Archive for February, 2010

Where: Yosihan sa Gilid ng APAC, sa tabi ni Lakay (nagtitinda ng taho ng alas tres ng gabi)

When: On a normal day

D: Tsong.. bading daw si Phil Jackson?

K: Weh? Baka si Dr. Phil yan.

D: Gago. Si Phil Jackson. Ang balita nga ayaw nya bumalik si Ilgauskas sa Cavaliers kasi natatakot sya na baka Lakers at Cavs ang maghaharap sa Championship.

K: Mas naniniwala akong bading si Pau Gasol kesa kay Phil Jackson.

Z: (tumatawa) Baket?

K: Haba ng hair nya eh. Curly pa. Kinky.

Z: Hahahahahaha.

D: Taena.. ano kaya no? Nasibak nya si Kobe? (lagok ng taho)

K: Delikado tayo dyan. Sigurado total dwarfism yan.

Z: Anong total dwarfism?

K: Ang lake ng kamay ni Kobe eh.. sigurado pag hinawakan nun etits nya magmumukhang maliit. (nairita) Ayoko talaga sa lahat ini-explain yung jokes ko eh.

Z: Hahahhahahaha. Sorry naman.

D: Panalo taena. San nanggaling yan?

K: Wala random thoughts lang. Ikaw kasi imbento ka eh.

D: Na -comfort ako dun ah.

Z at K: Bwahahhahahhaha. Gagu!

D: Di nga tsong.. merong isang babaeng kiss and tell dati sinabihan ako maliit daw yung ano ko…

K: Normal lang yan. Sana dinaan mo na lang sa performance.

D: Sus.. pawis na pawis nga kami. (sumama ang loob)

K: Baket? pawis ba ang sukatan kung magaling kang magperform o hindi? Nasa laway yan..

Z at D: Hahahhahahahahaha.

Z: (pabulong) Nag eenjoy ka sa conversation na to ah. Tumigil ka na.

D: Tanga! Deep throat ang sukatan kung maliit o hindi. Kung napasok ng buo ibig sabihin jutai kapag hanggang kalahati lang.. ibig sabihin dako.

K: Gets ko na.

Z: Ang alin?

D: Kung baket puro petite na babae ang trip ko??

K at Z: Hahahahhahahahahhaha.

K: Galing mo.

D: Kaya kahit kelan di kita naging trip eh. Ang laki mo kasi. (lagok ng taho)

Z: Ano ka.. naging crush mo kaya si Kellie dati. Inamin ng gf mo sa men.

D: Crush lang… sinabi ko bang trip ko syang sibakin?

K: (buga ng yosi) Salamat, tol sa respeto. Pero tsong.. FYI.. malaki lang akong babae pero ang totoo I have a very skinny vagina.

Z at D: Hahahhahahahha.

K: Overbreak na kayo, leche. (huling lagok ng taho sabay tapon ng plastic cup sa gilid)

Z at D: Tara na nga.

Lakay: Akala ko hindi na kayo aalis eh. Hindi mabili bili yung taho ko..ambabastos nyo.

K: Dabes talaga taho nyo, Manong. Parang may halong alak lang.

Z at D: Tara na!(hinihila ako palayo sa tahu-an) Ang kulet mo, nyeta.

Ang entry na ito ay hindi ko isasali sa Maalala Mo Kaya sa dahilang hindi ako fan ni Charo Santos. Nanay at Lola ko lang yun.

Hindi ko rin ito isasali sa Magpakailanman dahil naniniwala akong mas epektib na newscaster si Mel Tiangco kesa magpakalat kalat sa beach.. lumalakad sa pampang sa saliw ng MAGPAKAILANMAN.

It’s time to wake up. Tama na ang kakornihan ng pagpapakalunod sa emotional pool.

Marami ang nagbabasa ng  mga blog entries ko at madalas nababanggit nila.. “TSONG.. ANG EMO MO DUN SA LAST ENTRY MO AH! HINDI BAGAY SA YO!,” Aba eh.. mas lalong hindi bagay sa ken ang mag skirt ng pink, kuya. C’mon man.. cut me some slack. Emotional ako madalas.. depende sa estrogen level. Malamang kung kaibigan kita.. naniniwala kang mas mataas ang testosterone level ko kesa sa estrogen. May mga pagkakataon din na hindi ko kayang magsulat dahil hindi ko maarok ang nararamdaman ko.. o magpatawa dahil hindi ako natatawa. Magpanggap na ok ang lahat dahil hindi naman talaga. Minsan naisip ko sana ang mga tao merong butones sa likod ng batok. Pipindutin mo at awtomatiko kang hindi magfa-function. Madadaya mo ang panahon. Matatakasan mo ang problema.. maiiwasan mong masaktan.

Nabubuhay ang mga tao para mamroblema. Pwedeng ngayon ay namomroblema ka, magkakaroon ng problema o katatapos lang sa isang problema pero tingnan mo bukas.. may problema ka ulet. Ganun lang yan, tol. Ang buhay ay isang malaking problema. Pero para hindi naman ako ma-depress, iniisip ko na lang na ang mundo ay puno ng solusyon… na ang lahat ng tao ay nabubuhay para magkaproblema at maghanap ng solusyon. Kung iiyakan ko yan parang sinabi ko na rin na ayokong mabuhay, na ayokong magtrabaho.. na ayokong magkaroon ng kaibigan.. na ayokong magkaroon ng lovelife… at isa pang lovelife. Hindi ko alam kung baket ang buhay ay hitik na hitik sa mga GRAY areas…at hindi ko rin alam baket pumatok ang love team ni Melay at Jason.. MELASON.

Madalas kaysa minsan.. ang tingin sa ken ng ibang tao eh walang pakiramdam. Yung tipong kahit na paputukan ako ng SUPER LOLO sa mukha eh hindi ako magugulat. Isang beses pinaamin na rin ako ng teacher ko sa homeroom namen kung isa ba akong cyborg. Kung may mga tropa ba akong TERMINATORs at kung kelan maiinvade ng mga I-ROBOTS ang sangkatauhan.

Hindi ako masaya ngayon dahil alam kong sa mga susunod na araw ay masasaktan kita. Hindi ko alam kung may pakiramdam kang kagaya ko.. pero parang taong gising na nagtutulog tulugan.. hindi ko na siguro malalaman kung anong meron.

Kagaya mo.. ganun din ako…

Nalulungkot sa katotohanang…

Nilamon tayo ng kawalan.

Dahil sa mundong ating ginagalawan..

ROBOT KA at ROBOT AKO.

Mananatiling manhid hanggang ma-lobat.

Sa ngalan ng Balentayms..magkukwento ako.

Scenario: Lasingan. Nagtutupi ako ng natuklap na label ng SAN MIG LIGHT sa isang tabi. Dahil hindi ako marunong gumawa ng palaka at naisip kong baka hindi sya tumalon dahil basa na ang glossy paper ay tinupi ko ito para maging heart shape. Ang totoo, ito lang talaga ang alam kong gawin, pangalawa sa bangkang papel.

Z: Anong ginagawa mo? (tanong nya, sinisilip ang ginagawa ko.)

K: (Hindi kumibo..tupi..tupi)

Z: Ano yan? (usyoso pa rin sya)

K: (Abot ng heart origami sa katabi) This is my heart. Please take care of it. (pumipikit pa sa kalasingan)

Z: (hindi kumibo pero inabot ang papel) Ilan na ba nainum mo?

K: …….

Kinabukasan, sa MCDONALDs. Nakapila kami sa counter. Bubunot sya ng pera sa kanyang wallet. Nakita ko ang aking heart origami na nakaipit sa lalagyan ng mga wallet picture. Yun talaga ang nakabungad.

K: (excited) Wui! Baket nasa yo yung heart ko?

Z: (tumingin sa ken ng seryoso) You gave it to me yesterday. Can I keep it for a while?? (pagkatapos ay bigla kaming tinapunan ng confetti ng mga tao sa likod sabay sigaw ng.. Weeeeh.. sooooo cheessssssy! Joke lang.)

K: …. Gusto ko nga pala ng extra mayonnaise para sa FRENCH FRIES.

**********

Scenario: Kumakain sa RACKS bago mag christmas shopping. Magkatabi sa isang mahabang leather couch.

K: Ano nga pala gagawin naten today?

Z: Ikaw bahala. Sabi mo bibili ka ng damit para sa christmas party?

K: Ay oo nga pala. Saka bibili na rin pala ako ng gifts para sa mga friends ko.

Z: Ako rin. Teka, nga pala.. anong gift yung gusto mo?

K:..errr… Surprise me?

Z: Ayoko nun. Pano pag ayaw mo? Gusto ko yung ibibigay ko sa yo gusto mo.

K: (nag smile) The greatest gift this Christmas is to wish for a time stopper so that I can freeze this moment and just be with you.

Z: (tinanggal ang relo, pagkatapos ay binaliktad sa harap ko) This watch is super precious to me.

K: Anong ginagawa mo?

Z: Tatanggalin ko yung battery. So that the time stops here and now.

K: Tanga! Wag.. joke lang kaya yun. Sobrang gullible mo. Eh ikaw? Ano bang regalo gusto mo?

Z: (hinila ako patayo) Tara na!

K: Baket? (confused)

Z: Ipapabalot na kita sa GIFT WRAPPING STATION. Ikaw lang naman yung gusto ko eh. Nothing can top that!

K: (umupo ulet) Siraulo ka ba? Anong petsa pa lang ngayon? Dalawang linggo pa bago magpasko! Baka ma suffocate ako sa loob ng box.

Z: Sasamahan kita hanggang christmas.. kahit hanggang new year’s pa!

K: Umayos ka tsong. Abot mo nga yung steak sauce.

**********

Scenario: Bumibili  ng face powder sa Body Shop. Nagtatanong ng magandang shade sa saleslady.

Z: (nakahawak sa waist ko) Kung lotion na lang kaya ang ibigay ko dun?

K: Kaw bahala. (busy pa rin sa pagkausap sa Saleslady)

SL: Mam..dito pala meron ung shade nyo. (sabay lakad palayo papuntang counter. Sumunod ako at iniwan sya na nag iisip. May biglang isang babae ang sumingit at tinamaan ako ng malaking bag na parang bayong. Napa atras ako. Biglang nandun sya sa likod ko)

Z: (hawak sa waist) Watch where you’re going kasi. (bulong nya sabay hawak ng kamay ko) Dito lang ako. Anong shade ba kasi yun?

K: Number 5! (nagagalet pero kinikilig)

**********

Disclaimer: Ang character sa taas ay kaibigan ko lang. Hindi ko sya jowa. Mahilig lang kaming maglokohan pero minsan naisip ko.. sana may ALTERNATE UNIVERSE tuwing Valentine’s Day. Para kahit minsan lang sa isang taon…

Maniniwala akong totoo ang HAPPY ENDING.

At  kahit once a year lang…magkaroon naman ng silbi ang araw ng mga puso.