PALAKA, PANAGINIP AT PRINCE CHARMING

Posted: July 2, 2011 in daot, Life, miarmiar-isms

Wala akong maisip na nakakatawa. Ang totoo.. wala akong maisip sa kabuuan.

Nanaginip ako kagabi. Kinasal na daw yung ex ko. Tapos biglang dumilim ang kapaligiran.. ilang saglit pa at nakatayo ako sa maruming sapa at nanghuhuli ng mga palaka. Ako na.. ako na ang frog princess. Ambilis ng transition, hindi man lang ako nakapagpalit ng damit. Tapos- biglang sumulpot yung malaking palaka sa NARUTO at ang sabi ko raw ay “Hindi kita pedeng i-kiss dahil hindi ka magiging tao. Magiging kang Kung-Fu Panda.”

Sa pakiramdam ko, matapos ang tagpong yan ay matagal pa bago ako nagising. Marami pa akong napanaginipan- binubuo ng mga malalabong tagpong hindi ko na matandaan nang ako ay magising. Isa lang ang na realize ko….

Sa kabila ng pagiging madidirihin ko sa mga bagay na mada-drama kagaya ng TRUE LOVE at Prince Charming, sa kabila ng lahat, sa gilid ng aking hypothalamus, inaasam kong sa tamang pagkakataon ay darating din ang tamang lalaking nararapat para sa akin. (Huwaw! Lango na naman ako sa usok ng kalsada!) Pero yan ang isang mapait na katotohanan na nanahan sa kaibuturan ng aking puso (kung meron man) o sa aking libido (ang sabi nga ng mga bading).

Hindi ako nawawalan ng pag-asa, naniniwala ako na isang araw, matatagpuan ko rin sya. Habang may pera.. may pag-asa. Ang sabi nga  ng boss ko bago sya nakapag asawa- hindi nya inaasahan ang lahat. Dumating na lang bigla- mabilis ang pangyayari, sa isang iglap ay hindi nya namalayan nasa harap na pala sya ng altar. Nakaka inspire. Gusto kong isipin na darating ang panahon at ako naman ang magkukwento… “Hindi ko inaasahan- mabilis ang mga pangyayari- sa isang iglap hindi ko namalayang nasa harap na pala ako ng altar, matapos kong i-rolyo ang pulang carpet dahil anong petsa na??”

Ito lang ang bad trip kapag babae ka. Nabubuhay kang parang may time bomb sa katawan, hindi ka pwedeng pumetiks- kailangan mong magamit ang iyong matres. Kahit one time lang- kung ayaw mong magka-cancer. At ang mas bad trip.. kailangan mong makahanap ng makakadaupang palad para mabuhay. Gamitin mo ang matres mo, mamatay ka sa kanser o mamatay kang mag-isa. O kay pait.

Sa araw araw na ginawa ng Diyos palagi akong tinatanong ng nanay ko.. “Anak kelan ka mag aasawa? Bigyan mo na kami ng apo.” Ano ba? Baket hindi mo ko tinanong ng ganyan nung teenager pa lang ako? O kaya eh nung pagka graduate ko nung college? Baket ngayong ka-edad ko si Kim Kardashian ay saka mo ako pipilitin mag-asawa? Kung kelan nagsisimula nang magka-sapot ang mga egg cells ko. Lakas tama ka, Ma. Lakas tama ka. Matulog ka na.

“Anak, Kelan ka mag aasawa?” Sige Ma, memya. Hintay ka lang ng dadaan dyan.

“Bigyan mo na kami ng apo.” Sige bihis ka, punta tayo SM.

“Wala bang umaaligid sa yo?” So kahit sa rapist, ok lang? Sa ngalan ng apo??

Ayokong magsalita ng tapos. Ayokong umasa sa wala o kahit sa meron. Sa ngayon, ang pinaka importanteng bagay ay.. MASAYA AKO. MALAYA. HINDI NAG IISA. MAY NAGMAMAHAL.

Kung ang mga sinabi ko ay mahirap intindihin.. isipin mo na lang…

ABNOY ako.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s