Bilanggong Jejemon.

Posted: June 7, 2010 in Creative Writing 101, emo, iskrip ng bujay ni Drama Queen

Ayoko nang pag usapan ang LOVE.

LAB.. LAB.. LAB.. humihilab..

Baket hindi naten pag-usapan ang Climate Change? At ang epekto nito sa mga bading?

Joke lang.

Ang tagal kong hindi nag update ng page na to.. panay FB status lang kasi ang kaya kong i-update.  Gusto kong sabihin na pagod ako.. pero ang totoo.. wala lang akong maisip na maisulat. Inaanay na ang utak ko kasama ng mga natitira ko pang egg cells. Kung kelan ako mag aasawa.. tanging Diyos na makapangyarihan lang ang nakakaalam. Siguro isang araw magigising ako sabay may liwanag sa aking paanan.. tapos may malaking boses na parang si Rey Langit..

“Kellie… magbihis ka na.. ikakasal ka na mamayang tanghali pero bago ang lahat.. mag-toothbrush ka muna.”

Shet.. sana wala namang ganunan. Hindi pa ako nakapaghanda..

“Anong hindi ka pa ready, ateng???” ang sabi ni God, “malapit nang mapanis ang mga egg cells mo. Wag ka nang lumikha ng mga baby gremlins. Hindi sila cute.”

Tapos mapapabangon ako ng bonggang bongga.. sabay lingon sa liwanag..

“Perooooo… God.. sino sa kanila ang pakakasalan ko???!” sabay maarteng papadyak sa may bedside..

“Aba.. aba.. may camera ba dito at umaarte ka ng ganyan??? Tumayo ka na dyan at baka hindi ako makapag timpi.. itapat ko sa mukha mo ang nakakasilaw na everlasting light ko’t tuluyan ka nang mabulag.”

“Ok. Pero God tulungan mo ako kasi hindi ko alam kung sino talaga ang pakakasalan ko sa kanilang dalawa. Pipiliin ko ba si 10 o si 6?”

“Aba andami naman pala. Haliparot kang babae.. dinaig mo pa si Maria Magdalena.”

“Hehe. Slight lang..” sabay pa cute na smile.

“Madali lang yan, iha. Madali lang ang sagot sa iyong problema.”  ang sabi ni God habang pinasasayaw ang liwanag mula sa heaven.

“Weh? Indi yan joke?”

“Indi, tsong. Solid to. Pikit mo lang mga mata mo tapos hinga ka ng malalim..”

“Oh tapos?”

“Tapos isipin mo… sino sa kanilang dalawa.. ang hindi mukhang…”

“Manloloko?”

“Nope.”

“Nambubogbog?”

“Kapal mo ah.. sa kaha mo pa lang mukhang ikaw ang nambubogbog eh.. umayos ka.”

“Ay..oo nga pala. Hehe. God naman eh.. nakukuha nyo pang mag-joke.”

“Ay o.. nag iinarte. Maganda ka ba? Hindi ka kagandahan, ateng.”

“Eh ano nga? Nakapikit na ko at ready na akong mag decide.. isipin ko kung sino sa kanilang dalawa ang hindi mukhang—-????”

“JEJEMON. HAHAHHAHAHHAHAHAHHAHAHHAHAHHA”

“HAHAHHAHAHHAHAHHAHA. Seryoso ba yan?”

“Hindi. Trip trip lang.”

“Naman, God eh. Alam mo naman eh.. mahal ko sila.. mahal ko silang dalawa. Pano na to?”

“Hehe. Yun lang. Problema mo na yan.. kaya nga ako Diyos eh. Papilit ako. Dasal ka muna. Pero dahil ikaw si Kellie.. sayaw ka muna. HAHAHHAHAHHAHA”

“Bad Romance?”

“Wag kang seryoso.. nakakadiri. Respeto naman dyan.” sarcastic ang boses mula sa taas.

“Humahaba ang conversation na to pero wala tayong nararating. Gusto ko na maging masaya.. paano ba maging masaya?”

“Nuod ka Showtime. Aliw yun.”

“Whatever.”

“Whatever yourself.. eeoow. Jologs. Bye.” tapos nawala na ang liwanag..

Naiwan akong nakatulala at nag iisip..

Nagtatanong sa kawalan…

Kelan ako makakalaya?

Sa drama ng aking buhay?

Sa hawlang matagal nang nakabukas…

pero baket ayaw kong lumabas???

Taray.

Comments
  1. plaridel says:

    palagay ko kahit sino sa kanila eh pwede na. nasa lakas lang ng loob ‘yan. kaya lang pag nag-decide ka, panindigan mo na. sabi nga, for better or for worse… 🙂

  2. AC says:

    hahahahhahaa.. ang dami mong boys lintek ka kaya pala nauubusan na kameng mga nangangailangan! pakyu! hahahah!😆

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s