Life Less Serious

Posted: November 28, 2010 in Life, miarmiar-isms

Ang tagal kong hindi nagsulat, naisip ko habang tinatanggalan ng ingrone ng aming manikyusrista, isang tanghaling wala akong ma-browse sa aking blackberry.

Biglang umalingawngaw sa aking ulirat ang madalas na sinasabi ng aking lola sa mga kapwa nya rin lola sa tuwing sinusumpong sila ng daily dose of Alzheimer’s episode, “Dyuskong mahabagin, nangangalawang na ireng utak ko.”

Osha, ayokong mangalawang kaya magsusulat ako. Hindi ko naman alam kung anong aking isusulat sapagkat ang pakiramdam ko ay wala naman akong maisusulat na matino… pero teka lang..

Kailan naman ako nagsulat ng matino??, naitanong ko sa aking sarili habang tinitiis ang hapdi ng sugat sa aking paa. Dear ateng manikyurista, ang niper mong mapurol kahit walang tulis ay nakamamatay sa isang banda kung kaya’t lunurin mo ang aking talampakan ng iyong mertayolet na kulay istrowberi at ayokong matulad sa kasambahay na si Ann na nagpalinis ng kuko sa halagang trenta pesos ngunit gumasta ng mahigit isang libo sa pagbili ng amoxicillin. Please ate.. be gentle.

Ang totoo marami akong nai-akda na hindi ko ipinaskil. Sa ibang panahon siguro kapag kaya ko nang tawanan ang bawat katangahan at kadramahan ng aking buhay. Oo.. ipapaskil ko.

On a lighter note, sa kabila ng lahat ng drama at malamig na gabi na aking ininda.. marami pa rin akong ginawang nakakatawa… at yes, naisip ko yan habang binubunot ang pangalawang ingrone.

Ngayong pasko, single ako. Ngunit masasabing emotionally attached-naks.. kaya kahit papano hindi malamig ang aking Pasko- wag na kayong umepal.πŸ™‚

Pero para sa mga taong SINGLE ngayong Pasko.. subukan nyo ang mga bagay na aking ginawa ng mga nakaraang araw para naman mawala sa isip nyo ang nakakalungkot na katotohanang.. MAG ISA KA LANG NGAYONG PASKO.

WAWA.

Maglinis ng aircon. Inisip kong gusto kong matuto ng mga bagay na hindi ko natutunan nung palaging nasa tabi ko ang aking EX. Sya kasi ang madalas na naglilinis ng aircon ko- una, dahil matipid yun. Pangalawa, dahil walang ibang taong maglilinis ng aircon ko sapagkat ang instructions kung pano sya kalasin at ibalik ay nakasulat sa wikang hapon. Tanging ang EX ko lang ang nakakabasa ng wikang hapon dahil sya lang ang nakikinig sa subject naming Nippongo 101 nung college, pero sa palagay ko- may strategy syang ginawa na hindi nya nai-share bago kami maghiwalay.

Tinulungan ako ng utol kong singkit na maglinis ng aircon. Walang koneksyon ang pagiging singkit nya pero naisip ko mas malaki ang braso nya kaysa sa aken at isa syang malaking asset sa pagbubuhat palabas ng aking AC. Inabot kami ng limang oras sa pagkalas, pagbalik at pagturnilyo ng mga spare parts ng punyetang aircon ngunit bago magdilim ay naibalik naman ang lahat sa pwesto- ang ending.. nagamit naman namin ngunit matapos ang isang linggo ay bigla itong huminto at sa maliit na iskrin ay biglang nag flash ang kakatwang screen pop, “E4”, hindi ko alam kung anong ibig sabihin nyan.. pero ang alam ko ay humihinto ang putragis every 4 minutes sa tuwing papaandarin namin.

I-deactivate ang FB account. Ang FB ay nagiging hub ng mga losers sa paligid, sa araw araw na ginawa ni Lord ay lagi na lang akong nakakabasa ng mga SHOUT-OUT ng mga taong may potensyal na maging arsonist, masokista, magnanakaw, butangera, murderer at kung ano ano pa. Nakakapikon. At ang bwisit dun, madalas akong pinaparinggan ng mga intrigerang skwater na opismeyts na nakakadagdag ng stress kung iisipin ko pa sa trabaho kong lintek maka-demand ng oras.

Gumawa ng bagong dasal. Isipin mo.. nakakasawa ang OUR FATHER at HAIL MARY. Everyday na lang ganyan.. ibahin mo naman. Kung ikaw ang Diyos, makikinig ka ba sa paulit ulit na sinasabi ng lahat ng tao sa mundo? Be unique.. baket hindi mo umpisahan sa.. Yo, Lord. Hail to you, dawg. Guidance naman dyan, super difficult this day eh. Dami trials and all. Konting grace naman sa Grand Lotto 6/55, ya. Hope y’all kickin’ ass out there, send my love to everyone in the hood. Hit me back when you get this. May isang tangang nagdasal siguro ng ganyan kung kaya’t sumabog ang Mt. Bulusan. Tsk.

Magbilang ng cotton buds at this time i-separate ang blue sa yellow. Guilty. Mas time consuming yan kesa magbilang ng ekis sa cross stitch.

Manuod ng L-WORD.πŸ™‚

Kabisaduhin ang isang kanta ni EMINEM. Nakakatawa yan sabay kantahin mo sa harap ng mga pamangkin ko, sasabihin nila “Tita, talsik mo lumalaway.”

Manuod ng Phineas and Ferb. pero wag mong gagawin kung ikaw ay nagdadalang tao kung ayaw mong magkaroon ng anak na tatsulok ang bumbunan at parihaba ang baba.

Masaya ang buhay, may pagkakataong malungkot at masalimuot ngunit pagkatapos ng lahat ng drama at eksena..

Sa isang banda..

Mas masaya at makulay ang lahat sa panahong sumikat na ang araw.. at tapos na ang unos.

Happy Thanksgiving, everyone!πŸ™‚

 

Comments
  1. AC says:

    namiss kita bakla ka!!!

    nagdeactivate ako ng FB at gumawa din ng bago eventually. dahil gusto ko lang. at nilipol ko na ang mga epal sa earth at naghihide na din ng updates. wahaha.

    pero teka, ako lahat to e “taong may potensyal na maging arsonist, masokista, magnanakaw, butangera, murderer at kung ano ano pa.” hahaha

    ayoko maglinis ng aircon, di ako marunong. haha.

    wala na ko masabi, basta na-miss kita!!!

    may new domain ako. burahin mo na lahat ng blog ko na nasa blogroll mo. di ko pa lang naaayos pero update kita. nilipol ko lang ang mga epal sa earth. wahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s