Yung Happily Ever After..

Posted: July 29, 2013 in miarmiar-isms
Tags:

Alam mo bang kelangan mo rin gastusan ang Destiny?

Ang pinakamababang maayos na prenup pictorial ay umaabot sa 50k – pero pwede ka namang makatipid kung camera na lang sa cellphone ang gagamitin mo. Eh ang kaso, maarte ako.. 

Ang renta ng bridal car ay depende sa presyo ng sasakyan na gusto mo.. ung bmw or benz nasa 10-20k. Pero pede naman pedicab kung gusto mong may touch ng contemporary “SKWATER” ang araw kung kailan magsisimula ang iyong happily ever after..

Ang renta din sa simbahan, depende kung san mo gusto – 20-100k. Pero sa isang banda pede namang sa likod bahay na lang ang venue katabi ng dirty kitchen. Makikita mo na habang pinupuluputan ka ng cord at veil eh may background ng mga nagigisa ng bawang at sibuyas sa di-kalayuan,

Alam mo pa ang dapat mong gastusan eh yung wedding gown mo. May kakilala ako na gumastos ng mahigit kumulang na 100k para lang magsuot ng puting tela na may mahabang buntot sa likod. Naisip ko lang, sana katulad din ako ni Giselle sa Enchanted, nag vocalize lang sya tapos tinahian na sya ng gown ng mga ipis, kalapati at isang pulutong na daga ng maayos at sosyalerang gown.

Sa ngayon, mababa na ang half a million expenses kung gusto mo ng maayos na wedding ceremony. Sa ngayon, mahirap kumita ng pera. Realistically, hindi naman  dapat lalake lang ang gagastos.. unless anak sya ng sindikato, marami syang pera.

May tamang panahon sa lahat ng bagay, siguro ako matagal pa akong ikakasal. Ang totoo wala pa akong plano kasi sa totoo lang sobrang HASSLE ang preparation at series of seminars na mandatory mong puntahan sabi ng simbahan.

Minsan naman ang happily ever after wala sa destiny. O mas malalala, minsan ang DESTINY mo ay hindi happily ever after.

Pero gayunpaman, naniniwala ako na isang araw… ikakasal din ako.

Pero sa ngayon.. kelangan ko munang pumasok at magpuyat.

^ _^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s