Posted: March 5, 2011 in bitch fit, Dramatic Exits

X: Tsong alam mo ba yung kaaway mo sabi sa ‘yo feeling maganda ka raw?

K: (hithit ng yosi) Eh ano naman? Naputulan ba sya ng kuryente nung nagfeeling ako na maganda ako ? Kanya kanyang trip yan. Eh di sya na maganda sabihin mo sa kanya. Siya lang. Ina nya.

X: Grabe, nabasa ko lang sa FB eh.

K: Eh leche ka, pano mo naman nalaman na ako yun?

X: Eh ikaw lang naman feeling maganda rito eh.. saka ikaw lang kaaway nya.

K: Eh di ok.  I wish her happiness, love, prosperity and eventually death. Pakisabi na lang na deactivated yung FB ko kaya mapapagod lang sya kasi hindi ko yun mababasa.

X: Eh kaya nga sinasabi ko sa yo. Laughtrip kasi eh.. ikaw pa inaaaway nya eh wala ka namang pakiramdam. Mapapagod lang sila. Kaya daw kasi sila magkakaibigan kasi pare-parehas daw silang laitera.

K: Eh di ok, meron silang something in common. Eh ano naman ngayon sa ken? Hihinto ba ang oras? Hindi ba magugunaw ang mundo? Mababaog ba ako pag hindi ako nag-react?

X: Eh kasi panay ang comment nung mga friends nya rin dun.. pinipintasan ka.

K: Eh baka totoo naman yung sinasabi nila. Ok lang yun sa ‘ken. Hindi naman panlalait yun.. nagsasabi lang sila ng totoo. Parang ako lang. Pabayaan mo lang sila. Basta ba mapapaiyak nila ako eh kung titirahin nila ako ng personal, at least may napala sila. Eh ang kaso.. matakot na lang sila pag binalikan ko sila.

X: Sabi kasi dun ni – – – maitim daw ang budhi mo kaya pumapanget ang hitsura mo.

K: Ok lang.. kasi pag naging kulay blue sya kamukha nya yung bingot na leading lady ni Jake Sully sa Avatar. (hithit ng yosi, sabay modulate ng boses ni Neytiri..) You’re like a baby!!

X: Hahahahhaha.. gago ka.

K: Ina nya.

X: Eh sabi ni ano.. WITCH ka daw.

K: Ok.. sya na ang mabait. Kamukha nya yung kambal ni DORA sa KIMI-DORA, tanga sya.

X: Eh puppeteer ka daw sabi nung isa.

K: Eh di bongga. Pero kung kukuha ako ng puppet.. hindi ko sya kukunin dahil hindi sya character. .. HALF MOON SYA. PROPS SYA SA BACKGROUND. o kaya mangga sa basket.

X: Tawang tawa nga si – – – – eh. Ni-like nya yung comment.

K: Eh mabuti naman at may iba syang pinagtatawanan maliban sa sarili nya. Hindi ako naaasar sa kanya kasi kung naging kulay yellow sya.. pwede na syang kambal ni Pikachu.

X: Eh balik tayo sa feeling maganda ka raw?

K: Ito lang ang masasabi ko.. at least hindi ako iniiwan ng lalake. Hindi ako home wrecker.. hindi ako pumapatol sa may sabit at ako ang nang iiwan sa mga lalake. Mas ok na feeling maganda ako kesa sa feeling single. Wala akong responsibilidad, pwede akong mag-party hanggang kelan ko gusto at hindi ko kailangan i-post ang mga pictures ko sa FB to get attention.. para ano? Para patunayan na may asim pa ako?

…Na kahit iniwan ako ng lalake eh kaya ko pang maghanap ng iba? Kahit anong mangyari, hindi ako nagka asawa.. hindi ako nalaspag. hindi ako pinagsawaan.. hindi ako tira tira… kaya siguro feeling maganda ako. I can feel whatever I want to feel.. but never PATHETIC because when everything has been said and done.. it all boils down to.. what you are at the end of the day. They can judge all they want but I will never give them the satisfaction of knowing the real person in me. Because they are not worth my time. Nasasaktan nga yung ego ko pag pinapatulan ko sila eh. Kasi sa totoo lang… hanggang status lang sila sa FB. All talk and no confrontation..

Kaya please lang..

Tell them to move on..

Because I will never change..

Life is too short to spend it on hating me.. mapapagod lang sila.

Comments
  1. AC says:

    Hahahaha. Yaan mo nga yung mga bwakananginang yon. Oi pwre, amishu na ah. Harhar

  2. racquel says:

    hey kellie, racquel here.. hope u still remember me.. we met sa fb..🙂 wala na pala fb mo? sayang naman.. nwei.. i love ur new site and ur blogs never fail to make me laugh!🙂

  3. racquel says:

    hey kellie.. wala na pala fb mo? newei.. love your new site.. and i’m still your fan! hope u still remember me..🙂

  4. martinTC says:

    iniimagin ko itsura mo, siguro… ay huwag na lang.
    joke!
    magaling ka magsulat, para talaga akong nanduon sa tagpong iyon!
    more! more!

  5. martinTC says:

    Astig! rakenrol!

  6. plaridel says:

    you’re good. very, very good. great timing. you should write scripts for a living.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s