Problemang ROBOT.

Posted: February 23, 2010 in Creative Writing 101, ironic endings, Life, miarmiar-isms

Ang entry na ito ay hindi ko isasali sa Maalala Mo Kaya sa dahilang hindi ako fan ni Charo Santos. Nanay at Lola ko lang yun.

Hindi ko rin ito isasali sa Magpakailanman dahil naniniwala akong mas epektib na newscaster si Mel Tiangco kesa magpakalat kalat sa beach.. lumalakad sa pampang sa saliw ng MAGPAKAILANMAN.

It’s time to wake up. Tama na ang kakornihan ng pagpapakalunod sa emotional pool.

Marami ang nagbabasa ng  mga blog entries ko at madalas nababanggit nila.. “TSONG.. ANG EMO MO DUN SA LAST ENTRY MO AH! HINDI BAGAY SA YO!,” Aba eh.. mas lalong hindi bagay sa ken ang mag skirt ng pink, kuya. C’mon man.. cut me some slack. Emotional ako madalas.. depende sa estrogen level. Malamang kung kaibigan kita.. naniniwala kang mas mataas ang testosterone level ko kesa sa estrogen. May mga pagkakataon din na hindi ko kayang magsulat dahil hindi ko maarok ang nararamdaman ko.. o magpatawa dahil hindi ako natatawa. Magpanggap na ok ang lahat dahil hindi naman talaga. Minsan naisip ko sana ang mga tao merong butones sa likod ng batok. Pipindutin mo at awtomatiko kang hindi magfa-function. Madadaya mo ang panahon. Matatakasan mo ang problema.. maiiwasan mong masaktan.

Nabubuhay ang mga tao para mamroblema. Pwedeng ngayon ay namomroblema ka, magkakaroon ng problema o katatapos lang sa isang problema pero tingnan mo bukas.. may problema ka ulet. Ganun lang yan, tol. Ang buhay ay isang malaking problema. Pero para hindi naman ako ma-depress, iniisip ko na lang na ang mundo ay puno ng solusyon… na ang lahat ng tao ay nabubuhay para magkaproblema at maghanap ng solusyon. Kung iiyakan ko yan parang sinabi ko na rin na ayokong mabuhay, na ayokong magtrabaho.. na ayokong magkaroon ng kaibigan.. na ayokong magkaroon ng lovelife… at isa pang lovelife. Hindi ko alam kung baket ang buhay ay hitik na hitik sa mga GRAY areas…at hindi ko rin alam baket pumatok ang love team ni Melay at Jason.. MELASON.

Madalas kaysa minsan.. ang tingin sa ken ng ibang tao eh walang pakiramdam. Yung tipong kahit na paputukan ako ng SUPER LOLO sa mukha eh hindi ako magugulat. Isang beses pinaamin na rin ako ng teacher ko sa homeroom namen kung isa ba akong cyborg. Kung may mga tropa ba akong TERMINATORs at kung kelan maiinvade ng mga I-ROBOTS ang sangkatauhan.

Hindi ako masaya ngayon dahil alam kong sa mga susunod na araw ay masasaktan kita. Hindi ko alam kung may pakiramdam kang kagaya ko.. pero parang taong gising na nagtutulog tulugan.. hindi ko na siguro malalaman kung anong meron.

Kagaya mo.. ganun din ako…

Nalulungkot sa katotohanang…

Nilamon tayo ng kawalan.

Dahil sa mundong ating ginagalawan..

ROBOT KA at ROBOT AKO.

Mananatiling manhid hanggang ma-lobat.

Comments
  1. plaridel says:

    mimiaaarmaarra, kung robot ka, robot ka na may puso.

  2. AC says:

    malamang ikaw si C3PO..

    considered bang robot si transformers? kung oo, payag na ko yun ang jowa ko! robert downey jr yum!😆

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s