!

K: Dahil ba sa hindi pantay ang blush on ko madalas?

D: (napaisip) Di naman.. cute nga yun eh.

K: Eh yung liquid eyeliner kong lampas-lampas?

D: Di rin. Di ko naman napapansin yun kasi madalas mas makapal ang concealer mo kesa sa foundation mo.

K: Huwaw…ano namang trabaho mo bago ka nagcall center, kuya?

D: (nabagot) Itanong mo na, potah.

K: O sige leche. Baket ba?

D: Kasi nakita ko na kahit magkagusto ako sa yo.. at magkagusto ka sa ken eh wala tayong patutunguhan.

K: Baket maglalakbay ba tayo?

D: Eh taena.. sige durugin mo pa ko. Wawalisin na lang ako dito.. yun na lang ang kulang.

K: (na-guilty) Anaknampucha. Nangati ka pa kasing sabihin eh.. wala naman palang patutunguhan.

D: Hindi tsong.. ang totoo. Natakot ako. I chickened out. Kasi ang totoo.. natakot ako na baka mas mangibabaw yung insecurities ko pag naging tayong dalawa. Ganun din yun dun sa isa. Nakikita ko naman eh.. mukhang gusto ka nya talaga. Kaya lang sympre may boyfriend ka tapos nakaka-intimidate ka pa…baka kwelyuhan mo pag nagtapat sa yo eh.

K: (inabutan ng panyo) Oh Kuya, punasan mo yung estrogen mo.. lumalabas sa form ng pawis.

D: Potangena.. ganyan ka ba talaga?

K: (tumawa ng malakas) Baket ba kasi ang seryoso mo? Tsong, dein ako gusto nun. Seryoso. Wala akong nafi feel na special treatment.

D: Walang kaibigan na kung makatitig eh para kang ice cream.

K: Ambastos mo!

D: Gago.. ikaw ang bastos! Seryoso ako. Walang kaibigan tsong na kung maglandian kayo eh parang kayo lang ang tao sa mundo. Walang kaibigan na nagte text sa isa’t isa kung nasan ka na at baket hindi ka nagte text back kung nakauwi ka na or something, believe me. Walang kaibigan na kung hawakan ka eh parang nanakawin ka ng iba. Lalake ako. I know it.

K: WEH? May mga lalake lang talagang malalandi. It’s a fact of life. Girls either deal with it or stay away from it. That’s how I see things. It doesn’t need to be complicated. I’m sure it doesn’t mean anything to him. NADA.

D: You’re a smart girl. Alam mo na to. It’s either you listen or not.. but sooner or  later.. you will realize that things are not easy as you see it. Believe me.

K: Kanina ka pa believe me ng believe me dyan eh! Mukha ba akong believer?

D: Timang! Overbreak na ko. Leche.

Tumalikod at iniwan akong nag-iisip sa sulok.

Ulol.. ang sabi ng katabi kong CENTIPEDE.

Comments
  1. Erika says:

    Wow! San nakakahanap ng ganyang kaibigan? Penge naman ako nyan! Hehe

    • @Erika: salamat po sa pagdaan.. maraming ganyang kaibigan sa mundo..
      ang siste..hindi mo nga lang alam kung hanggang kelan sila nandyan kasi madalas kaysa minsan kapag ang isang tao ay duwag sa umpisa pa lang.. sa malamang..wala kayong patutunguhan.

      ang labo..lolz.

  2. AC says:

    Weeeeeee!!! heartthrob ka talaga teh!!!😆

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s