Archive for May, 2009

One More Day to LIVE.

Posted: May 29, 2009 in FAVES, Life, miarmiar-isms

By NBA.com

By NBA.com

“I’m not afraid of nothing, I just like the challenge, and I love being here.”

-LeBron Raymone James, The Chosen One, Cleveland Cavaliers

CAVS FOREVER!

Posted: May 27, 2009 in FAVES, miarmiar-isms

THE K I N G

THE K I N G

The Fucken’ Winning SHOT!

GO GO GO CLEAVELAND CAVALIERS!!!

NENOK.

Posted: May 26, 2009 in emo, Life, miarmiar-isms

Binabasag ko ang aking panandaliang pananahimik kahit na pagod na pagod ako dahil nag-train ako ng 25 na tao ngayong araw.

Ok. Kung hindi mo kilala si Hayden Kho, Katrina Halili, Vicky Belo at Maricar Reyes.. aba eh.. kamusta naman ang planetang Mars?

Hindi ba’t sila ang laman ng usap usapan ng bawat balita sa TV, tabloids na binebenta ni Aling Seri sa kanto? At higit sa lahat clips nila ang naka-save sa cellphone ni Pareng Julius, Ate Fern, PSP ni Alex at mga kung ano ano pang links ni Estoy na kung saan na download ang kontrobersyal na sex video scandals. At oo, isama na rin natin ang infamous sexy dance na kung saan ay sumasayaw sila sa background ng CARELESS WHISPER na pinauso ni George Michael – ang mothership ng kabaklaan.

Sa kabila ng palitan ng kung ano ano mang opinyon mula sa Senado hanggang sa bahay ng kapitbahay nyo– isang  bagay ang gusto kong tukuyin. Hindi ang MORALIDAD. Pabayaan na nating si Bong Revilla at Miriam Defensor-Santiago at ang lola mo ang tumukoy sa isyu ng moralidad.

Sa isang banda.. isang punto ang gusto kong bigyan ng pansin. Mas personal. Mas may pulso.

Umaalingawngaw pa rin ang boses ni Rowena nang sabihin nya kaninang umaga habang ako ay nag-aalmusal ang mga katagang,“Kasi naman, kung alam na nilang may ka-relasyon yung tao, eh baket pinapatulan pa nila?” pagkatapos ay umayuda siya ng “anak, nasan na yung pambayad ng keybol mo?” Binigay ko sa kanya ang pambayad pero pilit ko pa rin hinahanapan ng sagot ang una nyang tanong.

Napakasimple.  Pero hindi ko kayang bigyan ng katanggap tanggap na sagot para ipamukha sa lahat na sa buhay ng isang tao ay walang tama at mali.  May mga bagay ka lang talagang ginagawa at hindi ginagawa.  Ang mga bagay na hindi mo ginagawa ay yung mga bagay na itinuro sa yo ng religion teacher mo nung bata ka pa at yung mga bagay na sa tingin mo ay hind kayang tanggapin ng lipunang may itinakdang set of norms na kailangan mong sundin dahil kung hindi ay sasabihin nilang ABNORMAL ka o di kaya ay SALOT.  Sa isang punto ng buhay mo may ginawa ka naman talagang hindi naayon sa norms na iyong kinalakihan pero dahil walang nakakaalam at hindi mo sinabi kahit sa bestfriend mo, ang siste, hindi ka masama. Normal ka kumbaga. Masunuring bata. Hindi ka pokpok dahil wala kang sex video. May respeto ka sa sarili mo.

I think my shit meter is going off the roof!

Anyway, wag na tayong lumayo.

May sagot ka na ba sa tanong ng nanay ko?

Pasintabi sa iba. Wala akong tinutukoy na partikular na indibwal.

Baket nga ba? Sapat ba ang mga keywords na MAYAMAN, GWAPO, MATALINO at MALAKI?

O di kaya eh yung mga gasgas na dahilan na, MALUNGKOT AKO-NANDYAN SYA, MALUNGKOT SYA-DUMATING AKO, MASAYA SYANG KASAMA, HINDI NYA MAHAL ANG GIRLPREN NYA- HIHIWALAYAN NYA RIN PARA SA KIN, NO STRINGS ATTACHED – LARO LANG- GAME SYA at FLING LANG TALAGA.

I think my shit-o-meter is going off the roof, you shit.

Naniniwala akong walang nangyayari sa isang relasyon kung talagang ayaw ng babae. Aminin mo.. sabihin mo nga kung pano, aber? Paano mangyayari ang isang bagay kung hindi mo pinahintulutang mahipuan ka? At nagpahipo ka.. at sinuklian mo ng walang humpay na landi hanggang sa paulit ulit na mangyari at wala ka nang kontrol kundi magpagamit ng paulit ulit kahit kasing linaw ng VIVA mineral water na ang lahat ay NO STRINGS ATTACHED nung simula pa lang. Hanggang sa dumating ang panahon na natagpuan mo ang iyong sariling umaasa sa wala.

Hindi ako nagagalet dahil may mga babaeng nakikipaglaro sa apoy kundi nagagalet ako sa mga babaeng umiiyak sa tuwing mapapaso sa kalagitnaan ng paglalaro nila ng apoy. Pagkatapos ay maghahanap ng kasagutan sa himpilan ni Dr. Love, Joe Mangga at sa kanlungan ng kanilang bespren. Naiinis ako dahil hindi sila responsable. Naiinis ako dahil sa bawat katangahang kanilang ginagawa ay dumadagdag ito sa klasipikasyon ng iba pang babaeng nabubuhay sa mundo. At nang dahil dito pare-parehas tayong nalalagyan ng LABEL sa noo. Isang halimbawa: ANG PILIPINA AY PUMAPATOL SA MGA TAONG PAGMAMAY-ARI NA NG IBA at sa MAY ASAWA BASTA GWAPO AT MAYAMAN ANG PAPATULAN.  Para na rin nilang sinabi na kumakabit tayong lahat sa pulis sa ngalan ng proteksyon. Ganun ka ba? Ako hindi ako ganun, pero dahil nabubuhay ako sa Pilipinas at Pilipina ako.. mananatili akong ganun sa paningin ng mga taong nakasungaw sa bintana kung saan ako ay natatanaw ng malayo.

Hindi ako perpekto. Hindi ako nabubuhay sa isang relasyon na malayo sa pagkakamali. Sa isang banda, naranasan ko rin ang makipagsalamuha sa mga babaeng pilit na nakikihati sa kung anong meron man ako. Kung maririnig mo ito sa unang pagkakataon o kung mangyayari man sa ‘yo, malamang ang unang reaksyon ay magagalit ka.. masasaktan at pagkatapos ay kung ano ano pang samu’t saring pakiramdam na hindi mo inaakalang posible pa lang maramdaman ng isang tao. Ngunit ang totoo, ang unang nasaling sa akin ay ang tinatawag kong EGO. Marahil sa ibang babae, nasasayahan sila sa tuwing makakaagaw sila ng boypren ng iba. Kumbaga EGO BOOSTER, dagdag sa haba ng hair, sabi nga ng mga kaibigan ko. Naniniwala ka bang may mabuting kahihitnatnan ang pagkaing-nakaw? Wag nating isama ang ibang aspeto kung saan nakakahigit ka sa inagawan mo, pag-usapan natin ang mga dahilan kung bakit nagnanakaw ka. At higit sa lahat, tukuyin natin ang mga dahilan kung baket pumayag ang isang taong lumagi sa bakod mo kahit nasa puder sya ng iba.  Madalas kaysa minsan, sa kahit anong haba pa ng mga oras na lumagi sila sa iyong bakuran, bago matapos ang araw.. bumabalik sila sa kung saan talaga sila nakatira. Hindi sa lahat ng pagkakataon, OO. Pero MADALAS GANUN.

May isang bagay kang dapat na minamahal ng lubos bago ka magmahal ng iba.

ANG SARILI MO.

Huwag kang aasa na iiwan ng isang tao ang isang babaeng minahal nila nung simula pa lang, lalo na kung nasa relasyon sila. Dahil ang totoo, hindi ganun kasimple ang lahat, hindi ganun kadali ang magpalit at hindi ka DOORMAT. May mga pagkakataong mahina tayo, hindi lang ang mga lalake, kundi tayong lahat pero hindi sapat ang katwiran na MAHINA ka o MAHINA sya para magsugal ng emosyon sa kawalan. Hindi ba’t palaging may mga rason ang mga lalake kung baket sila nangangaliwa? Yung ibang dahilan, may sense.. yung iba wala. Pero ang tanong.. anong dahilan mo para pumatol ka sa taong pagmamay-ari na ng iba? May sense ba ang sa ‘yo? Paano mo bibigyan ng kabuluhan kung sa umpisa pa lang ay mali ka na? Tatawa ka ba at sasabihin mo sa mga kaibigan mong.. “MAS MAGANDA KASI AKO…” , “HINDI AKO DEAD LOLA SA KAMA”, MAS MASAYA SYA SA AKIN”, “MAS MAGALING AKONG MAGMAHAL,”at kung ano ano pa? Naniniwala ka bang ang mga bagay na ito lang ang bumubuo sa depinisyon ng salitang RELASYON?

Paano kung paggising mo isang araw ay malaman mong totoo nga…

Na mas maganda ka..

Na mas magaling ka sa kama…

Na mas masaya sya sa yo..

Na mas minahal mo sya..

At wala ng iba pang dahilan…

Kundi… yun lang?

Kung kaya’t maghahanap siya ng iba… dahil para sa kanya…

YUN KA LANG.

WALA NG IBA PA.

MARAMI PANG IBA.. MARAMI PANG MAS MAGPAPASAYA SA KANYA.. MARAMING PANG MAGMAMAHAL NG LUBOS…

Paano ka magiging masaya kung lahat ng kung anong meron ka ay hindi sapat para sa kanya?

Naisip mo ba?

Na yan ang unang dahilan kung baket nang-iwan sya ng iba? Na sa kabila ng kaya mong ibigay ay..

HINDI NYA ALAM KUNG SAAN SYA MAGIGING MASAYA.

Sino ngayon ang mas tanga…

IKAW o SYA?

Ngayon alam mo na ang sagot…

SANA ALAM MO NA.

//

Posted: May 17, 2009 in fave, miarmiar-isms
My hero

My hero

Love.. love… love..

Me likeeeeeeeeeey! ;p

SABOG

Posted: May 15, 2009 in Life, miarmiar-isms

Nangyari na ba sa ‘yo ang nagyari sa akin nung isang araw?

Yung tipong kakapasok mo pa lang ng opisina ay nagmamadali kang makarating sa cubicle mo, gulo-gulo ang buhok, pawisan ang ilong, hawak ang cellphone sa kabilang kamay, nakasukbit ang bag sa braso, sa kaliwang kamay hawak ang pampagising na kape ng Starbucks at magnetic badge, kumakaripas ng lakad sa hallway dahil malalaglag ang yosi sa side pocket at hindi mo alam kung paano mo pupulutin kung sakaling malaglag.. nang biglang makasalubong mo ang iyong ultimate crush at binati ka nya ng HOW’S IT GOING?? at sumagot ka ng.. “^%!???$#&**?!!!” na para bang may sense pa ang tilaok ng manok kesa sa sinabi mo. At talagang pag na decode mo ang WEBDINGS FONT ng Microsoft word eh malalaman mong mas may kabuluhan pa ang bawat characters kesa sa untintelligible sound na sinagot mo sa iyong dream guy.

Pwes, kung hindi pa yan nangyari sa yo.. sa akin ay nangyari na. At hindi ako proud. Pero dahil ayokong mapahiya ay wala akong nagawa kundi magpatuloy sa paglalakad na para bang mas tanga sya at hindi nya naintindihan ang sinabi ko. Kung baket ba naman kasi.. sa tuwing magku krus ang landas namin ay ang dungis dungis ko. Pero hindi bale, pang aalo ko sa sarili, may next time pa naman.  Kung ano ang inisip nya sa akin nung araw na iyon, ipinapasa-Diyos ko na lang.

Isang beses narinig ko sa lasingerong boy namin, “Ang taong gumigising ng maaga ay maraming gagawin…kung ayaw mong maraming gawin eh gumising ka ng tanghali,” Ito ang dahilan kung bakit isang araw ay hindi na sya nagising.

Hindi naman ako gumigising ng maaga.. lagi nga akong late. Pero marami pa rin akong ginagawa. Hindi ko alam kung baket.

Isang araw naisip ko.. mas mabuti pa ang mabuhay sa panahon ng REIGN OF FIRE, ERAGON O KAYA LORD OF THE RINGS, gigising ka sa normal na araw, magtatanim ng kamatis, magtatago sa mga dragons at puno, makikipaglandian sa mga hobbits, mag-aani ng kamote, itatago ang ring kay Gollum at kay MATA pagkatapos ay sasakay sa malaking boat kasama si Gandalf.  Hindi ba’t napakasimple ng pamumuhay? Magtatago at kakain pagkatapos matutulog.

Wala kang babayarang bills ng MERALCO, GLOBE, DSL at hindi uso ang BODY SHOP. Ligo lang sa batis ang kaharap at ikaw ay isa nang kaakit akit na HOBBIT. Walang CAB, MRT, JEEP, BUS, PEDICAB at KOTSE. Maglalakad ka lang o di kaya ay mag-aalaga ng kabayo, kambing, baka, camel, rabbit, kangaroo at kung ano ano pang hayop na vegetarian pagkatapos ay solb ka na sa means of transportation. Kung ikaw ay sadyang matapang ay pwede ka rin mag-alaga ng POLAR BEAR na katulad nung sa GOLDEN COMPASS mas mabilis, mas asteg at mas malaki ang space.. ngunit maari mong ikamatay.

Ngunit sympre sa ayaw at sa gusto ko, iba ang era na aking kinabibilangan. Kung kaya naman ay kailangan kong magpunyagi sa ngalan ng salapi, pagkain, contact lens solution, petroleum jelly, Marlboro menthol at kung ano ano pang mga anik anik na nagpapahaba ng buhay nating lahat.

Hindi ko alam kung baket ganito ako mag isip ngayon.

Hindi kaya’t nakidnap ako isang gabi ng mga gumagalang aliens sa tabi tabi???

FLASHES.

Posted: May 14, 2009 in emo, Life, miarmiar-isms, relapse, repost

And here I go again.. this left me wondering half of my day if you came looking for me the last time you went here. I’d like to think that you’re just being observant not seeing me popping out in places. But there was that effort.

Sometimes, I feel like my brain is going to burst out of my head every time I try to find the answers if I’m really over you.

The last time I saw you just weeks ago, I knew it was there. It was just a hunch but right at that very moment when I look back at it.. I know it was there. It was very quick but I saw it and for some weird reason, there was that distinctive feeling like it was the first time.

It happened almost two years ago but still your presence throws me off balance every fucken’ time. And that’s something that I can’t understand. So unfamiliar.. so unlikely of me. No matter how hard I try, I always feel like something unexplainable pulls me back to you and I don’t like that feeling. I don’t like it at all.

I know you’re happy, that’s what the pictures are saying. But then I don’t know why I find it so hard to believe. At the back of my head, there’s always that notion that everything you have now is just a make believe, some wall that you built around you to fence you out of your comfort zone. Or maybe, we are just both in the same situation… maybe that’s the reason why I’m not hurt because I understand what it feels like being you… because amidst of all these twisted scenarios, I am what you are.

I’d like to believe that I’ve moved on. That way, its easier. For both of us. I hope that I never go down that road again because it really feels suicidal. I did lose you once, I don’t think I can go with the second take. I never believed in second chances but as human, I’m bound to change the things that I once believed in. I love to be with you, to feel the same things that I have felt the first time but something between us felt so wrong the last time, it was very real and it was very devastating. Its inevitable I guess.. to do the right things sometimes and not to get hurt.

So then, I guess its true.. that there will always be that someone who’s bound to break your standards, who will break your heart no matter how hard you shield it from unwanted emotions. This is expected I guess.. from someone who got away.

I was distraught when you left me for her. It took me half a year to ease the pain.. this is very emo I know.. but I can’t find any means of disposing these emotions. You pierced something so deep in my heart and I realized that it was there all along and that’s something that kept me alive the whole time, if I pull it out, I’ll fucken’ die.

I hope that the time will come for me to finally look you straight in the eyes and know for sure that there’s nothing there anymore. I hope that there will come a time when I can finally ask the how are you question without the urge of asking you again if you have been thinking of me the whole time that we were apart.

You were never my type. I never like you in the first place… I hate talking to you but there are just things that defies logic when two souls understand each other even if our hearts can’t.

I wish that this is the last time that I’ll blog about you. I hope this is the last time that I’ll feel this way.

And yes, I have moved on… because that’s the only decent thing that I can say.

-repost, from my other blog Jan 9, 2008.

Notes: I felt really weird reading this. Yet, somehow there’s that feeling of triumph.. that after all that’s been said and done.. finally.. finally..it’s finally OVER.

Well what can I say? You had your chance. 😉

Isang gabing madilim at umuulan..

Nag-iinom sa terasa nila B matapos ang ilang linggong hindi pagkikita.

Kinalikot nya ang aking cellphone.

B: Baket Jacob Black ang pangalan ko dito? (tanong sabay tungga ng San Mig light)

K: (hithit ng yosi) Hindi ko alam.

B: (inabot sa ken ang cellphone) Palitan mo. Hindi ko kilala si Jacob Black.

K: (kinuha ang cellphone at nilapag sa isang tabi) Ikaw nga si Jacob Black, tanga.

B: Baket Jacob Black? Sino ba yun?

K: (buntong hininga) Huwag mo nang itanong. Pero kung gusto mo talagang malaman, pahihiramin kita ng libro ng Twilight Saga.

B: (nagliwanag ang mukha) Huwaw! Ito ba yung super hot vampire na pinag-uusapan nung mga officemates ko?

K: (buntong hininga) Si Edward Cullen yun, tanga!

Panandaling katahimikan.

B: (nakasimangot) Baket hindi ako si Edward Cullen?

K: Baket bampira ka ba?

B: Aaaah.. so normal na tao si Jacob Black?

K: Hindi.

B: Eh ano? (curious ang mukha)

K: Werewolf.

B: Taena ka pala eh.

K:(nainis) Uwi na nga ako.

B: Uwi ka.. wala kang kwentang kainuman.

K: Hindi mo ko pipigilan?

B: I’m so freakin tired. (seryoso)

K: Huwaw! (tonong pang-aasar) Baket? Drama King?

B: Hindi nga, seryoso ako, Kel. Baket ganun? Nakita ko ex ko eh and I sort of feel bad about her. Or maybe.. I felt bad about everything.. of how we end up.. of why we’re not together anymore.. alam mo yun? Do you get me?

K: (saglit na nanahimik) Sinong ex mo ba ang tinutukoy mo? Yung kawayan na may isang dakot na kulot na buhok sa ulo nya?

B: Hahahahaha. Taena mu. Oo sya! Tagal din namin nun no?

K: Oo naman. Pero baket ka nag iinarte?

B: (napailing sabay tungga ng bote ng beer) Tsk.. hindi naman yun eh.  I don’t feel anything towards her anymore.. I mean I still do care for her but not in a way that I care for my present girl. You know what I’m saying? It’s like feeling weird all of a sudden that we’re talking in the same room but she doesn’t have power over me. Gets mo?

K: (buntong hininga sabay dantay ng ulo sa balikat ni B) Haaay.. yeah I know. I know what you mean.  First things first, naniniwala ka ba sa ALIEN INVASION?

B: (tulak sa ulo ko) Pakyu. Seryoso naman ako! Ginaganyan ba kita pag nagda drama ka?

K: (yakap ng mahigpit kahit ayaw nya) Seryoso ako, tanga! Isipin mo parehas lang din yan eh. Nag iinarte ka ng ganyan kasi nagbago na ang lahat sa inyo. Kumbaga, matapos ang lahat ng mga I LOVE YOU, YOU MEAN THE WORLD TO ME at kung ano ano pang palitan ng pang- romansang dialogues nyo dati ay nagtataka ka kung baket nang magkita kayo eh parang napakalayo nyo sa isa’t – isa. Yung tipong nakatingin ka sa parehong tao pero panlabas lang ang nakikita mo.. hindi mo na nararamdaman yung dati. Kumbaga, wala nang bugso ng emosyon. Naisip mo ba? Walang matinong explanation kung baket nag eevolve ang emotions ng mga tao? Kung bakit sa isang saglit eh tipong nafo fall out of love at naiinlove tayo sa iba? Naisip mo bang may posibilidad na sa gitna ng iyong mahimbing na pagtulog eh nadakip ka ng mga UFO at na-altered ang iyong buong pagkatao? Pwede db? Mas madali.. mas madaling isipin na ganun na lang kesa mag-isip ka ng mga bagay na masakit… yung mga dramang.. I’m not good enough.. blah blah blah…

B: (tumayo at nagpagpag ng buong katawan) Ano ba! Taena kung makapulupot ka naman!

K: (smile sabay sindi ng panibagong yosi) Taena.. andami nung in-explain ko ah. Wala kang na gets?

B: Meron! Pero yang dibdib mo naramdaman ko, leche. Lumayo ka nga ng konti! Uupo ako.

K: (umusog pakanan) O ayan! Ang arte mo. Bakla ka ba?

B: (umupo sa tabi ko) Hindi! At lalong hindi kita mamanyakin, huwag kang feeling!

K: Ang arte mo, kino comfort ka na nga eh.

B: (seryoso ulet) So ang tinutumbok mo, yung taong dati kong minahal, wala na ganun? Kinuha na ng mga aliens?

K: Para maging masaya ka.. isipin mo sumama na lang siya kay E.T.

B: (seryoso, lagok ng bote) Ganito ka ba mag-isip pag nasasaktan ka? Na yung taong minahal mo dati wala na? At hindi na babalik?

K: (Cross legged sabay lagok ng Jack Daniels) Hindi. Mas masarap isipin na ang lahat ng tao sa buhay ko ay may expiration date. Yung tipong kahit gusto ko pang kainin eh talagang hindi aabot sa nakalaan na petsa.. yung tipong alam ko na kapag kinain ko pa ay malalason at pwede kong ikamatay. Pagkatapos ng expiration date, hindi ko na pinipilit pa.. kumbaga sa paningin ko.. kahit gustong gusto ko pa syang itago, alam kong hindi na pwede.. dahil sya ay PANIS na. At yun.. ganun.. kaya mabilis akong nakaka move on. Mas madali yun di ba?

B: Eh potah, san nanggaling yung mga aliens?

K: Sa ken din. Pero ibinibigay ko na ang opinyon kong yan sa ‘yo. Ang weird kasi eh. Kaya sa ‘yo na lang. (hithit ng yosi)

B: (buntong hininga) Pwede ba, Kellie, umuwi ka na? Nakakainis kang kausap, solid.

K: (nagtataka) Ayaw mo ng aliens? O sige… papalitan natin.. how about yung–

B: Umuwi ka na, leche!

K: (lapit ulit sabay yakap) Baket ba ang sungit sungit mo? May sense naman db? May sense yung ALIEN INVASION.. ano ba!

B: (malalim na malalim na buntong hininga) Haaaaaaaay.. naku. Juskulord, baket ba naimbento ang mga alienssssss????!!! (tanong sa kawalan)

K: Cheer up, it’s just a phase. Inom na lang tayo…

B: Do I have a fuckin’ choice???!!

Minsan.. hindi kailangang seryoso ka sa mga pananaw sa buhay. Kung pinaglalaruan ka ng tadhana, baket hindi pwedeng paglaruan mo rin ito?