Oh So Cheeeeesy!

Posted: February 5, 2010 in ironic endings, iskrip ng bujay ni Drama Queen, miarmiar-isms

Sa ngalan ng Balentayms..magkukwento ako.

Scenario: Lasingan. Nagtutupi ako ng natuklap na label ng SAN MIG LIGHT sa isang tabi. Dahil hindi ako marunong gumawa ng palaka at naisip kong baka hindi sya tumalon dahil basa na ang glossy paper ay tinupi ko ito para maging heart shape. Ang totoo, ito lang talaga ang alam kong gawin, pangalawa sa bangkang papel.

Z: Anong ginagawa mo? (tanong nya, sinisilip ang ginagawa ko.)

K: (Hindi kumibo..tupi..tupi)

Z: Ano yan? (usyoso pa rin sya)

K: (Abot ng heart origami sa katabi) This is my heart. Please take care of it. (pumipikit pa sa kalasingan)

Z: (hindi kumibo pero inabot ang papel) Ilan na ba nainum mo?

K: …….

Kinabukasan, sa MCDONALDs. Nakapila kami sa counter. Bubunot sya ng pera sa kanyang wallet. Nakita ko ang aking heart origami na nakaipit sa lalagyan ng mga wallet picture. Yun talaga ang nakabungad.

K: (excited) Wui! Baket nasa yo yung heart ko?

Z: (tumingin sa ken ng seryoso) You gave it to me yesterday. Can I keep it for a while?? (pagkatapos ay bigla kaming tinapunan ng confetti ng mga tao sa likod sabay sigaw ng.. Weeeeh.. sooooo cheessssssy! Joke lang.)

K: …. Gusto ko nga pala ng extra mayonnaise para sa FRENCH FRIES.

**********

Scenario: Kumakain sa RACKS bago mag christmas shopping. Magkatabi sa isang mahabang leather couch.

K: Ano nga pala gagawin naten today?

Z: Ikaw bahala. Sabi mo bibili ka ng damit para sa christmas party?

K: Ay oo nga pala. Saka bibili na rin pala ako ng gifts para sa mga friends ko.

Z: Ako rin. Teka, nga pala.. anong gift yung gusto mo?

K:..errr… Surprise me?

Z: Ayoko nun. Pano pag ayaw mo? Gusto ko yung ibibigay ko sa yo gusto mo.

K: (nag smile) The greatest gift this Christmas is to wish for a time stopper so that I can freeze this moment and just be with you.

Z: (tinanggal ang relo, pagkatapos ay binaliktad sa harap ko) This watch is super precious to me.

K: Anong ginagawa mo?

Z: Tatanggalin ko yung battery. So that the time stops here and now.

K: Tanga! Wag.. joke lang kaya yun. Sobrang gullible mo. Eh ikaw? Ano bang regalo gusto mo?

Z: (hinila ako patayo) Tara na!

K: Baket? (confused)

Z: Ipapabalot na kita sa GIFT WRAPPING STATION. Ikaw lang naman yung gusto ko eh. Nothing can top that!

K: (umupo ulet) Siraulo ka ba? Anong petsa pa lang ngayon? Dalawang linggo pa bago magpasko! Baka ma suffocate ako sa loob ng box.

Z: Sasamahan kita hanggang christmas.. kahit hanggang new year’s pa!

K: Umayos ka tsong. Abot mo nga yung steak sauce.

**********

Scenario: Bumibili  ng face powder sa Body Shop. Nagtatanong ng magandang shade sa saleslady.

Z: (nakahawak sa waist ko) Kung lotion na lang kaya ang ibigay ko dun?

K: Kaw bahala. (busy pa rin sa pagkausap sa Saleslady)

SL: Mam..dito pala meron ung shade nyo. (sabay lakad palayo papuntang counter. Sumunod ako at iniwan sya na nag iisip. May biglang isang babae ang sumingit at tinamaan ako ng malaking bag na parang bayong. Napa atras ako. Biglang nandun sya sa likod ko)

Z: (hawak sa waist) Watch where you’re going kasi. (bulong nya sabay hawak ng kamay ko) Dito lang ako. Anong shade ba kasi yun?

K: Number 5! (nagagalet pero kinikilig)

**********

Disclaimer: Ang character sa taas ay kaibigan ko lang. Hindi ko sya jowa. Mahilig lang kaming maglokohan pero minsan naisip ko.. sana may ALTERNATE UNIVERSE tuwing Valentine’s Day. Para kahit minsan lang sa isang taon…

Maniniwala akong totoo ang HAPPY ENDING.

At  kahit once a year lang…magkaroon naman ng silbi ang araw ng mga puso.

Comments
  1. wendy says:

    napadaan from AC.. naaliw ako magbasa ng entries mo… and you are so in-love with Z.. hahahaha🙂

    mahirap yan.. biruan.. pakiramdaman.. good luck!

  2. hukombitay says:

    onga pala sa feb24 ang date namin.. biglang nag alarm ang phone ko… ayos! kitakits papa lloydie…

  3. hukombitay says:

    sobrang cheesy!!! hay johnlloyd klan mo ba ko iddate? kht sa panaginip lng… ahahah!

  4. BlueBayTuna says:

    Belated Happy Balentayms Ma’am.

  5. plaridel says:

    i think you’re on the wrong profession. dapat nasa movies ka. nagsusulat ng script.

  6. fw says:

    lupet mo racquel. ang keso naman

  7. awww cute! haha! iba na talaga humirit ah! haha

  8. AC says:

    ang cheeeeeeesssssssssssssssssyyyyyyyyyyy mo!!!!!😆

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s