M U R Y O T

Posted: November 30, 2011 in ironic endings, iskrip ng bujay ni Drama Queen, Life, miarmiar-isms

Walang taong nabubuhaysa mundo na gustong mamatay ng maaga – naisip ko habang pinagmamasdan ang kawalan sa loob ng higanteng MRI machine.

Hindi ako matatakutin na tao, mahilig lang akong manakot. Pero ang totoo, sa loob ng 45 minuto na inilagi ko sa loob ng higanteng makinang iyon, nilamon ako ng takot. Naisip kong sa bawat sandaling naramdaman kong marami ang nagmamahal sa akin- sa bandang huli, ang lahat tayo ay mamamatay ng mag-isa. Tangena lang di ba? Kaya kung ang goal mo ay magkaroon ng lalakeng magpapadama sa yo ng TRUE LOVE, mag hunos dili ka. Maghanap ng lalakeng sasamahan ka hanggang sa libingan. Yung tipong buhay pa sya tapos ikaw patay na.. tapos babantayan ka nya hanggang sa ma-agnas ka ng maigi. Yan… yan ang true love.

Balik tayo sa akin at sa higanteng MRI machine.

Hulaan nyo ang susunod na mangyayari…

Sympre pa, nagkita na naman kami.  Itago na lang naten sya sa pangalang MAN IN THE SKY aka MITS

MITS: (nakatayo sa ulap) Hello Engs,we meet again.

Kel: Jusko naman, Lord. Nag effort ka talaga eh. Kelangan talaga ipasok ako sa loob ng MRI para magkita tayo? Pede naman idaan na lang sa panaginip di ba?

MITS: (Nag-isip) Honga. Pero yaan mo na.. andito na tayo eh at saka nag seizure ka na.

Kel: Is my time up? Kukunin mo na ba ko?

MITS: (tumaas ang kilay) Tanga. Baket naman kita kukunin? Mabaet ka ba? Hala ka baka kinukuha ka na nung nasa baba.man

Kel: Baket sya? Wala naman akong ginawang masama.

MITS: (nagtaka) Wala??wala?? Weh! Meron kaya andami dami.

Kel: Sige nga ano? ano?

MITS: Talaga? Sabihin ko dito? Andaming nagbabasa ng blog mo.. ano game?

Kel: sige next time na lang.

MITS: Ikaw na ang duwag, hahahhha. Nang agaw ka ng jowa ng bestfriend mo eh. Sama mo.

Kel: Haller!! Hindi raw naging sila kahit kelan ever!!

MITS: Sige ikaw na ang Diyos dito.

Kel: Nag sex ba sila?

MITS: Ang tanong… nag sex ba kayo kahit alam mo na nagsex na sila… Diyos ako wag kang sinungaling.

Kel: Past is past. Bygones be bygones. I’m sure hindi naman ako mapupunta sa impyerno dahil dyan.

MITS: Hay bobo ka gurl. Anong sabi sa ten commandments? Huwag mong ipopoy kung may pomopopoy ng iba.

Kel: Haller! Para sa mag asawa lang yan.. hindi sila mag asawa.

MITS: dahil Diyos ako.. applicable na yan sa lahat.

Kel: Sige kahit sa langgam… sige applicable.

MITS: At dahil dyan mag si-seizure ka ulet after 5 years.

Kel: Wow.. powertrip

MITS: Wag kang nagyayabang porket may boypren kang kamukha ni Mike He. Hindi lahat ng KPOP ay cool.

Kel: Hindi KPOP si Mike He dahil chinese sya.

MITS: Sige CPOP.

Kel: Ewan ko sa yo, Lord. Ang gulo mo

MITS: Sorry naman. Si Jay Park lang kasi ang kilala ko sa KPOP eh…saka.. 2NE1.

Kel: wow.

MITS: Steg no? Pero may nakita ako one time.. cool din sila.. Super Junior ata yun.

Kel: Ayoko sa kanila masyado silang marami.

MITS: Oo.. sila kasi yung mga batang nakidnap nung mga kampon ni Puma Ley-Ar sa Shaider, genetically engineered yan para kumanta ng Mr Simple..Simple.

Kel and MITS: Hahahahahahhahahahaha

MITS: Tanga wag kang tatawa tawa kasi pag nagka anak ka kamukha nung isa dun malamang. Sayang, kung nakatuluyan mo yung isang ex mo na kamukha ni Gerald Anderson eh di.. pang artista sana ang mga supling nyo. Yihiii… AKOOO BUDOOOY.
g
Kel and MITS: Hahahahahahhahaa.

MITS: (sumeryoso) Masaya ka ba anak?

Kel: Oo. Tinatanong mo ba yan dahil malapit na ang oras ko?

MITS: Hindi, tinatanong ko yan dahil baka sakali lang matuto kang magpahalaga sa kaligayahan mo at sa kaligayahan ng iba.

Kel: Wow, deep.

MITS: Ang buhay kagaya ng kandilang nauupos..kapag nahipan ng hangin mabilis natutunaw. Kaya kung ako sa yo.. enjoy every moment. Wag mong pabayaang lamunin ang oras mo ng mga bagay na hindi importante.

Kel: Kagaya ng ano?

MITS: Kagaya ng laptop, iphones, blackberry at kung ano ano pa.

Kel: At KPOP?

MITS: (napaisip) hindi. FUN talaga sila.

Kel: Whatever.

MITS: Duh.

Kel: Wala ka bang ibang words of wisdom pa dyan?

MITS: Sympre marami. Pero since ikaw lang ang kausap ko, nevermind na lang.

Kel: Pwede ba akong magtanong?

MITS: Isa lang….

Kel: Kelan ba ako ikakasal?

MITS: Naje jebs ako..

Kel: Naman… kelan?

……..

“Miss, tapos na. Sabihin na lang ng neurologist mo yung result mamaya…”

Talaga, Lord??? Talagang walang sagot???

Unfair.

Hmpf.

Comments
  1. AC says:

    Eto na naman ako.. wahahhahaha!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s