Comments 101

Posted: December 4, 2010 in iskrip ng bujay ni Drama Queen, miarmiar-isms

Why people hate me..

C: Kellie, ikaw pala yan. Sa malayo kasi ang lapad mo.. parang lumapad yung likod at balakang mo. Ang taba mo na tsong.

K: (Sabay hithit ng yosi) Pasensya na tol, ha? Napurwisyo ka ba?

K: Mahal mo ba ko? (naka smile)

Z: Minsan-minsan lang. Eh ako? Mahal mo ba ko?

K: Dati.

D: Tsong.. alam mo ba dati sobrang payat ko bago ako naging 215 lbs?

K: So? Eh dati pa yun eh.. move on.

R: (nagbibiro) Pede bang wag nyong kunsumihin yung asawa ko at baka mapaglihi-an kayo? Eh sana kung mga magaganda kayong nilalang.

K: Excuse me, lalakeng hugis mangga ang baba.. ikaw ang lumayo sa asawa mo at baka pag ikaw ang napag lihi-an, eh manganak sya ng caesarian. Duh.

R: (napaisip) Sabagay…

K: (pinapagalitan ang team nya) Eh baket ka natutulog habang nagdi discuss ako??? Anong palagay mo sa ken? Ibong Adarna??

K: (nanaway ng rep na nangungulangot sa station) Gusto mong ipakain ko sa yo ‘yang booger mo?? Dun ka nga sa washroom. Grossssss!

Rep: Eh TL, sa panyo ko naman pinupunas eh.

K: Alam ko.. eh yang daliri mo.. pinangkakalabit mo ng tao.  Anong palagay mo sa men? Kulangot? Duh.

Rep: TL, nakakatawa ka talaga. Pwede  kang maging stand up comedy.

K: Kaw din.

Babaeng Pakialamera ng Buhay: Anu ba yan, Kellie. Wala ka pa ring asawa. Kelan ka ba mag-aasawa? Wag mong sabihin na yung huling boypren mo eh hindi ka na naman mahal. Anu ba yan..

K: (nagsusuklay sa harap ng salamin) Ganun talaga ang mga Diyosa.. hindi pedeng mahalin. Sinasamba lang dapat.

Guard: ( maangas) Mam.. san ID nyo?

K: Sa loob ng bag ko. Kaw? San ID mo?

R: (nagagalet) Kellie.. baket mo sinasabing mahaba ang baba ko? Baket mo pinagkakalat?

K: (sarcastic) Baket? Secret ba yun?  Sorry.

J: (nagse senti) Tsong.. mabaho ba talaga yung pabango ko? Sabi kasi nila amoy coconut oil daw.

K: Polite nga sila eh.. sa palagay ko.. amoy sya pinag-langgasan ng batang tinuli. Yung mga dahon-dahon ng bayabas.. tapos may mga days naman na parang amoy langis na ginagamit ng mga aswang.. pero–

J: Tama na. Akyat na ko.

K: Ingat po.

Overweight Friend: Shet!! ( excited at tumatalon sa tuwa habang umaalog ang mga bilbil) Shet! Kellie! (turo sa taas ng langit) Tingnan mo! May rainbow!!!

K: (Tingin sa taas) Shet! (excited) Tingnan mo maigi, teh! May carebears sa ibabaw.. kumakaway.. susunduin ka na raw nila!

D: (nagrereklamo) Nakakapagod na tsong pag matagal ka sa isang relationship.. pagdating ng bahay kelangan mag text.. pagkagising kelangan mag text.. bago matulog kelangan mag text..pag weekends kelangan mag text.. pag-aalis ng bahay kelangan pa rin mag text… haaay…

K: (nagagalet) Eh di tawagan mo! Baket ka text ng text?!

D: Nagagalet ka ba, dude?

K: Slight. Inaabala mo ko eh.

D: Pasensya.

 

 

 

Comments
  1. MartinTC says:

    C: Kellie, ikaw pala yan. Sa malayo kasi ang lapad mo.. parang lumapad yung likod at balakang mo. Ang taba mo na tsong.

    K: (Sabay hithit ng yosi) Pasensya na tol, ha? Napurwisyo ka ba?

    Tulo sipon ko sa kakatawa dito!!!!

    Link exchange naman tayo!

  2. MartinTC says:

    C: Kellie, ikaw pala yan. Sa malayo kasi ang lapad mo.. parang lumapad yung likod at balakang mo. Ang taba mo na tsong.

    K: (Sabay hithit ng yosi) Pasensya na tol, ha? Napurwisyo ka ba?

    Tulo sipon ko sa kakatawa dito!!!🙂

    Link exchange naman tayo!

  3. AC says:

    hahahaa. inamuka.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s