Hiritan on any given day.

Posted: May 3, 2010 in ironic endings, iskrip ng bujay ni Drama Queen, miarmiar-isms

Last week..

C: Eh baket ka naman maiinsecure dun sa babae na yun?? Ok ka lang?

Z: Saang banda ka nai insecure dun? Umayos ka ah..

K: (nakatingin sa kawalan, malungkot) Naiinsecure ako hindi physically. Naiinsecure ako dahil.. once in this lifetime.. SHE HAD YOU and I never did.

Z: (kurot sa tagiliran) Nang gagago ka na naman. Umayos ka.

K: (natawa) YEBA! Kinilig ka no?

C: Leche kayo naglalandian na naman kayo.

—-

Sa may Jollibee stand..

Z: Ate, dalawang chickenjoy nga tapos extra gravy. (sabay hawi ng buhok ko sa likuran)

K: Eto na naman kakainin naten? Binubuni na ko dyan eh. Hindi ka ba nagsasawa?

Z: Basta anong pagkain pag kasama kita hindi ako nagsasawa.

K: Ayun oh. Ka-kyut.

—-

Z: Baket ba hindi mo na ko pinapansin? Hindi lang tayo nagkita ng dalawang araw may pinalit ka na sa ken? Sino na pinalit mo sa ken? (sabay lapit ng ulo sa monitor ko)

K: Kung alam mo lang kung gano kalungkot kasi wala ka dito. Nahirapan ako.

C: Hoy taena nyong dalawa.. maghiwalay nga kayo.. ang aga aga naglalandian kayo dito!

K: (nagalet) Landiin mo nga rin yang gagong yan para hindi nag iingay.

—-

Sa text matapos maghatiran sa sakayan.

Z: I’m home. Ingat ka po.

K: Ok. Pahinga ka na.

Z: San ka na?

K: Road pa eh. Traffic.

Z: Sige wait kita makauwi.

K: Wag na mapupuyat ka lang.

Z: Drama.

—-

Z: Di ba type mo yung ininterview mo? Ganun naman mga trip mo di ba? Matangkad.. magaling magbasketball tapos excellent communication skills. Sino ba naman ako. I’m nothing.

K: Sige ipagtabuyan mo pa ko. Ok yan. One day it might just come true.

Z: Napaka defensive mo kasi eh.

K: Eh baket? Ganyan ka rin naman dati dun sa dati mong crush ah.. sabi mo wala pero meron pala.

Z: SO type mo nga?

K: (stunned) Nakwento ko bang malapit nang ma-restore yung Volks ko? Asteg ganda ng upholstery.

Z: Yang ganyang mga hirit nakakasaket yan.

K: (sarcastic) Ano bang gusto mong marinig? OO na type ko sya.. pero ikaw ang gusto ko. Ikaw ang mas type ko.. suko na ko.. mahal na kita.. nakataas na nga dalawang kamay ko oh (sabay taas ng dalawang kamay) ikaw na ang mahal ko peksman mamatay man. (sabay tawa) Ok no? Robin Padilla yan.. ikaw si Vina Morales. Libre mo naman akong Coke.

Z: Gaguhan na naman to, sabi ko na nga ba.

Kelan ko sasabihin ang totoo ng hindi ako tatawa?

Hindi ko alam.

Comments
  1. sassygurl says:

    pa add sa fb guys ^_~ pra friends tau lahat😄 sassyliciousgurl@yahoo.com

  2. AC says:

    teh, bagong character ba si Z? e si C lang alam ko ah..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s