Archive for March, 2010

Tatsulok.

Posted: March 25, 2010 in emo, ironic endings, Life, miarmiar-isms

Where: Car

When:  Last week.

Characters: Me and a Friend.

Hindi ko magawang maging mean sa yo dahil iniisip ko ang mga sandaling… nilibre mo ako.

K: Ano ang regret #25? Kasalanan ko ba to?

F: Alam mo tsong.. sana hindi na lang ako sumama sa inyo. Sana tayong dalawa na lang yung lumabas dahil sa tuwing nakikita ko na sya nasasaktan ako.

K: (buntong hininga) Hindi pa ba tapos to? Ang tagal na nito ah.

F: May times na umasa ako na baka sakaling pag naging close kami eh babalik kami sa dati. Hindi ko sya pinapansin nun pero nung nawala sya.. tumigil ang mundo ko.

K: (buntong hininga, mas malalim sa una) Ayokong sabihin to sa yo kasi ayokong masaktan kita. Akala ko kasi mari realize mo.. na the only reason he’s here is because he wants to keep yung friendship nateng tatlo. Sobrang obvious, tsong. Na yun lang ang gusto nya. Nasasaktan ka kasi umaasa ka pa. I get it. I’m sorry.. I wish I can say more pero kasi ayokong mag assume ng mga bagay tapos masasaktan lang kita.

F: (nagpunas ng luha) We started in a wrong level. Hindi ko na iniisip na ibalik yun.. na mahalin nya ako ulet. Na marinig sa kanya ulet that he belonged to me for a period. Ayoko nang ibalik yun. Pero sa tuwing idle ako.. sya ang default thought ko.

K: (natahimik dahil nasaktan)….

F: Nararamdaman ko, tsong. Napilitan lang syang sumama sa ‘ten. Nagyaya sya agad umuwi. Parang balewala ako.. parang hindi ako naging special sa buhay nya.. kahit isang beses lang.

K: (napailing) Naintindihan kita. But you have to move on. You have to accept that you can never ring back the past. Wag mo nang ikwento sa ken tsong.. kung ano kayo dati. Masasaktan ka lang. Dahil ito kayo ngayon. Ito ang nangyayari.. siguro at some point na-confuse sya between you and his girlfriend. Pero tandaan mo.. hindi ikaw ang pinili nya. Hindi sya nasaktan ng sobra sobra nung nawala ka. Kung talagang mahal ka nya.. gumawa sana sya ng paraan… to make the wrong things right…for the both of you. Naghiwalay na sila ng girlfriend nya.. kung meron talaga.. sana.. eh di sana.. kayo na ngayon. Pero eto ka ngayon. Stranded on the same ground.. pero wala na sya.

F: (iyak) Alam ko. Masyadong masakit.. pero believe me I am trying to move on. Pinipilit ko talaga.

K: Pwede bang maging honest ka sa ken? Ano ba sa tingin mo ang meron sa men ngayon? Sa tingin mo ba ako na ang bagong ikaw?

F: Hindi ako ang makakasagot nyan. Ikaw lang… kasi ikaw ang nakaka feel nyan eh.

K: Alam ko ang sagot sa sarili ko. Ang gusto kong malaman.. kung ano ang tingin mo.

F: Hindi ko alam. Hindi ko alam kung anong iisipin ko.. baka hindi ko kayang tanggapin yung sagot kasi masasaktan ako. Kels, nasasaktan ako ngayon dahil ang nafi feel ko ngayon ay parang nawalan ako ng isang importanteng tao sa buhay ko at alam kong kagagawan ko yun. And what’s crushing me ay wala na akong magagawa, I can’t bring it back. Yun lang. Kaya ko naiiisip yung past dahil nafi frustrate ako, napaka effortless na naging close sya sa ken pero ngayon taena hindi ko alam gagawin ko para maging close kami ulet. Hindi ko alam kung dahil nandyan ka na, and I became dispensable..pinipilit kong magbago para gawin nya akong kaibigan ulet..

Umuwi ako ng bahay na mabigat ang pakiramdam. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa yo.. dahil hindi ako sigurado.. na baka sa mga sandaling umiiyak ka at nagtatanong kung baket wala na sya sa yo..

Tumatawag sya sa cellphone ko at nagtatanong..

Nasan ka na?

Na miss kita. ….

Napa-isip sa sulok ng aking kwarto..

Paano kung mahal ko rin sya? At mahal mo pa sya..

Pero mahal nya ako..

Sino ang pipiliin ko?

Ako..

Siya..

o Ikaw….

Drama VS. Zombies

Posted: March 22, 2010 in ironic endings, Life, miarmiar-isms

Natapos ang weekend na hindi ko namamalayan.

Nagising ako sa tunog ng aking cellphone. Tumatawag ka na pala.

Ang sabi mo ay nasa labas ka lang at kasama ang pamilya mo for lunch.

Hanggang kelan tayo ganito?, naisip ko habang pinipindot ang disconnect button sa aking telepono. Hindi ko naman sinabi na wag tayong ganito.. sa palagay ko malulungkot din ako pag nawala ka.

Malulungkot. Kahit iniisip kong wala ka na talaga.

Pero nandyan ka. Nandito ako. Ang tanging problema lang eh parang pinaglalayo tayo ng isang dosenang bilang ng uncertanties at milyong milyong bilang ng WHAT IFs.

Ayoko na. Napabangon ako sabay hanap ng controller. Binuksan ang malaking TV at sinalpak ang bala ng Resident Evil 5.

DIE ZOMBIES!

Mamatay kayong lahat.  Baril dito. Baril dun. Hagis ng hand grenade.. reload ng upgraded Dragonov Shotgun.. headshot-in ang mga aprikanong infected ng T-Virus. Ang mga pasaway na Uruboros experiments. Mamatay na kayong lahat mga maiitim na zombies.

Naisip ko sana… sa totoong buhay.. tayong dalawa… parang laro lang sa Playstation.

Pag nag GAME OVER.. pwedeng mag-try ulet.. hanggang sa makalampas sa isang level.

Meron ding CHECKPOINT dahil nakakapagod bumalik sa umpisa…

May UPGRADE option dahil may mga gamit na kailangan mong i-upgrade sa next level para mabuhay ka sa game…

May mga characters na pwede mong i-customize…

May mga Chapters na pwede mong I-SELECT…

May mga kalaban na pwede mong iwasan…

May mga puzzles na kaya mong i-solve…

May good at bad endings.. pero kahit ano pa man.. pag natapos mo ang laro.. pwede mong umpisahan ulet.

Pero tayong dalawa..

Umpisa pa lang parang…..

Game Over na.

Peste.

Where: Tahuan- the place to be.

When: Sometime this week.

Characters: Mga kaibigan sa trabaho.

Why: Why not??

D: Tsong.. . laughtrip yung laban ni Pacquiao saka Clottey no? Pompyangan! Hahahahahaha (lagok ng taho)

K: Nakatulog ako sa round 2 eh.. sa sobrang tagal ko kasi hinintay yung laban.. naubos yung energy ko. Pag gising ko nanuod na lang ako ng Formula 1.. nanalo si Fernando Alonso by luck..

M: Taena hindi ka ba inantok nun lalo? 49 lapses ata yun ah!

K: Hindi naman… taena sabi ko nga kakagising ko lang di ba?

D: Oh sige usap lang kayo. (sarcastic)Ako naman naunang nag open ng topic kay Pacquiao saka Clottey di ba? Pwede bang ako muna mag kwento?

K: Eh baket hindi ba pede pag usapan Formula 1 dito? (nagtataray) Saka pwede ba? Lahat ng tomador sa Pandacan.. yan na ang pinag uusapan.. pati nanay, lola, tito, boy at tatay kong nasa Saudi.. yan na ang laman ng mga small talks nila. Pati ba naman—-

….Isang kaibigan sumulpot sa tabi ko at humahangos —

E: Mga tol– pwede bang malaman ang pananaw nyo tungkol sa LOVE? (seryoso ang mukha pero humahangos pa rin)

K:  Taena ka.. kamusta naman? Sana man lang eh inumpisahan mo ng HI or HELLO bago ka puma-punchline ng ganyan! (lagok ng limang pisong taho)

E: Hehe. Cute di ba?(kumakapa sa bulsa ng limang pisong coin pambili ng taho)

D: Tangena. Sinong babae naman ang pinaparusahan ng Diyos ngayon?

E: Grabe naman. Baket ganyan kayo ka-negative pagdating sa PAG IBIG? Maniwala naman kayo sa goodness…

K: Tangena ka.. nanuod ka ng A VERY SPECIAL LOVE nung Linggo habang naghihintay sa laban ni Pacquiao no?

E: (napangiti) Aminin moooooooo.. kinilig ka dun sa eksena bandang huli nung lumitaw si Lloydie paglampas nung inarkila nyang mini-trak na combo tapos kumanta sya ng.. KAILAAAAN… KAILAAAAN… kailan kaya mapapansin ang aking lihim…kahit anong gawing lambing.. di mo pinapansinnnnn… (kumikinang pa ang kanyang mata habang kumakanta)

Lakay: (inaabot ang taho) Boss.. taho nyo po. (sa paningin ko kumikinang din ang plastic cup ng taho habang inaabot sa kanya)

D: Leche. Umayos ka nga andaming nakapila sa likod mo.

E: (tumabi sa gilid) Sorry naman. So ano na? Anong opinion nyo tungkol sa love? Pano mo malalaman na love ka talaga ng isang tao?

M: Tangena. Hinaan mo nga boses mo..

K: Simple lang yan. Kapag palagi syang nagte text sa yo kung nasan ka na. Kapag pagdating mo sa bahay tinatanong ka… KUMAIN KA NA BA ANAK???? Hahahahahhahahahahhahaaha.

M: Hahahahahhaha. Tapos kapag—

E: Oh taena ka wag ka na sumundot. (nairita)

M: Tanga! Sasabihin ko nga.. (clears throat) seryoso to..sa tingin ko mahal ka talaga ng isang tao kapag hindi nya masabi.. yung tipong sobrang obvious na sa harap ng ibang tao pero nagde deny pa rin. Yun yun.

K: Ulul! Pano kung PIPI yan?

E: Maaaaaaaaaaaaay tama kaaaaaaaaaaa!

M: Gago.. pede nyang isulat sa papel di ba? Shet!

D: Tatanga nyo! Mahal ka ng isang tao kapag sobrang caring sya sa yo.. yung tipong kahit wala naman nangyayari eh tanong ng tanong kung OK KA LANG.. kung may problema ba.. kung baket ka malungkot.. tapos gagawa sya ng paraan para mapasaya ka.  Tapos bigla kang hahawakan sa kamay sabay sabi na OK LANG YUN.. wag ka na malungkot. Ayun mahal ka nun.

K: Ulul ka to the 10th power. Ano yan? Clown? CLOWN!??

D: Hehe. Manyak na clown naman.

M: Malalaman mo na mahlal ka ng isang tao kapag ginawa nya yung mga bagay na hindi naman nya ginagawa dati pero ginagawa nya ngayon para mapasaya ka lang. Or if they find ways to spend more time with you.. like idadaan nya sa traffic na daan kahit meron naman mas easier just to spend more time with you. Or magse stay sya ng matagal para hintayin ka sa trabaho..kahit inaantok na sya.. or kakalabitin ka nya bigla kahit walang dahilan sabay smile. (dreamy mode)

K: Pakyu! ang tawag dyan paraan! Pumaparaan para maka manyak..

M: Shet gagu! Hindi ako ganun!

E: Ano ba? Baket ba kanina ka pa kumokontra?? Napaka echuserang froglette mo!

K: Eh baket? baket? Naniniwala talaga kayo sa LOVE? Totoo naman di ba? Ginagawa nyo mga bagay na yan sa babae kasi gusto nyo lang i-kama. Ganun yun. Ginagago nyo pa ko. Ubusin nyo na nga yang mga taho nyo at pumasok na tayo sa loob.

M: Hindi naman sa lahat ng pagkakataon. Depende yan sa cup size.

E: Oo nga palibhasa kasi puro balakang ka.

K: Ulul. 36 B ‘to!

D: Weh? Dinaan mo na naman sa lapad ng tagiliran.

K: Kung bulkan nga pumuputok eh.. baket hindi kaya yang mukha mo?

E: Hahhahahahha. Tara na nga.. to naman di mabiro. PMS???

M: Loosen up a little bit.  I’m sure at some point.. nagmahal ka rin naman eh.

K: Whatever.

Lakay: At I’m sure at some point of time.. may nagmahal din sa yo sa ganyang paraan.  Hindi mo lang pinansin.

…….(joke lang! hindi naman yan sinabi nung nagtitinda ng TAHO. Nag feeling lang ako!)

Kamusta?

Umalingawngaw ang message tone ng aking cellphone sa kalaliman ng madaling araw.

Magkasama tayo buong araw pero hanggang ngayon wala kang kupas gamitin ang pick up line na KAMUSTA sa araw araw na ginawa ng Diyos.

Pag nagkita tayo sa opisina.. ang una mong tinatanong.. KAMUSTA? BAKET ANG SUPLADA MO?

Pag di tayo nagkikita sa weekends.. ang una mong banat.. KAMUSTA? BUSY?

Sa tuwing gigisingin mo ako bago pumasok sa trabaho.. GOOD MORNING. LATER.

Pag nakauwi na tayo ng bahay ang una mong isesend na message.. BASE.NYTE.LATER.

Pag kasama naten ang mga kaibigan naten sa inuman.. lalapit ka sa ken at biglang magtatanong.. KAMUSTA KA NAMAN?

Pag nawala ako isang saglit sa tabi mo, pagbalik ko ilang minuto lang.. ganun pa rin ang tema.KAMUSTA HOTNESS.. baket ang sexy mo ngayon?

Sa loob ng kotse.. sa gitna ng kalsada.. sa tabi mo.. KAMUSTA? KAMUSTA? KAMUSTA?

Fan ka ba ng Batibot?

Ilang milya ba ang layo naten sa trabaho? Sa tuwing hindi magpu pull up ang systems mo.. lalapit ka sa ken sabay hawak sa braso.. KAMUSTA KA NAMAN? Dalawang talampakan lang ang pagitan ng stations nateng dalawa… pero sa tuwing mangangamusta ka, nararamdaman kong natatabunan tayo ng maraming milya ng kalabuan at nothingness.

Hindi ko alam kung hanggang kailan. Kung hanggang saan mo kayang tabunan ng pangangamusta ang mga bagay na nakikita ng iba. Hindi ko kayang maghintay ng matagal. Hindi ko kayang ihinto ang mundo dahil hindi mo alam ang sagot. Hindi ko kayang mabuhay sa KAMUSTA lang…dahil sa mundong ating ginagalawan..

Ang buhay ay pinaiikot ng mga salitang..

AKIN KA NA LANG…

MAHAL PALA KITA..

SANA AKO NA LANG…

DITO KA LANG KAHIT SAGLIT..

MASAYA AKO PAG KASAMA KITA..

IKAW LANG ANG GUSTO KO…

at hindi…

KAMUSTA lang…

Kung yaan ang sinabi mo dati pa.. MASAYA SIGURO TAYO NGAYON.